webnovel

Chapter 20

Nang mag break time ay nauna na sila dahil dadalhin ko na sa Locker ang mga libro ko. Sobrang tahimik at tila bang parang walang tao doon kundi ako lamang dahil break time.

Naririnig ko lamang ang takong nang aking sapatos at itinapon sa basurahan ang natirang stick nang lollipop. Binuksan ko ang locker gamit ang password at nilagay ang libro doon.

Ngunit napansin kong may envelope na puti ang naka patong dito. Kinuha ko iyon bago inayos ang libro. Binuksan ko ang puting envelop na naglalaman nang letter.

Don't trust anyone and Stay Alive.

-I

What?! Pinagloloko naba ako nang mga tao ngayon?! And who the hell is he?!

Itinapon ko iyon sa gilid nang basurahan at isinara ang locker at padabog na umalis doon. Hindi na uso sa akin ang death threats ngayon psh.

Pagdating ko nang Cafeteria ay naka order na sila at tila ba ay seryoso sa kani kanilang usapan at masyado ring tahimik ngayon at puro bulong lamang ang naririnig ko.

"Anong meron?"

"May isang nakakita daw sa kanya at lalaking estudyante around 7:20." Sambit ni Krisha at umupo sa harapan nang dalawa.

"Sino?"

"Si-"

"Alis! Dadaan kame!" Naputol ang sasabihin ni Krisha nang may sumigaw sa likuran namin.

Kitang kita ko ang pagkainis ni Andrei at agad nasi kilos ang mga Chef doon. Napataas na lang ako nang kilay dahil sa kayabangan nito. Kung hindi lang siguro sila naghihirap sa kumpanya ay hindi pagbibigyan ito nang mga magulang ko.

"Yabang nang ex mong yan. Gwapo nga, nasa loob naman ang kulo." Bulong ni chloe na nagpalingon samin ni Krisha.

"Yeah right, hindi ko na nga malaman kung paano ko pinatulan yun e." Sabay sabay naman kaming natawa doon.

Matapos ang lunch ay tumambay muna kaming tatlo sa library, hindi madaling mauto ang librarian doon. Ngunit ako ang anak nang may ari nang eskwelahan na ito ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod.

Sa sobrang tahimik ay hindi namin maiwasan na bulong na lang, nakaka ilang suway na ang librarian samin ngunit makulit itong dalawang kasama ko.

Tumayo ako para maghanap nang libro at hindi nila napansin ang presensya ko. Malamang ay chissmiss na naman iyong pinag uusapan nila.

Muntik na akong mapatili sa gulat nang may humawak sa bibig ko at tinuro ang bibig nya upang huwag gumawa mang ingay.

"Bakit mo ba ako hinigit?!" Inis na sambit ko sa kanya.

"Hindi kita makaka usap, dahil nandoon ang mga kaibigan mo." Sambit ni Nerd

"Hayss, hindi mo naman kailangang higitin ako. Pwede namang magpakita ka sa harap ko." Sabay irap ko

"Tss, come here." Nangunot agad ang noo ko sa sinabi nya. Nang makitang hindi ko siya sinunod ay hinigit nito ang beywang ko.

"Please listen to me, carefully." Nakikiusap ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin mabawi ang gulat ko sa pinag gagawa nito sakin.

"Ano ang ibig mong sabihin." Halos pabulong ko sa kanya.

Nag tiim ang bagang nito at bahagya akong nilingon. "I will protect you, and your friend. In this scenario." Wala sa sariling sambit nito na ikinanuot nang noo ko.

"Are you kidding me?" Pabiro kong sabi at hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Ginulo nito ang buhok at hinawakan ang sentido na para bang pinapakalma ang sarili.

"Just, Trust. Me" Pagdiriin nito sa bawat salita niya at ramdam ko ang sensiridad nya bago umalis.

Chương tiếp theo