webnovel

Chapter 9 : Madness

"Aaahhhhhhh!"

"Tahimik bata may mga pasyente ako dito."

Biglang nagkaroon ng portal sa ilalim ko.

"Bata para sa unang training mo sa aakin ay kailangan mong pagalingin ang iyong sarili. May isang araw ka para mag pahinga bahala ka kung anong gusto mong gawin."

Humiga ako sa kama at nag isip isip naalala ko ang itim na apoy ni Mang Ramon hindi kaya...

Napatingun ang binata kay Kris na mukhang may sinusulat sa mga record ng pasyente.

"Hmm bata siguro ay nag tataka ka kung bakit may itim na apoy siya."

"Ahh sabi ng tatay ko baliw daw si mang Ramon. Kaya medyo nagtataka parin ako sa mga ginagawa niya, kung bakit sobrang bait niya sa akin."

"Fuhahaa si Ramon? baliw? Hahaha tama tama baliw nga ang tao na yan… Hmm siguro hindi naman masama kung kuwentuhan kita ng onti. Yung baliw na sinasabi mo ay ang tinaguriang battle mage sa aming mga sundalo. Taglay niya ang lakas ng isang assassin at kapasidad ng isang wizard. Hahaha naalala ko pa nun panahom ng giyera. Medyo mataas na ang katungkulan ko nun ako ang trainor ng mga priest. Hahaha naalala ko, unang pagkikita yata ni Ramon at Aerik sobrang magkaiba sila. Sobrang pormal tingnan ni Aerik isang modelo sa mga sundalo. Si Ramon naman napansin ko yan lisaw ng lisaw sa ceremony di mapakali. hahaha kung modelo si Aerik kabaliktaran naman si Ramon siya ang may pinaka mababang reputasyon sa mga training. Yung sinabi mong baliw baka tama ka nga dun. Lumipas ang mga panahon dumami ang kaibigan ng baliw na yun di ko namalayan napa sama na ko hahaha."

"tama ako may kulig-lig nga sa utak yung matanda na yun."

"Pero bata alam mo yun din akala namin, kasi dun siya nag training sa Magic devision. Bale sa formation matutunan mo din naman to sa academy kaya sasabihin ko na sayo. Vanguards ang nasa harap tapos susuportahan sila ng mga assassin at kung may masusugatan na vanguards susunod duon ang knights. Sa likod ng knights ay ang mga archer at mga mage. At nasa pinaka likod ang priest at mga supply. Ganun ang formation namin. Parang perpecto diba? Pero isang araw may sobrang lakas kami na kalaban. Nasira linya ng mga vanguard at knights hindi din maka lapit ang mga assassin kaya ang tanging nag proprotekta nalang sa mga kasamahan kong priest at priestess ay ang mga wizard at archer. Alam mo naman siguro na mahina ang mga wizard sa malapitan na laban. Nung mga panahon na yon ay nawawalan na kami ng pag asa dahil papalapit na ang kalaban. Pero nagulat ang lahat ng makarinig sila ng sunod sunod na buff spell."

Speed enhance

Strength enhance

Attack enhance

"Sobrang ingay nung mga panahon na yun, pero sobrang nakaka bingi ang mga spell na yun. Siguro dahil sa gulat dahil sa buong buhay namin wala pa kaming nakitang mage na nag lagay ng buff sa sarili. Mas nagulat ang lahat ng maglabas si Ramon ng itim na dagger at tinapon ang kanyang staff. Tumakbo ng mabilis si Ramon papunta sa kalaban. Pa suntok na ito at akala ng lahat mamamatay na si Ramon pero biglang naglabas ng portal si Ramon na nuon ay ginagamit lang sa pag lalakbay. Sumulpot ito sa likod ng kalaban at sinaksak ito."

"huh? Hindi ba labag sa batas yun?"

"oo sa batas ng mga assassin, knights at vanguard pero isag mage si Ramon. Kitang kita ang determinasyon sa mata ni Ramon pero sa pag sak sak niya nahawakan siya ng kalaban at tinapon."

Flash back...

Sa isang lugar sa giyera ay nalalapit ng mapahamak ang mga nasa likod na bahagi ng formation at sa laking gulat ng mga nanduon isa mage ang sinusubukan silang iligtas.

"hmm isang wizard na umaatake minsan ka lang makaka kita nito. Ako nga pala Si Lost, anong pangalan mo bata?"

"Umm hindi ko alam na nag sasalita pala ang mga kalabaw?"

Isang minotour ang kalaban nila kalahating tao kalahating toro. Maskulado ito at matangkad kumpara sa binatang si Ramon na may manipis na panganga tawan. Sumugod ulit si Ramon hihi wain niya sana ang hita nito pero nasipa siya.

"hahaha yan lang ba kaya mo bata."

Lumingon si Ramon sa likod at may tiningnan na isang priestess saka ngumiti. Tumingin ulit siya sa kinyiang kalaban at humarap.

"haha oo nga no, pasensnsya na , sigurado ka ba jan baka mag sisi ka."

"hahaha sumugod ka na ba.... Ahhhh ahhhhh ahhh ahhh"

Biglang nawala si ramon at nagkaroon ng itim na apoy ang buong katawan ng minotour. Pero ang totoong nanyari ay mabilis na nag summon ng portal si Ramon at mabilis na nag cancel lumabas si ramon sa ibabaw ng minotour at nag activate ng skill.

"Ako nga pala si Reymund Lima."

Present

"Duon nag umpissa ang pag tawag sa kanya ng battle mage hanggang sa ang nuoy baliw naming kaibigan ay nagging body guard ni Lady Justice. Ang ipinagtataka lang namin nuon ay kung bakit may dark magic siya at ma runong siya sa pakikipag laban. Hanngang isang araw natuklasan namin na ang kanyang ama ay isa sa tatlumpo na isang mage duon niya siguro naman ang galling niya sa magic. Ang kaniyang ina naman ay isang dark elf kaya hindi na kataka taka ang galing niya sa pakikipag laban siguro dun din nanggaling ang dark magic niya. Ang hindi ko lang maintindihan nuon ay kung bakit pinili siya ni Lady Justice na maging body guard pwede naman ako. Tsaka ako yung nakatadhanang ipa…."

Zzzzzzzzzz

"Walang hiya ka bata tinulugan mo ako. Pero ok lang tapos naman na ako sa ginagawa ko."

Tumayo na si Kris at pinag pag ang kanyang roba. Iniwan niya sa lamesa ang isang lapis at ang kanina niya pang ginagawa na ang akala ni marvin ay para sa mga pasyente. Yun pala ay isang dibuho ng napaka gandang babae.

"Tingnan lang natin kung maka tagal ka bukas bata fufufufu."

Chương tiếp theo