webnovel

Chapter 6

Chapter 6

"Gustuhin ko man, natatakot ako. Baka mamaya pamilya ko yung balikan nila." seryosong sagot ni Kuya.

Buti naman naisip niya yun. Yun din yung kanina ko pa iniisip. Sa totoo lang, kahit ako gusto ko ring tulungan sila na mahanap yung hustisya pero syempre, kailangan ko rin isipin yung kaligtasan ko at ng pamilya ko. Tsaka isa pa, hindi naman kami kasali dun. Ayoko namang masangkot sa gulo.

"Sabagay. Tama ka dun." saad ni Kian. Hindi na ako nag-salita at nakinig na lang sa mga usapan nila. "Pero alam mo, nakakabilib yung mga bayani na nagbuwis ng sariling buhay para sa kalayaan ng Pilipinas at kaligtasan ng ibang tao." dugtong ni Kian.

"Nakakabilib nga sila pero hindi na yun uso sa panahon ngayon. Duwag na ang mga tao. Sige sabihin na nating duwag din ako kasi ayoko maging witness. Pero kailangan ko unahing isipin ang kaligtasan ko."

Bahagya lang na tumango yung dalawa. Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa tumawid kami sa crossing at magpaalam si Kian.

"Sige pre dito na kami. Jestine" paalam ni Kian. Tumango lang kami ni Kuya bilang sagot. Lumiko na siya pakaliwa. Nakasunod lang sa kaniya si Neil. Doon kasi ang daan papunta sa mga bahay nila.

"Kuya buti naman wala kang balak maging witness" saglit siyang napatingin sa'kin at tumango. "Baka mamaya ako pa gahasain nila eh" ano daw? Hahaha feeling yummy.

"Hindi ka nila trip. Yuck!" gusto ko sana siyang tawanan kaya lang binatukan niya ako. Kainis!

Nang makarating kami sa bahay, agad akong nagpalit ng damit. Sakto namang napatingin ako sa kamay ko at nakita ko ang bracelet na suot ko. Ito yung nakita ko kagabi sa loob ng mall. Hinubad ko muna saka ko itinago sa cabinet ng study table ko dito sa kwarto.

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa loob ng bag ko pagkatapos ay humiga ako sa kama.  Nagpatugtog ako ng music bago pumikit. Naalala ko, andaming nangyari ngayong araw pero ayoko muna isipin ang mga yun. Yung Schoolmate namin na namatay tsaka yung mga sinabi ni Julie about kay Francis. Ayoko mag-assume na may gusto nga siya sa'kin. Kung meron nga, edi meron. Hahaha

★★★

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan. Dali-dali akong bumangon para pagbuksan kung sino yung kumakatok. Pagbukas ko, nakita ko si Mama. Nakauwi na pala siya.

"Hapon na. Lumabas kana diyan, may meryenda dun" umalis din agad siya pagkasabi niya nun.

Bumalik ako sa kama para kunin yung cellphone ko. Pagtingin ko sa oras, 5:00pm na pala. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa salas. Nakita kong kumakain na si Kuya ng pancit palabok at tinapay. May juice rin na nakapatong sa maliit na mesa. "San galing 'to?" tanong ko kay Kuya nang makalapit ako sa kaniya.

"Niluto ni Mama. Patulog-tulog ka eh." tugon niya habang busy sa pagkain ng tinapay na pinalamanan niya ng palabok. Ano kaya lasa nun? Alam kong pwede ipalaman ang pancit sa tinapay pero hindi ko pa natry ipalaman ang pancit palabok.

Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na lang yung malinis na platito na nakapatong rin sa lamesa saka nilagyan ng palabok. Kakain na nga lang din ako.

Maya-maya pa, narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa labas ng bahay. Nandiyan na si Papa.

Sabay kaming napalingon ni Kuya sa pintuan nang pumasok si Papa. "Kain po." narinig kong sabi ni Kuya. Tumango si Papa bago nagsalita. "Magbibihis lang ako." saka siya diretsong pumasok sa kwarto nila ni Mama. Mukhang hindi na siya galit.

Lumabas si Mama galing sa kusina. "Nasaan ang Papa niyo?" tanong ni Mama tapos umupo siya sa tabi ko.

"Nagbibihis Ma"

Ilang saglit pa, lumabas na rin si Papa mula sa kwarto. Lumapit din siya sa'min saka umupo sa kabilang sofa. Nagsalin siya ng juice sa isang baso at ininom iyon.  

"Anong balita dun sa bangkay na natagpuan?" tanong ni Mama kay Papa. Inilapag muna ni Papa yung hawak niyang baso. "Pumunta na kanina sa Barangay yung mga magulang niya. Tapos sumama ako sa kanila sa pagpunta sa presinto. Iniimbestigahan na rin ng mga pulis yung kaso. Pero may problema. Nabanggit ng mga pulis na isa sa mga witness ay anak ko. Alam nilang anak ko si Jelo dahil sa pag-hatid nila dito nung gabing nangyari ang insidente." sagot ni Papa.

"Konektado rin ang krimeng ito sa krimeng nangyari kay Ella Bonifacio. Yung babaeng natagpuan ring patay sa may talahiban. Pumunta rin kanina sa presinto ang pamilya niya." dagdag pa niya.

Nakita ko ang biglang pag-alala ng expresyon ng mukha ni Mama. Nagkatinginan na lang kami ni Kuya. Parehong hindi alam ang sasabihin.

"Eh paano na ngayon 'yan? Labas naman sila sa gulong 'yon." nag-aalalang saad ni Mama. Umiling-iling si Papa sabay nagsalita. "Pinakiusapan ko ang mga magulang ng biktima. Hindi ako pumayag na maging testigo si Jelo. Sinabi ko naman na tutulong ako sa pag-iimbestiga ng kaso. Tsaka hindi pa naman napag-uusapan kung magkakaron ng hearing dahil wala pa ngang suspek."

Tahimik lang kami ni Kuya na nakikinig. Si Mama naman, medyo nag-aalala pa rin. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Papa ngayon. Bilang Kapitan ng Barangay namin, alam kong responsibilidad rin niya na alamin ang bawat krimeng nangyayari dito sa lugar namin at tutulong siya sa pag-iimbestiga ng kaso.

"Pero Pa, pwede ko naman i-describe sa inyo yung mga istura nila. Bukas isasama ko dito si Kian at Neil. Para magkaron kayo ng idea kung anong istura nung suspek." sabi ni Kuya.

Tumango-tango si Papa. "Pwede din anak. Malaking tulong iyon. Pero sana lang hindi nakilala at natandaan ng mga suspek ang mga itsura niyo para mahirapan sila tukuyin kayo kung sakaling ipahanap nila kayo." saad ni Papa saka siya nag-simulang kumain.

Hindi na nag-salita si Mama. Alam kong nag-aalala siya at iniisip niya yung gagawin ni Kuya. Pero mas okay naman na yun. Naisip ko kasi na tetestigo pa rin sila, pero hindi lantad. Kumbaga kay Papa lang siya magsasabi at bahala na si Papa i-recognize kung sino yung mga suspek.

Tutulong si Papa sa pag-iimbestiga pero alam kong may gagawin siyang sariling imbestigasyon at dun niya lang gagamitin ang mga impormasyong ibibigay nila Kuya. Kilala ko ang tatay namin, hindi niya ipapaalam sa mga pulis yung gagawin nila Kuya dahil wala siyang tiwala sa ibang pulis.

Dahil ang ilan sa kanila ay maaaring galamay ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno na kung saan, ang mga tiwaling opisyal na 'to ang puno't dulo ng gulo sa isang Bayan.

★★★

"Ano ba bibilhin natin dito?" tanong ko sa dalawang kasama ko. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Nangangalay na yung paa ko. Hindi ko alam kung anong pinunta namin dito.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung mag-simulang mag-imbestiga si Papa, syempre sa tulong din ni Kuya at dalawang kaibigan niya.

Katatapos lang ng exam namin kaya sembreak na. At itong si Julie at Elle niyaya ako mag-mall. Hindi na rin kami grounded ni Kuya kaya nakakagala na ulit kami. Hakhak. Kaso kanina pa kami palakad-lakad, wala pa kaming nabibili. Ewan ko ba sa dalawang 'to. Hayst!

"Wait ka lang bes." sabi ni Elle. "Asan naba kasi yung mokong na 'yon?" narinig kong bulong ni Julie. Sino daw? May kasama paba sila?.

"Sino yun?" tanong ko kay Julie. Biglang siyang natawa. "Ah, wala. Haha! Tara dun" tapos bigla niya akong hinila sa hindi ko alam kung saan papunta. Nakasunod lang sa'min si Elle.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din si Julie. Nasa harap kami ng jewelry shop. "Ang cute nung necklace" narinig kong sabi niya habang pinagmamasdan ang iba't-ibang klase ng alahas na nasa loob ng glass. "Bibili ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya at bigla na naman niya akong hinila. Medyo mabilis ang paglalakad niya na halos tumatakbo na.

Napansin namin na biglang tumakbo ng mabilis si Elle kaya sabay kaming napalingon ni Julie sa kaniya. At ngayon nasa tapat na siya ng poster ng idol niyang si Troy Cariaga. Agad kaming napatakbo papunta sa kaniya.

"Shet! Ampogi ng asawa ko." kinikilig na sabi niya habang hinahaplos ang poster. Nababaliw na ata ang kaibigan namin. "Feeling mo naman type ka niyan. Hahaha" pang-aasar ni Julie sa kaniya. Umirap lang si Elle at pinagpatuloy ang pag-nanasa sa poster ng idol. Hahaha.

Napansin kong biglang dinukot ni Julie sa bulsa niya ang phone niya at parang may binabasa siya dito. May nag-text siguro.

"Tara sa may entrance." saad ni Julie at as expected, hinila niya na naman ako. Hilig manghila ng bruha. "Kinikilig ako. Waaaah!" narinig naming tugon ni Elle dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Poster lang yun, kinilig kana?" tanong sa kaniya.

"Syempre asawa ko 'yon. Hihi! Pero mas kinikilig ako sa mga susunod na mangyayari. Waaaaaaaah" kinikilig pa ring sabi niya.

Anong sinabi niya? Susunod na mangyayari? Ano naman kaya iyon at parang excite na excite siya. Si Julie kanina ko pa rin napapansin na parang excited siya. Ano bang meron?. Bakit parang hindi ako informed. Ay ewan. Bahala na nga. Susunod na lang ako kung saan ako dalhin ng dalawang 'to.

Pagdating namin sa may entrance ng mall, napansin ko agad ang paglingon-lingon nilang dalawa sa paligid na para bang may hinahanap.

"Ayun!" napalingon ako sa itinuro ni Elle sa may bandang gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

Bakit siya nandito? Nagshoshopping kaya siya?

Ngumiti si Francis nang makita niya kami pagkatapos ay agad din siyang lumapit sa'min.

"Ikaw na bahala diyan ah. Beshy, iwan kana namin. Ihahatid ka naman niya pauwi. Hehe... Bye" at patakbong umalis yung dalawa. Ano 'yon???? Iniwan nila ako!!!

"Hayaan mo na sila. Kaya ka nga nila dinala dito dahil sinabi ko. Hehe" nakangiting sabi niya.

Napalingon ako kay Francis habang nakakunot ang noo. Paanong siya ang nag-sabi?  Eh wala namang sinabi yung dalawa na kasama si Francis.

"H-ha?"

"Wala. San mo gusto pumunta?" hindi ko alam ang isasagot ko.  Bakit parang naiilang ako?. Nubayan. Huhu

Sa nakalipas kasi na dalawang linggo, mas napapadalas ang pag-lapit niya sa'kin. Madalas din niya ako i-treat. Tapos halos araw-araw kami magkausap. Lagi siyang nagtetext at nagchachat pag nakauwi na kami sa mga bahay namin pagkatapos ng klase kahit halos maghapon naman kami magkasama. Ayoko namang isipin na may gusto nga talaga siya sa'kin. Baka mamaya ginagawa niya lang pala ang mga iyon para maging malapit kami sa isa't-isa dahil nasa iisang barkada lang naman kami.

Kaso sa araw-araw na nakikita kami ng mga kaibigan namin na magkasama, lagi kaming inaasar. Kaya siguro medyo awkward.

"Tara dun." sumunod ako sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palabas ng mall. Naglakad kami sa tabing kalsada hanggang sa tumigil siya sa tapat ng star bucks kaya naman napatigil na rin ako at nagulat ako nang bigla siyang umorder ng dalawa. Hala, baka kulangin pera ko.

"Woy, wala akong pambayad ha!" tumingin siya sa'kin saka ngumiti. "Hindi naman ikaw magbabayad"

Halaaaa. Nakakahiya. Lagi na lang niya ako nililibre tapos wala man lang ako naibibigay sa kaniya. Hayst! Babawi na nga  lang ako next time.

After 5  minutes, okay na yung order niya. Nagbayad na siya saka iniabot sa'kin yung isang star bucks. Konti lang naman yung costumers kaya mabilis niya nakuha yung inorder niya.

Umalis na kami dun at naghanap ng bench na mauupuan... Natanaw ko sa di-kalayuan ang isang vending machine at ang bench sa tabi nito. Sakto namang umalis yung nakaupo kanina. May nakaupo rin kasi sa katapat nitong bench.

"Ayun!" tinuro ko sa kaniya ang bench kaya dali-dali kaming pumunta doon dahil baka maunahan kami.

9:00am pa lang. Hindi masyadong mainit at hindi rin makulimlim. Tama lang temperatura ng panahon. Sabado ngayon at sembreak pa kung kaya't kaliwa't kanan din ang namamasyal sa loob at labas ng mall. Karamihan ay mga kasing edad lang namin.

Umupo ako sa bench saka ko ininom ang star bucks na hawak ko. Umupo na rin si Francis sa tabi ko. Buti naman at may konting space sa pagitan namin. Naiilang pa rin ako eh.

Walang umiimik sa aming dalawa. Nubayan! Lalo tuloy naging awkward. Hindi rin ako makapagsalita dahil bukod sa nahihiya ako, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Hanggang sa may naalala ako na kanina ko pa gusto itanong. "Ano nga pala ginagawa mo dito? May bibilhin ka ba?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kaniya.

Tumingin muna siya sa'kin bago nagsalita. "Ah k--kase... Ano."

Hanudaw? Bakit parang hindi niya alam ang isasagot niya. Ah siguro may kadate siya. Or ka-meet up sa mall?. O baka naman may importanteng bibilhin. Naku! Sana hindi niya na lang ako sinamahan kung may i-mimeet siya or may bibilhin siya. Nakakahiya talaga. Mukhang naabala pa siya.

Nilingon ko siya at nakita kong iniinom na rin pala niya yung star bucks niya.

"Kung may bibilhin ka, sasamahan na lang kita. Mukhang naabala ka pa dahil sa pag-sama sa'kin. Yung dalawang bruha kasi eh, iniwan ako." paliwanag ko.

"Ay hindi. Okay lang. Wala akong bibilhin dito. Actually, ako nag-sabi sa kanila na isama ka nila dito. Hehe" napakamot pa siya sa ulo niya.

Medyo naguluhan ako. Bakit naman niya ginawa 'yon? Eh pwede naman na ako na lang mismo yung pinapunta niya dito.

"Bakit? Pwede namang ako na lang mismo yung pinapunta mo. Hahaha Inutusan mo pa yung dalawa." natawa tuloy ako sa sinabi ko. Ano ba kasing trip ng mokong na'to.

"Baka kasi hindi ka pumayag pag ako yung nang-yaya sa'yo. Tsaka bestfriend mo naman ang dalawang 'yon. Gusto ko lang magpatulong sa kanila."

Magpatulong kaya saan? Baka may gagawin siya na si Elle at Julie lang ang may alam about sa kung ano man yung gagawin niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumulpot si Christian sa harap namin. Kasama niya si Vina, yung girlfriend niya.

"Kayo ha! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Christian na may halong pang-aasar.

"Tumatambay. Kayo anong ginagawa niyo dito? Nag-dedate na naman kayo." mabilis na sagot ni Francis.

"Kayo ang nag-dedate. Huling huli, bawal tumanggi." napansin ko ang mahinang pagtawa ni Vina na nasa tapat lang din namin, katabi ni Christian.

Ano ba naman 'tong si Christian. Nang-aalaska pa. Nakakailang na nga eh. Hindi tuloy ako makapagsalita.

'Ingay naman'

Sabay-sabay kaming napalingon sa Aleng umalis. Siya yung nakaupo sa katapat na bench.

"Ayan! Lagot ka. Nagalit tuloy yung Ale. Ingay mo kasi." sa wakas may nasabi rin ako. Hahaha

"Yaan mo siya. Atleast may upuan na rin kami... Wahaha" umupo sila ni Vina sa katapat na bench.

"Hoy ano nga?! Bakit kayo nandito? Bakit kayo mag-kasama?" pangungulit pa ni Christian.

Saglit kong tiningnan si Francis na nakatingin lang kay Christian habang sinisipsip ang straw ng star bucks niya. Mukhang wala na siyang balak sumagot kaya ako na lang ang nagsalita.

"Kasama ko si Elle at Julie kanina. Eh may pupuntahan ata sila kaya nag-paiwan muna ako dito. Tinatamad na ako magpalakad-lakad eh." palusot ko.

Pero parang hindi siya naconvince sa sinabi ko. Yung tingin niya kasi eh, parang nang-eechoss. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Kakain kami sa Jollibee. Sama kayo?" biglang pag-iiba ni Christian ng topic. Hahaha kala niya diyan ha!

"Sige. Tara!" nagulat ako sa biglang pagsagot ni Francis kaya agad akong napalingon sa kaniya. Ayan na naman siya eh. Sinabi ko na nga kanina na konti lang yung dala kong pera. Wag niya sabihin itetreat niya na naman ako?. Nakakahiya na talaga. Huhu

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Naramdaman kong tumayo na sina Christian at Vina. "Tara na." yaya ni Vina. Mukha siyang mabait. Pero ewan ko lang din. Hindi naman kasi namin siya nakakasama eh. Kilala lang namin siya bilang girlfriend ng kaibigan namin.

"Ako na bahala. Tara!" napatayo na lang ako dahil tumayo na rin si Francis. Bahala na siya diyan. Wala naman akong sinasabi na itreat niya ako palagi.  Choice niya yun.

★★★

"Kamusta kayo ni Christian?" tanong ko kay Vina. Naiwan kaming dalawa dito sa table. Nasa counter pa kasi yung dalawang boys, hinihintay yung inorder namin.

"Okay naman. Kayo?. Ilang months na ba kayo?"

Halos lumuwa yung mata ko sa tanong niya. Akala niya siguro boyfriend ko si Francis. Pero bakit parang kumabog yung dibdib ko nang tanungin niya 'yon? Siguro hindi ko lang inaasahan na yun ang sasabihin niya.? Pero hindi eh. Parang iba sa feeling. Merong something.

"Naku! Haha. Magkaibigan lang kami nun" natatawa kong sagot.

"Talaga ba? Haha. Parang hindi naman."

Mapang-asar din pala 'to. Bakit ba ganyan mag-isip ang tao? Nakita lang na magkasama. Iniissue na. Nakakaawkward kasi.

"Kaibigan ko lang talaga siya. Sila ni Christian".

"Ah Oo. Naalala kita. Ikaw yung may napulot na bracelet tapos si Tian yung nagsuot sa'yo."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya kahit normal lang naman yung pagkakasabi niya at hindi mukhang galit. Naalala ko kasi yung tingin niya nung isinusuot sa'kin ni Christian yung bracelet. Halatang may halong selos eh. Nakakatakot.

Tumango na lang ako. Sakto namang dumating na yung dalawa dala ang mga pagkain namin.

Umupo sa tabi ko si Francis tapos sa tabi naman ni Vina umupo si Christian. Magkatapat kami ni Vina.

Ano 'to, double date? Hahaha. Hay naku Jestine kung ano-ano iniisip mo. Lagot ka sa tatay mo.

Nagsimula na kaming kumain. Pero etong si Christian, hindi mawala ang mapang-asar na tingin. Kanina pa siya ha!

"Buti hindi kana napapraning kakaisip sa bagay-bagay. Nakikipagdate na eh. Hahaha"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Christian. Buti na lang madali ko nakuha ang coke na nasa tabi ng plato ko kaya mabilis akong nakainom.

"Okay ka lang?" tinanguan ko lang si Francis. Ayoko muna siya kausapin hanggat kasama namin ang baliw naming kaibigan. Hindi 'yan titigil sa pang-aasar eh.

Tumawa lang si Christian habang tahimik namang kumakain sa tabi niya si Vina na halatang nagpipigil ng tawa.

Tumigil lang siya sa pagtawa nung akmang babatuhin ko siya ng bag ko. Buti naman at bumalik na siya sa normal. Abnormal kasi eh.

"Tama 'yan. Wag mo na problemahin ang problema ng iba. Yung tungkol sa babaeng ginahasa at pag-testigo ng Kuya mo. Safe naman siya eh. Sabi nga nila 'You only live once'. Enjoy your teenager life. Bata pa naman tayo kaya magpakasaya na lang muna tayo. Problema na ng lipunan at gobyerno 'yan. Labas tayo dun. Ang mahalaga masaya tayo sa mga buhay natin. 21st Century na. Panahon natin 'to kaya enjoy lang." tugon niya saka ipinagpatuloy na ang kaniyang pagkain.

Aba kanina lang nang-aasar siya. Ngayon nag-aadvice na. Hahahaha baliw talaga siya. Pero tama naman yung sinabi niya... Bahala na ang gobyerno sa mga problemang ganyan. As long as hindi kami nadadamay, magpapakasaya nalang kami.

★★★

Saglit akong napapikit habang dinadama ang sariwang hangin. Sarap kasi ng hangin dito. Buti na lang hindi masyadong mainit. Nandito kami ni Francis sa park. As usual, namamasyal. Umuwi na si Christian at Vina kanina pagkatapos namin kumain sa Jollibee.

Hindi pa naman kami umuwi ni Francis kasi gusto niya raw mamasyal muna dito sa park. May motor naman siyang dala kaya hindi na kami naglakad papunta dito.

Nakaupo ako sa isang swing habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Nasa katabing swing naman nakaupo si Francis.

"Alam mo ba kung bakit ko sinabi kila Elle na isama ka sa mall?"

Napakunot ang noo ko sabay lingon sa kaniya. "Dahil nagpapatulong ka sa kanila? Teka, saan ka nga pala nagpapatulong?"

Medyo nawala na yung pagkailang ko sa kaniya. Kanina kasi habang nakaangkas ako sa kaniya sa motor, nagkwento siya tungkol sa mga hilig niya. Sinabi niya rin na wag ko na lang pansinin yung mga pang-aasar ng mga kaibigan namin.

Nagtaka ako nang umiling siya.

"Eh bakit?" takang tanong ko.

"Kasi gusto ko lang. Hahaha" lalong kumunot ang noo dahil sa biglang pagtawa niya.

Tumigil siya sa pagtawa tapos umayos ng upo. Napansin niya sigurong hindi ko na-gets yung sinabi niya.

"May sasabihin ako."

Hindi ko alam pero bigla kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya... Ang seryoso niya kasi tapos nakakatitig pa siya sa'kin. Napaiwas ako ng tingin dahil naiilang na naman ako.

"Ano yun?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kaniya. Nakatingin lang ako sa lupa.

Timikhim siya. "Pinakiusapan ko si Julie na tulungan ako para lalo akong mapalapit sa'yo. Bestfriend mo kasi siya at alam kong siya talaga ang pinaka-close mo sa aming lahat. Siya rin ang unang nakapansin sa madalas na paglapit ko sa'yo. Kaya naisip ko na sa kaniya na lang ako magpapatulong. Kaso nahuli kami ni Elle na nag-uusap at narinig niya na ikaw ang pinag-uusapan namin kaya no choice ako kundi ipaalam din sa kaniya. Pero okay na rin 'yon kasi bestfriend mo rin naman siya."

Bakit naman gusto niya mapalapit sa'kin?. Siguro dahil ako lang yung hindi niya close sa aming magbabarkada?. Yun lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga 'to.

"Eh bakit naman gusto mo mapalapit sa'kin?"

Sandali siyang napatahimik.

Hinihintay ko ang sagot niya sa tanong ko.

Pero bakit ganun? Parang kinakabahan ako sa isasagot niya.

Alam kong ilang beses na sinabi sa'kin ni Julie na baka may gusto sa'kin si Francis pero hindi ko pinansin yun dahil baka nang-aasar lang siya. Ayoko rin naman kasi mag-assume.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya nilingon ko na siya.

Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang magtama ang mga mata namin.

"Kasi gusto kita!"

Nakahintay sa'yong tabi.♪

Minamasdan ang iyong ngiti.♪

Oh sana nga ikaw na.♪

Oh sana nga ikaw na.♪

Magkayakap ng ka'y mahigpit.♪

Tibok ng puso mo'y dinidinig.♪

Sana nga ikaw na...♪

Oh sana nga ikaw na.♪

Pagod na sa mga laro,♪

Hangad ko lang ay totoo.♪

Sana ikaw na 'yon...♪

Yung pang habambuhay.♪

Di na maghihiwalay.♪

Sana ikaw na 'yon.♪

Alam kong masyado pang maaga.♪

Ngunit ang puso ko'y umaasa.♪

Sana ikaw na nga.♪

Oh sana ikaw na nga.♪

Kailanma'y di ka bibitawan.♪

Habambuhay ipaglalaban.♪

Hindi susukuan.♪

Hindi iiwanan.♪

Hindi ka pababayaan.♪

Sana ikaw na nga.♪

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang irereact ko. Ang lakas ng kabog ng dibdid ko.

Tama nga si Julie, may gusto siya sa'kin. Pero hindi ko akalaing magkakagusto nga talaga siya sa'kin.

"Pwede ba kita ligawan?"

Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko sa sunod niyang sinabi. Hindi ko na malaman kung anong sasabihin ko. Papayag ba ako na ligawan niya ako?. Pero hindi pa ako handa. Wala akong alam sa relasyon.

May part lang sa sarili ko ang nag-sasabi na payagan ko siya manligaw. Wala namang masama kung bibigyan ko siya ng chance. At bigyan ko rin ng chance ang sarili ko na maranasang magka lovelife.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Featured Song: Sana ikaw na nga - Marlo Mortel

Chương tiếp theo