webnovel

Na-Love At First Sight Ka Ba Sa Akin?

Tiningnan ni Lin Che ang di-maipinta nitong ekspresyon. Marahil ay hindi niya kayang matiis na makita itong magalit sa kanya.

Inilabas niya ang kanyang cellphone at tiningnan ito, nag-aalangan pa rin siyang ibigay ito kay Gu Jingze.

Walang sabi-sabi na hinablot ito ni Gu Jingze mula sa kanyang kamay.

"Hoy, ano'ng ginagawa mo?" Seryosong tanong ni Lin Che. Naiinis siya na basta nalang nitong inagaw sa kanya ang cellphone niya.

Mabilis niya itong kinuha pabalik sa kanya at sinabing, "Wala akong number sa kanya. Nagkakachat lang kami sa WeChat."

Habang hawak ang kanyang cellphone, binuksan niya ang WeChat app. "Ako na ang magchachat sa kanya."

Pagkasabi niya nito ay nag-isip siya kung ano ang ita-type. "Gu Jingyu, sa tingin ko ay hindi tama na niloloko mo ang iyong mga fans. Nakaka-misinterpret talaga iyang post mo sa Weibo. Iniisip ng mga fans mo na inlove ka nga talaga pero ang totoo ay hindi naman. Sa palagay ko ay mas mabuti kung sasabihin mo na sa kanila ang totoo."

Sumimangot si Gu Jingze habang pinagmamasdan siyang nagta-type. Titigil ito maya-maya tapos magseseryoso habang nagta-type. Buburahin, magta-type ulit, at mag-aatubili. Hindi na nakatiis pa si Gu Jingze at hinablot ulit ang kanyang cellphone.

"Hoy, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Lin Che. Nakataas naman ang kilay ni Gu Jingze habang binabasa ang kanyang chat.

"Pambabasted ba ang tawag mo dito? Parang nakikipag-usap ka lang naman sa kanya ah." Nilingon siya ni Gu Jingze.

"Ah kasi..." Ayaw ni Lin Che na maging matapang masyado. Kung ma-ooffend sa kanya si Gu Jingyu, hindi na niya alam kung ano pa ang bukas na naghihintay sa kanya.

Sumimangot si Gu Jingze at nagsalita, "Tutulungan na kitang magchat."

"Ano..."

Alam ni Lin Che na hindi magiging maganda ang gagawin nito kaya kaagad niyang binawi ang kanyang cellphone.

Ngunit, tumingkayad si Gu Jingze at itinaas ang kamay upang hindi niya maabot ang cellphone.

Ilang beses na sinubukan ni Lin Che na tumalon-talon upang maabot iyon ngunit nabigo lang siya.

Kalmadong nakatayo lang doon si Gu Jingze at nagsimulang mag-type. "Gu Jingyu, ang totoo niyan ay may asawa na talaga ako. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Dahil sa mga ginawa mo ay pakiramdam ko ipinahiya ko siya. Kaya, please huwag ka ng mag-post ng ganoon na makakapagdulot ng usap-usapan sa mga tao. Ito ang mas nakakabuti para sa ating dalawa."

Napansin ni Lin Che na nagta-type si Gu Jingze ng mahabang mensahe, pero masyado iyong malabo kaya hindi niya mabasa ang nilalaman nito.

Nag-alala na si Lin Che. "Gu Jingze, ibigay mo na sa'kin yan. Ako na ang bahalang mag-chat sa kanya. Hindi ko kailangan ang tulong mo."

Hindi siya pinakinggan ni Gu Jingze at nagpatuloy lang sa pagta-type.

Matapos pindutin ni Gu Jingze ang 'send', mabilis na dumating ang reply ni Gu Jingyu.

Ganito ang reply, "Ganyan ka ba talaga kapursigido na iwasan ako kaya nagsisinungaling ka na may asawa ka na?"

Bahagyang bumuka ang labi ni Gu Jingze. "Gusto mo bang ipakita ko sa'yo ang aming marriage certificate? May asawa na talaga ako at naiinis ako na idinadamay mo pa ako sa ganitong mga isyu."

"Naiinis? Saang banda ba ako may kulang na kaiinisan mo ako nang ganyan? Akala ko ba sinabi mo sa akin dati na mataas ang respeto mo sa'kin bilang iyong senior?"

Sinabi ba talaga ni Lin Che iyon kay Gu Jingyu? Sa isip ni Gu Jingze.

Nagpakawala ng buntung-hininga si Gu Jingze at nagreply, "Sinabi ko lang ang mga iyon para purihin ka. Akala ko talaga ay mauunawaan mo. Pero dahil isinama mo ako sa isyung ito, huwag mong sabihin na gusto mo talaga ako?"

"At dahil nabanggit mo iyan, sa totoo lang ay gusto naman talaga kita."

". . ." Parang gusto ni Gu Jingze na sumuka nang sandaling iyon.

Humihingi talaga ng kamatayan ang Gu Jingyung ito.

Direkta naman itong sinagot ni Gu Jingze, "Pasensiya na, pero hindi ang tipo mo ang gusto ko. Gusto ko ang tipo ng lalaking mayroon ang asawa ko, isang lalaki na ipaparamdam sa'kin na ligtas ako. Unang pagkikita palang namin ay na-in-love na kaagad ako sa kanya. Kailangan ko siyang mapangasawa. Wala akong interes sa kahit sino pa man at lalo na sa katulad mong babaero."

Eksaktong nai-send niya ang message nang makaakyat na si Lin Che sa ibabaw ng mesa sa likuran niya. Pinulupot nito ang kamay sa leeg ni Gu Jingze habang nakakapit sa kanyang likuran at inaagaw ang cellphone.

"Gu Jingze, ibigay mo na sa'kin iyang cellphone ko!" sigaw ni Lin Che at inabot ang kamay ni Gu Jingze.

Hindi pa tapos sa pagcha-chat si Gu Jingze. Gusto niya pang makita kung ano ang isasagot ni Gu Jingyu pero naramdaman niya na parang nagwawala na si Lin Che. Kinagat nito ang kanyang kamay.

Nakaramdam si Gu Jingze ng sakit...

Kinagat ba talaga siya ng babaeng ito?

Napasigaw siya at nabitawan ang cellphone na kanyang hawak. Malakas ang tunog na nahulog ito sa sahig.

Napasigaw rin si Lin Che, "Gu Jingze, papatayin talaga kita!"

Naramdaman ni Gu Jingze na mahuhulog si Lin Che. Nang maalala niya na bahagya palang gumagaling ang paa nito ay mabilis niyang hinawakan ang mga iyon mula sa likuran nito.

Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang tumigil ito sa paggamit ng wheelchair kaya kailangan pa nitong maglakad nang dahan-dahan. Nakalimutan na ba nito ito kaagad?

Binuhat niya ito sa kanyang likuran at matigas na pinigilan itong gumalaw. "Mag-iingat ka nga! Ano na naman ang mangyayari kapag nahulog ka?"

Masiyadong abala si Lin Che sa pag-aalala sa kanyang cellphone kaya hindi nito pinansin ang sinasabi ni Gu Jingze.

Hindi niya napansin na masiyado ng nakadikit ang kanyang dibdib sa katawan ni Gu Jingze.

Ramdam na ramdam iyon ni Gu Jingze.

"Gu Jingze..."

"Huwag kang malikot! Huminahon ka!" Nag-iinit ang katawan ni Gu Jingze. Naramdaman niya ang paninigas ng buo niyang katawan.

"Hindi! Ayoko! Gu Jingze, wala kang karapatan na agawin sa'kin ang cellphone ko at ibabagsak mo lang... Kailangan mong bayaran iyan!" utos ni Lin Che. Kahit nasa leeg man ang kamay ni Lin Che, hindi mapigilan ni Gu Jingze na manigas. Noon lang din nila napansin...

Nakasandal si Lin Che sa kanyang likod, at ang kanyang kamay ay nakahawak sa may pwet ni Lin Che. Ang dibdib nito ay nakadikit sa kanya at ang mukha nito ay humahaplos sa kanyang pisngi. Nasa may tainga niya ito at naaamoy niya ang pabango nito mula sa likod.

Napansin din ito ni Lin Che kaya mabilis siyang bumaba at nahihiyang nagpakawala ng ubo.

Hindi niya sinasadya iyon...

Binitiwan din siya ni Gu Jingze. Nakatayo doon si Lin Che at mahahalatang nahihiya itong tumingin sa kanya.

Naging maayos naman ang pakiramdam ni Gu Jingze. Kumalma na rin ang kanyang puso na kanina ay parang may nagkakarera sa loob. Tiningnan niya ang babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay parang gusto niya itong sakalin...

At siyempre naman, hiyang-hiya si Lin Che. Nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon ang init ng katawan nito.

Napakainit ng katawan nito at napakalayo sa init ng katawan ng isang babae.

Nakakapanindig-balahibo...

Bigla niyang naalala ang kanyang cellphone na nahulog sa sahig. Mabilis niya itong pinulot at sinuri.

Nabasag ang screen nito.

Tumingin siya sa itaas (kay Gu Jingze), galit at sumigaw, "Gu Jingze, magbabayad ka dito!"

Walang kibo na tumingin lang sa kanya si Gu Jingze at nakasimangot na sinulyapan ang screen.

Binuksan ni Lin Che ang kanyang WeChat at nakita niya ang reply ni Gu Jingyu.

"I'm sorry. Hindi ko alam na masyado pala akong naging abala sa iyo. Huwag kang mag-alala, hindi na kita gagambalain pa."

Sa kasunod na linya naman ay may isa pa itong reply, "At, hindi ako babaero."

". . ." Parang gustong umiyak ni Lin Che.

Nagscroll siya pataas para basahin ang lahat ng isinend ni Gu Jingze. Nilingon niya ito at sumigaw, "Gu Jingze, hindi ako katulad mo na hindi marunong mahiya! Hindi ako na-love at first sight sa'yo, ano!"

"Eh bakit mo ako pinainom ng gamot noon? Hindi ba't dahil gusto mo akong makasama sa kama?"

". . ."

Hindi alam ni Lin Che kung ano ang sasabihin...

Ang tanging naiisip na lang ni Lin Che ay ginalit niya si Gu Jingyu. Ano ba ang gagawin niya sa susunod nilang filming set o sa promotions ng kanilang palabas? At isa pa, hindi biro ang impluwensiyang mayroon si Gu Jingyu. Kung gugustuhin nitong maghiganti sa kanya, paano pa ba siya mabubuhay sa hinaharap?

Chương tiếp theo