webnovel

Chapter 12

Chapter 12

Dahil wala naman na akong maisip na pwedeng gawin, naisip kong tawagan na lang ang boyfriend ko, si Francis. Hindi pa man masyadong nagsisink in sa utak ko na kami na nga, kinikilig naman ako pag naiisip ko. Hahay Ewan ko ba.

Kinuha ko ulit ang phone ko na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng study table dito sa kwarto ko saka nagdial. Hindi pa nakakadalawang ring nang may sumagot na agad sa kabilang linya.

[Hello? Nakauwi kana?]

"Oo. Anong ginagawa mo?."

[Hinihintay kang tumawag. Hehe]

Natigilan ako sa sinabi niya. Kanina pa ako nakauwi pero hindi agad ako nakatawag sa kaniya dahil biglang nagchat si Kinley. Hindi ko alam na naghihintay pala siya.

{Hello? Love?]

"Ah hello.

[Ginagawa mo?]

"Wala naman. Paikot-ikot lang dito sa kwarto. Haha"

[Baka mahilo ka ha.]

"Hindi naman literal na ikot. Haha grabe ka!]

[Joke lang. Haha Naboboring ako dito sa bahay. Punta ako diyan.]

"Anong gagawin mo dito?"

[Movie Marathon? haha kahit ano. Basta patambay ako diyan sa inyo.]

Si Kuya lang naman ang kasama ko dito. Okay lang kung pupunta siya.

"Hmm sige. Ikaw bahala"

[Sige. Hintayin mo'ko. Bibili lang ako ng makakain natin.]

"Ingat ka."

[Bye]

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nang namatay yung tawag.

★★★

"Grabe kawawa namna sila" malungkot na bulong ko matapos ipakita yung mga pictures ng mga nabiktima at sangkot sa karahasan na nangyari dito sa Pilipinas. Pagnanakaw, pagpatay, holdap, drugs, kidnap, torture, pambubugaw, at panggagahasa.

Nanunuod kasi kami ni Kuya ng documentaries tungkol sa mga krimeng nangyayari sa bansa at hindi ako makapaniwala na kung sino pa yung may mataas na tungkulin o dapat namamahala sa isang bayan, sila pa yung may lakas ng loob na gumawa ng krimen.

Katulad na lamang ni Eileen Sarmenta na ginahasa ng Mayor at mga tauhan nito. Sobrang nakakababoy para sa isang katulad ko o naming mga babae ang mga ganoong pangyayari. Hindi ko akalain na may mga tao pala talagang halang ang kaluluwa at kayang gumawa ng ganitong klase ng karahasan. Katatapos lang ipakita yung kwento niya at sobrang nakakaawa talaga yung sinapit niya.

Eileen Sarmenta

Si Eileen Sarmenta ay isang UP Los Baños student. Matagal na siyang gusto ni Antonio Sanchez matapos siyang interviewhin ni Eileen para sa isang School Project. Si Antonio Sanchez ay Alcalde Mayor ng Calauan nang mga panahong iyon. Taong 1993, umikot sa UP Campus si Calauan Deputy Chief of PNP Medialdea kasama ng iba pang Police asset at tauhan nito para hanapin at dukutin si Eileen. "Best Gift" daw ito para sa boss nila at tutulo ang laway mo sa ganda niya.

Pagkatapos babuyin ni Sanchez ng buong araw si Eileen ay pinasa niya ito sa kaniyang mga tauhan,  "Salamat sa regalo ninyo mga anak, bahala na kayo diyan." ang sabi nito. Isinakay si Eileen sa van ng mga pulis na tauhan ni Mayor at doon sinabi nila "Turbohin natin yung tinurbo ni Boss." at doon na nga nila pinagtulungan at salitan na ginahasa si Eileen.

Pagatapos nilang pilahan si Eileen ay nagkaroon pa ito ng konting lakas para bumangon at lumuhod sa strecher at nagmakaawa siya na buhayin pero binusalan siya sa bibig at pinaputukan ng M16 sa mukha. Tinorture at pinatay din ang kasintahan niyang si Allan Gomez na isa ring UP Los Banos student.

Same Police Officers ang nag-imbestiga nung matagpuan ang mga bangkay. Same Police Officers din ang nagframe up sa isa pang UP student sa krimen na sila ang gumawa para iligaw ang imbestigasyon. Chief of Police ng Calauan ang nag-utos na linisin ang van kung saan ang crime scene. Ayon sa autopsy, kayang pumuno ng isang lata ng sardinas sa dami ng semen na nakuha sa bangkay ni Eileen.

Ayon din sa domuntary, hindi lang iyon ang naging kaso ni Sanchez dahil noong 2006, nahulihan din siya ng shabu at marijuana na itinago pa sa loob ng rebulto ng Virgin Mary sa kulungan. Noong 2010 naman, nahulihan ulit siya ng shabu na nagkakahalaga ng 1.5 million pesos sa lobb mismo ng bilibid at nakasuhan ng drug pushing.

Nakumpiska naman ang LED TV, aircon at iba pang kontrabandong gamit ni Sanchez sa VIP cottage niya sa bilibid noong 2016. Kumpiskado rin ang 19 real state properties nito na galing sa ill-gotten wealth noong 2018.

Halos maluha ako ng malaman ko ang kwentong 'to. Lalo na at alam kong nangyari talaga sa totoong buhay. Hindi ko kakayanin kung sa'kin mangyayari yun. Sana naman wala nang sumunod pa. Sobrang nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Mahirap na malaman kung sino ang mabuti at masama.

"Huy?!" nagulat ako nang bumulong sa tenga ko si Kuya.

"Ha??"

"Anyare sa'yo? Wala kana naman sa sarili."

Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakatulala. Kung hindi ako binulungan ni Kuya, hindi pa ako babalik sa katinuan.

"May inisip lang ako. Nakakaawa sila."

"Oo nga eh. Kaya ikaw mag-iingat ka ha. Alam mo na panahon ngayon." tinanguan ko lang siya saka ipinagpatuloy ang panunood.

Bigla akong napatayo nang may marinig akong tumigil na motor sa labas. Hindi ko pa man  nakikita kung sino yung dumating, alam ko na agad kung sino. Haha

Dali-dali akong lumabas hanggang sa may gate at doon ko nga nakita si Francis na nakaupo sa motor niya.

"Pasok ka." yaya ko sa kaniya. Bababa na sana siya sa motor niya pero agad ko ring pinigilan. "Dito mo na sa loob ipark 'yan, wala naman yung sasakyan namin eh."

"Okay." nakangiting tugon niya.

Binuksan ko ng malaki yung gate namin para maipasok niya yung motor niya saka agad ko ring isinara nung nasa loob na siya.

Pagkatapos kong maisara ay sumunod ako sa kaniya saka niyaya siya na pumasok sa loob ng bahay namin.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong sa kaniya ni Kuya nang makita siya.

"Patambay lang." tipid na sagot niya saka naupo sa couch sa tabi ni Kuya. Inilapag niya rin sa maliit na mesa yung dala niyang plastic na siguro ay naglalaman ng binili niyang pagkain daw namin. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Tambay o may date ka?" tanong ni Kuya sa tonong nang-aasar kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hoy! Sinasabi mo diyan?" pasigaw na tanong ko. Nag-sisimula na naman 'to eh.

"Wala. Haha ano ba 'tong dala mo tol?" tanong niya kay Francis saka kinuha at kinalkal yung plastic na ipinatong nito sa mesa na nasa harap namin.

"Pagkain."

"Tamang-tama gutom na ako, penge ha." sasabat pa sana ako kaso nabuksan na ni Kuya yung isang loaded. Pambihira talaga! Kinuha naman ni Francis yung plastic ng mga pagkain saka iniabot sa'kin. Kinuha ko naman yun saka ngumiti. "Salamat."

"Bumili talaga ako ng marami dahil alam kong nandito ang Kuya mo. Hahaha" natawa ako sa sinabi niya sabay tingin kay Kuya na ngayon ay parang walang pakialam sa mundo at tuloy lang ang kain habang nakatutok na ulit sa t.v.

"Pasensya na. Haha patay gutom talaga 'yan"

"Grabe ka sa Kuya mo. Hahaha! Nga pala, may mainit na tubig ba kayo? May cup noodles diyan."

"Ewan ko lang kung meron. Titingnan ko." tumango lang siya saka ako tumayo at pumunta sa kusina para tingnan ang thermos kung may laman. Buti naman at meron. Binitbit ko iyon at kumuha na rin ako ng dalawang kutsara saka dinala sa sala.

Kinuha ni Francis yung dalawa cup noodles saka binuksan at nilagyan ng mainit na tubig. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina sa tabi niya.

"Talaga naman si Martinez ooh! Bakit dalawa lang 'yan?" singit ni Kuya.

"May loaded kana diba? Okay na 'yan sa'yo." sagot sa kaniya ni Francis.

"Hay naku!" nakasimangot na tugon ni Kuya sabay kamot sa ulo niya. Hindi ko napigilan matawa sa itsura niya. Parang bata. haha

"HAHAHAHA Cute mo!" sinamaan niya lang ako ng tingin pagkasabi ko nun saka ipinagpatuloy na ulit ang panunood niya.

Ilang minuto rin kaming nanahimik hanggang sa magsalita si Francis.

"Okay na yung noodles, pwede na kainin." sinimulan nang kainin ni Francis yung cup noodles niya, sumunod naman ako.

Maya-maya pa, biglang tumayo si Kuya. "San ka?" tanong ko.

"Bibili ng cup noodles." sagot niya saka dire-diretsong lumabas. Sabay naman kaming tumawa ni Francis nang makalabas siya. "Inggit 'yon. Haha" natatawang sabi ko.

"Loko ka. Haha meron namang ramen diyan, hindi niya tiningnan."

"Yaan mo siya. Haha"

"Ano pala ginawa niyo sa mall?" pag-iiba niya ng usapan kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"Wala naman. Kumain lang tapos umuwi na rin. Kasama ko nga pala yung dalawa."

"Oo nga. Nakita ko post ni Elle. Picture niyong tatlo nila Christian. Akala ko Kuya mo kasama mo?" oo nga pala, nakalimutan ko sabihin sa kaniya kanina nung tinawagan ko siya.

"Ah. Kasama ko nga si Kuya nung pumunta kami sa mall. Tapos nakita ko silang dalawa, edi ayun. Nagpaiwan ako kay Kuya, sa kanila na ako sumabay pauwi. Niyaya nila ako eh." kwento ko.

"Napapansin ko laging magkasama ang dalawang 'yon." nilingon ko siya pero sa t.v siya nakatingin.

"Oo nga. Nakwento sa'kin ni Christian kung gaano siya kasaya dahil kay Elle. I mean, parang si Elle yung naging sandalan niya nung mga panahong broken siya."

"Hindi na ako magugulat kung maging sila." medyo nagulat ako sa sinabi niya.

"Advance mag-isip?"

"Haha bagay naman sila ah." natatawang sagot niya sabay lingon sa'kin.

"Huy, friends lang sila. Wag kang ano diyan."

"Bakit? Sa friends naman nagsisimula lahat diba? Nung nagkakilala ba tayo, naging tayo agad? Diba friends muna. Hindi pa nga close eh. Haha"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at hindi ko alam ang isasagot ko. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Woy? hahaha. Totoo diba?" pang-aasar niya pa. Nakatingin na siya sa'kin.

"Wag mo ibahin ang usapan." nahihiyang sabi ko.

"HAHAHAHA! Cute mo."

Tawang tawa amp.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Masyadong mapang-asar.

"Joke lang huy. Haha mabait naman kasi yun si Elle kaya hindi malabong mainlove sa kaniya si Christian."

"Oo na."

"Luh! Hahaha joke lang. 'To naman."

"Panu naman kasi, si Elle at Christian ang pinag-uusapan. Bakit napunta sa'tin?"

"Dun kasi tayo nagsimula love."

Nang-aasar talaga siya. Gustong gusto niya yung naiilang ako eh.

"Love ka diyan."

"Love you"

Hindi ko napigilan mapangiti. Kumain na lang ako habang sa t.v nakatingin. Ano ba naman kasi 'yan. Bakit kinikilig ako???

Maya-maya pa naramdaman kong inakbayan niya ako kaya nilingon ko na siya sabay lapag ng cup noodles na hawak ko sa lamesa. Baka kasi matapon dahil sa kakulitan ng lalaking 'to.

Sa t.v siya nakatingin kaya ang ginawa ko na lang, inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong.

"I love you too."

Biglang siyang lumingon. Buti na lang nailayo ko na ang mukha ko sa kaniya bago siya nakalingon. Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.

"Narinig ko yun."

"Mabuti naman. Hahaha Akala ko ipapaulit mo pa eh." natatawa akong ibinalik sa t.v ang atensyon ko. Aasarin niya na naman ako eh.

"Oo nga narinig ko pero gusto ko ulit marinig kaya ulitin mo yung sinabi mo."

Sabi ko na eh.

"Wag na. Hahaha" sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Argh, ulitin mo. Cute ng pagkakasabi mo, gusto ko ulit marinig kaya ulitin mo." pangungulit niya pa. Nilingon ko siya kahit alam kong namumula na talaga yung mukha ko.

"Sige pero ulitin mo rin muna yung sinabi mo kanina bago ko sinabi kung ano yung narinig mo." pigil ang tawang sabi ko. Akala niya ha!

"Alin dun? Yung I love you?" kunot noong tanong naman niya. Tumango lang ako ng paulit-ulit.

"Sige. I lo--"

"PAMBIHIRA!!! Sabi ko na nga maglalandian lang kayo dito eh." parehas kaming nagulat ni Francis nang marinig namin ang biglang pagsigaw ni Kuya sa may gilid namin. Inalis na rin niya ang kamay niyang nakaakbay sa'kin saka kumindat kindat kay Kuya.

Lagoooot! Bakit hindi ko man lang namalayan na nandito na ulit 'to? May lahing kabute ata 'to eh.

"Bayaw!"

Whuuuut??? Napaface palm na lang ako sa isinigaw din ni Francis kay Kuya.

"Mukha mo bayaw." dumiretso si Kuya sa kusina pagkatapos niyang sabihin yun.

Tinawanan lang namin siya ni Francis saka kumain na lang ulit ng cup noodles at nanuod ng t.v.

***

Kinabukasan, maaga ako gumising dahil may pasok na kami. Inaasar naman ako ni Kuya tuwing magkakasalubong kami. At ngayong nakasakay na kami sa sasakyan papasok sa School, pinagtitripan niya pa rin ako.

"Ang cute mo kahapon bansot. Hindi ako makamove on. HAHAHAHAHA Parang ganito oh, ulitin mo rin yung sinabi mo. Wahahahaha!" pati boses at pagkakasabi ko ginagaya niya tapos tatawa ng malakas habang nakahawak pa sa tiyan niya. Sinasamaan ko lang siya ng tingin dahil hindi ako interesado sa mga pinagsasabi niya.

"Ma, kung nakita mo lang talaga silang dalawa kahapon ni Francis, baka mas malakas pa yung tawa mo. HAHAHAHA"

Tss. Pati si Mama dinamay sa kalokohan niya.

"Dapat vinideohan mo para napanood ko." Napahinga na lang ako ng malalim. Hay naku, pati nanay ko.

"Sayang nga Ma eh. Pero sa susunod vivideohan ko na. Haha"

"Haha Naiinggit lang 'yan si Jelo." singit naman ni Papa.

"Anong nakakainggit dun Pa? Kacornyhan naman."

"Naiinggit ka kasi wala kang lovelife."

"Never ako maiinggit diyan. Duh!"

Bakla...

Hinayaan ko lang sila magkwentuhan kahit pa tungkol sa'kin yung pinag-uusapan nila. Tumatawa rin ako minsan kapag may narinig akong sobrang nakakatawa talaga lalo na kapag si Kuya naman yung inaasar ng parents namin.

Ilang sandali pa, nakarating na kami sa School kaya bumaba na kami ni Kuya at nagpaalam kila Mama at Papa.

Hindi ko na hinintay si Kuya. Nauna na akong maglakad sa kaniya papasok dahil paniguradong hanggang dito sa loob ng campus, hindi ako makakatakas sa pang-aasar niya.

Nang makarating ako sa classroom namin, nakita ko agad si Francis na nakatungo sa desk niya. Wala pa namang teacher kaya siguro natulog muna siya.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Hindi siya gumalaw kaya baka tulog nga talaga siya. At dahil wala akong magawa, pinagmasdan ko na lang siya.

Lot of noise in the class.. teacher shouts "Listen please"♪

The world turns slow motion when you look at me.♪

I'm so nervous, I can't think and can hardly breathe.♪

Don't wanna feel like this, what have you done to me.♪

Why's my world... turning upside down.♪

Why's my heart... beating so fast right now.♪

I don't know, don't know which way to go.♪

Would somebody help me.♪

Seems I've got a..♪

Crush, crush, crush♪

Don't wanna think about it.♪

Blush, blush, blush.♪

My heart is racing faster.♪

Hush, hush, hush.♪

Don't wanna have these crazy mixed up feelings.♪

I don't want oh oh oh oh oh. Oh oh oh oh oh♪

"Huy!" nagulat ako nang may biglang kumalbit sa akin at nang tumingin ako sa likod, nakita ko si Alvin na nakaupo sa likod at nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Ginagawa mo diyan?" tanong niya.

"Wala lang. hehe" wala naman talaga akong ginagawa  eh. Muni-muni lang. Haha

"Samahan mo na lang ako. May 20minutes pa naman bago magtime." yaya niya sabay tayo.

"San naman tayo pupunta?"

"Sa canteen."

"Ah sige." tumayo na rin ako saka sumunod sa kaniya na nauna nang maglakad.

"Ano namang gagawin natin dito?" tanong ko nang makarating kami sa loob nang canteen. Umupo siya sa isang upuan at sumunod naman ako.

"Tatambay lang tsaka gusto lang kita makachika. Namiss kaya kita giiirl." bigla akong natawa sa sinabi niya. Haha baklang bakla eh.

"Ano namang chika ang nais mo?" tanong ko.

"Kamusta ang buhay may lovelife? Masaya ba???" excited na tanong din niya.

"Hahaha. Masaya naman. Inspired." ngumiti naman siya.

"Pero alam mo, dapat prepared ka sa mga posibleng mangyari."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Syempre first boyfriend mo siya. Alam mo ba kung anong gagawin mo kapag nagkaproblema?. Hindi ko naman sinasabi na lolokohin ka lang niya pero kailangan prepared ka pa rin incase na mangyari nga yun."

Prangka amporkchop. Sabagay, may point si Alvin. Pero anong gagawin ko?

"Ano bang dapat kong gawin?" biglang nawala ang ngiti niya at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Wala naman. Siguro dapat ka lang maging handa ka kasi alam mo na, kakambal ng pagmamahal ang sakit. Ayoko namang may masaktan sa inyong dalawa kasi pareho ko kayong kaibigan." seryosong sabi niya.

"Wait lang, bakit mo pala sinasabi 'yan?" umayos siya ng upo at iniiwas ang tingin sa'kin. Tumingin siya sa sahig na para bang may iniisip.

"Kasi yung Ate ko. Nakikita ko siya sa'yo. May boyfriend siya. Mabait naman, marespeto, may itsura din, walang bisyo. Almost perfect sabi nga nila. Pero isang araw, nalaman ng ate ko na may iba pa pala girlfriend yung boyfriend niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang lokohin nun. Kahit ako hindi rin makapaniwala eh pero wala kaming nagawa kundi maniwala at tanggapin na lang kasi totoo naman. Then dun ko narealize na kahit gaano pala katino ang isang tao, hindi imposible na hindi siya makakagawa ng hindi maganda. Hindi imposible na yung isang taong mabait ay biglang magbago" seryoso yung pagkakasabi niya pero mukhang hindi naman galit. Ramdam ko rin na nalulungkot siya para sa ate niya.

"Kamusta naman ang ate mo?"

"Okay naman na siya ngayon, nakamove on na. 2years ago naman na yun eh. Kahit mas pinili nung boyfriend niya yung babae, nakamove rin naman kahit papano. Haha Akala ko nga magpapakamatay yung ate ko eh, pero buti na lang nakayanan niya."

Hindi ako sumagot, nakitawa na lang din ako sa kaniya nung tumawa siya.

"Kung tutuusin, lovelife lang yun. Napakaliit na problema kumpara sa problema ng ibang tao pero kung sa'yo or sa atin mismo mangyari yun, for sure mahihirapan din tayo makarecover."

"Naiintindihan ko yung point mo. Walang naman kasing makakapagsabi sa atin kung gaano kasakit yung pinagdadaanan ng isang tao. Kaya hindi dapat natin sila ijudge kung lugmok sila sa buhay. Tingin kasi nung iba, nag-iinarte lang sila. Imbes na tulungan, lalo lang idodown. Hindi nila natin alam na sobrang bigat na pala ng pinagdadaanan nila."

"Sinabi mo pa girl." pagsang-ayon ni Alvin sa sinabi ko.

"Salamat sa payo ha."

"Babala yun, hindi payo. Hahaha" biro niya pa.

"Loka ka talaga. Haha tara na nga, baka andiyan na yung teacher natin." tumayo na kami at nagtungo sa classroom. Mag-aadvice lang pala kaya ako niyaya na pumunta sa canteen. Akala ko naman kung ano na. hays

Pagdating namin sa loob ng classroom, nakita kong nandiyan na rin yung iba pa naming kaibigan. Sila Julie, Kinley, Elle at Christian. Wala pa kasi sila kanina nung dumating ako. Gising na rin si Francis at nakita niya akong pumasok kaya umupo agad ako sa tabi niya.

"Good morning" nakangiting bati niya nang makaupo ako.

"Good morning din."

"Kanina ka pa nandito? Nakita ko agad yung bago mo nung nagising ako."

"Kani-kanina lang. Niyaya lang ako ni Alvin sa canteen. Tulog ka naman kaya sumama muna ako."

"Bakit hindi mo'ko ginising nung dumating ka?" nakasimangot na reklamo niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sarap kaya ng tulog mo diyan."

"Kahit na, dapat ginising mo'ko para nakapagkwentuhan tayo. Alam ko namang nagkwentuhan lang din kayo ni Alvin."

"May sinabi kasi siya."

"Ano yun?" interesadong tanong niya.

"Basta. Mamaya ko na lang ikwento. Andiyan na teacher natin." sabi ko sabay tingin sa may pintuan kung saan kapapasok lang ng adviser namin. Umayos na kami ng upo saka tumingin sa harap para makinig sa discussion.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang klase namin. 10:00am palang at mamayang 2pm pa ang next subject namin kaya uuwi muna kami para sa bahay na maglunch.

Kasabay kong lumabas ng classroom ang mga kaibigan ko. Nag-aasaran lang sila habang kasabay ko naman si Francis sa paglalakad.

"Oh kwento mo na." tinutukoy niya yung mga sinabi sa'kin kanina ni Alvin.

At dahil kanina niya pa ako kinukulit tungkol dun, kinuwento ko na sa kaniya lahat yung mga shinare sa'kin ni Alvin.

"Hindi naman ako ganun. Hindi ako magloloko." nakasimangot na sabi niya pagkatapos kong magkwento.

Natawa ako sa sinabi at reaksyon niya. Haha Hangkyut lang.

"Haha. Wala naman akong sinabing magloloko ka ah."

"Ganun na rin ang labas nun base sa kwento mo."

"Hindi naman eh. Hahahaha Tigilan mo nga 'yan. Para kang bata."

Sasagot pa sana siya nang biglang lumapit sa'min si Julie.

"Uy." bati niya sabay tumabi sa'kin at sumabay sa paglalakad.

"Bakit?" nakangiting tanong ko kay Julie.

"Alam mo girl, namiss kita." nakangiti pero alam kong sincere siya sa sinabi niya.

"Ako rin. Namiss din kita." nakangiti ding sagot ko.

"Sama ka sa'kin. Sa bahay tayo maglunch." yaya niya.

"Ah, sige. Magpapaalam lang ako" nilingon ko si Francis pero wala na siya sa tabi. At ayun siya, nakikipagkulitan kay Kinley. Hindi ko man lang namalayan na umalis siya sa tabi ko. Napunta kasi kay Julie yung atensyon ko.

Hindi ko na siya tinawag dahil kusa naman silang tumigil nang makalabas na kami sa gate ng School at siya na rin mismo yung unang lumapit.

Alam kong may sasabihin siya, yayain akong umuwi at ihahatid sa bahay pero inunahan ko na siyang magsalita.

"Hindi pala muna ako uuwi sa bahay. Kila Julie ako maglulunch."

Napahinga na lang siya ng malalim saka marahang tumango.

"Ah sige, mag-iingat ka ha." bilin niya saka ginulo yung buhok ko.

"Ingat ka rin." nagpaalam na siya saka kinuha yung motor niya at diretsong umalis.

Isa-isa na ring nagpaalam ang mga kaibigan namin hanggang sa kaming dalawa na lamang ni Julie ang naiwan kaya naglakad na ulit kami pauwi naman sa kanila.

"Simula nung nagkaboyfriend ka, kinalimutan mo na ako." malungkot na sabi niya kaya nilingon ko siya saka tinawanan.

"Uy hindi naman. Hahaha Nag-aadjust pa lang kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi kita masyadong nakakausap, kayong dalawa ni Elle."

"May pa-adjust adjust ka pang nalalaman, si Elle nga eh hindi ko na rin masyadong nachichika. Mukhang busy na rin ang bruha." bigla kong naalala yung hangout namin kahapon. Si Christian yung kasama niya.

"May nangangailangan kay Elle eh. Hayaan na muna natin siya."

"Eh ako hindi niyo na kailangan?" hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o nagdadrama na. Naloloka na naman 'to.

"Ano bang sinasabi mo? Syempre kailangan ka namin noh. Hindi ka naman namin kinakalimutan."

"Haha alam ko naman yun. Kayo kasi eh, nagkaron lang ng extra curicular activity, hindi na ako naalala."

"Kapag ikaw nagkaron din ng ibang pagkakaabalahan, baka makalimutan mo kami." banat ko naman sa kaniya.

"Ako??? Makakalimot.??? Haha Depende siguro kung gaano ako kafocus sa bagay na yun." sagot niya.

"Ayun na nga ang sinasabi ko. Paano kung sobrang focus ka, edi nakalimutan mo na kami."

"Pero hindi ko kayo kakalimutan. Promise. Hehe" tinawanan ko na lang siya. Hindi na ako sumagot dahil malapit naman na kami sa kanila, ilang hakbang na lang.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila, hinila na agad ako ni Julie papasok sa loob.

"Tara dali, magluto tayo ng kakainin natin." hindi naman ako nakapalag hanggang sa makarating kami sa sala nila. Naabutan naming nakaupo sa sofa si Tita Lynda habang nanunuod ng t.v at saktong may breaking news kaya napatigil ako, ewan ko kung bakit pakiramdam ko bigla akong naging interasado sa news. Samantalang hindi ko naman hilig manuod ng balita.

"Inaresto ang Vice Mayor ng Sta. Claridel na si Graciano Bonifacio matapos makitaan sa likod ng kaniyang sasakyan ng ilang supot ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawapung milyong piso. Sinubukan siyang hingan ng pahayag ngunit tumangging magpaliwanag si Bonifacio." ipinakita ang video kung saan nakaposas ang Vice Mayor ng lugar namin habang inaalalayan ng mga Police.

Lumingon ako kay Tita Lynda para makita ko yung reaksyon niya. At hindi ko alam kung pagkadismasya yung nakikita kong ekspresyon niya o pagtataka. Parang hindi siya kumbinsido sa balitang napapanuod niya.

"Tita? Diba pinagtakpan niya rin yung mga kaso ng droga? Hindi man literal na pinagtakpan niya pero madalas siyang nagchachange topic kapag yun ang itinatanong sa kaniya sa mga interview." biglang sabat ni Julie. Nanunuod din pala siya ng news.

"Ah oo. Hayaan niyo na 'yan. Ganyan talaga minsan kung sino pa yung dapat na magsusupil sa mga krimen, sila pa yung mga pasimuno. Pero wag niyo na isipin 'yan. Mga bata pa kayo." sagot naman ni Tita Lynda sa kaniya.

"Tita dito kakain si Jestine." paalam ni Julie sa Tita niya.

"Oo sige lang. Kamusta ka pala iha?" nakangiting tanong sa'kin ni Tita Lynda kaya ngumiti rin ako sa kaniya saka umupo rin sa sofa.

"Okay naman po ako Tita."

"Mabuti naman kung ganun. Alam mo bang ilang araw nagmaktol 'yan si Julie. Kesyo kinalimutan na raw siya ng bestfriend niya." natawa ako sa narinig ko kaya nilingon ko si Julie na ngayon ay nakasimangot na naman.

"Kanina nga po sa daan nagdadrama 'yan sa'kin eh. Hahaha"

"Nag-iinarte kamo. Hahaha Oh sige na magluto na kayo. Magtingin na lang kayo sa ref ng gusto niyong kainin."

"Oo nga! Tara na kasi. Umupo kapa diyan eh." sagot ni Julie saka hinila na naman ako papunta sa kusina nila...

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Featured Song: Crush - Nightcore

Source of Eileen Sarmenta: https://free.facebook.com/350647578436189/posts/1416268205207449/?app=fbl&_rdc=1&_rdr

Chương tiếp theo