webnovel

Hindi Namin Gusto ang Mo Huiling Na Iyon

"Hindi ko naisip na may sense ka rin palang kausap minsan," iniunat ni Gu Jingze ang kamay at hinawakan ang ulo ni Lin Che.

"Oo naman, tanga! Sinabi ko sa'yo dib ana matalino naman talaga ako? Mukha lang talaga akong bobo."

"Ha, eh kabobohan mo lang naman palagi kong nakikita eh, pero yang katalinuhan…" napahagikhik si Gu Jingze habang nakatingin sa kanya.

"Lumayas ka nga dito! Wala na akong pakialam sa'yo. Hmph. Iniinsu-insulto mo na naman ako pagkatapos mo akong pakinabangan!"

Nang maalala na naman niya kung paano siya nito napakinabangan kanina ay parang gusto niyang mamatay sa kahihiyan.

Iyon ang unang beses na ginawa niya ang ganoon sa isang lalaki. Iyon ang unang beses na nakahawak siya nang matagal sa sensitibong bahagi ng katawan ng lalaki. Parang gusto niyang maiyak sa kahihiyan.

Ano bang karapatan nito na tanungin siya kung ano ang gusto niya bilang kabayaran ng binigay niyang kaligayahan?

Sa huli ay wala siyang napala sa ginawa niya. Wala siyang nakuha sa pagtulong niya dito.

Pero, naalala niya kung paanong naging kalmado at gumaan ang pakiramdam ni Gu Jingze kanina kaya naisip niya na tama siguro ang ginawa niyang pagtulong.

Dahil napasaya niya ito kaya kinumbense niya ang sarili na mahalaga ang nagawa niya para dito.

Gusto niya ulit bumalik sa dagat. Pinigilan siya ni Gu Jingze. "Hindi ka marunong lumangoy, kaya huwag ka na munang bumalik diyan. Pupunta nalang muna tayo sa pool sa resort para mag-aral ka munang lumangoy, at pagkatapos ay babalik nalang tayo dito ulit."

Ayaw sanang magpapigil ni Lin Che pero hinila siya ni Gu Jingze.

Nang gabi na ay nagpahinga na sila sa villa.

Pagod na pagod si Lin Che kaya maaga siyang nakatulog. Pagkagising niya kinabukasan ay napansin niyang wala na doon si Gu Jingze.

Lumabas siya at tumingin-tingin sa labas. Nakatingin si Mu Wanqing sa mga bulaklak at nakasuot ng komportableng bestida. Kakaiba ito ngayon sa nakasanayang eleganteng Mrs. Gu.

"Magandang umaga, Ma." Masayang bati ni Lin Che at mabilis na naglakad palapit sa ginang.

Masaya rin si Mu Wanqing nang makita siya. "Lin Che, ang aga mong nagising."

"Opo, maaga rin kasi akong nakatulog kagabi," nakangiting sagot ni Lin Che.

Naglakad-lakad silang dalawa habang nag-uusap. "May inasikaso lang si Gu Jingze sa trabaho kaya maaga itong umalis. Sobrang busy talaga ng batang iyon; wala itong sariling buhay. Kaya masaya talaga ako na siya mismo ang naghanda para sa bakasyong ito at para na rin magkasama-sama ang pamilya. Hindi talaga kasi nito gusto ang mga ganitong pagtitipon-tipon at ayaw din nitong makihalubilo sa kahit kanino. Simula nang magkasama kayong dalawa ay malaki na talaga ang pinagbago niya."

Nagtatakang tumingin si Lin Che kay Mu Wanqing, "Siya mismo ang nag-asikaso para sa bakasyong ito?"

"Oo. Tumawag siya sa akin at tinanong ako kung ano daw ang plano ko para dito sa Mid-Autumn Festival. Sinabi ko sa kanya na wala akong inihanda kaya nagsuggest siya na pumunta dito sa Phuket Island."

Nagtataka pa rin si Lin Che. Nang sabihin kasi ito sa kanya ni Gu Jingze ay para bang ang pamilya nito ang naghanda kaya kailangan niyang sumama.

"Kung ganoon siya pala ang nakaisip nito. Talaga naman…"

Patagal nang patagal ay mas nahihirapan na siyang maintindihan itong si Gu Jingze.

Nakangiti pa rin si Mu Wanqing nang sagutin siya nito. "Nga pala, gusto kong magpasalamat sa'yo. Kung hindi ka niya nakilala, hindi siya magbabago nang ganito ngayon."

Nahihiyang ngumiti si Lin Che.

Oo, dahil kasama nila ngayon ang pamilya, kailangan nitong umarte. Kailangan nitong magpanggap araw-araw bilang isang masunuring anak at responsableng asawa. Kaya malamang ay malaki talaga ang pagbabagong mapapansin nila kay Gu Jingze.

"Matagal ko ng naisip ang tungkol sa bagay na'to. Tama talaga ang desisyon ninyo na magsama kayong dalawa."

Muling napatingin si Lin Che kay Mu Wanqing. "Maiba lang po ako saglit… Okay din naman ang relasyon ni Gu Jingze kay Mo Huiling, hindi po ba?"

Nang marinig ni Mu Wanqing ang pangalan ni Mo Huiling ay kaagad itong humarap sa kanya. "Ikinuwento ba sayo ni Gu Jingze ang tungkol kay Mo Huiling? Ang batang iyon talaga, bakit niya ikinwento pa sa'yo iyon? Ang totoo niyan ay kahit kailan ay hindi namin nagustuhan ang babaeng iyon. Spoiled siyang masiyado at parang laging may binabalak na hindi maganda. Si Gu Jingze naman ay laging abala sa trabaho. Hindi pa ito kailanman nakisalamuha sa mga kababaehan kaya wala itong ideya na ang mga babae ang pinakamahirap intindihin sa lahat ng nilalang sa mundo. Mas magulong unawain ang mga babae kaysa sa mga problema niya sa negosyo. Kasalanan din naman kasi namin na sa siya lang ang bumubuhat ng lahat ng responsibilidad sa pamilyang ito. Iyan ang dahilan kung bakit maraming masasayang pagkakataon ang hindi niya man lang naranasan. Iilan nga lang ang kilala niyang babae…"

Nagtatakang sumingit sa sinasabi ng ginang si Lin Che, "Hindi po ba… Mama, akala ko po talaga ay katulad kayo ng ibang pamilya na kailangan ding maipangasawa ang mga anak sa mga katulad ninyong mataas ang lebel ng pamumuhay?"

"Tanggap din naman namin kung maikakasal ang mga anak namin sa mga kilalang pamilya, pero kung hindi naman nila gustong gawin iyon ay hindi namin sila pipilitin. At isa pa, may mga maganda at hindi magandang mga dahilan din ang ganitong pag-aasawa. Maraming mga kababaihan ang gusting-gustong maikasal sa isa sa aming mga anak pero masasabi ko agad na pera at kapangyarihan lang ang habol nila sa pamilya namin. Makakatulong sa pamilya kung maikakasal si Gu Jingze sa pamilyang iyon pero anak ko pa rin siya. At hindi ako papayag na basta nalang itapon ang sarili kong dugo sa apoy," mahabang paliwanag ni Mu Wanqing.

Tinapik nito ang balikat ni Lin Che. "Noong una kitang makita, nasabi ko kaagad na iba ka sa kanila. Mas gusto kita kaysa sa Mo Huiling na iyon. Ibang tao siya kapag nakaharap kay Gu Jingze at kapag nakatalikod naman ay nag-iiba na naman ang anyo. Akala niya ay hindi ko siya nahahalata. Nakita ko na ang lahat ng uri ng babae sa mundo tapos iisipin niyang hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip niya?"

Halata ang inis na nagpatuloy si Mu Wanqing, "Noon, kung makaasta siya sa loob ng bahay ay para siyang sino. Malaki ang lamang mo sa Mo Huiling na iyon. Palagi siyang nanininghal sa mga katulong at kung ano-ano na lang ang pinapansin. Kung ganoong klase ng babae ang makakapasok sa pamilyang Gu, naku, malaking gulo ang mangyayari."

Nang titigan nito si Lin Che ay bahagyang kumalma ang ekspresyon ng mukha nito. "Pero ibang-iba ka talaga sa kanya. Malinis ang isipan mo, totoo kang tao at alam mong pumili ng mga sasabihin mo. Hindi lang ako, kundi pati rin ang mga katulong sa bahay at ibang tao ay gustong-gusto ka."

"Ma, ang bait-bait niyo po sa akin. Parang lulutang na ako sa mga sinasabi niyo."

"Sinasabi ko lang sa'yo ang totoo. Lahat kami ay ayaw namin kay Mo Huiling kaya sana ay mas maging maganda pa ang takbo ng relasyon ninyo ni Gu Jingze at bilisan niyo na't bigyan niyo na ako ng apo…"

". . ."

Naisip ni Lin Che, Ano naman kung maraming may ayaw kay Mo Huiling? Hanggat gusto pa rin ito ni Gu Jingze ay walang makakapigil dito, diba?

Ang pag-ibig ay umiikot lang sa dalawang tao. Wala itong pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao.

Sa ikalawang araw ay ang Mid-Autumn Festival na. Dumating na rin ang hari ng pamilya, ang lolo ni Gu Jingze.

Nakita ni Gu Xiande na nandoon ang lahat kaya masaya itong ngumiti. Pagkatapos ay may inabot na pulang sobre sa bawat isa.

Binuksan ni Lin Che ang sobreng natanggap at halos mapatalon siya sa gulat.

"Oh my! Pambihira talaga ang lolo mo! Nagbibigay siya ng bahay nang wala manlang sinasabi. Naku, dalasan niyo pang magdaos ng ganitong bakasyon."

"Andyan na naman iyang pagiging mukhang-pera mo. Asawa mo na ngayon ang pinakamahal na asawa sa buong bansa natin; anong sinabi ng bahay na iyan kumpara sa akin? Iyang mata mo talaga… Kung sakali mang bibigyan kita ng negosyo, tiyak na madali ka lang maloloko."

Inirapan ni Lin Che si Gu Jingze. "Kahit na, basta tatanggapin ko pa rin iyan."

Muling napalingon si Lin Che kay Gu Jingze at naalala ang sinabi ni Mu Wanqing. "Oo nga pala, sinabi sa akin ng mama mo na ikaw daw ang nag-asikaso para sa bakasyong ito. Gu Jingze, hindi ba't sinabi mo na family gathering ang pupuntahan natin? Bakit biglaan yata ang pagtawag mo ng bakasyon?"

Napatigil si Gu Jingze habang hawak ang maliit na tasa sa kamay.

Humarap din ito at tumingin kay Lin Che. Ibinaba muna ang tasa bago sumagot, "Para sa pagkakaisa ng pamilya. Dapat lang na gawin ito ng responsableng lalaking katulad ko. Bakit?"

Naisip ni Lin Che na wala namang mali sa paliwanag nito pero nararamdaman niyang may mali pa rin eh.

"Pero ang sabi ng mama mo ay kahit kailan ay hindi mo raw gusto ang ganitong responsibilidad. Sinabi pa nga niya na ayaw mong dumadalo sa mga ganitong family gathering," muling tanong ni Lin Che.

Napakurap-kurap si Gu Jingze. "Akala mo ba ay katulad mo ang lahat ng tao na lumalaki lang pero hindi nagmamature ang isip? Habang lumilipas ang panahon ay mas nagiging mature ang tao. Ako… Ganyan din ako. Nauunawaan ko na ang halaga ng pamilya ngayon. May mali ba kung ganyan na ako mag-isip ngayon?"

Nang mahalata nitong magsasalita na naman si Lin Che ay niyakap niya ito sa leeg at yumuko para tumitig dito. Pero hindi sinasadyang kusang napahawak ang kanyang kamay sa mukha nito. Habang nakatingin sa mukha nito ay naalala na naman niya ang ekspresyon ng mukha nito noong tinulungan siya nitong maglabas ng init kahapon. Parang biglang namiss ng kanyang katawan ang ganoong pakiramdam…

Chương tiếp theo