webnovel

Chapter 22

Skyler's POV

"Hijo, this is our mansion. Mi Casa Es Su Casa" saad ni tito.

Lumingon ako sa isang malaking gate na nasa harapan namin. It's really big, I've been to Santorini when I was fourteen years old. Santorini is really a beautiful place to go. Well, they're rich. "Let's go inside" dagdag pa nito at bigla namang bumukas 'yong gate.

Oh it's high-tech, brilliant...

Naglakad kami papasok sa mansion. I was really impressed, it's big and beautiful. Hindi ko maiiwasang hindi mamangha sa laki ng mansion at sa ganda pa ng mga disenyo nito.

"Tara sa garden, doon mo makikita ang estatwa ng aking asawa" saad ni tito at naglakad, sumunod kami rito hanggang sa dumating kami sa isang malawak na hardin.

The garden is also big, It has a captivating view, it has different kinds of flowers and such an expensive flower pots. The furniture inside the house were almost all made up of gold and diamond. I bet it has a high security. No one even tried to sneak in.

"Hijo, this is the statue of my wife" huminto kami sa isang fountain.

O_O

Wow, that's really big...

Sobrang laki ng estatwa at may katabi itong dalawang fountain.

Upang matanaw mo 'yong mukha ng estatwa, kailangan mo pang humangad upang makita mo ang kabuohan nito.

They really copied the face of Mrs. Pérez. I salute those people who maid this statue.

Well, everything in here was really mesmerizing. I was really mesmerized by this beautiful designs and furnitures, I was mesmerized by everything.

"So, what can you say?" Ani ni tito.

"It's really... Really beautiful. Wonderful, I don't know how to describe it... But really wonderful" saad ko rito, nakita ko namang sumulyap si Faris sa akin na may ngiti ang gilid ng labi.

"Okay, hijo. Let's go inside" ani ng ama nito habang nakangiyi at pinapasok kami sa loob ng mansion.

Naglakad naman kami papasok ng bahay at umupo sa sofa. Well, the sofa is also good, so soft.

"Sky, let's go to the pool" saad ni Faris at masayang tumayo, sumulyap ako sa aking wrist watch.

Hmm 5:46 na pala, time's change. Parang kanina ay umaga pa lang tapos dito nama'y gabi na pala.

Tumingin ako kay Faris na ngayo'y nakatingin lang sa akin.

She's really happy, kanina ko pa siya napapansin na masaya ito since dumating kami rito. Napangiti na lamang ako at sumunod sa kanya.

Dumating kami sa swimming pool. Malaki rin 'yong pool at halos sinlaki rin ito ng pool nila sa mansion doon sa Pinas.

Naglakad ako papalapit sa kanya habang nasa pool lang ang tingin.

"How deep?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako rito.

"Eight feet. Not so deep" sagot naman nito kaya tumango lang ako. "Wanna swim?" Tanong nito at dahan-dahan na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niyo.

"Huh? Now? It's already dark" ani ko sa kanya sabay tingin sa paligid, lumapit naman ito sa gilid ng mansion at may kung anong pinindot doon and all the lights from the pool turned on.

"You don't have to worry, dear" nakangiting saad nito sabay kindat at naglakad pabalik sa gawi ko.

"O-okay" ani ko at nakangiting umakbay sa kanya.

Bigla niya namang kinabig 'yong braso kong naka akbay sa kanya at tinulak ako papunta sa pool.

What the hell...

I'am now soaked in water, itulak ba naman ako sa pool. This little kid.

Tawa ng tawa lang ito habang nakatingin sa akin. First time I saw her laughing this hard.

Nagpatuloy pa rin ito sa pagtawa kaya tiningnan ko lang siya. Tumigil ito sa pagtawa at ngumiti sa akin. Alam kong nagpipigil pa itong tumawa dahil namumula ang mukha nito.

So cute...

"I'm really improving, right pompous master?" Tanong nito at bumalik nanaman sa patawa. "Oh, I can't forget that push thing" tawang-tawang saad nito at tinuro ako.

Let's see...

Faris' POV

Kanina ko pa talaga pinipigilan 'yong tawa ko. I want to laugh really hard. He's funny.

Tumingin ako sa mukha niyang basa. Hinaplos niya naman ang kanyang buhok, he brushed his hair backwards using his finger.

Naestatuwa ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba ang gwapo niya? So damn gorgeous man.

Those wet shirt and wet hair... he look so hot.

Wait, bakit ba ako nagkakaganito? Psh...

"Give me a hand" ani nito na nagpabalik ng aking katinuan.

He was lending me his hand kaya tinanggap ko naman ito. I was about to pull him up nang bigla niya akong hilain, dahilan ng masubsub at bumagsak ako sa tubig.

"What the hell, Sky!" Gulat kong sigaw rito at tiningnan ang aking sarili.

Oh my ghad, basa na talaga ako...

"I got you" saad nito at tinawanan lang ako. I chuckled at mabilis na siyang tinalsikan ng tubig.

"Hey!" Ani nito at tinalsikan ako pabalik.

All we did was playing in the water. Tawa lang ako ng tawa ng biglang may pumasok na tubig sa bibig niya.

The water is not deep. Really, it's not.

Lumingon ako sa paligid ng makita kong ako lang ang tao sa pool. Wait, nasaan ba si Sky?

Naramdaman ko na may humila sa paa ko kaya laking gulat ko na lang at napatili ako malakas ng biglang lumuwa mula sa tubig si Sky.

"SKY!" Malakas kong sigaw saka ito pinalo-palo ng mahina. Hindi ko linakasan ang pagpalo ko sa kanya, baka kasi masagi ko pa 'yong sugat nito.

Bwesit nga naman...

Tinawanan lang ako ng gago at tinalsikan ako ng tubig. This is insane.

"I'm sorry, you're so funny to tease" ani nito kaya ngumuso naman ako.

"Wow, they're having fun" nakita ko naman si Daddy na naglalakad papalapit sa amin habang nakapinta ang malawak na ngiti sa mga labi.

"Dad, join us" umiling lang ito.

"Hija, tatlong araw lang tayo dito and then we will go to Seville, Spain" anito kaya tumango naman ako. "Oh, dinner is ready. I'll wait you in the garden, doon tayo kakain ng hapunan"

"The three of us?"

"No, we have the servants. So faster" naglakad ito paalis kaya napatingin ako kay Sky, sabay kaming nagkibit-balikat at sabay rin kaming tumawa.

"I guess, we have to go?" Tanong ko rito at tumayo mula sa tubig.

Tumingin ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng dalawang kilay. Nakatingin lang ito sa akin saka hindi nagsasalita. Parang nahihirapan pa itong maghanapap ng salita na kanyang sasabihin o hindi kaya'y nagiisip pa ito sa kanyang sasabihin.

Bakit?

"Do you have any problem?" Tanong ko at linagay 'yong dalawang braso ko sa aking beywang.

"Yup, your bra" walang hiya-hiyang saad nito. Sabay turo ng dibdib ko.

Kaagad akong napatingin sa sarili ko.

I realized na bumakat pala 'yong kulay pink kong bra. I covered it fastly at tumingin sa kanya habang namumula ang mukha he was smirking at me.

Pervert...

"I said I'm not pervert, baby" saad nito at naunang maglakad sa akin kaya tumalikod ako habang nakatakip lang sa aking dibdib.

Hindi naman ako flat, may makikita ka rin naman. Hindi nga lang sinlaki ng mga hinahangad ng mga tao, but I don't have a problem with it. I'am satisfied.

Kinuha niya 'yong tuwalya na nakasabit sa upuan at he linahad niya ito sa akin. Tinanggap ko ito at kaagad na binalot sa aking sarili.

"Thank you" ani ko at ngumiti sa kanya.

Yeah, he really respect ladies or girls. He's not pervert, just hmm... Ang bilis niya lang makapansin.

Naglakad kami papasok ng bahay.

"Your room is near to mine" saad ko at naglakad papapunta sa kwarto ko.

Sumunod naman ito sa akin kaya huminto ako sa pintuan ng kwarto niya, sinulyapan ko ito nang mapansin kong nakatingin ito sa akin.

"Here's your room" saad ko rito at tinuro 'yong katabi kong pintuan.

"Okay, thank you. Magbihis ka na rin para hindi ka lamigin, baka magkasakit ka pa" saad nito at matamis akong nginitian.

Oh my gosh, kinikilig ako!...

Tss, napaka eng-eng ko talaga. Bakit naman ako kikiligin? Duh.

"Oh, if you need anything, call the servants" nakangiting saad ko rito bago pumasok sa aking silid.

Kaagad naman akong pumasok sa CR at naligo ng maligamgam na tubig, mga ilang minuto kong binabad ang sarili ko at nagmadaling magbihis, dahil handa na rin 'yong hapunan.

Pagbukas ko ng pintuan bumukas rin 'ying pintuan ng silid ni Sky kaya tumingin ako rito at ngumiti. Sabay kaming bumaba at pumunta sa dining room.

"Mabuti at nandito na kayo, I was waiting for you. Hinatayin niyo na lang 'yong pagkain, pinapainit ko pa" saad ni Daddy ng makaupo kami sa upuan.

Tumango lang si Sky samantalang hindi ako kumibo o sumagot man lang. Pwede namang naghinatay or not. I'am sometimes impatient and short tempered, kaya halos lahat ng tao tinitiis 'yong ugali ko. But Sky? Huh, never niya tiniis 'ying ugali ko.

He is sometimes prank and rude. Hindi lang ako 'yong masama ang ugali, pati rin naman ito masama ang ugali.

- - - -

Nagising ako ng biglang may kumalabit sa binti ko, humikab ako tumingin sa aking binti while eyes half open.

"Why are you here?" Inis na tanong ko doon sa katulong namin dito sa bahay.

Ugh, my head is spinning.

"Ma'am Karry is waiting for you downstairs, Madame" nakatungo at walang takot na saad nito.

Karry is the stewardess which I ordered to bring me some Ono Champagne Cocktail, she's here.

"That doesn't mean you have to be here! Get the hell out of my room. You didn't even knock on the door" Mariing saad ko rito at padabog na tumayo, yumuko naman ito as a sign of respect at kaagad na lumabas.

Naligo muna ako at nagbihis bago lumabas.

Nakita ko si Karry na nakaupo lang sa sofa habang kausap si Dad at Sky pati na rin si Jake. I went near them in silence pero parang napansin ako ni Sky kaya tumikhim na lamang ako para mapansin nila ako.

"Hija, Karry is here. Nandito na 'yong Champagne na pinapabili mo sa Las Vegas" ani ni Daddy.

"Yeah, I know" sagot ko rito at umupo sa tabi ni Jake. Tumingin naman si Karry sa akin at ngumiti.

"Good Morning/Magandang umaga po" sabay na bati nina Karry at Jake, tumango ako rito and I yawned, we slept midnight last night.

Nag-inuman kasi sina daddy kasama si Sky at 'yong ibang mga gwardiya dito sa mansion, hindi na ako sumali sa kanila because I'm not a fond of drinking a very hard drinks. Hindi rin ako natulog ng maaga, dahil takot akong mapag-isa.

Hindi ako sanay na iniiwang mag-isa. May iba't-ibang mga bagay ang pumapasok ng isipan ko sa tuwing pakiramdam ko ay tahimik ang buong paligid.

"Ma'am, ito na po 'yong Ono Champagne Cocktail niyo po" saad ni Karry at linahad sa akin 'yong box Ono.

Tinanggap ko naman ito at mabilis na tinitigan 'yong box.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kusina, naramdaman ko na may sumusunod sa akin pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang titig na titig sa box.

"You're going to drink that?" Tanong nito at tumabi sa akin.

It's Sky, siya lang naman 'yong sumusunod sa akin.

"Obvious ba?" Pagmamalidita ko sa kanya at inirapan ito.

Parang bumalik nanaman 'yong dati kong ugali. 'Yong ugaling maldita at ugaling pasaway.

"Tss, answer me properly, kid"

"Don't call me kid. I'm twenty-two" saad ko at binuksan 'yong box, linabas ko naman mula doon ang Ono Champagne.

"You're still a kid. I'm twenty-eight and older than you" aniya at binawi 'yong bote ng champagne mula sa kamay ko.

Nataigilan ako nang bawiin niya ito at linaoag sa kanyang tabi. Napataas na lamang ang aking kilay at walang buhay itong tiningnan.

"Tss, give me that" mabilis akong lumapit rito at hinawakan 'yong bote ng Ono.

"No, maaga pa. You're not allowed to drink alcohol this early morning" anito at kinuha 'yong box ng Ono saka linagay ito pabalik sa loob.

"Why do you have to care?"

"I care becausea I'm your bodyguard. Take note, Personal Bodyguard, regarding of you... Ako ang bahala"

"And do bodyguards have to worry like that?"

"It's our responsibility for your safety"

"It's not like I'm gonna die" pagrereklamo ko sa kanya.

"Still no" saad nito at naglakad papalayo dala 'yong box.

"Why are you bringing that?"

"I'll keep this, wait until this evening. We'll drink this" saad nito at patuloy lang sa paglalakad kaya napasimangot na lamang akong naglalakad pabalik sa kinaroroonan ng aking ama.

Nakakabad-trip naman talaga ang lalaking 'to.

"What happened to my daughter? Bakit ka naman nakasimangot diyan? Ang aga-aga sumisimangot na 'yang mukha mo. Ano bang nangyari sa 'yo?" Salubong ni Daddy sa akin. Ngumuso naman ako at tinuro 'yong box na dala ni Sky.

Nagmumukha tuloy akong bata na inagawan ng pinakamamahal kong laruan. Tss, I don't play with Champagne.

Pfft, hindi ka na bata, Zeerah...

"Dad, Sky was taking my Champagne away. Ayaw noya po ibigay sa akin oh" ani ko at kunyaring naiiyak habang pasulyap-sulyap sa gawi ni Sky.

Gumuhit ang ngiti ng aking labi habang nakayukong umaakto na naiiyak sa ginawa ni Sky.

Pfft...

Deep inside, tawang-tawa na ako. Why am I doing this thing? Masyadong OA.

"Tito, ang aga-aga pa po. Isn't it my responsibilities to take good care of Faris? Paano na lang po kung magkakasakit ito? " Sabat naman ni Sky kaya mas lalo akong ngumuso at kinusuot-kusot ang aking mga mata.

-- _ --

Walang bahid na emosyong napatingin sa akin si Sky.

"She's right, hija. Masyado pang maaga, wait until this evening" sabad ni Daddy na parang mas kinakampihan pa nito si Sky.

"Now you're on his side"

"No, honey. Sky is right"

"Di mo na ako love, Daddy?" Pagiinarte ko rito at kunwari ay iiyak. I'm not really going to cry, duh.

Hindi naman ako iyakin. Ayaw ko ring umiyak, nagmumukha lang akong mahina sa harap ng mga tao. Hindi mahina ang mga Pérez.

"Of course I love you. You are my daughter"

"Then why are you taking his side?" Nakangusong tanong ko habang pinagkrus 'yong dalawang braso sa aking harapan.

"Hija, tigilan mo na 'yan, malaki ka na. Stop your pride, hindi sa lahat ng panahon ikaw ang palagi kong kakampihan. Hindi sa lahat ng oras, ikaw na lang palagi. Pinili ko kung ano 'yong tama, 'yong tama na ikabubuti mo bilang anak ko"

Wow, ang sakit no'n ha...

Biglang nag-iba ang lasa ng mukha ko. Parang nasaktan ako sa sinabi ng aking ama dito mismo sa harap ng ibang tao. Napahiya ako sa sinabi nito lalo pa't nasa akin lang ang tingin nila.

I hate myself!...

"Fine" pagsuko ko rito at pabagsak na umupo sa sofa habang pairap-irap lang.

"We're going to the mall, hija" mahinang saad ng aking ama habang nakatingin sa akin. "Wanna come and join with us? May bibilhin kami kasama sina Jake and Karry!"

"It's okay, I'll pass.. dito na lang po ako, I don't feel like going out. Tinatamad ako ngayon, huwag na" saad ko at kaagad na pumanhik sa aking silid.

Hay naku, ang hirap pala ng buhay ko ngayon. Now I'm being controlled, Tss.

Buong araw nasa loob ng aking silid lang ako at kapag magtatanghalian naman ay lalabas ako para kumain at babalik rin kaagad sa aking naturang silid upang makapagpahinga.

Wala sina daddy, sa mall ata sila nagtanghalian.

Hindi naman ako nagtatampo, gusto ko lang talaga magtulog at magpa-aircon dito sa aking silid.

Maybe tomorrow I'll go to the mall with my pompous master. Kailangan ko 'yon sabihin sa kanya bukas upang malaman niya ang nais ko.

Kinuha ko 'yong luma kong cellphone ng bigla itong magring. I turned on the loud speaker and I put the phone on the table. Pinapakinggan ko lang ito mula sa kabilang linya. Wala pa namang nagsasalita.

"Yes?" Walang ganang tanong ko habang nakatingin lang sa wall clock.

"(Hey, kid. Dinner is served, lumabas ka na diyan)"

Kid mo mukha mo! Tse!...

"I'm not a kid. Hindi rin ako lalabas diyan, utusan mo na lang 'yong ibang katulong na dalhan ako ng pagkain rito sa aking silid" ani ko rito at tumingin sa salamin na nakatayo sa harapan ng aking higaan.

"(No, lumabas ka na riyan, ngayon din)"

"No, they need to come here" pagmamatigas ko at inayos ang aking magulong nakalugay na buhok.

"(Out, now! Don't be spoiled, ibahin mo ako. Lumabas ka kung ayaw mong hindi ka na makakalabas pa riyan)"

"Dalhin niyo na nga lang rito. Hi di naman 'yon problema, diba? You're making this more complicated"

"(No, com---)"

"Okay, bye. Hihintayin ko na lang rito. Huwag kang mag-aalala nandito lang ako sa aking silid" mabilis na kong saad tsaka pinatay 'yong tawag.

Let's see kung tatanggi pa ba ito sa aking pagusisa sa kanya.

Mga ilang minuto ay may biglang kumatok sa pintuan kaya mabilis akong tumakbo roon saka ito binuksan.

"Here's your dinner, ma'am. Please enjoy" saad ng kasambahay namin at linahad sa akin 'yong tray na naglalaman ng pagkain at isang tasa ng gatas.

They really know what I like...

Kinuha ko ito at linapag sa aking mesa at hindi muna ito pinapaalis.

Mabilis ko naman itong nilantakan at inubos 'yong lamang ng tasa saka binalik sa tray ang lahat.

"Here" lahad ko rito sa tray at mabilis na bumalik sa aking higaan.

"Okay, ma'am" saad nito.

Their accent was really in Greek when they speak English, halos lahat ng mga kasambahay namin rito ay lahat nakatira dito sa Greece, 'yong iba naman'y galing Pinas. Hindi ko sila masyadong maiintindihan whenever they speak some Greek words.

Marunong naman ako magsalita ng Greek, minsan nga lang ay nahihirapan ako, dahil na rin sa bihira lang kaming pumupunta rito at 'yong mga salitang nalalaman ko ay 'yong mga salitang palagi nilang sinasabi sa tuwing mag-uusap sila. Kumbaga self study.

"Okay" saad ko at mabilis na sinara 'yong pintuan.

Hay, wala talaga ako sa mood na lumabas. Baka hampasin ko pa ng kawali 'yong si Sky kapag nag-uusap pa kami, Tss!

Chương tiếp theo