webnovel

Chapter 11

Nang mag bukas ang pinto ay dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa buong katawan nya. Napatigil ito sa walong pandesal pero bago pa ako lamunin nang sarili kong kabaliwan ay umangat na uli ang tingin ko sa mukha nya.

Ang gwapo nya kapag hindi naka salamin at tumutulo pa ang tubig nito sa ulo nya dahil naka tungo lamang ito habang pinupunasan ang ulo nya gamit ang maliit na tuwalya.

"Ehem!" Nagugulat nya akong nilingon at natarantang pumasok uli sa banyo.

Hindi ko napigilang humalakhak nang malakas at napahawak na lang sa sexy stomach ko. Halos mamatay matay ako kaka tawa. Sumigaw pa ito at parang nagwawala sa loob nang banyo dahil naririnig pa nito ang magandang boses ko sa loob nang kwarto nya.

Nang maka labas ako ay nanood lamang ako ng movie na Netflix sa kanila. Maya maya pa ay bumaba na ito at saglit natigilan nang mapa tingin ito sa direksyon ko.

"Lumayas kana."

Nilingon ko naman ito nang may ngisi sa labi. "Why would i?"

Inis naman ako nitong nilingon. "Because you're not welcome here." Napatigil naman ako sa sinabi nito nang may naalala rin akong salita na iyon. Ngunit matagal na iyon pero hindi pa rin makalimutan nang puso ko.

"I am welcome here, you'll see. Naka pasok pa nga ako dito dahil sa twin brother--"

"Stop talking nonsense! And get out!" Sumigaw ito nang hindi ko inaasahan.

Nang maalala ko naman ang demonyo kong Kuya ay pumikit ako saglit at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

"Look, I'm trying to be nice here." Kalmadong sambit ko at tinigil na muna ang pinapanood kong Death Note.

"May kailangan kaba?"

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko.

"Tsk! Wala dito ang mga magulang at kapatid ko. Kaya makaka alis kana, dahil hindi kita kailangan dito."

"No!" I pouted.

"Layas!"

"I said no!"

"Isa"

"Dalawa"

"Ok ok, fine. Hindi mo naman kailangan sumigaw."

Dere deretso na akong lumabas at mabilis tumakbo papuntang kwarto.

"Please, d - don't kill me!"

"Noooo!!" Sigaw ko at pilit kong ikinakalma ang sarili ko.

Ayoko nang maalala pa iyon. Kasabay nang pagbalik nang nakaraan ko ay pagsabay nang pag tulo nang luha ko. Nakarinig ako nang mga yabag papunta sa kwarto ko.

Agad na pumasok ang Kuya at Ate ko at sabay nila akong niyakap. Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko at tuloy tuloy na bumagsak ito.

"Shh, you'll be okay Lyn." Sambit ni Ate at sa kanya naman ako yumakap.

Huminga ako nabg malalim bago ko pinunasan ang luha ko gamit ang panyo.

"Kailangan ka namin mai check up nang Kuya mo sa hapon at umabsent ka muna." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Ate.

Hanggang umabot nang gabi ay ginawa ko lamang ang assignment ko matapos ay kumain ako nang kaunti at natulog na.

Kinabukasan ay nagpatugtog ako at nag shade. Balik sa dating kagawian. Kumuha ako nang red lollipop at agad binuksan iyon.

Nag punta ako nang court dahil wala namang klase. Sana pala ay sa umaga na ako nakapag pa check up. Hanggang ngayon ay na t trauma pa rin ako sa nangyari.

"Anong nangyari sayo?"

"Ok ka lang ba?"

Sunod sunod na sambit nang dalawang kaibigan ko. Nagtataka naman ang mukha ni France.

"I'm fine. Baka mag absent ako mamaya dahil kailangan ko mag pa check up."

Naghiwa hiwalay na kami at kanya kanyang gala. Kasama ko ngayon ang body guard ko. Tinanggap ko na lang siya dahil maulit ito.

"Ano yung sinasabi nang mga kaibigan mo kanina?" Napataas naman ang kilay ko sa kanya habang pinapaikot ang lollipop.

"Bakit ba kailangan mo pang alamin?"

"W-wala." Napairap na lamang ako sa hangin.

"Dyan kana." Sambit ko at naglakad na papuntang washroom. Nag lagay ako nang polbo sa mukha at pinusod ang buhok bago lumabas.

Agad kaming nagka salubong ni Nerd ngunit may katawagan ito. Huwag nya sabihing may girl friend siya! Dahil sasapatusin ko lang iyon.

Chương tiếp theo