webnovel

Plans

Nang makauwi sila Chase at Ricai sa condo nila nanibago sila Belj at Baby Girl dahil walang kibo at dumiretso lang si Chase sa kaniyang silid.

"Hmm? May problema po ba si ninong Chase?" Ang tanong ni Baby kay Ricai na wala rin sa mood.

"Hindi ko alam Baby pero siguro pagod lang sya, sige pupunta na rin ako sa kwarto ko para mag pahinga. Belj, ikaw na munang bahala kay Baby."

"Ye—Yes Miss."

At gaya ng ginawan ni Chase hinalikan rin Ricai si Baby sa noo at pumasok na sa silid.

"Hmm? Are they mad to each other, tito Belj?"

"Ha? Di ko rin talaga alam eh siguro hayaan na muna natin sila magiging okay rin sila wag kang mag alala. Gusto mo ba pag luto natin sila ng dinner para maging happy sila?"

"Um. Mag luto po tayo ng marami parang maging happy na sila."

"Okay, lets go."

Ipinakita lang ni Belj na hindi sya nag aalala dun sa dalawa para hindi maging sad si Baby. Pero deep inside "ano na naman kayang pinag awayan nung dalawa? Hindi na talaga sila nag kasundo."

"Tito Belj?"

"Hmm?"

"What if we bake a cake?"

"Ca—Cake? Birthday mo ba? Hindi ko naman birthday at hindi rin naman birthday nila Miss at Boss."

"Ehh… sabi po nun sakin ni lola kapag kumakain sya ng sweets nagiging maganda ang mood nya. Kaya let's bake po a cake."

"Pero baby hindi kasi ako maalam mag bake well, si uncle ninong mo marunong bilang chef naman sya. Gusto mo bumili nalang tayo?"

"Pero I want to bake them a cake by myself."

"O—Okay, manood tayo ng tutorials para hindi tayo magkamali sana lang di palpak."

"Don't worry tito Belj I know some about baking. Tinuruan po kasi ako ni daddy."

"Really?"

"Um. Hobby nya po kasi ang mag bake gusto nya kami parating pinag ba-bake ni mommy ng cake and cookies."

"Ohhh… kaya pala. Okay then, let's bake a cake."

"Yehey."

Sa isip-isip ni Belj "sobrang energetic talaga ng mga kabataan ngayon nowadays.

Samantala sa kwarto ni Ricai…

Nakahiga lang sya sa kama nya at hindi na galaw habang nakatingin sa ceiling na para bang may inisip.

"Ring… Ring…"

"Eh? May natawag?" hinanap nya yung phone nya at nakapa naman nya iyon sa bulsa ng pants nya at binasa kung sino ang tumatawag at nakita nyang si JF iyon.

"Hmm? Bakit sya natawag?" bumangon sya at sinagot yung tawag sa kaniya ni JF.

JF: Hi…

Ricai: He—Hello?

JF: Sorry kung bigla akong napatawag.

Ricai: I—It's okay, is there something wrong?

JF: Nothing, gusto ko lang sanang itanong kung nakauwi ka na.

Ricai: Ah… oo halos kararating lang namin ni Chase.

JF: Hmm? Nyo? Mag kasama kayo ni Chase sa iisang bahay?

Ricai: Ha? Ah… eh… O—Oo pero don't get us wrong housemate nya ako at hindi kami sa iisang kwarto natutulog magkahiwalay.

JF: Ahhh… ganun pala, ahm… kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako ha?

Ricai: Si—Sige salamat.

JF: Ahm… Ricai…

Ricai: Hmm?

JF: Can I…

Ricai: Can I?

JF: Can I invite you!!!

Ricai: To where?

JF: Sa… Sa ano… Sorry ha? Alam ko namang gf ka ni Chase pero kasi… wala akong maisip na isama.

Ricai: Wait, saan ba kasi tayo pupuna?

JF: Ahm… kasal kasi ng kapatid ko sa Sunday eh… tapos dadarating rin ang mga kaanak namin mabubully na naman ako."

Ricai: Pffft… ikaw? Na isang sikat na artista? Ibubully? Hindi naman ako ata naniniwala dyan Mr. Famous himself John Floyd. Hehehe…

JF: But for real! Napaka bully ng mga pinsan at mga tito at tita ko kasi wala pa akong ipinakikilala sa kanila na…

Ricai: Girlfriend mo? Weh?! Ikaw? Maniwala talaga.

JF: Oo nga maniwala ka, kahit tanungin mo pa ang PA ko na si Linx yung mga nababalita naman kasing mga babae sakin hindi ko naman talaga naging maka relasyon ang mga yon well, out of 10 siguro 3 lang ang totoo sa mga yon pero hindi ko pa napapakilala sa family ko.

Ricai: Ehhh… bakit naman ako ang gusto mong isama? Ordinary girl lang ako at higit sa lahat di ako artista at syempre di ako ang girlfriend mo.

JF: Yun nga kaya nga kita na gustuhan.

Namula sa kilig at napalunok nalang si Ricai ng kaniyang laway sa sobrang tense nya "I—I mean kaya gusto kitang ipakilala sa family ko kasi simple ka lang tsaka…maniniwala silang ikaw ang gf ko." dagdag pa ni JF.

Ricai: G—GF mo?

JF: Ah… eh… not literally as in girl na friend.

Ricai sighed "ahhhh… kala ko naman kung ano na. Kinabahan naman ako sa sinabi mo."

JF: Eh…He…He…He… sorry did I startled you?

Ricai: Nah really… pero hindi ko sure kung pwede ako. Tsaka nakakahiya bakit kasi ako?

JF: But you said earlier were friends…

Ricai: Yah… pero kasi, iba naman yung usapin na ipapakilala mo ako sa family mo.

JF: No, don't over think it I just want company ayoko kasing umuwi samin ng ako lang. Parati nalang kasi akong na o-out of place sa pamilya ko isang pangkaraniwang si Floiran lang ako samin at hindi John Floyd na isang artista.

Ricai: Sigh… fine, I will accompany you kinukunsensya mo naman ako eh.

JF: Really?!

Ricai: Aha, nakaaawa ka naman baka naman sabihin mo ang selfish ko bilang nag enjoy naman ako mag golf kanina kaya sige, sasamahan kita.

JF: Ricai….

Ricai: He—Hey… are you crying?

JF: Ehe… you didn't know how this is mean to me. Sobrang thankyou talaga.

Ricai: No worries, sabi mo nga friends tayo kaya this is what are friends do diba? Nag tutulungan kaya see you on Sunday. Tcxt mo sakin ang time at place kung san tayo magkikita.

JF: No, I will fetch you nalang sa condo nyo.

Ricai: No!

JF: Ha?

Ricai: I—I mean magkita nalang tayo sa isang café para di ka na mahirapan pa na sunduin ako. Ha… Ha…Ha…

JF: But I insist.

Ricai yawn "I feel sleepy na sige na goodnight. Byie."

Toot…Toot…Toot…

"Eh? Binabaan nya na ko? Ang aga naman nya matulog 7:27pm palang naman." Sambit ni JF habang naka upo sa sofa sa sala ng bahay nya.

"Sir, handa na po ang dinner nyo." Ang sabi ni Helda isa sa kasambahay ni JF na para narin nyang secretary.

"Okay. Ahm... Ate Helda..."

"Sir?"

"Tell my mom na uuwi ako sa Sunday."

"Po? Uuwi kayo sa probinsya?"

"Aha, tell her na may kasama akong girl friend."

"Si—Sige po Sir."

Ngiting ngiti naman si JF habang papunta sya sa dining area nya "mukhang good mood na si Sir ah at may girlfriend sya?"

Ang hindi alam ni JF na misinterpret sya ni Helda dahil ang buong akala nito ay literal na girlfriend ang sabi ng boss nya "yes Ma'am kasama raw po ni Sir ang gf nya sa Sunday. Opo Ma'am babalitaan ko nalang po kayo." Ang kwento nya sa nanay ni JF na tinawagan nya agad.

***

Ilang araw na ang nakalilipas pero hindi parin nag uusap at nag papansinan sila Chase at Ricai at hindi rin nag paalam si Ricai kay Chase na sasama sya kay JF sa linggo.

"Knock… Knock…"

"Miss? Gising pa po ba kayo?" Ang sambit ni Belj.

Binuksan naman ni Ricai ang pinto "bakit?"

"Ah… Ahm… pinapasabi po kasi ni Boss kung sasama raw po kayo bukas kay Boss."

"Nani?"

"Ah… Eh… nagyayakag po kasi si Baby na mag punta sa farm kaya gusto pong isama ni Boss ang bata sa Barrio de Espenzo."

"Ano?! Nababaliw na ba yang boss mo? Bakit nya isasama ang bata don? Alam nya namang mainit ang ulo sa kaniya ng daddy nya."

"Ah…Ahm… actually Miss, wala sa mansion si Don Fernan nasa America po kaya chill lang si Boss."

"Tsss… ewan, bahala na kayo tsaka may lakad ako sa linggo kaya hindi ako makakasama."

"Po? Pero Miss, gusto po ni Baby na makasama kayo."

"Tsk… don't worry ako ng makikipag usap sa kaniya. At sabihin mo sa Boss mo wag syang eepal kung gusto nyang mag add sa utang ko bahala sya."

At sinaraduhan na sya ni Ricai ng pintuan "Mi—Miss!!!"

Nagulat naman si Belj ng makita nya si Chase sa isang gilid "Bo—Boss… kanina pa po ba kayo dyan?"

"Don't tell to the kid na hindi sasama si Ricai."

"Pero boss…"

"Kung ayaw sumama ni Ricai bahala sya! Tsss! Umalis sya hangga't kaya nya." Then he walked away.

"Bo-Boss…"

Sa Mansion ng mga Alcantara…

Feeling may ari ng bahay si Eulla dahil wala si Don Fernan kaya gawa ang asal nya sa mansion. Pinahihirapan nya ang mga kasambahay ng Alcantara kung ano-ano ang pinagagawa nya sa mga ito.

"Bwiset na Eulla kala mo hindi natin naging kasamahan maka pag utos daig pa ang may ari ng mansion na ito." Ang galit na galit na sambit ni Felly na number one hater ni Eulla na isa ring kasambahay sa mansion ng mga Alcantara.

"Shhh… wag kang maingay baka marinig ka nya." Ang sambit naman ni Gelo na isang cook naman sa mansion.

"Huh! Wala kong pakialam bwiset sya mukha kasi syang pera kaya nilandi nya si Don Fernan masyadong mataas ang pangarap."

"Shhhh… baka mamaya kung ano pa ang iutos nya satin gusto mo bang gang gabi may ginagawa parin tayo? Alalahanin mo si Eulla parin ang fiancé ni Don Fernan kaya wala tayong magagawa."

"Kainis!"

"Anong pinag uusapan nyo?!"

Nanlaki naman ang mga mata nung dalawa ng marinig nila ang boses ng isang lalaki at paglingon nila "Do—Doc Quintan."

"Yeah… it's me. How's everything here?"

Si Mark Quintan Espenosa ang isa sa matalik na kaibigan ni Chase na madalas sa farm ng mga Alcantara dahil ito ang doctor ng mga hayop roon.

"Doc!!!!" Anila na para ang nag susumbong.

"I---Is there something wrong? Bakit parang ang busy nyo ata dito? Sa pagkakaalam ko wala naman si uncle Fernan dito."

"Tsss… yung gold digger na si Eulla yun ang may kagagawan."

"Felly!"

"Ohhh… parang alam ko na kung bakit kayo nagkakaganyan. Wag kayong mag alala may bibisita dito bukas."

"Sino po?" Anila.

Bumulong sa kanila si Quintan "si Chase."

"Talaga doc? Uuwi si Sir Chase?" Ang tanong agad ni Gelo.

"Shhh… ikaw itong maingay eh! Baka marinig ka ng bruha!" Ang sambit naman agad ni Felly na tinakpan ang bibig ni Gelo.

"Mmm…Mmm…"

Sa isip-isip ni Doc Quintan "mukhang mag e-enjoy ako sa magaganap para bukas."

Chương tiếp theo