webnovel

Chapter 4

Bitten Chapter 4

Liam's Point of view

"I owe you big"

"I'm heading to Siberia."

"Borrowing some clothes and your backpack."

"See you again someday. Bye."

"Nga pala yung brown na samsonite ang kinuha ko."

"Dadalhin ko din yung puppy t-shirt."

"Thanks."

Yan ang naka sulat sa papel ngayon na nasa pader ng kwarto ko.

Tuluyan na nga siyang umalis.

Tumayo ako at binuksan ang bintana ko, umaga na pala.

Nawala siya ng walang bakas na naiwan... na parang panaginip lang.

Pero may araw na ngayon, baka aso na siya ngayon!

Dapat ko siyang mahanap.

Meanwhile at Davao City roads.

May asong nag lalakad na may backpack sa likod at pinag-titinginan siya ng mga nadadaanan niya.

Maraming napapa-lingon sakanya dahil siguro sa laki niya o sa backpack na nasa likod niya.

"Isang ligaw na aso?" Sabi pa ng isang babae.

Ngunit nag patuloy lang ang aso sa paglalakad at napadako siya sa isang news paper na may mapa ng ng Davao city.

At sinuri ang mapa na parang tao kaya may napahinto at tumingin naman sakanya na mga tao.

Dumiretso siya sa isang park at may nakita siyang mag jowa na nag uusap tungkol kung saan sila kakain kaya nilapitan niya ito at nakinig.

"May malapit bang Korean restaurant dito?" Tanong ng lalake.

"Sige tingnan ko para sayo." Ani ng babae sa tanong ng lalake.

Sumilip naman si Tucker at tiningnan ang phone ng babae na may mapa ng Davao.

"Ayun may isa, at malapit lang dito." Sabi ng babae at ni-zoom niya ang phone niya.

"Yeah, siguro nga na malapit lang yan." Sagot naman ng lalake.

"Diba?"

"Sana maganda 'don." Sabi ng babae.

"Oh sige tara-" Napatigil ang lalake ng may nakita siyang aso na nasa likod nila.

Umalis naman si Tucker at lumakad na palayo.

Napunta siya sa isang bakanteng parking lot at napa-hinto.

Nag iisip.

At sa pag iisip niyang yon ay may nakakita sakanya at napakunot ang noo.

Habang si Liam naman ay kung saan saan na napadpad sa pag hahanap kay Tucker.

"Hi sir, may irereport sana akong ligaw na aso, siguro nawawala siya." Sabi ng lalake sa parking lot na tumawag ng police.

"Oo, siguro dalhin niyo siya sa isang shelter." Dagdag nito.

"Nandito sa isang parking lot malapit sa park..." Sabi ng lalake at napalingon sa gawi kung nasaan yung aso, ngunit wala na pala si Tucker 'don.

"Huh? Saan na yun nag punta? Nandito lang yun kanina ah?" Sabi niya.

"Hi, excuse me may nakita po ba kayon aso na napa daan?" Tanong ni Liam sa isang babae na nag aantay na maka tawid sa pedestrian lane.

"Isang ano?" Sagot naman ng babae.

"Isang Siberian husky, ganito siya kalaki." Sabi niya habang tinatansya niya ang laki ng aso niya. "Malaki siya, at mukha siyang galit pero malambing talaga yon." Explain ni Liam sa babae.

"Hindi ko alam eh." Sagot sakanya ng babae, kaya napa buga nalang siya ng hangin sa pagka dismaya kung nakita ba nila.

Napa tingala nalang si Liam sa mga ulap.

"Saan naman kaya siya pumunta? Hindi naman siya mawawala dahil may araw pa." Sabi ni Liam sa isip niya.

"Wait."

"Baka."

"Baka pumunta siya patungong west." Sabi ni Liam.

Habang si Tucker naman ay patuloy parin sa paglalakad hanggan napunta siya sa sea wall ng park.

Gamit ang compass ni Liam sa phone niya ay napadpad siya sa parking lot kung nasaan nag iisip si Tucker kanina.

May nakita naman siyang lalakeng naka tambay at nilapitan niya ito at tinanong kung may nakita ba siyang aso.

"Oo, may nakita akong aso, dito sa parking lot siguro pumunta 'yon sa park." Sabi ng lalake.

"Oh my god, salamat talaga." Pagpasalamat ni Liam sa lalake.

Sakto naman na may dumating na police mobile.

"May nag report ba ng nawawalang aso dito?" Tanong ng police officer ng pagka labas niya.

"Ah, oo ako 'yon." Sagot ng lalake sa parking lot.

"So, saan pumunta yung aso? Tara na't hanapin natin 'yon." Sabi ng police.

"Siya yung may ari ng aso." Sabi ng lalake sa parking lot at tunuro si Liam.

"Good day sir." Ani ng police kay Liam.

"Hala wag na sir, kaya ko naman siyang hanapin mag-isa eh, salamat nalang." Sabi ni Liam ngunit 'di siya pinansin.

"Sa park? Hindi pa naman siguro nakaka-layo 'yon. Tara." Sabi ng police.

"Sir, okay nga lang, hahanapin ko nalang siya mag isa." Sabi ni Liam pero hindi pa rin siya pinansin ng mga ito.

"Parang ganito siya kalaki at nakita ko papuntang park." Sabi ng lalake sa parking lot sa police.

"Dito ba patungong entrance ng park?" Tanong ng police.

Pumunta naman sila kung saan sila patungo.

"Ano pangalan ng aso mo?" Tanong ng police kay Liam.

"Ha? Yung aso ko?"

"Sir ayun may aso!" Sigaw ng isang officer.

"Yun ba yung aso mo? Na nasa sea wall?" Sabi ng isang officer na naka kita kay Tucker.

"Saan?" Tanong ng police.

Kaya napatingin si Liam kung saan ang itinutukoy ng officer.

"Yan nga, yan yung aso na nakita ko kanina!" Sigaw ng lalake sa parking lot.

"Tucker!" Tawag ni Liam sa aso niya.

"Yan ba yung pangalan niya.?" Tanong ng police.

Kaya napalingon sakanya si Tucker.

Nang pagka tingin ni Tucker kay Liam na yon ay parang namama-alam na siya kay Liam.

"Tucker! Halikana!" Sigaw ni Liam

"Salamat sa Diyos at nakita narin natin siya." Sabi ng lalake sa parking lot at kanina pa pala nag vi-video.

"Saan ka naman pupumta? Bumalik kana dito at..."

Ng nasa kalagitnaan ng pag tawag ni Liam kay Tucker ay walang pag dadalawang isip na tumalon si Tucker sa dagat.

Nagulat ang mga tao sa ginawa ng aso.

"Tucker!!" Sigaw ni Liam kay Tucker na lumalangoy na ngayon.

"Tucker! Bumalik kana rito ngayon din!" Utos ni Liam pero hindi siya pinansin nito.

Marami ng tao ang nakinig sakanilang dalawa.

"Hoy! Wag ka ngang bobo, patungong Samal Island 'yan!" Sigaw ni Liam

"So ayun nga guys tumalon na yung aso." Sabi ng lalake sa parking lot na nag vi-video parin.

"Someone get that dog!" Sigaw ng amerikana na katabi ni Liam.

"Tucker!"

To be continued

Chương tiếp theo