RUTH couldn't look at Lay Raven's eyes that morning. Napangiwi siya. Ayaw niyang makahalata si Crystal sa tensiong namamagitan sa kanila. Damn! She shouldn't have let him do that to her. Paano pa niya ngayong haharapin ang kanyang asawa matapos ang nangyari sa kanila kagabi? Alright, it was hot and sweet but it was still embarrassing.
Making love with him was a mistake. Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? muli niya itong iniwasan sa pamamagitan ng pagpunta sa mesa upang magtimpla "kuno" ng kape. She was shaking uncontrollably. Hanggang sa naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likod.
"L-Lay Raven!" she gasped.
"Good morning sweetheart," masiglang bati nito. Nanayo ang mga balahibo niya nang bigla nitong isubsob ang mukha nito sa batok niya. She immediately felt hot when she felt his lips on the crook of her neck. "Ang aga mong nagising. Paggising ko, wala ka na agad," puna nito.
Napapikit siya. What did he expect? Alangan namang makisabay pa siyang gumising rito. Tapos anong gagawin nila? Magngingitian pagkatapos ng nangyari kagabi? It would be more embarrassing! Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap nito pero hindi siya nito binitiwan.
"N-nagtitimpla ako ng kape," saway niya.
"Edi magtimpla ka."
"Paano ako makakapagtimpla kung ganitong nakayakap ka naman?"
"Kaya mo iyan. Ayaw mo nito, may moral support ka pa mula sa akin?"
Napabuntong hininga siya. "L-look. A-about what happened last night. Hindi dapat iyo—"
"Please don't say that. It was precious and I know you treasure what happened last night too," pigil nito sa anumang sasabihin niya.
"L-Lay Raven," nahihirapang anas niya.
"We can ignore it but please, let us not forget about it," suhestiyon nito. Natahimik siya kaya napabuntong hininga ito. His embrace tightened. "Nakapagluto ka na ba?"
Siya naman ang napabuntong hininga. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. "H-hindi pa."
"Good. I'll help you cook," anito sa muling pinasiglang boses. Inalis nito ang pagkakayap sa kanya, ipinaharap siya nito ay maalab na hinalikan sa mga labi bago lumayo sa kanya.
Natulala siya sa ginawa nito. Sinundan niya ng tingin ang sumunod na ginawa nito. Lumapit ito sa pantry at inilabas ang ilang mga rekado ng balak nitong lutuin. Biglang nanubig ang mga mata niya. It felt like what they used to be, noong bagong kasal pa sila.
Dahil hindi siya marunong magluto noon ay lagi siya nitong tinutulungan sa kusina. Pinalis niya ang luhang namuo sa mga mata niya bago pa man nito iyon makita. "Ako na diyan," pigil niya rito bago siya lumapit rito.
"Ako na," pamimilit naman nito.
"Ako na sabi eh," aniyang pilit na inaagaw rito iyong tray ng itlog.
"Ako na."
"Lay Raven, isa!"
Muli siyang natigilan nang sa halip na tumigil ay bigla siya nitong hinalikan sa labi. "I want to cook for my wife and for my daughter," nakangiting wika nito pagkadaka.
"P-pero..."
"Pwede mo naman akong tulungan eh. You can kiss me kapag nakita mong pagod na ako. O kaya, pwede mo rin akong yakapin kapag nakita mong namimiss na kita," ngisi nito.
She flushed. "A-ano ka ba?"
"Great. Tinutukso mo na naman ba akong halikan ka dahil sa pamumula ng mukha mo?"
She rolled her eyes. "Bakit umagang umaga, ang cheesy mo?"
"Kasi ang sarap ng tulog ko kagabi? Oh wait, nakatulog nga ba ako?"
Lalo siyang pinamulahan ng mukha. "Lay Raven!" she hissed.
Natatawang lumapit ito at niyakap siya. "Let's just savor this moment, please? Don't ruin everything because you wanted to protect yourself from me. Losen up a bit, sweetheart. Pagbigyan naman natin ang mga sarili natin, kahit na konting panahon lang," pagsusumamamo nito.
At naisip niyang tama ito. Gusto rin niyang pagbigyan ang sarili niya. She wanted to be with him too, kahit na maikling panahon lang. Napayakap na rin siya rito. She wanted to cry. Bakit kailangan nilang maghiwalay kahit pa nagmamahalan naman sila? Why was everything about them so complicated? Pagkatapos ng dalawa pang natitirang buwan, would she be able to let him go?
"ANO'NG iniisip mo?"
Napangiti siya nang biglang yumakap si Lay Raven mula sa likuran niya at isinubsob ang mukha nito sa may leeg niya. Kagigising lang nila. Hindi niya naiwasang mapangiti at pamulahan nang maalala ang nangyari kagabi. Na naman. It's been a month since they've decided to give theirselves a break. Simula noong napagpasyahan nilang i-enjoy muna ang lahat ng nangyayari sa kanila, para pagbigyan ang mga sarili nila. Gumanti siya ng yakap sa mga braso nito.
"W-wala," mahina niyang sagot.
"Alam kong meron."
Meron nga. Iniisip niya kung bakit niya ito hinayaang muling buwagin ang depensang sampung taon rin niyang ipinalibot sa kanyang puso. Maraming bagay siyang dapat isipin pero isang bagay ang nagtutumining sa kanyang isip nang mga sandaling iyon. She still loved him. Hindi iyon nagbago. Mukhang mas lumalim pa nga. At iyon ang ikinatatakot niya.
"A-ano'ng oras na?" sa halip na sumagot ay tanong niya.
"Oras na para harapin natin ang multo ng ating nakaraan."
Nanigas siya mula sa kanyang kinahihigaan. Parang gusto niyang tumakbo palayo rito. No, she didn't want to hear it. Ayaw niyang pag-usapan ang masakit na nakaraan nila.
"Alam kong iyon ang isa sa mga bumabagabag sa'yo. Maging sa akin rin naman," dagdag pa nito. "Let's face it, Ruth. Let's talk about it."
"H-hindi pa ako handa," bulong niya.
"When will you be ready?"
"H-hindi ko alam," iling niya.
"Ruth..."
"Please, huwag mong sirain ang araw na ito."
Narinig niya ang mabigat nitong pagbuntong hininga. Nitong nakaraang linggo ay madalas nilang pagtalunan ang bagay na iyon. He wanted to settle things between them, but she's always refused to do it. Natatakot siya. Isa pa, ano pa ba'ng magiging silbi niyon kung sakali? Maghihiwalay ay maghihiwalay rin naman sila. And they couldn't do anything about it.
Mayamaya'y naramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong labi sa batok niya. Agad siyang nakaramdam ng init sa bahaging dinampian nito ng isang mabilis na halik. Nagpatuloy ito sa pagpapaulan ng mumunti ngunit mainit na mga halik sa batok niya, patungo sa kanyang leeg.
"L-Lay Raven..." nahihirapang saway niya.
"Hmmm..."
"T-tumigil ka..."
"Gusto mo ba talaga akong tumigil?" anito sa pagitan ng mga halik nito.
Napapikit siya. Ayaw niyang tumigil ito. Humarap siya rito at agad na hinanap ang mga labi nito. She heard his soft chuckle. Hindi naglaon ay nahulog na sila sa isang mahaba at makapugto hiningang halik. Hanggang sa mapatigil sila dahil sa isang mahinang katok sa pintuan. Lay Raven groaned when she stopped kissing him. Itinakip niya ang kanyang palad sa labi nito nang tangkain ulit nitong halikan siya. Inirapan niya ito.
Muli silang nakarinig ng isang mahinang katok. Kasunod niyon ay ang tila nananantiyang boses ni Crystal. "M-mommy? Daddy? Gising na ba kayo?" tawag nito mula sa pinto.
Natilihan siya. Tatayo na sana siya nang bigla siyang yakapin ni Lay Raven ng mahigpit. Once again, he nuzzled on her neck and kissed her there. "Yes, baby. Gising na kami. Pababa na kami," pagkunwa'y sigaw nito habang hinahalikan siya sa leeg. His voice was still hoarse.
"Uh—okay?"
Napasinghap siya nang muling huliin ni Lay Raven ang mga labi niya. He really was a good kisser. Isa iyon sa mga gusto niya rito. Malapit na siyang matangay sa halik nito nang muling kumatok si Crystal sa pinto. Napatigil ulit sila sa paghalik sa isa't isa.
"Uh...daddy? I forgot to tell you. Tumawag nga pala sina lolo kanina. Ang sabi nila ay dadalaw raw sila rito ngayon."
Nanlaki ang mga mata niya."S-sino'ng lolo?" hindi niya napigilang isigaw.
"Magkasunod iyong tawag eh. Dalawang lolo ang dadalaw. Kasama ang dalawa ko ring mga lola. So I suggest that you get down here fast, kasi in about an hour, baka nandito na sila."
"Okay. We'll be there in a minute," sigaw ni Lay Raven.
Nang marinig nila ang mga yabag ni Crystal palayo ay bigla niyang naitulak si Lay Raven palayo. Ano ang gagawin ng mga magulang nila doon? Agad siyang tumayo upang matigilan lamang dahil sa pagsipol nito. Pinamulahan siya ng mukha nang mapagtantong nakahubad nga pala siya. Gusto sana niyang hablutin ang kumot upang itakip sa kanyang kahubdan kaso ay ayaw naman niyang isipin nito na nag-iinarte siya. Hindi naman iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita siya nito sa ganoong ayos. Taas noong naglakad siya patungo sa banyo.
"Ruth..." tawag nito.
Kumabog ang dibdib niya. Napatigil siya sa paglalakad ngunit hindi siya lumingon rito. Hinintay niya itong magsalita ulit ngunit hindi na iyon nangyari. Kunot ang noong binalingan niya ito. Gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang malingunan niya ito, isang dangkal lamang ang layo sa kanya. At kagaya niya at wala rin itong kahit anong saplot sa katawan.
"Sabay na tayong maligo para tipid sa oras," anito sa namamaos na tinig.
Napalunok siya. "M-matatagalan lang tayo lalo."
"We'll make it quick," ngisi nito.
Natatawang hinila siya nito sa kamay patungo sa banyo. Ni hindi na ito nag-abalang isara ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok nila ay hinalikan agad siya nito. At bago pa man sila makapagprotesta ay masyado na siyang natatangay sa eksperto nitong mga kamay at mainit na mga labi. Ang quick shower nila, kagaya ng inaasahan niya, ay naging matagal na shower.