webnovel

Chapter 36

Faris' POV

Kanina pa ako nakatunganga habang nakaharap sa TV. Wala akong naiintindihan rito. Palagi kong iniisip 'yong driver na kasama ng lalaki kahapon.

Pakiramdam ko tama ang naging hinala ko, pakiramdam ko rin ay hindi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

"Hey, kanina ka pa wala sa sarili mo, ah? Actually, kahapon pa talaga" sumulyap ako kay Sky saka tumingin nanaman sa TV.

Hindi na ako nag-abala pang sagotin ito. Nanatiling nakatunganga lang ako.

Aish, nababaliw na ako! Ayoko na!...

I wanted to shout, I wanted to break the plates on my head, I wanted to feel the greatest pain. Ayaw ko na sa aking isipan. It's really stressful. Dinaig ko pa 'yong magtatrabaho sa isang opisina.

"Okay ka lang? Bakit hindi mo ako kinakausap? Is there something bothering you?" Umiling-iling ako saka humiga sa sofa.

I'm getting crazy, oh my gosh...

"Alam ko kung nagsisinungaling ka" banta nito sa akin.

"Ano kasi, ang sakit ng ulo ko. Iniisip ko kasi kung paano tumalon sa isang building na hindi namamatay" derederetso kong saad without realizing each and every word na lumalabas mula sa aking bibig.

Ano kasi, ang sakit ng ulo ko. Iniisip ko kasi kung paano tumalon sa isang building na hindi namamatay.

Mabilis na lumuwa ang aking mga mata. What the hell did I just said?

"You planned to jump on a building without dying?" May bahid na pagtataka ang boses nito.

"N-no! Hindi ako... Ano kasi 'yon... Nakita ko kasi sa mga videos 'yong mga taong tumatalon sa building"

Hindi ko na alam kung ano 'tong mga salitang lumalabas mula sa aking bibig. Nadadala na siguro ako sa estres.

"Tsk, you're watching suicidal videos?" Tanong nito. Mabilis akong napailing saka bumuntong-hininga.

Hinilot-hilot ko muna ang aking noo saka bumuntong-hininga ulit.

"Aalis nga pala ako ngayon" deretsong saad ni Sky nang tumahimik ang paligid.

"Aalis rin ako ngayon. Sino 'yong kasama ko?" Nakasimangot kong tanong.

"Why? Saan ba ang punta mo?" Kunot-noo nitong tanong.

"Ikaw? Saan ba 'yong punta mo?" Tanong ko rin dito.

"Some sort of business. How about yours?" Tanong nito saka bahagya pang sumandal sa sofa.

"Nevermind" sagot ko rito at pinatay 'yong TV.

Kay Mang Isko na lang ako magpapasama with some bodyguards. Okay na rin naman ang gano'n. Medyo importante kasi 'yong pupuntahan ko.

Bawal akong malate roon kung hindi ay maninermon nanaman ang taong iyon. I'm not referring to Sky, but I'am referring to someone.

"I have to go, baby" saad nito saka tumingin sa oras. Tumayo ito at naglakad papalabas ng pintuan.

Tumango-tango lang ako saka mabilis na tumakbo patungo sa aking naturang silid.

Nagbihis ako ng simpleng damit saka mabilis na bumaba, pumanhik ako sa garahe upang hanapin si Mang Isko.

"Mang Isko!" Tawag ko nito sa buong garahe. Wala akong nakitang tao rito kaya naglakad nanaman ako papuntang hardin.

Nakita ko sa hardin ang mga kasambahay na busy sa paglilinis ng hardin, 'yong iba nama'y busy sa didilig ng mga halaman, 'yong iba'y busy sa pagugupit ng mga sanga ng halaman at busy sa pagaalis ng mga lantang dahon.

Halos silang lahat ay mayroong ginagawa. Hinanap ng aking dalawang mata si Mang Isko.

"Mang Isko!" Tawag ko.

Lumingon 'yong ibang kasambahay sa akin saka parang hinanap ng kanilang tingin si Mang Isko.

Nasaan na ba kasi 'yong driver na 'yon?

"Have you seen Mang Isko?" Tanong ko kay Manang Vilma na nagwawalis ng mga lantang dahon.

"Nasa kusina ho, ma'am" saad nito.

Hindi ako mahilig makikipaghalubilo sa aming mga kasambahay kaya hindi ko sila masyadong kilala. Bihira ko lang silang makikita. Iyong iba namang kasambahay, tatanongin ko pa kung ano ang mga pangalan nila.

Ganyan ako. I can't memorize their names. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ang bilis kong mamemoriya ang mga pangalan ng kaibigan ni Sky, samantalang sa mga kasambahay dito nama'y iilan lang ang aking mga kilala.

"Ma'am, hinahanap niyo raw ho ako?" Nabalik ako sa aking hwisyo nang marinig ko ang boses ng aming driver.

Mabuti nama't nandito na siya. Kanina ko pa ito hinahanap.

"Mang Isko, aalis tayo ngayon. Pakihanda amg sasakyan. Ihatid mo ako sa mall. Isama mo na rin sina Ron at Vinci" ani ko rito at agad na naglakad papunta sa labas ng mansion.

Nagmasid-masid muna ako sa aking paligid at sa hindi kalayuan ay may nakita akong pigura ng isang tao na nakatayo sa likod ng malaking punong kahoy.

I can see him clearly kahit na nakatayo ito mula sa malayo. I can also feel his presence.

Binaling ko na lamang ang aking tingin sa aming sasakyan na papalabas ng Main Gate. Nagkukunwari ako na hindi ko ito nakita.

Nakakahiya naman kasi sa kanya. Nageffort pa itong magtago tapos makikita ko lang pala siya. Sayang naman 'yong effort niya. Makikisabay na lang rin tayo.

Kinikilabutan ako but at the same time handa naman ako. Kahit anong oras pa itong susugod sa akin, I can kill him.

No, I don't really kill...

Wala sa bukabularyo ko ang pumatay. Kahit na nakita ko na sa totoong buhay 'yang mga patayan na 'yan. I don't really kill.

Kahit anong mangyari hindi ako papatay ng tao. Hinding-hindi ako papatay. I take it as an oath.

"Sakay na po, ma'am" narinig ko mula sa tabi ng sasakyan ang boses ni Ron.

Lumingon ako rito, nakabukas na ang pintuan ng sasakyan kay naglakad papasok sa loob nito at hindi umimik.

Nevermind of Sky, may 'business' raw itong pupuntahan. I don't even bother to asked him kung ano 'yang 'business' na sinasabi niya. His business is not my business. I won't ask, I won't step something na hindi naman sa akin.

Mabilis lang kaming dumating sa mall. Binuksan naman ni Vinci 'yong pintuan kaya humakbang ako papalabas rito.

Linibot ko ang aking tingin saka tumingin kina Mang Isko.

"Mang Isko, wait us here" saad ko kay Mang Isko saka mabilis na binaling ang aking tingin kina Vinci tsaka kay Ron.

Tahimik lang 'yong dalawang nakatingin sa akin.

"Ron, Vinci, wait me outside the mall" saad ko sa dalawa at inunahan silang maglakad.

Pumasok ako sa mall at naglakad patungo sa isang resto. Hinanap ko ang aking kameet-up.

Napansin ko na may kumakaway sa aking gawi kaya mabilis akong tumakbo papalapit rito.

Nandito na pala siya.

Ngumiti ako habang papalapit at papalapit rito. I rushed and sat in front of her.

"Mrs. Torres" masaya kong saad rito at nakikipagkamay rito at hindi inalis ang ngiting nakaukit sa aking labi.

"Hija, dumating ka na talaga" ngumiti ito at nakikipagbeso-beso sa akin.

Mrs. Torres is my private tutor. Pinapaunta niya ako rito, dahil may sasabihin raw ito. I don't know kung ano ang sasabihin niya sa akin, pero I'll listen to her.

Maldita rin itong si Mrs. Torres, hindi ko magawang magalit sa maestrang ito. Nasubukan ko nang magmaldita sa kanya, grabe ito kung magsalita. Parang tutusukin ka ng limang libong karayom.

"Ano nga po pala ang sasabihin niyo sa 'kin, Mrs. Torres?" Tanong ko bago tumikhim.

Sumimsim ito ng juice saka tumingin sa 'kin. Masasabi kong seryoso ang pag-uusapan namin dahil sa seryoso ng mukha nito.

"Hija, pinuntahan ako ng maraming lalaki kahapon. Gusto ko sana itong sabihin sa iyo, pero kinakabahan ako"

"Tapos?"

"Tapos, tinanong niya ang lahat ng mga nalalaman kong impormasyon tungkol sa 'yo" tumaas ang isa kong kilay rito.

Sino naman kaya ang gagong iyan?

"And?" Seryoso kong tanong rito." You told him everything?" Pinagdikit nito ang kanyang dalawang palad at kinakabahang tumingin sa akin.

She's dead...

"Yes, I told him everything about you" nawala ang emosyon sa aking mukha habang nakatingin lang rito.

Umayos ako nang upo ngunit wala pa ring emosyon ang lumalabas sa aking mukha.

"Why?" Maikli kong tanong.

I'm frustrated of this teacher. Kinakalat ang impormasyon ko without letting me know.

"K-kasi, may dala itong pistula... At... At nagbabanta pa ito sa akin"

"Na?"

"Na papatayin nila ako kapag hindi ko ito sasagutin ng maayos 'yong mga tanong nila. Papatayin nila ang aking mga anak, hindi ko 'yon gustong mangyari. Mahal ko ang aking mga anak" sumandal ako sa aking upuan.

"Sila?" I asked and I crossed my arms on my chest part.

"Oo, sila. Halos sampong tao ang pumunta sa aming bahay. Lahat sila armado. Halos kulay itim lahat ang kanilang mga damit. Isa na rin doon ang binata't gwapong lalaki. Disente pa ito kung manamit at yayamanin ang mga suot nito. Kasama rin nila ang isang matandang lalaki. Ang tawag nga nong lalaki sa matanda ay 'tito'" kumunot ang aking noo at bumalik sa aking isipan ang alaala ko kahapon.

Siya nga ba 'yon?

Nahagip ng aking tingin ang pintuan nang bumukas ito. Nawala rin ako sa aking hwisyo. Nakatingin lang ako doon sa isang lalaki at babae na naglakad papaupo sa isang bakanteng upuan habang magkahawak ang dalawang kamay.

Kumunot ang aking noo habang nakatingin rito.

Mas lalo pang kumunot ang aking noo nang maaninag ko na ang kabuohan ng mukha nito.

Maganda 'yong babae at matangkad rin ito. Masaya pa silang nag-uusap ng lalaking kasama niya.

"Sky?" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin kay Sky. Mabuti na lang at hindi niya ako napansin.

Alam kong makakatanggap nanaman ako ng sermon kapag nalaman nitong nandito ako sa mall ngayon.

"Okay ka lang?"

Mabilis akong tumingin kay Mrs. Torres saka sumulyap muna sa gawi nina Sky.

Sino naman kaya 'yang babaeng kasama niya?

"A-ano ang hitsura ng lalaking binata?" Tanong ko at pasulyap-sulyap pa rin sa gawi nina Sky. Nakita kong hinawakan ng babae ang kamay ni Sky kaya tumikhim ako saka tumingin sa iba.

Bakit ang panget ng pakiram ko? Parang kinakabahan ako.

"Matangkad, matangos ang ilong, may kulay asul at malilit na mga mata at tsaka parang bagay kayo" nangunot ang aking noo. Hindi ako nakaimik sa sinabi nito.

Matangkad, matangos ang ilong, kulay asul ang mga mata, maliit rin ang mga mata nito. Isang singkit?

Sky?...

Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Tumingin ako deretso sa mga mata ni Mrs. Torres.

"Do you have pencil and paper?" Deretsong tanong ko rito.

"Oo meron, galing paaralan pa kasi ako. Swerte ka, hija" saad nito at binuksan ang kanyang bag.

Linabas niya roon ang kanyang pencil case tsaka kumuha ng matulis na lapis at bond paper.

Linapag nito sa aking harapan ang isang lapis at tsaka isang bond paper.

Tinanggap ko naman ito. "Ano nga ulit 'yong hitsura ng lalaki?" Tanong ko ulit.

"Perfect shape of face, perfect jawline, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, hugis puso ang mga labi nito, makakapal ang kilay at may dimples rin sa magkabilang pisngi kung ngumiti saka mala Chris Evans ang hitsura ng buhok" tumango-tango naman ako habang tahimik na ginuguhit ang hitsura ng binatang sinasabi nito.

Hindi lang sana...

Pagkatapos kong iguhit ang sinasabi nito. Natigilan naman ako sa aking nakita, I blinked my eyes twice, baka nagmamalik-mata lang ako. Hindi ako makakapaniwala sa aking nakita. It is the sketch of him.

Kilala ko siya, mabait itong tao. Mabait siya. Hindi niya ako tutulungan kung hindi ito mabait.

Don't tell me, nagpapakitang-tao lang ang lalaking iyon?

"I-ito ba?" Kinakabahan kong tanong saka linapag sa harapan ni Mrs. Torres ang bond paper.

Hindi lang sana...

"Mahusay ka palang gumuhit" umiling-iling ako saka marahan na pumikit.

Hi di iyon ang gusto kong sagot. I want an answer to my question. Gusto kong malaman ang kasagutan ng aking tanong.

Gusto kong malaman kung siya ba 'yong lalaking sinasabi nito.

"Answer me, is it him? Siya ba 'yong lalaking sinasabi mo? Siya ba 'yong lalaking may dalang pistula? Siya ba 'yong kasama ng matandang lalaki na sinasabi mo? Siya ba 'yon, Mrs. Torres?" May riin ang aking boses nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

Bakas sa aking kalooban na hini siya iyon. Maybe I mistakenly sketched him. Baka iba talaga 'yong tinutukoy nito.

Hindi muna ako magbibintang. Hindi ko muna papairalin ang aking maling iniisip. Hindi pa ako sigurado kung ang lalaking ito ba talaga ang sinasabi at tinutukoy nito.

I'am hoping na sana mali ito. I know him, mabait siya. Mabait at matulungin. Hindi niya ito kayang gawin sa akin.

"H-hija, siya nga"

Tumigil ang buong paligid pati na rin ang aking isipan. Pakiramdam ko sumasakit ang aking ulo.

"S-sigurado ka ba?" May halong kaba at panginginig ang aking boses nang itanong ko iyon.

"Sigurado ako, siya iyon" nanlaki na lamang ang aking mga mata at nanindig lahat ng aking mga balahibo patungo sa aking batok.

Mas lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib at halos aatakihin na ako sa kaba. Nawala na rin sa aking pangisip ang kasama ni Sky.

Siya na raw. Siya raw ang lalaking sinasabi nito.

Don't tell me... He's... Hes....

He's a traitor?...

- - - -

Buong magdamag akong nakaupo sa loob ng aking silid habang nakatitig lang sa ginuhit kong tao.

Nakahawak ako sa aking noo habang nakatingin rito. Kahapon ko pa ito iniisip at halos hindi ako kumakain. I'am still processing my mind.

Ang panget naman siguro kung gagawin lang palang kontrabida ang gwapong lalaking iyon. Ang panget ng role niya sa mundo kung ganap na kontrabida lang pala ito. Sayang lang siya.

Mabilis akong napatayo mula sa aking kinauupuan nang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at naitago ko sa aking likod ang ginuhit kong tao.

"S-sky" pinilit kong hindi magulat ang aking boses. I controlled my voice to be normal as it was.

"Anong ginagawa mo? Kanina ka pa hindi lumalabas sa iyong silid, hindi ka rin kumakain. Ano ba kasi ang problema mo?" Tanong nito at pumasok sa loob ng aking silid. Naglakad ito at umupo sa aking higaan.

Bumalik sa aking isipan ang babaeng kasama nito kahapon. I wanted to ask him who the girl is, pero pinipigilan ko lang ang aking sarili upang hindi nito mahalata na pumunta ako ng mall kahapon.

"W-wala, ano... Mamaya na ako kakain, busog pa kasi ako eh" ika ko rito at palihim na pinatong 'yong bond paper sa ibabaw ng aking laptop.

Linapag ko ito patalikod upang hindi malaman ni Sky kung ano iyon.

"Kumain ka na ah? Aalis ako ngayon. I can't take care of you for now. Importante 'yong pupuntahan ko" tumango-tango lang ako at nagthumbs up. Tinabunan ko muna 'yong bond paper saka ngumiti rito. "Okay, bye. Take care, kumain ka na ah?" Tumango langa ko.

"Oh, Sky. Pwede ba akong umalis mgayon? Isasama ko naman si Mang Isko tsaka sina Vinci at Ron"

Bumuntong-hininga ito. "Okay, fine. Pero gusto kong paguwi ko nandito ka na rin" ma otoridad nitong saad.

"Sure thing" saad ko at kinindatan siya. Mahina itong natawa saka lumabas ng aking silid.

Nakahinga naman ako ng maluwag at linigpit ang bond paper. Linagay ko ito sa loob ng isa sa aking mga photo album tsaka linagay sa loob ng aking cabinet.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa aking banyo saka nagbihis ng simpleng damit. Hindi rin nagkalaonan ay lumabas ako dala ang aking maliit na sling bag.

Lumabas ako nang bahay at sumakay ng sasakyan. Nandito na rin sa loob ng sasakyan sina Vinci at Ron. Sila 'yong tumutulong kay Mang Isko upang linisin ang tatlong sasakyan sa garahe.

"Tara na" ani ko kay Mang Isko.

Minaneho nito 'yong sasakyan patungong mall. Pagkarating ko sa mall kaagad rin naman akong pumasok rito. Ganoon pa rin 'yong sinasabi ko kina Mang Isko, Vinci saka kay Ron.

Treyton's POV

"Check that part" saad ko at tinuro 'yong CCTV footage.

"Sir, I have the footage of Ms. Pérez" mabilis akong lumapit doon kay Jazz nang sabihin niya iyon.

"Play it" utos ko rito.

All are busy for their assigned work's. Ako nama'y busy sa pag rereview sa mga CCTV footage. I'm helping my friend.

Nakatitig lang ako sa CCTV footage kumunot ang noo ko nang makita kong paano lumabas sa magkabilang pintuan 'yong dalawang lalaki at gumulong-gulong pa ang mga ito sa highway. Mabuti na lang at wala masyadong dumadaan rito. Shortcut kasi ang daang ito at bihira lang ang mga taong nakakalam sa daang ito.

Pasikot-sikot na 'yong sasakyan. My brows furrowed habang nakatingin rito. Matagal pa bago bumangga 'yong sasakyan sa isang kahoy.

Oh, that was though one...

Lumabas roon si Faris at bumagsak pa ito sa sahig habang nakahawak sa kanyang tiyan.

Oh, shit. She's full of blood...

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin roon sa lalaki.

"Stop!" Mabilis kong saad.

Hininto naman nito ang CCTV footage.

"Atras mo nga kaunti" utos ko.

Inatras naman ito ni Jazz ng kaunti. Napatitig ako doon sa pangalan na nasa dibdib ng damit nong lalaki.

What is that?

"Zoom in, near the collar. The name near the collar" seryoso kong saad at pinagkrus ang dalawang braso. "A little closer" utos ko pa rito.

Mabilis naman itong sinunod ni Jazz.

"Ito po, sir" kumunot ang noo ko sa aking nakita. What the hell is this?

Is this some kind of a joke?

"M. B. C" basa ko rito.

I know what's MBC, bakit nagtatanong pa si Sky tungkol rito? Wala ba talaga siyang alam? Alam ni Sky kung ano 'yong MBC. But maybe he don't know why are these men's wants to kidnapped Faris.

Mabubunyag na ba talaga ang katotohanan? Tss, this is insane...

Baka may kinalaman din si Sky rito? But it's impossible. Alam ni Sky kung ano ang MBC and he's not the target here. Nainiwala akong walang kinalaman si Sky rito.

It's impossible na may kinalaman siya rito. Hindi ganoong klaseng tao si Sky. Nagtatrabaho sa MBC 'yong lalaking kumidnap kay Faris at tinangka pa nila itong patayin.

MBC is one of the most important corporation of Sky. Isa si Sky sa mga shareholder sa malaking kompanyang iyon. Malaki ang MBC. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Sky ang tungkol rito, but it's better kung hindi na lang.

Alam ko kung paano magalit si Sky. Halos kaming lahat na magkakaibigan ay matatahimik na lamang kapag galit ang lalaking iyon.

Alam kong uusok 'yong ulo ni Sky kapag nalaman nitong sa MBC nagtatrabaho 'yong kumidnap kay Faris. And this means, the CEO of MBC know this things or maybe, the CEO of MBC ang nagutos nito.

That's just maybe, hindi pa ako sigurado. I will try to find out this things.

Why are they so brutal?

Faris' POV

Naglalakad ako papalabas ng mall nang bigla na lang may bumangga sa akin at tumilapon ang cellphone. Mabuti na lang at hindi nabasag 'yong screen.

Bwesit! Sapakin ko kaya 'yong bumangga...

"Ey, beregis'!" hey, watch out. Ani nong babaeng nakabangga sa akin at inis na inayos ang kanyang buhok.

"Proshu proshcheniya?" Excuse me? Tanong ko rin dito.

Siya nga tong bumangga sa akin eh.

"You speak my language?" Tanong nito. Tumango-tango naman ako saka inayos ang aking cellphone.

"Can you please slow down? Duh, your so clumsy" pagiinarte nito and she flipped her hair.

Aba, gupitin ko kaya 'yan?...

"Babe, let's go. Stop fighting with that short woman"

Lumingon ako doon sa lalaking humawak sa braso ng kanynag girlfriend.

Sky? Girlfriend?...

Nagtama ang aming paningin ni Sky, alam kong nagulat ito, pero seryoso lang ang mukha ko at binalingan ng tingin ang kanyang girlfriend.

"He's your boyfriend?" Tanong ko sabat turo kay Sky. Tumalim ang tingin nito sa akin and she crossed her arms.

"Yes, and why?" Pagmamaldita nito. Mahina naman akong natawa.

How pathetic...

"Wala naman. Sumama ka na diyan sa boyfriend mo, baka iiwan ka pa niyan" natatawa kong saad saka sinulyapan si Sky.

Nakatingin ito sa akin na parang nag-mamakaawa.

"What did you just say?" Malditang tanong nito.

"Wala, bantayan mo muna 'yang boyfriend mo" ani ko at bahagyang sumulyap sa gawi ni Sky.

Mabilis naman akong naglakad papalayo sa kanila. Mabilis akong sumakay ng sasakyan at mabilis pa sa alas kwatro itong pinaharurut ni Mang Isko.

Halata naman Sky eh...

Skyler's POV

Nakatingin ako sa pigura ni Faris na naglakad papalayo sa amin.

Shit!...

"Baby, let's go" saad ni Luna sa akin. Hinawakan nito ang aking braso pero mabilis ko itong tinanggal.

Hindi ko ito nilingon saka mabilis na akong sumakay ng sasakyan. Kinakabahan ako habang nagmamaneho.

Pagkarating ko sa mansion dumeretso na ako sa silid ni Ris. Kumatok ako rito pero walang sumagot.

Shit...

Hindi na ako nagdadalawang-isip na buksan ito. Mabilis ako g pumasok sa loob ng silid nito at bumungad sa akin ang nakaupong si Faris.

Nakaupo ito malapit sa study table niya habang nakatalikod sa pintuan.

Damn this!...

"Baby, I'm so sorry. I shouldn't have keep secrets from you, I'm so sorry" mabilis kong saad rito and I hugged her from the back.

Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin. May mga luhang namumuo sa mga mata nito.

Damn, this is all my fault!..

"Shh, don't cry, baby. I'm so sorry" mahina kong saad at inalis ang mga luha sa mata nito.

May kung ano itong tinanggal mula sa kanyang tenga at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Ha? Anong nangyari sa 'yo?" Nagtataka nitong tanong at pinahiran ang kanyang luha.

"I'm so sorry" pag-uulit ko rito.

"Sorry for?" Kunot-noo nitong tanong.

"You saw me and Luna" ani ko.

"Alam ko"

"Ha? Anong alam mo?"

"Alam kong para iyon sa trabaho mo. I know you're acting. I can see it on your moves" natatawang saad nito.

What?...

Kung alam niya, bakit naman ito umiiyak?

"Then, why is my baby crying?" Tanong ko and I cupped her cheeks.

"Tinapos ko kasi 'yong C-Drama na pinapanuod ko. Ang sakit, Sky. Namatay 'yong lalaki" naiiyak nitong saad at mabilis akong yinakap.

Napangiti na lamang ako at hinalikan ang buhok nito.

I thought you're angry of me. I'm sorry, baby...

Chương tiếp theo