webnovel

Dawn

She felt weird walking with a stranger.

Kanina kasi ay nagpumilit itong magpasama para nga makita ang bestfriend nyang si Audrey. Hindi nya magawang mapatingin sa kasama nya, and she was stiff like a rock. Kinakabahan sya sa lalaking kasama nya. Madami na kasi syang naiisip na masama.

Paano pag-isang hitman ang kasama nya at si Audrey ang target nya? Paano pag-kidnapper pala ito at si Audrey ang gusto nitong i-kidnap? Or worst! Paano pag isa ito sa mga ex ni Audrey na balak maghiganti?

Ni-ready nya lang ang phone nya sa bulsa nya para makatawag sya kagad ng 911 kung sakaling may mangyaring masama.

"Sorry, i didn't introduced myself yet. My name's Dawn." Aniya.

Kumunot noo ni Bea sa narinig. "Ano? Down? Pangalan mo Down?"

Natawa ito sa kanya, "No, no... it's Dawn. D-A-W-N."

"Ahh... okay." She just shrugged. She thought it was a weird name, kawawa naman daw 'tong lalaki na 'to dahil ang weird ng parents nya na magbigay ng pangalan.

"Ikaw? What's your name?"

"It's Beatrix, Bea na lang." Sagot nya.

Nang tingnan nya si Dawn, nakita nya itong napangiti. Agad din syang napa-iwas ng tingin dahil para syang na-shock sa nakita nya, mas may iga-gwapo pala ito pag nakangiti. Ang swerte naman ni Audrey, isip-isip nya.

"Ka-anu-ano mo nga pala si Audrey?" Tanong ni Dawn.

Napangisi lang si Bea, sya nga itong dapat nagtatanong nun sa kanya.

"Bestfriend ko sya since first day namin sa highschool, halos three years na rin kami magbestfriend."

"Halos magkasing edad lang pala kayo."

"Actually, hindi. Mas matanda sya ng isang taon sa akin. What about you?" Tanong nya out of curiousity.

"I'm 19." Gusto matawa ni Bea sa sarili nya, crush nya na sana si Dawn kaso mas bata pa pala ito kaysa sa kanya. Child abuse daw yun, di pwede.

"Uhm, ikaw naman? Ka-anu-ano mo si Audrey?"

Napahinto si Dawn at parang nag-isip pa kung anong isasagot niya, nagduda kaagad si Bea sa kanya.

"I'm... i'm just a relative."

Oh really? Gustong sabihin ni Bea, kaso ayaw nya itong magalit sa kanya dahil baka kung anong gawin nito sa kanya. Nang makarating na sila sa apartment ni Audrey, kumatok agad si Bea sa pinto ng bestfriend nya. Ilang minuto ang nakakalipas, walang sumasagot.

"Audreeeeey! Tao poooo!" Ani Bea.

Wala pa ring sumasagot.

"Parang wala si Audrey sa kanila e." Sabi niya kay Dawn.

Parang nalugi ang hitsura ni Dawn, naawa naman si Bea sa kanya. "Can you uhm, contact her?" Sabi nya at umaasang makakausap nya pa rin si Audrey.

Napabuntong hininga naman si Bea. "Okay." Inilabas nya ang phone nya at dinial na ang number ng bestfriend nya. Inaccept naman kaagad ni Audrey ang tawag ni Bea.

"Hello? Bea?"

"Audrey! Nasaan ka na?"

"Nasa Benguet ako, didn't i told you?"

Napasapo sa noo si Bea, nakalimutan nya.

"So kelan uwi mo bes?"

"Next next week po."

"Next week?"

"Hindi. Next next week pa. Two week ako dito."

"What!?" Napatingin si Bea kay Dawn na mukhang clueless sa pinag-uusapan nila Bea at Audrey.

"Yeah haha, grabe ka nakalimutan mo. Sinabi ko na sayo yun nung makalawa lang ah?"

"Ah sorry Audrey, andami ko kasing iniisip eh."

"Hahaha, bakit ka nga pala napatawag?"

"May naghahanap sayo----"

"Naku, ayoko munang intindihin yan! Nakabakasyon mode ako ngayon."

"Pero----"

"See you after two week Bea, tinatawag na ko ni Mama."

Nang matapos ang tawagan nila Bea at Audrey, kaagad nagtanong sa kanya si Dawn. "Anong sabi ni Audrey?"

"Nasa Benguet daw sya, two weeks pa bago sya maka-uwi."

Nalungkot si Dawn sa nalaman nya.

"Balik ka na lang next next week, h'wag ka mag-alala makakausap mo din yun." Sabi ni Bea.

Umiling si Dawn sa kanya.

"But i have to talk to her."

"Well, wala na 'kong magagawa para sayo. Kailangan ko na umuwi, gagawa pa ako ng assignments ko."

Aalis na sana si Bea ng pigilan sya ni Dawn, pagkatingin nya kay Dawn ay seryoso nitong sinabi na...

"Samahan mo ko papunta kay Audrey."

Chương tiếp theo