webnovel

Masaya Ang Lahat Para Sa Kanya

Ang Panda TV Festival ay isa sa mga prestihiyosong award ceremonies sa kanilang bansa. Hindi madaling mapabilang sa mga nominado dito.

Marami ang nag-aabang nito kada taon kaya hindi biro ang makasama sa seremonyang ito.

Masayang-masaya rin si Yu Minmin. Pinapunta niya agad sa kompanya si Lin Che at nagsimulang mamili ng mga formal attire para sa kanya.

Si Yu MInmin mismo ang naghanap ng magagandang mga sponsors para sa kanya. Magaganda ang mga quality ng mga napili niya.

Sa lahat ng minamanage niyang mga artista, si Lin Che ang pinaka may potential sumikat kaya talagang ibinubuhos niya dito ang lahat ng lakas at oras.

Sa kompanya naman ay nakipagdiskusyon pa si Yu Minmin para mabigyan ng pribadong room si Lin Che. Sa loob ng kwarto ay ibinigay ni Yu Minmin kay Lin Che ang imbitasyon mula sa Festival.

"Kadarating lang ng imbitasyon na 'yan ngayon. Masaya rin ang ating mga boss para sa'yo. Pero, malalakas din ang mga katunggali mo sa award na 'to. Isa sa mga ito ay isang artista na obvious namang may ginawang 'alam mo na' para lang mapasali sa mga nominado, kaya wag mo na lang pansinin ang taong iyon."

Nakalagay sa card na iyon ang mga pangalan ng mga nominado. Nakita rin ni Lin Che ang pangalan ni Lin Li na nakalagay sa fashionista award. Mukhang magkikita na naman sila doon.

Naeexcite na nagsalita si Lin Che, "Hindi ko talaga inaasahan na makakapasok ako dito. Isang role lang naman ang ginampanan ko at supporting role lang iyon."

"Kapag si Gu Jingyu ang bida sa isang palabas, automatic na sikat na palabas iyon. Ibig sabihin, kabilang ka sa isang sikat na palabas. Isa iyan sa mga qualifications para maging nominado. Pangalawa, kagusto-gusto din naman ang role mo. At pangatlo, napakahusay ng pagganap mo sa iyong role."

Hindi malaman ni Lin Che kung ano ang isasagot. "Miss Yu, hindi mo naman po ako kailangang purihin nang ganyan."

Dahil mas madalas na silang magkita ngayon, mas nagiging close na sila ni Yu Minmin. Hindi na rin masiyadong pilit ang pag-uusap nila.

Sinabi pa ni Yu Minmin, "Totoo naman ang sinasabi ko ah. Ganoon pa man, masasabi din nating inulan ka ngayon ng swerte , kaya mas mabuting huwag lalaki ang ulo mo ha. Naiintindihan mo?"

"Opo, naiintindihan ko."

"Pero bunga rin ito ng iyong sipag at tiyaga kaya deserve mo ang achievement na ito. Naniniwala ako na ikaw ang pinakamagaling sa inyong mga nominado. Sa tingin ko ay malaki ang tsansa mong manalo."

Nahihiyang ngumiti si Lin Che at tinakpan ang mga pisngi, "Imposible naman yata iyan!"

Sumagot si Yu Minmin, "Seryoso ako. Sa tingin mo ba'y isa ka pa ring baguhang artista? Isa ka ng star ngayon. At balak ng kompanya na mag-focus pa sa'yo ngayon."

"Ah… Hindi pa talaga ako sanay sa ganito. Ngayon pa lang ako nakatanggap ng ganitong tagumpay!"

"Ako rin naman, sa totoo lang. Ikaw ang kauna-unahang artista na naging successful sa lahat ng mga hinawakan ko." Sabi ni Yu Minmin.

Hindi siya makapaniwala na tiningnan si Yu Minmin. "Pero Miss Yu, marami ka namang pinasikat na mga artista ah."

"Iyan ay dahil matagal na akong nagtatrabaho dito. Nagsimula akong magtrabaho dito bilang isang assistant pagkatapos kong gumraduate. Mula sa pagiging assistant ay naging personal assistant ako, hanggang sa maging public manager at ngayon nga'y isang personal manager. Walong taon na ako dito. Sayang nga lang at ngayon lang ako nakahanap ng tulad mo na malaki ang potential. Naging honest lang ako sa trabaho ko at kahit kailan ay hindi ako gumaya sa ibang manager na nanunulot ng talents. At dahil diyan, lahat ng nahahawakan kong artista ay kung hindi baguhan ay mga matanda't laos na'ng mga artista." Hinawakan niya si Lin Che sa balikat. "Kaya, pareho nating first time ito. Mas pagbutihin pa natin ang ating ginagawa!"

"Tama! Mas pagbutihin pa natin ito nang magkasama!" Ang akala ni Lin Che ay kapag isa kang manager ay mataas ka na dahil sila ang gumagawa ng tagumpay ng mga artista. Ngunit ngayon ay narealize niya na hindi rin pala madali ang trabaho ng mga managers.

Paglabas nila ng kwarto ay nakasalubong nila ang ilang mga di-kilalang artista. Yumuko ang mga ito at binati siya. "Hello po, Miss Lin Che." Hinintay muna nilang makalagpas si Lin Che bago muling itinaas ang mga ulo.

Alam ni Lin Che na sadyang mahalaga ang ranggo at achievements sa industriyang ginagalawan nila. Noon ay ganoon din ang ginagawa niya. Kapag may nakakasalubong siyang kilala at sikat na artista ay yuyuko siya at hihintaying makalayo na ito bago magpatuloy sa paglalakad.

Ngayon naman ay siya na ang nakakatanggap ng ganitong special treatment. Sa totoo lang ay hindi siya komportable sa ganitong pakiramdam.

"Sa totoo lang, isang role lang naman ang ginampanan ko. Hindi naman nila kailangang gawin ito."

Ngumiti lang si Yu Minmin bago sumagot, "Pero nasa taas ka na agad ngayon. At isa pa, ilang beses ka ng naging laman ng mga headlines sa TV man o sa diyaryo at isa ka rin sa mga bukambibig na mga artista ngayon. Kilala ka na ng lahat dito sa kompanya."

Hindi niya naisip dati na ganito kabilis siya sisikat.

Hindi nagtagal nang makarating na sila sa pinto…

May isang matandang lalaki ang bigla na lang tumakbo palapit sa kanila. Halos mapatalon si Lin Che sa gulat.

Pero hindi si Lin Che ang pakay nito. Humarap ito kay Yu Minmin at biglang lumuhod.

Npatakip ng bibig si Lin Che. Nilingon niya si Yu Minmin na kalmado lang na nakatayo doon. Niyakap ng matandang lalaki ang mga paa ni Yu Minmin at nagsalita, "Minmin, tulungan mo ako. Mamamatay na talaga ako ngayon. Kung hindi mo ako tutulungan, lalayas na talaga ako sa bahay at sa kalsada na lang maninirahan."

Ang matanda at madungis tingnan na lalaking ito ay tatay pala ni Yu Minmin?

Hindi siya makapaniwala.

Napakagat ng labi si Yu Minmin habang pinagmamasdan ang ama. Itinulak niya ito at walang ganang nagsalita, "Sinabi ko na sa'yo dati na iyon na ang huling beses na tutulungan kita. Ano na naman ba ang ginawa mo? Natalo ka na naman ba? Papa, wala na akong pera. Kahit isang sentimo, wala na ako! Dito ako nagtatrabaho kaya please, umalis ka na at baka mawalan pa ako ng trabaho dahil sa'yo. Sino na lang ba ang hihingan mo ng pera kapag nangyari iyon?"

Habang nakaluhod sa lupa ay tumingin ito kay Yu Minmin. "Minmin, hindi ako natalo sa sugal ngayon. Ito ay dahil sa mga hinayupak na iyon; sabi nila na kinulang na daw sila ng pera kaya nanghihingi sila sa'kin ng 30,000 yuan. Kapag hindi ko daw sila bibigyan, kukunin nila ang mama mo at gagawing tagaluto. Natakot ako kaya… kaya…"

Naiinis na nagtanong si Yu Minmin, "Kaya ano?"

"Kaya kinidnap ko ang anak na babae ng mga Lu at nanghingi ng ransom sa kanila. Hindi ko naman sinasadyang mapukpok siya sa ulo kaya ngayon ay isinugod siya sa hospital. Ngayon, gusto nila akong ipakulong. Tapos na talaga ako ngayon…"

"Ano?!" Mula sa pagkakasimangot ay ngumiti si Yu Minmin. Namamanghang tiningnan niya ang ama. "Kakaiba ka talaga, eh no. Bukod sa pagsusugal ay nananakit ka na din pala ng ibang tao ngayon?"

"Hindi…"

"Bitiwan mo ako. Wala akong kinalaman sa gulong ito. Mas mabuti na nga sigurong makulong ka dahil kung hindi, patuloy lang kaming maghihirap ni mama nang dahil sa'yo," itinulak ni Yu Minmin ang amang nakayakap sa kanyang mga paa.

Natumba sa lupa ang matanda. Nag-uusisa namang nanood ang mga taong nandoon. Nakita iyon ng lalaki at bigla na lang nagsisisigaw sa lupa. Itinuro niya ang mga daliri kay Yu Minmin at galit na sumigaw, "Anong klaseng tao ka? Ama mo ako; bakit ganito ang trato mo sa'kin? Pinalaki kita at pinakain. Ngayong may maganda ka ng trabaho ay itatakwil mo na kami? Tama ba ako? Pabigat ako sa'yo? Eh di sige. Kalimutan mo na ako. At dahil wala ka namang pakialam sa akin, hindi ako aalis dito sa entrance ng kompanyang ito!"

Hindi makapagsalita si Yu Minmin. Malamig na tiningnan niya ang ama at tinawag ang mga security guards, "Guard, may taong nanggugulo dito at nang-iistorbo ng aming trabaho. Please, paalisin niyo siya dito!"

Agad namang tumalima ang mga security guards at nilapitan ang lalaki. Sumigaw pa ito ng malakas. Palakas nang palakas ang kanyang boses.

Hindi na matiis ni Lin Che ang ganoong scenario kaya umalis na sila doon ni Yu Minmin.

Nagbulung-bulungan naman ang mga taong nanonood, makikita sa kanilang mga mata ang panghuhusga kay Yu Minmin.

Napalabas nga ang matandang lalaki pero panay pa rin ang sigaw nito sa kalsada. Habang tinitingnan ito ni Lin Che ay sinabi niya kay Yu Minmin, "Sumama ka nalang muna sa'kin ngayon. Kung didiretso ka sa inyo ay tiyak na mahahanap ka ng papa mo."

Nagpapasalamat na tumingin si Yu Minmin sa kanya, "Sige. Maraming salamat."

Sinenyasan ni Lin Che ang driver na bumalik na muna sila sa bahay nila.

Chương tiếp theo