webnovel

Hindi Na Naman Sumunod Sa Rules Si Gu Jingyu

Pinagmasdan ni Lin Che si Gu Jingze na tahimik na naglakad palabas, at iniisip na baka tapos na itong pagtripan siya kaya umalis na. Pagkatapos ay napipilitang hinila pataas ang mahabang dress para pumunta na sa venue ng event.

Sa labas palang ng lugar kung saan idadaos ang Panda Programme Festival ay kakaiba na ang atmosphere.

Hinawakan ni Lin Che ang suot na bestida at naglakad papasok, kasama ni Yu Minmin.

Nagsalita si Yu Minmin, "Pakiramdam ko'y malaki ang chance mo ngayon. Pero kahit hindi ka man manalo, at least nakasali tayo dito."

"Hindi ako masyadong confident, sa totoo lang. Napakaraming magagandang palabas ngayong taon at maraming mga roles ang mas maganda kaysa sa role ko, lalo na ang mga pang-kontrabida. Maraming naniniwala na magagaling umarte yaong mga masasamang babae ang roles."

"Hindi tayo nakakatiyak sa bagay na iyan. Sikat din naman ang role mo ah," nakangiti si Yu Minmin at tinapik ang balikat ni Lin Che.

Tumingin si Lin Che sa labas at napansin niya ang isang baguhang artista na gumanap sa isang kilalang palabas. Naglalakad ito sa red carpet. Masigla itong ipinakilala ng host. "Hinding-hindi makakalimutan ang performance ni Wang Qingchu sa kanyang palabas na 'Women's World'. Tumatak talaga sa puso ng mga manonood ang kanyang pagganap bilang kontrabida. 20 years old pa lang siya at siya ang pinakabata sa lahat ng mga nominado."

Nagtinginan ang lahat ng nandoon kay Wanf Qingchu habang ito'y naglalakad papasok. Nagkikislapan ang mga camera sa pagkuha ng kanyang larawan. Nagkibit-balikat lang si Lin Che at tiningnan si Yu Minmin.

Ito ang sinasabi ni Yu Minmin na kalaban niya.

Sa edad nitong 20, totoo ngang napakaliwanag nitong tingnan.

Narinig ni Yu Minmin ang mga taong nag-uusap-usap malapit sa pwesto nila. "Mukhang siya na ang nanalo sa award; kitang-kita kung gaano siya ka-proud at confident na para bang nasungkit na nga niya ang titulo."

"Oo. At isa pa, may bali-balita pa na may relasyon sila ni Liu Kai. Usap-usapan siya ngayon sa social media. Sa tingin ko rin ay siya nga ang mananalo ngayon."

Nagtinginan naman ang mga ito kay Lin Che. May kung anong pagkutya ang mga mata ng mga ito.

Lumingon si Lin Che at mahina ang boses na nagsalita si Yu Minmin. "Huwag mong pansinin ano man ang iniisip nila. Sa industriyang ito, kapag walang masiyadong pag-uusapan ay gagawa talaga ng kahit anong kwento ang mga ito. Hayaan mo nalang sila sa mga buhay nila."

Tumango si Lin Che. "Okay lang, Miss Yu. Alam ko naman na 'yan."

Noon di'y may biglang tumama sa likod ng ulo niya.

"Aray ko. Sino ba 'yan?"

Paglingon niya'y nakita niya si Gu Jingyu na matagal din niyang hindi nakita. Hindi niya napansin ang paglapit nito.

"Ano'ng tinitingnan mo?" Tanong ni Gu Jingyu.

"Gu Jingyu, bakit ka nandito?"

"Nakita kasi kita na parang tangang nakatayo dito kaya pumunta ako dito para tingnan kung may problema ba."

"At paano naman ako naging tanga…" Kinuskos ni Lin Che ang ulo.

Sumagot si Gu Jingyu, "Hay naku. Tara na! Ano pa'ng hinihintay natin dito? Sabayan mo na ako."

"Huh? Hindi ba't mamaya ka pa dapat papasok? Mag-isa lang akong papasok doon ngayon."

"Hindi mo ba nakikitang magpartner na tayo ngayon?"

"Pero…" Hinila na si Lin Che ni Gu Jingyu pero nag-aalangan pa rin siya habang naglalakad.

"Pero ano? Tara na. Kasama mo ako."

Paanong mangyayari iyon?

Kilala si Gu Jingyu bilang isang rule-breaker dahil wala itong pakialam sa mga patakaran. Pero siya, kahit kailan ay hindi pa siya sumuway sa mga rules sa industriyang ito.

Si Gu Jingyu ay isa sana sa mga artista na huling papasok sa venue. Habang hila-hila si Lin Che ay puno ng inggit ang mga mata ng mga nandoon. Nang tawagin na ang pangalan ni Lin Che ay kaagad na inilagay niya ang kamay ni Lin Che sa kanyang braso at sabay na naglakad sa red carpet.

Nabigla ang host nang makita sila pero alam naman nito na hindi talaga sumusunod sa instructions si Gu Jingyu, kaya alam na nito kaagad kung ano ang sasabihin.

Naiinggit na nakatingin sa kanila ang mga nandoon. Hindi magkamayaw ang mga photographer sa pagpicture at pinansin naman ng host kung paanong imbes na ang ka-loveteam nito sa serye ang kasamang maglalakad sa carpet ay si Lin Che nga ang kasama nito na isa lamang supporting actress.

Parang hindi direktang nasagot ang mga usap-usapan ng mga tao tungkol sa kanilang dalawa kanina.

Mula sa likod ay pinagmasdan sila ni Yu Minmin at walang magawa na umiling.

Nang matapos na silang maglakad sa carpet ay pumunta sa sila sa kani-kaniyang upuan.

Si Wang Qinchu na nakaupo sa unahan ay lumingon kay Lin Che at nakangiting nagsalita, "Pareho pala tayong na-nominate ngayon."

Gumanti rin ng ngiti si Lin Che. "Oo nga."

"Sa tingin ko'y mas matibay ang sandata mo. Nandiyan si Gu Jingyu at Mu Feiran. Mga kilala din ang inyong supporting roles kagaya ni Lin Li. Imposibleng manalo tayo; mga baguhan lang tayo dito. Medyo swerte na tayo at kilala na tayo ngayon. Sino ba'ng makapagsasabi na nandito lang tayo para makita ang tagumpay nila?"

Bagamat sa pananalita nito'y dina-down ang sarili, mapapansin pa din ang pagmamalaki sa tinig nito.

Para bang sinasabi nito na kaya lang sikat ang palabas na kinabibilangan niya ay dahil maraming sikat na artista ang kasali dito samantalang sa palabas nito ay wala. Ipinapahiwatig nito sa kanya na kaya ito nakasama sa nomination dahil lang sa sariling sikap.

Ngumiti si LinChe bago sumagot, "Talaga? Hindi ko alam kung bakit pero wala kahit isang sikat na artista ang nag-interes na tanggapin ang offer ng palabas na kinabibilangan mo. Mukhang maganda naman ang kwento eh."

Ang ibig niyang sabihin dito ay basura ang kwento ng palabas na iyon. At siyempre, kung basura nga iyon, walang kahit isang sikat na artista ang kukuha ng role doon.

Bahagyang nag-iba ang mukha ni Wang Qingchu. Habang nakatingin kay Lin Che ay nag-aalburuto ang puso nito sa inis; iniisip na tinulungan lang ni Gu Jingyu si Lin Che para makapasok sa nominasyon.

Nang oras na iyon ay may ilang napadaan sa kanila at nagmadaling bumati kay Lin Che.

Kilala niya ang ilan sa mga ito at ang iba naman ay hindi niya pa nakita noon at hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha.

Kahit palagi siyang nasa taping, hindi siya kailanman sumali sa mga grupo ng mga katrabaho. Isang engrandeng pagtitipon ang festival na ito. Lahat ng mga sikat at bigateng mga artista na kilala ng lahat ay nandoon. First time niyang makadalo dito pero marami rin naman ang mga nakakakilala sa kanya doon at ang ilan naman ay gusto siyang makilala pa.

Pagkatapos ng sandamakmak na mga tanong sa kanya, sa wakas ay magsisimula na ang seremonya. Nagsibalikan na sa kani-kanilang mga upuan ang mga attendees.

Nagpakawala si Lin Che ng malalim na hininga at sinabi kay Yu MInmin, "Marami akong nahingan at nabigyan ng WeChat numbers ngayon."

Sumagot naman si Yu Minmin, "Siyempre naman! Sikat ka na ngayon! Maraming tao ang gusto kang makilala."

"Bakit naman nila ako gustong makilala?" Curious na tanong niya.

"Mahalaga ang networking sa industriyang ito. Hindi natin alam kung kailan nila kakailanganin ang tulong mo. Sikat ka ngayon pero tandaan mo na walang katapusan ang bukas. Kaya siyempre, ngayon pa lang ay gusto na nilang gumawa ng koneksiyon sa'yo." Sagot ni Yu Minmin.

"Okay," Hindi niya inaasahan na mahalaga na pala siya sa ibang tao. "Akala ko ay isang hamak na baguhan palang ako."

"Sa ngayon ay baguhan ka palang. Pero hindi magtatagal ay mas lalo kang magiging isang sikat na artista!" Ngumiti sa kanya si Yu Minmin.

"Hmm, ewan ko lang! Maraming mga bagong artista ang pumapasok sa industriyang ito. Hindi ko alam baka bigla nalang may kumuha ng litrato ko sa beach at hindi magustuhan ng ilan."

Dahil sa mga mapait na karanasan niya noon, hindi niya magawang maging positibo sa pag-iisip.

Sa front seat ay nakatingin lang sa kanila si Wanng Qingchu at nakasinghal. Pagkatapos ay tumalikod na sa kanila. Naisip nito na wala namang sinabi sa kanya ang mga nasa tabi niya. Pilit nitong sinasabi sa sarili na si Gu Jingyu lang ang dahilan ng lahat na ito; ano ba'ng dapat niyang ikainggit? Alam nitong hindi habambuhay na makakadikit si Lin Che kay Gu Jingyu.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang seremonya.

Tahimik na umalis si Wang Qingchu.

Sa isang kwarto sa labas, maririnig ang pag-ungol ng isang babae.

Nang-aakit na umuungol si Wang Qingchu, "President Chen, nangako ka ah. Ako ang makakakuha ng Best Newcomer Award sa taong ito."

"Hmm, oo na. Sayong-sayo nga iyon."

"Hindi mo nakita kung gaano ka-arogante ng Lin Cheng iyon! Ginagamit niya si Gu Jingyu para lang mapag-usapan siya at maging laman na naman ng mga balita bukas. Hindi mo pwedeng ibigay sa kanya ang award na 'to!"

"Oo na, oo na. Hindi ko ibibigay sa kanya 'tong reward na ito. Baby, magpatuloy na tayo…"

Inayos muna ni Wang Qingchu ang kanyang make-up bago bumalik sa venue. Nakangising tiningnan niya si Lin Che mula sa likod, at naririnig niya ang tinuturo dito ni Yu Minmin kung ano ang sasabihin kung sakaling manalo si Lin Che. Lalong napangiti si Wang Qingchu at sinabi, "Huwag ka ng mag-aksaya ng oras mo, Lin Che. Alam ko namang maganda ang acting mo at talagang pinaghirapan mo ito, pero sigurado akong sa'kin ang award na ito." Tumingin ito sa paligid. "Kahit pa mayroon kang Gu Jingyu, hindi pa rin makakatulong 'yan sa iyo. Sasabihin ko sa'yo 'to ngayon… Hindi mo alam kung gaano kalakas ang backing na mayroon ako!"

Chương tiếp theo