Tiningnan ni Lin Che si Qin Qing. Marahil dahil naparami na ang kanyang nainom, hindi niya makontrol ang kanyang sarili. "Paano kung ginalit ko na ang isa sa kanila?"
Namutla si Qin Qing nang marinig iyon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Okay lang naman kung si Gu Jingyu lang ang makakagalitan mo. Pero ang panganay niyang kapatid ang Presidente natin ngayon. Ang isa naman niyang kapatid ay ang misteryosong business tycoon na si Gu Jingze. Ang mga taong ito ay may sari-sariling mundo na parehong hindi natin alam. Kaya, sa bayang ito, mas mainam kung ilalayo mo ang 'yong sarili sa mga Gu. Naiintindihan mo?"
Nahihilo na ang pakiramdam ni Lin Che.
"Paano ko naman sila makikilala, ha? Okay lang 'yan. Bitiwan mo na ako. Bumalik ka na doon at hanapin mo si Lin Li. Di mo na kailangang mag-alala pa sa'kin."
"Pero..."
Habang nakatingin sa kanya si Qin Qing, inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Sandali naman itong napatigil nang maramdaman ang lambot ng mga palad ni Lin Che.
Noon di'y dumating si Lin Li at nakita silang dalawa.
Minsan pa ay sinulyapan niya si Lin Li bago tumawa nang nang-uumay. Halatang lasing na, umalis na siya doon, samantalang naiwan naman si Qin Qing na nag-aalala para sa kanya.
Pinigilan ni Lin Li si Qin Qing at nagtanong, "Totoo ba ang narinig ko? Ganoon ka-makapangyarihan ang pamilya ni Gu Jingyu?"
Hindi pa rin iniiwas ni Qin Qing ang tingin sa direksiyong nilakaran ni Lin Che. "Oo. Pero mukhang malaki na nga si Lin Che. Hindi na siya ang batang nakasanayan ko."
Nang marinig ito ni Lin Li, kaagad na nagtagpi ang mga kilay nito. Ayaw niyang marinig itong binabanggit ang pangalan ni Lin Che. Dagpag pa dito, nalulungkot din siya kapag naiisip niya kung paanong nakatabi ni Lin Che ang karaniwang malamig na si Gu Jingyu.
Ngayon, lalo lang siyang nagngingitngit sa inggit nang malaman niyang hindi lang basta sikat na artista si Gu Jingyu. Makapangyarihan din pala ang pamilya nito.
Paano nagawa ni Lin Che na kunin ang atensiyon ni Gu Jingyu?
Nang makalabas naman si Lin Che sa lagusang iyon, mayroon siya nakasalubong.
Inangat niya ang kanyang ulo at nakita niya si Butler Hu. Ngumiti siya nang malaman niya kung sino ito.
"Butler Hu, bakit ka nandito?"
"Madam, lasing ka na po. Pumunta ako dito para sunduin ka."
Kapag naririnig niyang tinatawag siya ng "madam", pakiramdam niya ay lalo lang siyang nagmumukhang katawa-tawa.
Karapat-dapat ba siyang tawagin na "Madam"?
Samantala, nakauwi naman sila kahit hilong-hilo si Lin Che.
Nang marinig ni Gu Jingze ang ingay mula sa labas, nagmamadali siyang lumabas mula sa pinto.
Ngunit, pagdating niya palang sa pinto ay biglang natumba sa kanya ang malambot nitong katawan.
Nang makabalik na sa huwisyo si Gu Jingze, naramdaman niya ang pagdikit sa kanya ng malambot na laman ng dibdib nito; sanhi upang huminto ang kanyang puso. Agad din naman niyang napansin ang namumula nitong pisngi. Bahagyang kumukurap ang mga pilikmata at ang kanyang labi ay parang isang maselan at makatas na talutot ng bulaklak. Hinihimas naman ng tainga nito ang kanyang leeg, at nakakaramdam siya ng kiliti mula dito.
Nanigas siya habang nakatingin dito.
"Anong nangyayari?"
Parang masisira ang kanyang pang-amoy dahil sa baho ng alcohol na para bang naligo ito sa buong tangke ng alak.
"Hoy..." Tiningnan siya ni Lin Che. Nakasimangot si Gu Jingze at hindi mawari ang lalim ng kanyang tingin. "Hubby, nasa bahay na ako."
"..." Walang ibang choice si Gu Jingze kundi ang hawakan lang siya dahil kung bibitawan niya ito, malamang sa sahig ang bagsak nito. Nangangamba naman ang mga taong nandoon; natatakot sila na baka saktan ni Gu Jingze si Lin Che sa sobrang galit.
"Bakit ka ba uminom nang marami?" Hindi maganda ang kanyang tingin sa mga taong nandoon. Kaagad naman silang nagsialisan at iniwan ang bahay sa kanilang dalawa.
"Oh, nagkaroon lang kami ng opening party ngayon, Hubby."
Lalo lang nagdilim ang mukha ni Gu Jingze nang maramdaman niya ang kamay nito na hinihimas-himas ang kanyang katawan.
"Anong tawag mo sa'kin?"
Hindi na alam ang kanyang ginagawa, iniunat ni Lin Che ang kanyang mga kamay at inilibot sa leeg ni Gu JIngze. "Hubby, ano pa ba ang ibang itatawag ko sa'yo? Nakuha na natin ang ating marriage license, so syempre, asawa na kita, diba, Hubby?"
"Tawagin mo ako sa pangalan ko," Mabagal niyang sagot.
"Ze~"
"Ano..." Binuhat ni Gu Jingze si Lin Che papunta sa kanilang kwarto.
Habang papunta sa kanilang kwarto, hindi naman tumigil si Lin Che sa pagkuskos ng kanyang mukha sa dibdib ni Gu Jingze. Nagmistula siyang isang batang pusa kaya't lalo lang nairita si Gu Jingze.
Noon lang humupa nang kaunti ang init sa katawan ni Jingze pagkatapos niyang itapon sa kama si Lin Che.
Kadarating niya pa lang din mula sa trabaho at hindi pa nakakapagpalit ng kanyang damit. Niluwagan niya nang kaunti ang pagkakatali ng kanyang kurbata bago muling tiningnan ang lasing na babae.
Sa totoo lang, medyo nakakaawa ang hitsura ng pagkakahiga nito. Kaya, umupo si Gu Jingze at bahagyang niluwagan ang damit ni Lin Che para mas maging komportable ito sa pagtulog.
Ngunit sa kanyang gulat ay bigla nalang nitong hinila ang kanyang kurbata, dahilan upang matumba siya sa ibabaw ng malambot nitong katawan.
Habang ang magkabila niyang kamay ay nasa pagitan ng ulo nito, malaya niya itong napagmasdan nang malapitan.
Mapula ang mga pisngi nito, kagaya ng isang hinog na mansanas. Bahagyang nakataas ang kanyang bibig, at inilabas nito nang kaunti ang dila para basain ang labi. Dahil dito, mistulang nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng katawan ni Gu JIngze.
"Damn it..." Pagkatapos mapamura sa sarili ay naramdaman niya na parang may mali malapit sa kanyang dibdib.
Pagkatingin sa ibaba ay nakita niyang nasa ibaba niya mismo ang dibdib nito. Dahil bahagyang nakabukas ang kwelyo nito, lumantad sa kanyang mga mata ang malambot at maputing parte ng cleavage nito.
Napakapayat tingnan ni Lin Che, pero ang mga bahagi ng katawan nito na dapat ay malaman ay talaga namang malaman.
Ito ang first time ni Gu Jingze na makakita ng katawan ng isang babae nang napakalapit at sa ganoon pang posisyon.
Lumalim ang kanyang tingin at iniliko ang katawan upang lumayo kay Lin Che. Nakaharap siya sa itaas na humiga sa tabi nito habang humihinga nang malalim.
Naisip niya sa kanyang sarili na tila malaki na ang iginaling ng kanyang sakit simula nang palitan niya ang kanyang gamot. Hindi ito umatake kahit pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Lin Che.
Ipinihit niya ang kanyang ulo; sa ngayon ay hindi na masiyadong gumagalaw si Lin Che habang natutulog.
Bagaman hindi ito masyadong nag-aayos ng sarili, mas maganda pa rin ang balat nito kaysa sa ibang babae. Ang likas na kaputlaan nito ay akma lamang sa maganda nitong mukha.
Hindi siya nakakasawang tingnan.
Lalo lang itong naging kaakit-akit kahit nabahiran man ng kalasingan ang natural na presko nitong mukha. Para siyang isang bagong sibol na bulaklak na may matingkad at magandang kulay.
Maya-maya pa ay nagsimula na namang magpaikot-ikot si Lin Che sa higaan.
"Ano ba naman 'yan? Bakit wala man lang may nagbukas ng aircon?" Inunat ni Lin Che ang kanyang kamay para hilahin ang suot niyang damit. "Mamamatay na ako sa sobrang init."
Nang marinig naman ito ni Gu Jingze, parang gusto na niyang iwan ito para mamatay nang mag-isa doon.
Ngunit, nang lumingon siya ay nakita niya si Lin Che na hinihila ang mga damit sa iba't-ibang direksiyon, pero hindi ito nagtagumpay na hubarin ang suot. Nag-isip-isip muna siya sandali bago binalikan doon si Lin Che.
"Tigilan mo na 'yan. Tutulungan kita." Kahit sinabi niya iyon, wala talaga siyang ideya kung saan ilalagay ang kanyang kamay. Sa edad niyang ito, hindi niya pa naranasang mag-alalay ng isang babae.
Pero sa huli ay nagawa niya ring hilahin ang damit nito pataas at sinimulang ibaba ang zipper nito sa likuran.
Tumambad sa kanyang mata ang katawan nito; pakiramdam niya ay biglang dumating ang tagsibol.
Mas naging maginhawa naman ang pakiramdam ni Lin Che kaya mabilis nitong tinanggal ang suot na damit.
Agad namang nahagip ng kanyang tingin ang suot nitong underwear.
"Hoy... Lin Che!"
Wala na ba itong natitirang paggalang sa sarili? Nakalimutan na ba nito na isa itong babae?