webnovel

14

I'm sipping on my cold lemonade tea while tapping my fingers on our table, thinking deep about something, while Sarah was infront of me busy reading a book she bought near bookstore.

"Can you please stop tapping your fingers on the table? It is creating loud noise, I can't focus reading." she said and i just chuckled and sipped on my cold lemonade tea again and already stopped tapping my fingers.

"Ano bang nasa isip mo ba't ang lalim naman ata? Do you have any probems? You know you can share it to me." she said closing the book and placed it infront of us. I sighed, kapag ganitong seryoso siya, hindi kana talaga makakatanggi. It's either ishashare mo o mag aaway kayo.

"Well, I don't have that big problem, but..." I paused, she raised her eyebrows.

"What is it?" she asked.

Napalunok nalang ako. I don't know if she can understand this one. Sigurado akong kapag naikuwento ko na sakaniya, baka magulo lang ang isipan niya o di kaya tawanan ako.

"I don't know if I should talk this one to you. Sigurado akong maguguluhan ka rito or worse—"

She cut me off, "Just tell me, Sid."

I sighed, giving up. "Okay. Here's what happened. Weird things are actually happening these past few days. Triton and I talked about something, at first I didn't believe him because It was really hard for me to believe on his story. He told me he's not a human and he doesn't really live on earth. Can you believe that?!" I asked almost hesterical.

I'm ready for Sarah's laugh but she didn't laugh. She's just staring at me meaningfully, napalunok siya at kinuha ang libro niya at nagbasa ulit.

Napataas ang kilay ko, "Akala ko ba makikinig ka?"

"I already did."

"What's your opinion about that?"

"Well, maybe he's saying the truth."

"What? It was purely an imagination of him. It was a fiction. I know he's just fooling around—"

"Is he laughing when he told you those things?"

"No, He's not but—"

"Exactly, he's saying the truth."

"Do you have any proofs he's saying the truth, Sarah?"

"I d-don't have."

"Then he's not saying—"

"Do you also have any proofs he's not saying the truth?"

Natigil ako sa pagsasalita sa tanong niya at napatango tango. Oo nga naman, I don't have any proof, pero... Walang ganoong pangyayari na kahit kelan sa mundong ito. Kapag nakaka rinig nga ng salitang maligno ang ibang tao e tinatawanan lang? Ganitong kuwento pa kaya?

Napataas ang kilay ko, "Teka nga, ba't ba pinapanigan mo siya? Meron kabang alam na hindi ko alam, Sarah?" I asked her..

Ngumiti siya sakin and that's when I know she knows something I don't do. Napasimangot ako dahil doon at agad ng tumayo. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. May alam siya, sigurado ako roon.

But... What if Triton and Sarah was saying the truth?

What if meron ngang ibang mundo?

Napailing ako. Triton said more than a thousand year na siyang nabubuhay. How come ganoon parin siya kagwapo? Dapat kung ganoon kana katanda kumukulubot na rin ang kutis niya. Ang unfair ha.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha.

Denver

May competition, sa San Nicolas gaganapin. Sasali kaba? Reply asap para maisulat namin name mo, mamaya na kami mag fifill up ng form.

Napanguso ako, ang dami pang nangyayari ngayon sa buhay ko kaya tumanggi muna ako, eventhough I miss dancing and being with them ob practice pero, uunahin ko muna ang mga kailangan kong tapusin.

Pupunta sana ako sa canteen ng makitang lumabas mula sa exit sina Triton at Desiree, they look good at each other, they were laughing habang nag uusap. Napataas ang kilay ko. Aba talaga nga naman, noong isang araw lang grabe maka sabi sakin ng please choose me, i love you Yveon ngayon may kasama ng iba?

How dare him! Ilang araw niya ring ginulo ang isip ko sa sinabi niya, ilang araw niyang ginulo ang isip ko sa mga pangyayari. May pa i love you pa tapos ang landi landi kapag nandiyan na si Desiree?

Napailing ako. Grabe nga naman talaga ang mga lalaki.

"What are you doing?" gulat akong napatingin sa lalaking ngayon ay nasa likod ko. Hands on pocket, playful eyes with two eyebrows up, a little bit curve on his lips.

"Who are you?" I asked.

He chuckled. Wait... He's familiar.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang insidente sa canteen. Woah, he's that guy na nakabunggo ko. He looks really the same, playful bad boy vibes.

"I'm hungry, samahan moko. I wanna eat." he said at agad na nagtungo sa loob ng canteen. Sumunod nalang rin ako.

Nag order lang siya at pagkatapos ay lumabas rin.

"Let's find a place where we could easily eat and talk." he said kaya tumango nalang ako. Nag lakad siya at sumama nalang ako.

Nagtungo siya sa sunken garden and there I saw Triton and Desiree, eating while laughing and talking. They look so happy huh?

"Let's eat and talk here." he said while grinning at me mischieviously.

Naupo nalang ako at agad niya akong binigyan ng isang coke at sphagetti.

Binuksan niya ang isang styro at hinalo ang sphagetti baka kumain, "Wow! Humans food were—" napa tigil siya sa pagsasalita

Binuksan niya ang isang styro at hinalo ang sphagetti baka kumain, "Wow! Humans food were—" napa tigil siya sa pagsasalita ng maramdamang nakatingin ako sakaniya.

"Uh, hahahaha! I mean, this food is really good, ang gagaling gumawa ng pagkain ng mga katulad nating tao hahahaha!" napakunot ang noo ko sakaniya.

This guys is weird.

Napatingin ako sa direksyon nina Triton and there i saw him talking to her happily. Nagawi ang tingin niya sakin at agad ko siyang inirapan. Bahala siya sa buhay niya. Paasa siya.

"Who's that guy?" he asked.

"I don't know him. He's just a nobody. Don't mind him." i said and also started eating my foods.

He chuckled kaya napatingin ako sakaniya at napataas ang kilay ko, "Talaga lang ha?"

"Oo. Talaga lang, kumain kana nga lang diyaan." saad ko sakaniya.

Ngayon lang kami nagka usap ng ganito ng taong 'to pero napaka comfortable ko sakaniya.

"Ano ba yan, ang dami mo ng nakain tapos kinuha mo pa yang last na siomai?!" sigaw nito sakin kaya inirapan ko siya.

"Sino ba kasi nagsabing isama moko? Kung isasama moko tiyakin mong papakainin moko!" sigaw ko naman sakaniya pabalik.

Ngumuso ito at ipinaubaya na sa akin iyon kaya mabilis ko iyong kinuha at kinain. Pagkatapos ay nakita ko siyang nakasimangot habang nakatingin sa akin.

"What?" angil ko rito.

Mas lalo siyang napasimangot, "Napaka dumi mong kumain! Tignan mo nga ang mukha mo. Para kang bata!" sigaw niya sa akin, natatawa kong pinunasan ang left side ng labi ko. Para kaming bata rito, sigaw kami ng sigaw. Kami lang ang maingay.

"Hindi diyan, sa kabila. Akin na nga!" tinapik niya ang kamay ko at kumuha siya ng tissue atsaka siya ang nagpunas doon.

"Aray!" napatingin ako sa gawi nina Triton ng makarinig ng ganoong sigaw. Agad kong nakita si Desiree na nadapa habang naglalakad sila ni Triton. Napataas ang kilay ko, sobrang clumsy naman ng babaeng ito.

"What happened? Are you okay?" tanong naman ng malanding two timer na si Triton sabay luhod at tulong kay Desiree.

"Oh my god! My knees, it is bleeding! Mamaya magka roon ito ng pasa. What should i do?!" nag hihisterikal na tanong nito.

"Hindi naman masyadong masakit yan, ah." bulong ko sa sarili ko habang nakasimangot na nakatingin sakanila.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Triton sa kaniya.

"No e. Can you carry me nalang?" she said kaya agad akong napangiwi. Aba, ang babaeng ito sumusobra na ah!

Bago pa man ako makatayo ay nauna ng tumayo ang lalaking nasa gilid ko, "Ako na ang bubuhat sakaniya papunta sa clinic, samahan mo muna ang babaeng yon." saad nito kay Triton kaya agad nanlaki ang mata ko.

Anong sinasabi niya?

Napatingin sa akin si Triton kaya agad akong napaiwas ng tingin at napa simangot. Nakakainis. Naiinis ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Triton na ngayon ay nasa harapan ko na. Umupo ito sa tabi ko.

"Siyempre, ayos na ayos ako. Ba't nandito ka? Dapat samahan mo si Desiree, malay mo hindi masyadong malakas iyong lalaking bumuhat sakaniya? Kailangan niya ng tulong mo, dapat kung ganoon siguraduhin mong maayos siya." saad ko rito, hindi parin makatingin sa mata nito na alam kong ngayon ay nakatitig na sa akin.

Narinig ko ang pag tawag niya, "Are you kidding me? Wait, Nag seselos kaba?" he asked kaya agad akong napatingin sakaniya at tinaasan siya ng kilay.

"No! Why would i?"

Napangisi siya, "Talaga?"

"Oo, Sino kaba sa tingin mo? Alam mo naman siguro kung sino ang gusto ko hindi ba? Si Grant ang gusto ko, kaya kung puwede ba umalis kana sa harapan ko at sumama kana sa babae mo!" saad ko, sumeryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Si Grant parin? Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko hindi?" saad nito at dahan dahang lumapit sa akin kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Bakit pakiramdam ko..." tumigil ito ilang inches ang layo sa mukha ko, "Ako na ang gusto mo?"

Napasinghap ako dahil doon. Napaka lakas ng pintig ng puso ko, ganito iyon, ganito iyong nararamdaman ko kay Grant dati. Ito yung hinahanap ko kapag nasa gilid ko na si Grant, na hindi kona maramdaman, na kay Triton ko nalang nararamdaman.

Agad akong lumayo sakaniya at napa iwas ng tingin, "A-Ano bang pinagsasabi mo riyan? H-Hindi ah! Hindi nga kita type e. Napaka weird mo. Sa tingin mo magkaka gusto ako sa lalaking sinasabi sakin na sa ibang mundo siya nakatira?"

"I'll wait for the right moment, maiintindihan mo rin. Maniniwala ka rin sa akin. But for now, let's stay like this. I wanna spend the rest of my days here with you. Wanna come with me?" he asked kaya agad akong napasimangot.

"Kanina lang ang sweet niyo ng babae mo, tapos ngayon ako na ang inaaya mo? Two timer ka."

Natawa ito, "Kanina? Hindi naman kita kasama kanina kaya paanong naging sweet kami ng babae ko?" saad niya kaya mas lalo akong napasimangot para itago ang kilig na nararamdaman ko. Grabe, magaling siyang bumanat! Dapat pala nag search din ako sa google ng mga rare na banat pero malakas ang tama.

"B-Bahala ka."

"Iisa lang ang babae ko. Sa tingin mo, kanina ba ako nag i love you noong isang araw?" tanong niya kaya agad akong napalunok.

"Sa akin." sagot ko.

"Exactly, sayo. Sayo ako nag i love you, kaya ikaw ang mahal ko, maliwanag ba?"

Napalunok ako. Teka, bakit parang ang bilis naman ata? Paano niya nakakayang mag confess ng gani ganito lang? Ang daya, sobrang daya!

"May subjects kapa ba?"

"Wala na."

"Sigurado ka?"

"Oo, wala na." saad ko.

"Oo nga pala, sino iyong lalaking nasa gilid mo kanina? Iyong kausap mo? Sweet niyo ah, may pa punas pa sa gilid ng labi mo, sarap sapakin." saad niya kaya agad ko siyang tinignan at sinapak sa braso nito.

"Aray, masakit yon ha!"

"Eh bakit kayo ni Desiree? May pa tawa tawa pa kayo. Sabay pa nga kayong kumain e!"

"Nagpaturo lang yong tao sa akin sa isang subject. Sino ba naman ako para tumanggi? Tapos noong naturuan ko na, inaya niya akong kumain, treat niya raw e. Mas masarap kapag libre."

"Talaga lang ha?"

"Oo, sabihin mo muna sakin. Nagseselos ka sakaniya? Nagseselos ka no?" tanong nito kaya mas lalo ko siyang sinapak.

"Aray, pangalawa na yon!"

"Aangal ka?"

"Hindi, pero bawat sapak dapat may kapalit."

"Ano?" tanong ko rito.

Ngumisi ito sabay pikit ng mata sabay nguso ng labi. Napangiwi ako at agad na pinitik ang labi niya. Napadilat siya at pabirong tinakpan ang labi niya.

"Grabe, sinasaktan mo na ako e wala pa ngang tayo. Paano nalang kapag meron na? Bugbog sarado siguro ako sayo? Pero ayos lang, mabuti nalang mahal kita. Isang halik nga diyan." Napatayo na ako at agad na hinampas siya kaya natatawa siyang tumayo rin at sinundan ako sa paglalakad.

"Wag kang lalapit!"

"Bakit hindi? Ayaw mo na ba sakin?" saad nito habang nakanguso kaya agad akong napangiwi. Hindi ko na alam na ganito pala siya kaclingy.

"Ayoko! Bahala ka riyan!" agad akong tumakbo at natatawa rin itong tumakbo para habulin ako. Halos ang lahat ng nakakakita sa amin ay napapa ngiwi at ang iba ay natatawa.

"Mahal, bumalik ka rito! Alam mo namang ikaw lang ang pakakasalan ko!" sigaw nito kaya mas lalo lang ako nagtatakbo. Nakakahiya.

"Lubayan moko peste ka! Papatayin kita kapag nilapitan moko!"

"Pagod na akong tumakbo! Tama na yan, may plano pa ako para sa atin ngayong araw. Magpunta tayong timezone!" sigaw nito kaya agad akong napahinto sa pag takbo at napatingin sa kaniya.

"Timezone?"

Lumapit ito sa akin, "Oo. Mag date tayo."

"Date?!"

"Oo, bat parang gulat na gulat ka? Ayaw mo? Edi wag, choosy ka e!" saad nito kaya agad ko siyang tinadyakan sa paa at natatawa itong napa hawak sa kaniyang paa.

Lumapit ito sa akin at agad akong inakbayan para maglakad. Napangiti ako, eto yong hinahanap ko kapag mag kasama kami ni Grant. Eto yong nararamdaman ko parati kay Grant noon na hindi ko na maramdaman ngayon, pero nararamdaman ko na kay Triton. Mas malala pa nga ata e.

"Biro lang. Anong gusto mong kainin? Restaurant tayo o street foods?" tanong nito.

"Gusto ko ng fruits." saad ko rito.

Nang makabalik kami sa puwesto namin kanina, binuhat niya ang mga gamit niya at gamit ko sa isang kamay niya at inakbayan ako sa kabilang kamay niya.

"Anong prutas ba ang gusto mo?" tanong niya.

"Kahit ano basta prutas."

"Sorry pero di afford ng budget ko. Mag prutas ka mag isa mo." saad nito kaya agad ko siyang sinimangutan at agad ako nitong tinawanan.

"Joke lang, eto naman. Aayain ba kitang mag date ng wala akong ipon? Malamang meron. Kayanga tayo mag tatime zone. Maglaro tayo tapos kapag natalo moko sa mga laro libre kita tapos kapag natalo kita libre moko. Ano deal?"

Natatawa ko siyang tinignan, "Deal. Tara na!"

Sumakay kami ng tricycle papuntang time zone, pagka dating namin doon agad kaming nagbayad para sa tokens namin. May trenta kaming coins kaya marami kaming malalaro.

"Dito tayo!" sigaw ko sakaniya sa basketball na machine. Tumango siya at agad kaming pumuwesto sa pang dalawahan. Nang mag start iyon ay shoot lang kami ng nag shoot. Noong una ay nanalo ako, pangalawang laro ay natalo ako, at pangatlong laro ay nanalo ako.

Tawa ako ng tawa dahil puro hindi pumapasok ang mga shoots niya.

"Naka tiyamba ka lang! Isa pa!" sigaw nito kaya agad ko siyang tinanguan at naglaro ulit kami. Sinimangutan ako nito ng matalo ulit siya. Umalis kami roon at nagtungo sa isang dance machine. Nag hanap ako ng puwedeng sayawin, sabi niya mauna raw ako at siya ang susunod na sasayaw.

Plinay ko ang highlight na kanta ng seventeen pagkatapos ay sinimulan iyong sayawin. Napatingin ako kay Triton na seryosong vinivideohan ako habang sumasayaw ako. Ang iba rin ay napapatigil at pinapanood ako. Inenjoy ko lang dahil iyong sayaw na yon ang isa sa mga paborito kong sayawin.

Nang matapos akong sumayaw ay hindi ko inaasahan ang pag palakpak ng iba na naging dahilan ng pagkuha ng atensyon ng iba. Napangiti ako sakanila at yumuko bago lumapit kay Triton na ngingiti ngiting nakatingin sa akin.

"Napaka galing, nakaka proud ka naman. Pakiss nga isa lang." saad niya kaya agad ko siyang inirapan, "Biro lang." saad niya at nag labas ng isang panyo para punasan ang pawis ko sa noo ko.

"Sumayaw kana rin! Sabi mo sasayaw ka pagkatapos ko!" saad ko sakaniya.

"Hindi ako marunong, sinabi ko lang yon para makita ulit kitang sumayaw. Medyo matagal narin noong huli kitang makitang sumayaw e."

"Noong dinadala kita sa practice?"

"Hindi, hindi iyon ang huli."

"Ha? Paanong hindi?"

"Basta, hahaha!"

Napanguso nalang ako at inaya siyang maglaro ulit doon sa machine na kukuha kami ng teddy bear gamit iyong control na iipit sa bawat bear. Nakaka ilang ulit siya ay wala kaming nakuha.

Sumubok rin ako pero wala talaga.

"May daya ata to e!" saad niya at natatawa ko siyang vinideohan habang seryoso ito sa pagkuha ng mga teddy bears and stuff toys doon.

Naiinis itong napahawak sa bewang niya ng mahulog ulit ang isang stuff toy na nasa control na, "Magkano ba ang machine nato? Bilhin ko na ng buo!" sigaw nito kaya agad ko siyang hinila patungo sa iba pang laro.

Nagtungo naman kami sa isang kuwarto kung saan kakanta kami. Kung ano ano lang ang kinanta namin. Nainis pa nga ako kasi may pa sabi pa siya ng 'ang kantang ito ay dedicated sa taong pinaka mamahal ko' sabay kanta ng happy birthday.

"Atleast maganda boses ko. Para talaga sayo yon."

"Para sakin tapos happy birthday?"

"E iyon lang kaya kong kantahin e. Wag kang mag alala, aaralin ko rin paano kantahin iyong abcd para iyon ang kakantahin ko sayo sa susunod." saad nito kaya agad akong napa iling.

Pagkatapos doon ay nag decide kaming kumain na dahil mag hahapon na. Nag tungo kami sa isang restaurant tapos nag order ng fruit salad at vegeatable salad.

Sa akin ang fruit sakaniya ang vegeatable. Pagkadating ng pagkain namin ay agad kaming nagsimulang kumain.

"Nag enjoy kaba?" tanong niya sabay subo ng pagkain niya.

"Oo naman, sobra. Thank you."

"Sinong gusto mo? Ako o si Grant?" tanong nito sabay ngisi.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko, akmang iinom ako ng kinuha niya ang inumin ko at ininom iyon, "Sagutin mo ang tanong ko. Ako o si Grant?" tanong niya, napatingin ako sa bowl ng pagkain ko at kakain na sana ng kunin niya ito at mabilisang kinain lahat ng laman kaya napasimangot ako.

"Sagutin mo muna ako." saad niya.

Napanguso ako, "I-Ikaw."

"Ano? Hindi ko marinig."

"Ikaw ang gusto ko." saad ko dahilan para mas lalo siyang mapangiti.

Kumuha siya sa pagkain niya at itinapat ito sa bunganga ko, ngumanga ako at hinintay ang pagdapo ng pagkain sa bunganga ko kaso naiinis ko siyang sinapak ng siya rin lang ang kumain non.

"Nakakainis ka!"

"I love you too."

Sumimangot kami at sabay rin lang kaming natawa.

Oo na, hulog na hulog na. Ikaw na, Triton. Ikaw na ang gusto ko. Final na.

Chương tiếp theo