"Anak, ayusin mo naman ang neck tie mo. Gawin mong presentable ang sarili mo hindi yung para kang naghahanap ng away." saad ni Mama, lumapit ito sa akin at marahang inayos ang neck tie ko. Napasimangot ako sa sinabi niya, hindi lang talaga ako marunong magsuot at mag ayos ng neck tie, atsaka mukha ba talaga akong naghahamon ng away?
"Oh, ayan. Mas maganda ng tignan." ani ni Mama, pinagpag nito ang uniform ko kapag katapos niyang ayusin ang neck tie ko.
"Si Daya, naka ayos na ba siya, Mama?" tanong ko sa kanya, binuksan nito ang pintuan at agad naman akong lumabas doon at sumunod si Mama.
"Ewan ko doon, ginigising ko kanina kaso ayaw magising, tulog mantika talaga. Puwede namang mauna kana at ako na ang bahala sa kapatid mo, hindi na bago ito." ani niya na siyang tinanguan ko, agad akong kumain at agad ring umalis.
Pagkadating ko sa eskuwelahan ay agad akong nagtungo sa room namin. Kaunti pa lang naman ang nandoon kaya agad na akong nagtungo sa pinakalikod kung saan na assigned akong umupo at agad na umupo.
Nakakainis lang kasi palagi akong nasa hulihan, wala naman akong pake sa seating arrangements pero sa recitation meron! Inuuna ba naman ang Z to A kaya malamang ako ang pinaka una, V ang first letter ng surname ko at wala namang may apelyedo sa mga kaklase ko ang mas hihigit pa sa unang letra ng apelyido ko.
Nag vibrate ang cellphone ko at agad na tinignan ang nag text, si Sarah iyon, ang kaibigan kong babae.
Sarah.
Malapit na ako sa school, hintayin moko sa gate, please.
Nailing ako at hindi na nagreply, tumayo na ako at agad na dumiretso papunta roon. Nanlaki ang mata ko ng makitang makakasalubong ko si Grant, naglalakad ito patungo sa room with his usual poker face, hands on pocket at ang lollipop na nasa bunganga nito.
Napalunok ako ng malapit na ito sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo ay nakikipag karera. Anong gagawin ko, mag hello ba ako? Pero paano kung isnobin ako nito? Napanguso ako at agad na naglakad, mag hello ako sa kanya, bahala na kung papansinin o hindi, basta triny ko.
"Hello, Grant. Goodmorning." bati ko rito habang nakangiti, nagpatuloy lang ito sa paglalakad na akala mo walang narinig kaya wala akong nagawa kundi ang ibaba ang kamay kong winagayway ko at tinignan siyang pumasok sa room, rinig na rinig ko pa ang tilian ng ibang babaeng naroon sa loob.
Tumalikod na ako at nagsimulang mag tungo sa gate para hintayin si Sarah. Mga ilang minuto lang ay dumating narin siya.
"Hello, Sid. Ang aga aga busangot ang mukha mo." natatawang ani nitong lumapit sa akin, itinaas nito ang kamay at nakipag apir atsaka ako nito inakbayan at agad na nagsimulang maglakad patungo sa classroom.
"What's the matter?" tanong nito sa akin. Napabuntong hininga ako at dahan dahang umiling.
Si Sarah ang kaibigan ko since grade eight, lumipat siya rito sa school na'to at agad rin kaming naging close. Mas maganda siya siyempre kumpara sa akin. Natural na kulot ang kalahating buhok nito, matangos ang ilong, maliit at manipis na labi at maamong mukha. Hindi rin nagkakalayo ang tangkad naming dalawa.
Kinurot nito ang tagiliran ko ng hindi ako nagsalita, "Grant again? Did he ignored you?" tanong nito sa akin, bukod sa maganda siya ay mayaman rin. Puro mga designer ang bag nito, ang make up at mga damit, hindi ang uniform dahil kelangan naming bilhin iyon sa eskuwelahan.
"Oo. As usual, hindi ako tinignan at hindi ako grineet pabalik." saad ko rito at agad itong napangiwi. Ginamit nito ang dalawang daliri para ipakita ang ngiti sa labi ko.
"Ngumiti ka nga, para kang pato riyan. Hindi bagay sayo." natatawang ani nito at agad na hinila na ako para makapasok na kami sa classroom.
Pagkapasok ng classroom ay marami narin ang mga estudyante sa loob. Umupo si Sarah sa harapan at ako naman bumalik na sa usapan ko. Napatingin pa ako sa gawi ni Grant bago tuluyang umupo. Agad kong napansin ang napakaraming regalo sa bakanteng upuan na katabi ng upuan ni Grant, sigurado akong mga regalo iyon ng mga fangirls niya.
Ano kayang feeling ng napakaraming nagkakagusto sayo? Napakaraming nagmamahal sayo tapos napakaraming nagbibigay ng atensiyon sayo?
Ang sarap siguro sa pakiramdam, at mahirap rin.
"Where's Sid?" napatingin ako sa pintuan ng may bumanggit ng pangalan ko. Napakunot ako ng noo at agad akong itinuro ng mga kaklase ko.
Lumapit sa akin ang lalaking estudyante sa Grade twelve at inilapag ang box sa harapan ko. "May nagpapabigay sayo. Wag mo nang itatanong kung anong pangalan niya, hinding hindi ko sasabihin." tinignan ako nito sa mata ng mga ilang segundo bago umalis.
Ang isang 'yon, kahit kelan ang weird niya para sa akin. Pumupunta ito sa room twice a week para magbigay ng regalo. Kung hindi bagay ay pagkain, kung hindi pagkain ay flowers, palagi niyang sinasabi na may nagpapabigay. Noong una ay pinipilit ko siyang sabihin na sa akin kung sinong nagbibigay pero ayaw talaga nitong sabihin.
Dalawang information lang ang alam ko sa kanya, Raphael Sabante ang buong pangalan niya at weird siyang tao. Naiiling na tinignan ko ang maliit na box, ano naman kaya ang laman nito?
Dumating ang teacher at agad itong nagsimulang magturo, bago matapos ay sinabon pa ako nito ng mga tanong na hindi ko naman nasagot. Bakit daw minsan lang ako nagpapakita at absent ako ng absent. Maaapektuhan na daw non ang grades ko na ayos lang naman sa akin, basta makapasa kahit may lawit.
Habang nasa kalagitnaan kami ng discussion ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi ni Grant. Nagulat pa nga ako ng makitang nakatingin ito sa akin habang nasa bunganga nito ang lollipop, kahit kelan ang hirap basahin ng nasa isip niya.
Sa sobrang seryoso ng tingin niya sa akin hindi ko magawang titigan siya pabalik kaya napalunok nalang ako at umiwas ng tingin.
Always kong sinasabi sa sarili ko na kapag nagkikita kami igegreet ko siya, pipilitin kong maging close kami pero kapag nasa harapan ko siya hindi ko na magawa. Nauunahan agad ako ng hiya.
"Sid, tara sabay tayong mag lunch." aya sa akin ni Sarah na agad ko namang tinanguan. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ko na sa balikat ko, kinuha ko ang box na binigay ni Raphael at agad na naglakad kasama si Sarah.
"Ikaw ha, talagang umaasenso na 'yang sekretong manliligaw mo." saad nito sa akin na ikinatawa ko at ikinailing ko.
"Sira, hindi naman nanliligaw 'yong taong nagbibigay nito."
"Pero, sa tingin mo hindi ba ang weird naman? Ilang months ka na niyang binibigyan ng mga regalo. Sa tingin mo sino kaya ang nagpapabigay?" tanong niya sa akin na siyang ikina kibit ng balikat ko.
"Ewan, wala akong maisip na posibilidad kung sino ang magbibigay ng ganito sa akin."
Tumingin ito sa akin ng nanlalaki ang mata, "Hindi kaya si Raphael din lang ang nagbibigay? Sinasabi niya lang na may nagpapabigay para may lakas ng loob siyang ibigay sayo yung mga regalo?" tanong niya sa akin.
Agad akong umiling, "Sa tingin ko hindi siya, atsaka ba't naman niya ako bibigyan ng mga regalo?"
"We don't know. What if gusto ka niya? What if type ka niya?"
Napailing ako rito at agad na nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Habang naglalakad patungo sa canteen ay nagulat ako ng bigla nalang sumulpot mula sa likod si Grant, kinuha nito ang hawak kong regalo at pinalitan iyon ng isang regalo.
"That's much more better than this one." ani nito habang nakataas ang isang kamay hawak ang ibinigay na regalo kanina sa akin ni Raphel, tumingin ito ng seryoso sa aking mata bago naunang naglakad patungo sa loob ng canteen. Tulala ko itong tinignan habang nakanganga, i don't mind kung maglaway pa nga ako. Anong nangyari?
"What was that? That's weird of him." naiiling na ani ni Sarah sa tabi ko.
"Hindi ko rin alam. Ano kayang pumasok sa isip niya?" bulong ko sa sarili ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, "Minsan gusto kong isipin na pa fall ang taong 'yon." nakangiwing ani ni Sarah sa tabi ko. Totoo ang sinasabi niya, kung minsan naiisip kong pa fall ito, o di kaya trip lang nito ang ginagawa o pinaglalaruan ako. Ewan, hindi ko alam, sobrang hirap basahin ng nasa isip niya.
"Tara na nga at kumain na lang tayo. Nagugutom na ako." ani nito at agad akong hinila papasok sa loob ng canteen.
Bumili kami ng rice, saging, menudo at isang coke. Parehas kami ng inorder pagkatapos ay naghanap kami ng puwedeng upuan. May isang upuan malapit sa bintana kaya agad kaming umupo roon.
Pagkaupo palang ay hinanap na ng mata ko si Grant. Agad ko itong nakita sa isang lamesa na medyo malapit sa amin. To my surprise ay nahuli nitong nakatingin ako sa kanya kaya agad akong umiwas ng tingin at nagsimula ng kumain.
"May gagawin ka ba mamayang uwian ng hapon?" tanong sa akin ni Sarah sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Tumango ako sa kanya, "Hindi ako makakapasok mamayang hapon. May kailangan akong gawin." saad ko atsaka uminom sa coke.
Napanguso nito at naiinis na tinignan ako, "Always kang hindi pumapasok ng hapon. Ano nanamang excuse mo? May sakit ka, o may pilay ka?" napa buntong hininga ito atsaka tumigil sa pagkain, sumandal ito sa kanyang upuan at pinakatitigan ako.
"Alam mo, Sid, 'yang pagmamahal mo sa pagsasayaw sumusobra na. You should prioritize your study first before that. Anong balak mo sa buhay mo? sumayaw hanggang sa matanda kana? Grow up, Sid. Kaya laging napapatawag si Tita ng dahil diyan sa kabalbalan mo." saad nito atsaka nagpatuloy na sa pagkain.
Napaisip naman ako at hindi nalang nagsalita. Sumusobra naba talaga ako? Pero, ito kasi talaga ang gusto kong gawin, ito ang pinaka gusto ko. Dito ako masaya, hindi naman masayang mag aral, except sa makasama si Sarah at makita palagi si Grant.
"Kumain kana nga lang. Alam ko namang hindi ka makikinig sa akin kahit pa sabihin kong magpahinga ka naman at lumiban diyan sa pagsasayaw mo kahit minsan man lang." malungkot na saad nito na siyang ikinatawa ko.
"Ano kaba, Sarah. Alam mo namang dito ako masaya diba? Parte na ng buhay ko ang pagsasayaw." hinawakan ko ang kamay nito para kumbinsihin ito pero umiling lang ito at tinapik ang kamay ko.
"Alam kong parte na 'yan ng pagkatao mo, pero isipin mo naman Sid. Nalalason kana ng pagmamahal mo riyan sa pagsasayaw mo. That's not good anymore, Sid. Mas mabuti parin iyong priority ang study at kapag may free time go ka sa pagsasayaw, kapag walang pasok o di kaya'y bakasyon ay puro pagsasayaw na ang inaatupag mo. Give some time to study, para rin naman sa kinabukasan mo 'yon." mahabang anas nito.
"Wala ka ba talagang balak mag seryoso man lang sa studies mo? Kung marunong ka lang sanang mag hati hati ng oras mo, edi walang problema." ngumuso ako at napakamot sa batok.
"Maghati ng oras ko? Papaano? Gusto kong malaman, baka makatulong." saad ko, trying to lighten up her mood. Sigurado akong naiinis na ito sa akin.
"Kapag may pasok, pumasok ka. Kapag walang pasok, mag practice ka. You can practice naman pagkatapos ng uwian ng hapon, sakto pa dahil maaga tayong umuwi." saad nito na ikinatango ko.
"Oo na, magpapa alam ako kay Kuya Zhed kung puwede. Wag ka ng magtampo."
Napatingin ito sa akin at umirap, "Im not, wala akong pake kahit bumagsak ang grado mo. Kahit maging repeater kapa, hindi ko na kasalanan 'yon." binelatan ako nito na siyang ikinatawa ko.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami para umalis. Napatingin ako sa puwesto ni Grant kanina ngunit wala na siya roon.
"Maaga pa para sa first subject natin ng hapon, shopping muna tayo." aya sa akin ni Sarah na agad ko namang tinanguan.
"Sure. Mag papa alam lang ako kay Kuya Zhed." saad ko na siyang tinanguan niya. Inilabas ko ang phone ko at nag chat sa gc.
Kuya Zhed, malalate po ako sa practice mamaya. May klase po kasi ako.
Pagkatapos ay agad ko ring ibinalik ang cellphone ko at binalingan si Sarah, "Tara."
Ngumiti ito, "Let's go. Don't worry, ililibre kita." saad nito na siyang ikinatango at ikinangiti ko. Wala naman sigurong tatanggi sa libre hindi ba? depende sa sitwasyon.
Sumakay kami sa kotse nila at ipinagdrive pa kami ng driver. Pagkarating namin sa Mall agad kaming bumaba at pumasok sa loob.
"Doon muna tayo sa clothing section. Gusto ko bumili ng bagong clothes ko, pati ikaw pumili kana rin. I don't mind kahit ilan pa kunin mo, sagot ko na." hinila na ako nito papasok. Naghiwalay kami at tumingin ng sarili naming gusto.
As usual, puro black and white clothes ang pinili ko. Kung hindi oversized black shirts ay puro pants ang binili ko, bumili rin ako ng mga chains dahil mahilig ako roon. Kumuha rin ako ng ilang damit para kay Mama at Daya.
Mabilis na natapos ang pag shoshopping namin. Iniwan na muna namin lahat ng nabili sa kotse niya. Matapos non ay pumasok kami para sa tatlo pang subjects. First subject para sa hapon hanggang sa matapos ay wala si Grant na siyang pinagtataka ko.
Baka may kailangan siyang gawin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi in private nag aaral si Grant. Marami ng nakakakilala sa kanya kaya mahirap iyon. Paano kung dinumog nalang siya bigla ng mga fans niya? Mga bodyguards man lang ay walang umaaligid sa kanya.
"Thank you, Sarah. Kita nalang tayo sa school bukas. Mag text ka kung nakauwi kana, okay? Mag ingat kayo." kumaway ako rito at ngumiti naman ito sa akin, bumaling ako sa driver.
"Kuya, mag drive kayo ng maayos. Ingat po kayo sa daan." tumango sa akin ang driver at ngumiti.
"Sige, mag tetext nalang ako. Goodbye, Sid. Goodnight!" ngumiti ito at isinara na ang pintuan ng kotse nila atsaka umalis na.
Ako naman agad akong nagtungo sa loob ng bahay. Kumatok ako sa pintuan at agad rin namang bumukas iyon at bumungad sa akin si Mama.
"Himala at galing ka nga sa klase mo, Sid." bumaba ang tingin nito sa aking hawak, "Ano ang mga iyan?" tanong sa akin ni Mama.
"Nag aya pong mamili si Sarah, Mama. Sabi niya pumili rin ako at siya ang magbabayad kaya pumili ako ng mga damit ko, kinuhanan ko rin kayo ni Daya ng damit." ani ko at inilapag sa couch ang mga shopping bags.
"Nasaan nga pala si Daya?" tanong ko kay Mama, kapag umuuwi kasi ako agad iyong magpapakita sa akin at aasarin agad ako, pero ngayon wala ito.
Tinanggal ko ang uniform ko hanggang sa maiksing short nalang ang natira at manipis na sando.
"Nandoon sa kusina. Sige na, magtungo kana rin doon at kumain na." tumango ako at agad na nagtungo doon.
Nagulat ako ng may makita akong isang lalaking nakatalikod. May bisita pala kami ngayon? Napansin ko ang kapatid kong nakangiting nakatitig sa lalaking kumakain kaya nangunot ang noo ko. Inilapag ko ang bag ko at agad na umupo roon.
Pagkatingin ko sa lalaki ay nanlalaki ang matang tumayo ako, "Ikaw. Anong ginagawa mo rito?!" malakas na sigaw ko rito.
Tumigil ito sa kanyang kinakain at nag angat ng tingin. Nanlaki rin ang mata nito, "Hillow!" napangiwi ako sa pagbati nito sa akin. Wag mo sabihing simpleng he-ll-o lang hindi pa nito alam?
"Ba't ka ba sumisigaw, anak? Umupo kana nga riyan sa upuan mo. Wag ganyan ang pakikitungo mo sa kanya. Dapat nga ay magpa salamat pa tayo sa kanya." saad ni Mama atsaka naupo sa tabi ni Daya na ngayon ay nakangiwi nang nakatingin sa akin.
"Anong problema mo, ate?" tanong sa akin ni Daya.
"Bakit, Ma. Ano bang nangyari?" tanong ko rito at hindi na pinansin pa si Daya. Sinimangutan lang ako nito sa hindi ko pag pansin sa kanya at bumalik na sa pagtitig sa lalaking ngayon ay bumalik na sa pagkain niya.
Para siyang hindi nakakain ng ilang araw at ngayon ay gutom na gutom, para siyang baboy kumain.
"Nagpunta ako ng palengke para bumili, tapos noong pabalik na ako dumaan ako sa park. Nagulat ako may humablot ng wallet ko, sigaw ako ng sigaw noon para sa tulong tapos nandoon siya at tinulungan ako. Nagulat nga ako na napaka kisig at galing pala niya sa pakikipaglaban, ang sabi niya sa akin ay wala siyang matitirhan at wala siyang maalala sa kung saan siya galing at anong pangalan niya kaya ang sabi ko dito na muna siya sa atin, pansamantala. Mukha namang hindi siya gagawa ng masama." mahabang litanya ni Mama.
Napatingin ako sa kanya at napatingin rin ito sa akin. Nag iwas ito ng tingin at agad na kumain ulit.
"Kahit dito na siya sa atin ng sobrang tagal, ayos lang sa akin." naka ngiting ani ni Daya kaya agad ko itong binato ng nakuha kong rice ball at agad rin itong nagsumbong kay Mama.
"Tumigil nga kayong dalawa. May bisita tayo rito." saad ni Mama.
"Ang bisita, maya maya lang ay aalis na. Siya, dito na titira." naiinis na saad ko. Nagsimula akong magsalin ng pagkain ko sa aking plato.
Nagulat ako ng batukan ako ni Mama, "Kumain kana nga lang diyan. Bahay ko 'to kaya ako ang masusunod. Pakitunguhan niyo siya ng maayos kung hindi kayo ang palalayasin ko." banta sa amin ni Mama.
"Yes. It's my pleasure." si Daya.
Napangiwi ako, "Kami ang anak pero kami ang palalayasin. Seriously?" bulong ko sa sarili ko habang kumakain.
"Simula ngayon, tawagin niyo siyang Triton. Treat him as your brother too. Ang ganda nga ng napili kong name." pumapalakpak na ani ni Mama. Napatingin ako rito at inirapan.
"It doesn't even suit him. Triton is a cool name, and he's not." angil ko dahilan para batukan ulit ako ni Mama.
Tumigil ako sa pagkain at uminom ng tubig. Hinarap ko ito habang busy ito sa kanyang kinakain, "Wala ka ba talagang maalala?" tanong ko rito.
Natigil ito at uminom ng tubig, "W-Wala. Wala talaga, seryoso ako. Wala." ani nito at nag iwas ng tingin.
"You can't even remember your name? How come?" tanong ko rito.
"Ate, tinatakot mo siya!" saad ni Daya, inirapan ko lang ito kaya mas lalo itong nainis.
"Ano?... Anong sinasabi mo?" kumunot ang noo nito at napakamot sa kanyang batok, "Pasensya na, hindi ako nakakaintindi ng ing-liysh." ngumiti ito sa akin na ikinairap ko.
"Kumain kana nga lang. Sa taas na ako, Mama. May practice pa ako." saad ko at agad nang umalis roon.
"Teka, yung kinakain mo hindi pa naubos." sabi ni Mama ngunit hindi ko na pinansin iyon at nagtungo na sa aking kuwarto para magpalit.
Treat him as our own brother?
Seriously?