webnovel

Gagawin Ko Ang Ano Mang Gusto Ko

Nakaupo si Lin Che sa gilid. Kaya ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng katawan ni Gu Jingze.

Nakatayo ito sa likod niya at ang katawan nito'y nakalapit sa kanyang likuran.

Naaamoy din nito ang samyo ng shampoo na gamit niya. Bagama't parehong shampoo at body wash ang ginagamit nila, pakiramdam ni Gu Jingze ay iba pa rin ang amoy ng katawan nito kaysa kanya. May halo iyong bango ng isang babae. Pakiramdam niya ay napaliligiran ng bango nito ang kanyang ilong at sumisiksik sa kailaliman ng kanyang puso.

Wala sa sarili na lumapit pa siyang lalo. Iniyuko niya ang ulo at halos nakadikit na ang kanyang ilong sa buhok ni Lin Che.

Napatuwid naman ng upo si Lin Che. Habang nararamdaman niya ang bawat paghinga ni Gu Jingze ay hindi niya magawang makagalaw kahit kaunti.

Marunong din namang makiramdam ang mga katulong ng mga Gu. Nang mapansin ng mga ito ang dalawa, kaagad na umalis ang mga ito.

Tanging silang dalawa na lamang ang naiwan sa silid na iyon. Mula sa itaas ay nakatingin si Gu Jingze sa maputi at malinaw na bahagi ng kanyang leeg. Parang natutukso siyang hawakan iyon.

Naramdaman naman ni Lin Che ang dahan-dahang paglapit ng mainit na kamay sa kanyang katawan. Kaya, mabilis siyang lumingon at tiningnan si Gu Jingze na nasa likuran niya. Tiningnan niya ito nang masama at tinanong, "Hoy, Gu Jingze, ano'ng ginagawa mo?"

Nakaramdam naman ng kaunting hiya si Gu Jingze dahil sa pagkakahuli sa kanya ni Lin Che habang palihim niya sanang hahaplusin ang leeg nito. Pero nang mapansin niya ang nagtatanong na titig ni Lin Che, itinaas niya ang isang kilay at mahinahong nagtanong, "Ano ba'ng ginagawa ko?"

Tiningnan ni Lin Che ang kamay nito. "Huwag mo akong tsansingan!"

"Lin Che, mag-asawa tayo. Paano mo naman ito matatawag na pananantsing?"

"Ah basta, tsansing ang tawag diyan, bastos!"

Medyo nainis si Gu Jingze. Mabilis siyang umupo sa tabi ni Lin Che na ikinagulat naman nito.

Ang alam lang ni Lin Che ay bigla na lang lumapit si Gu Jingze at ngayon ay hinahalikan na siya nito sa labi!

Para itong isang tutubi na namamasyal lang sa ibabaw ng tubig, pero kakaibang init pa rin ang hatid nito sa kanya.

Agad namang namula ang buong mukha ni Lin Che.

Nagustuhan naman ni Gu Jingze ang pagiging sensitive ni Lin Che sa ganitong bagay. Ang mukha nito ay parang mapupunit na sa sobrang pula. Napakanipis ng balat nito at napakadaling mamula.

Kaagad din namang umatras si Lin Che at umiwas palayo sa mukha ni Gu Jingze.

Gu Jingze: "asawa kita. Hahalikan kita kung gusto ko, naiintindihan mo?"

"Ewan ko sa'yo, bastos!" Tinakpan ni Lin Che ang bibig at sumigaw.

May kapilyuhan namang pumasok sa isip ni Gu Jingze. Dumako ang kanyang mga tingin sa magandang lilok nitong leeg at hinawakan iyon pababa. "Kung talagang bastos ako, hindi ako basta titigil nang ganito lang. Gusto mo ba talaga akong maging ganyan?"

"Ano…"

Ngumiti lang si Gu Jingze at muling sinakop ang kanyang labi.

Nagpakawala ng mahinang paghinga si Lin Che. Pakiramdam niya'y inubos na nito ang lahat ng hangin sa kanyang katawan.

Kahit hindi mabuti para kay Gu Jingze ang mapadikit sa mga babae dahil sa kanyang sakit, sinadya niya pa ring paglakbayin ang mga kamay sa dibdib ni Lin Che at hinawakan ang mga iyon.

Hinawakan niya ang mga ito at buong sabik na hinaplos.

Hindi nagtagal ay lalong bumilis ang kanyang paghinga.

Napakalambot ng katawan ni Lin Che. Naiinis siya dahil hindi niya magawang sakupin ito nang buong-buo.

Naramdaman naman ni Lin Che na medyo gumagamit na ng lakas si Gu Jingze. Kasabay ng mga kirot na nararamdaman niya ay ang paglatay naman ng malakas na kuryente sa kanyang katawan. Dahil doon ay para din siyang nakikiliti.

Wala sa sariling napaungol siya. Maya-maya ay nanghihina ang buo niyang katawan.

Halos nakasandal na ang kanyang katawan sa yakap nito. Ang kanyang mga kamay ay kusang humawak sa mga balikat ni Gu Jingze. Pero, muli niya na namang naramdaman ang kamay nito na humahaplos sa kanyang likuran at buong sabik na hinahawakan ang kanyang katawan.

Ramdam ni Gu Jingze ang pag-iinit ng buong katawan. Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang sobrang pananabik na gustong makawala mula sa kanyang katawan.

Gusto na muna niyang kalimutan ang ibang bagay nang mga sandalling iyon at lamunin na ito nang buong-buo.

Pero, nang mga oras na iyon, may narinig siyang kumakatok mula sa pinto.

Bagama't nahihirapan at namumula ang mukha, pinakawalan niya ang babaeng kayakap. Galit na tinanong niya ang kumakatok. "Anong nangyari?"

"Sir, nandito po si First Young Master."

Nandito si Gu Jingming?

Wala siyang magawa kundi pansamantalang bitawan si Lin Che. Habang nakatingin sa namumulang mukha ni Lin Che ay hindi niya napigilan na magpahabol ng isa pang mabilis na halik bago tuluyan ng tumayo.

Hindi na siya muling lumingon pa kay Lin Che at baka hindi na siya makapagpigil pang muli at ipasok na lang ito sa kwarto.

Naguguluhan pa rin si Lin Che. Alam niya na nakalabas si Gu Jingze. Pulang-pula ang kanyang mukha at nahihiya siya sa kanyang sarili.

Kinurot niya nang matagal ang sarili. Nananaginip ba siya? Ang Gu Jingze'ng iyon… ano ba talaga ang ginagawa nito sa kanya?

Dahan-dahang bumaba si Gu Jingze mula sa mga baitang ng hagdanan. At nandoon nga sa ibaba si Gu Jingming. Sa labas naman ay nandoon ang mga bodyguards mula sa National Security Agency at naghihintay lamang ng utos. Mukhang nandito ang mga ito para sa isang official business.

"Oh kapatid, mukhang mahalaga ang isinadya mo dito."

Tiningnan naman ni Gu Jingming si Gu Jingze habang pababa sa hagdan. "Bakit? May naistorbo ba ako?"

Nagsitaasan naman ang kilay ni Gu Jingze. "Siyempre, hindi ako isang binate katulad mo. May asawa akong tao. Kaya hindi ako basta basta nagpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Sa susunod, pwede bang tawagan mo muna ako bago ka pumunta dito?"

Ngumiti lang si Gu Jingming at napailing habang nakatingin kay Gu Jingze. "Oo na, nauunawaan ko. Medyo nakalimutan ko lang ngayon na may asawa ka na pala. Pero dahil mukhang nag-eenjoy ka na sa iyong buhay may-asawa ngayon, sasanayin ko na rin ang sarili ko next time."

Sabay na umupo sina Gu Jingze at Gu Jingming.

Noon din ay inilagay ni Gu Jingming ang tablet computer sa harap ni Gu Jingze, "May nagpadala sa akin nito…"

Yumuko si Gu Jingze at tiningnan kung ano iyon…

Si Gu Jingming at isang babae na magkatabi sa kama…

Mukhang palihim lamang ang pagkakakuha ng litratong iyon. Bagama't hindi sila mga hubad, pareho namang gusot at makalat ang kanilang mga damit. Ganoon pa man, hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang tunay na nangyari.

Kaagad na napatingin si Gu Jingze sa kapatid. "Ano ang nangyari dito?"

Huminga nang malalim si Gu Jingming. "Sa wari ko ay mayroon pa siyang ibang mas Malala pa na mga larawan bukod dito dahil nang araw na iyan, sa araw na iyan…"

Yumuko si Gu Jingming at minasahe ang noo.

Naunawaan naman kaagad ni Gu Jingze. May iba pang nangyari nang araw na iyon.

"May traydor bang nakabilang sa mga bodyguards ng National Security Agency? Dahil kung wala, sino naman ang makakakuha ng mga larawang iyan?"

"Kasalukuyan pang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol dito. Sa ngayon, ang pinakaconcern nalang muna ay kung paano aayusin ang sitwasyong ito."

"Sino ang babaeng ito?" Nagtatakang tanong ni Gu Jingze. "Hindi ko inaasahan na may pribado ka palang buhay."

Malamig ang ekspresyon na tumingin ito kay Gu Jingze. "Si Yu Minmin."

". . ."

Nanlumo ang mukha ni Gu Jingze.

Pagkatapos mag-usap ng ilan pang bagay ay sinamahan ni Gu Jingze si GU Jingming palabas.

"Magha-hire din ako ng ibang tao para tumulong sa imbestigasyon." Hindi maaaring gamitin ni Gu Jingming ang mga tauhan para mag-imbestiga dahil baka mas lalo lang lumaki ang problema. Kaya, kailangan nito ang tulong ni Gu Jingze.

Tumango lang si Gu Jingming.

Gu Jingze: "Kung hindi iyan posible, bakit hindi mo nalang siya pakasalan? Walang sinuman ang makakapagsalita ng kahit ano sa kung ano man ang gawin ng Presidente sa kanyang asawa."

Napatingin sa kanya si Gu Jingming. "Hindi maaari."

Ngumiti naman si Gu Jingze. "Bakit? Dahil ba sa trabaho niya? May problema sa reputasyon niya? O baka naman may problema sa pamilya niya?"

Sumagot si Gu JIngming, "Pinaimbestigahan ko na siya dati. Ordinaryo lang naman ang pamilya niya, pero masyadong komplikado ang kalagayan ng pamilya niya. Mayroon siyang isang kapatid na lalaki na nakaasa lang sa kanya para makabayad sa mga school fees. Hindi naman iyon problema, actually. Ang problema dito ay mayroon siyang ama na sugalero."

Hindi makapaniwala si Gu Jingze sa narinig. "Mukhang kailangan pa nating pag-isipan ang tungkol sa bagay na ito. Pero sigurado naman tayo na isa lang siyang sibilyan. Effective pa rin naman ang suggestion na ibinigay ko sa'yo dati. Nasa sa'yo nalang kung tatanggapin mo iyon o hindi."

"Ang alin?"

"Ang magpakasal ka sa isang civilian. Malaki rin ang maitutulong nito sa pagtaas ng iyong mga boto ngayong election."

Makahulugang tiningnan ni Gu Jingming si Gu Jingze. Maya-maya pa ay naglakad na ito palabas nang hindi na muling lumilingon sa kanya.

Chương tiếp theo