webnovel

Chapter 4

" Oy! Sis sama ka mamaya?." pag-yaya ni Sam sa akin, naglalakad kami ngayon papuntang main entrance.

Hindi sabay sa amin na umuwi si Lourdes dahil kinausap siya ng aming professor, siguro ay binabalak na naman siyang ipanlaban sa ibang university. Matalino nga naman.

" Saan naman?." tanong ko sakanya.

" Hay! Nako naka-first place kasi yung basketball team natin sa UAAP, kaya yon nahatak si Lourdes sa team celebration." si Alli na ang sumagot.

" Ehh. Para sa kanila lang yon. Hindi na ako sasama nakakahiya." sagot ko kay Alli at Sam.

Kung may kapal sila ng mukha, ako wala. Zero percent yung kakapalan ko ng mukha.

" Pero sabi ni Lou na sumama daw tayo" hirit ni Sam.

Inakbayan ko naman si Sam at pinisil ang kanyang pisngi, nanlaban pa ito dahil sa ginawa ko.

" Hahahah busy ako kayaayaw ko talaga sumama,  babawi pa ko sa Academic ko." palusot ko sa kanila.

" Kelan ka ba bumawi sa academics mo eh laging mababa yung grades mo " pambabara ni Alli sakin.

Sakit naman nito magsalita. Nakakabawi rin naman ako kahit papaano.

" Basta hindi papagalitan ako ni Mama pag nalaman na pumunta ako sa party, lalo na madaming lalake don " sabi ko pa.

" Ano naman allergic kaba sa lalaki." takang tanong ni Sam sa akin.

Napataas ang kilay ko

'gusto ko siyang sagutin ng

OO! ALLERGIC AKO SA IBON! 

" So hindi na talaga mag babago ang isip mo Jen?." tanong ulit ni Sam sakin

Napabuntong hininga ako at tumango sakanya bilang sagot. 

" Okeyy Ingat ka." kaway ni Sam tumango naman si Alli sakin,

Sumakay na sila sa black limousine na pagmamay-ari ni Alli. Sinundan ko lang ang kotse ng tingin habang papaalis.

" Huwag papakalasing ha!" pahabol na sigaw ko sakanila bago mawala sa aking paningin ang sinasakyan nila.

" Oo na!! " sigaw nilang dalawa sakin

Napatingin ako sa lalakaran ko at nagsimula ng maglakad. Maaga pa naman kaya naisipan kong maglakad, may short cut din kasi akong alam na pwedeng daanan..

Sa paglalakad ko ay may nakita akong babae kinakausap niya yung mga dumadaan pero nilalagpasan lang siya. Nang makalapit ako sa kanya ay tinanong niya rin ako.

" Ah! Miss pwede bang makigamit ng phone kasi naholdap ako, Dyan." tinuro niya ang University namin " Dyan ako nag aaral,  kasamaang palad naholdap ako kani-kanina lang at nadala lahat ng gamit ko." napatingin naman ako sa maputing mukha nito kasing puti niya ata si Lourdes.

Naagaw ang pansin ko sa asul niyang mga mata, teka foreigner ba siya?

" Sige?." napaayos ako ng tayo at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at inabot sakanya " Ito " ngiting saad ko.

" Salamat talaga!." ngiting pasasalamat nito sa akin.

Ewan ko pero bigla nalang ako napangiti nung ngumiti siya , nakakahawa ang pag-ngiti niya. 

" Aishhh! ayaw sagutin ng maid namin..huhuhu." mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin.

" San kaba nakatira ihahatid nalang kita." sabi ko rito.

Naging bitwin naman ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.

" SALAMATTTT!!." tinaas niya ang kamay niya at niyakap ako.

Napakakulit naman ng babae to para siyang bata kung umasta.

" Oo na!" sigaw ko sakanya para humiwalay siya sa akin sa pag-yakap, agad naman niyang sinabi kung saan ang bahay nila napahinto ako dahil alam ko kung anong lugar na to. 

" Taga-Sonnet Villa kadin?." tanong ko sakanya.

" Oo bakit? Ikaw din ba?." tanong niya sa akin, napangiti naman ako.

" Oo.. hehehe.Teka ano palang pangalan mo?." tanong ko habang naglalakad kami.

" Ako Evee Velasquez , and your ahmm! Jennica Tokio?." pagpapakilala sa akin ni Evee.

Bakit niya ko nakilala?? 

" Huwag ka magtaka, sikat sa university ang siyam na natira sa section LLB1. " ngiting sabi niyang saad niya sa akin.

" Ah hindi naman ano." napahawak ako sa batok ko sa sobrang hiya.

" Nako.. Btw nandito na tayo." sabi Evee sa akin kaya napahinto kami sa paglalakad.

Napatingin naman ako sa malaking gate at tanaw sa luob ang mala mansyon na bahay.

" Diyan ka nakatira??." takang tanong ko saknya.

" Yes. Dito." ngiting sagot sa akin ni Evee.

" Eh kay Gov. Velasquez yan.  teka Evee Velasquez-." nag isip pa ko bago mag sink-in sakin ang pangalan nilang dalawa.

" Anak ka ni Gov!." sigaw ko ng mapagtanto ko na anak siya ni Governor.

" Yes I'm his daughter." ngiting sagot sa akin ni Evee.

" Jusmee! Nice to meet you pakisabi naman kay Gov. idol na idol namin siya." ngiting saad ko kay Evee saka hinawakan ang dalawang kamay niya.

Idol ko talaga ang governor namin dahil sobrang ganda ang pamamahala niya sa buong lungsod. Kaya lagi siyang nanalo sa botohan 'tiwala na sakanya ang mga tao.

" Hahaha makakarating kay Dad, Nice to meet you too Jennica." binawi niya ang kamay niya na hawak ko, nilagay ko naman sa likuran ko ang mga kamay ko.

" Sige mauna na ko." paalam ni Evee at pumasok na siya sa luob ng kanilang gate. 

Ako naman ay nagmamadaling umuwi sa bahay para ibalita kay Mama ang nangyare sa akin.

" Mama!." sigaw ko.

Nakita ko naman napaupo sa pagkakahiga si Mama sa aming sofa.

" Bakit anong nangyare huh?." tanong nito sa akin.

" Mama!."

" Ohh? Ano ba kasi sabihin muna huwag kang mama ng mama." inis ni Mama na sabi sa akin.

" Kasi yung anak ni Gov. Velasquez tinulungan ko kanina naholdap kasi siya at aksidente lang nakilala ko siya. Sa Archadis din pala siya nag-aaral at taga-dyan lang siya sa kabilang street kung saan mismo yung bahay nila Gov." excited na pagkwe-kwento ko kay Mama halos hindi na ako huminga sa pagsasalita kaya hiningal ako pagkatapos.

" Easy kalang anak." hinawakan nito ang pisngi ko para kumalma ko.

Kalmado naman ako ah!

" Ma naman." nguso kong sabi kay Mama.

" Ang saya mo kasi." ngiting saad ni Mama sa akin bago inayos ang kanyang upo.

" Ganon naman talaga eh alam mo naman Lodi natin si Governor kasi diba mag-bestfriend sila ni Papa." sabi ko.

" Yeah.Oo nga anak .. Oo na." natatawang saad ni Mama sa akin.

Bakit ba si Mama natatawa sa akin.

" Bahala ka nga dyan Ma." nag lakad na ko patungo sa kwarto ko at humiga   para matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. 

" Hello Jennica Tokio speaking." sagot ko dahil di nakaregister ang phone number ng tunawag.

" Ah kaibigan to ni Paul-kasi si Paul lasing na iuuwi na namin. Yung dalawa mong kaibigan na si Alli at Sam hinatid na ng mga body guard nila, Kasi si Des walang mag uuwi sakanya baka naman pwede mo siyang sunduin." nahalata ko nalasing na rin ang kausap ko base sa pagkikipag-usap niya sa akin.

Napa-balikwas ako ng tayo at seryosong tinanong ang lalaki sa kabilang linya.

" Nasan kayo." tanong ko habang kumukuha ng jacket sa cabinet.

" Sa Paraiso Bar." pagkasabi niya non ay agad akong lumabas ng kwarto.

" Ma pwede ba mahiram yung kotse mo susunduin ko lang si Des." sabi ko.

" Ah sige.. here." hinagis ni Mama sakin ang susi, maswerte ko naman itong nasalo.

" Mamats Ma I love you!." ngiting pasasalamat ko kay Mama.

Tumakbo na ko patungo sa sasakyan at nag-mamadaling nagmaneho papuntang bar. Pagkadating ko ruon ay naabutan kong bagsak na si Lourdes sa kinauupuan niya 'madaming bote alak ang nakakalat sa lamesa.

Mukhang wasted na siya base sa itsura niya.  

Lumapit pa sakin yung ibang kasamahan ni Paul para tulungan ako sa pag-bibitbit kay Lourdes.

" Salamat kaya ko na to." ngiti ko sa mga lalaki at binitbit ko na siya sa likuran ko.

Ang totoo ang bigat niya hindi pero kinakaya kuna lang. Ginusto ko to eh! Diba?

Habang naglalakad kami patungo sa sasakayan ay may binubulong bulong ito. Mukhang nanaginip na ata si Lourdes.

Pinasok ko siya sa front seat at saka ako pumasok sa driver seat.  Kinuha ko ang jacket sa upuan at pwersahan na sinuot saknya. 

" Ansaket.." bulong nito sa akin, napatawa naman ako.

" Lalasing lasing ka dyan tapos ganyan ka." tawang saad ko sakanya bago nag-maneho.

Mabilis lang na nakarating kami sa condo unit niya dahil walang traffic.

" Susi nasan ang susi?." tanong ko saknya.

Inupo ko siya sa gilid at inagaw ko pa sakanya ang pouch na hawak niya para tignan duon ang susi.

Jackpot!

Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko na siyang hinila papasok , mangangalay na kasi ang likod. Bahala na kasalanan niya to.

Ilang beses na ko nakapunta sa condo unit niya pero hindi ko parin maiwasan na hindi mapahanga. Ang lahat ng ito ay naipundar niya nang hindi humihingi ng tulong sa mga magulang niya. She's an independent woman.

Sana ako rin kaya ko, ni damit wala kong maipundar. Hais.

" Des umayos ka." sita ko sakanya napakalikot kasi ni Lourdes.

" Nasan si Paul." pikit nitong saad at inayos ang sarili niya sa pagkakahiga.

" Knockdown din-Umayos ka na ah." hinampas ko pa ito ng unan pero mahina lang. 

"Hmmpp."

Napatitig ako kay Lourdes , sobrang amo ng mukha niya habang natutulog. 

Haisss! Puso relax kalang dyan, bumaba ang tingin ko sa ma-pulang niyang mga labi.

" Huwag nako huwag." napahawak ako sa ulo ko at iniling iling ito.

" Ikaw Jenica umayos ka." pangangaral ko sa sarili ko.

Kiss muna kahit isa lang, last na yan tapos kalimutan muna diba. 

Napahinto naman ako, well dati ko pa gustong halikan si Lourdes baka ito na ang huling tyansa ko para gawin iyon. 

Napabuntong hininga ako at lumapit sakanya,  tinukod ko ang aking dalawang kamay sa gilid ng ulo niya.

Unti unti kong nilapit ang aking mukha kay Lourdes hanggang naramdaman ko ng dumampi ang aking mga labi sa isang nalambit na bagay.   

Hindi ako gumalaw nihuminga ay hindi ko nagawa, ang lambot ng mga labi niya. Minulat ko ang mata ko para tignan si Lourdes, nakita kong nahagyang nakabukas ang mga mata niya kaya't napaalis ako sa ibabaw niya. 

 

Teka gising siya!.

" De...ss." kanda-utal kong sabi sa pangalan niya.

" Hmppphhhhhhhhhh." narinig ko ang malalim na hininga nito bago pumikit ang mata niya ulit.

Tinginan ko ulit siya at napagtanto ko na tulog parin pala siya. Mabuti nalang!

Napagawak ako sa dibdib ko, parang may mga nag-uunahang mga kabayo duon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bahagya akong napatingin saknya at kinagat ang pang ibabang labi ko. 

Shit ka Talaga Lourdes! 

Again sorry sa typo and grammatical errors. Ito po ay un-edited pa. Salamat.

Binibining6IXcreators' thoughts
Chương tiếp theo