webnovel

Chapter 3: A Morgan

𝑫𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖

Zariah's POV

After we ate, we went to the living room, dad and mom had something to say. And then, dad spoke " Zaririah, Addison, me and your mom will go to  States to meet with our close business partners. So while we are not with you , be safe my daughters. You are big now so you know what you are doing. Do not neglect yourselves. We were staying there for a week. sabi ni dad. Ang tagal naman nila dun. Mamimiss ko silang dalawa. But we're used to it. I will miss you both. Be safe there too mom, dad."pagkasabi ko sa kanila ay tumayo ako at niyakap ko silang dalawa. Tumayo narin si ate at nakisali sa yakapan namin. Nagbitiw naman kami sa pagkakayap at nagtanong ako. When are you going to States mom?" Tanong ko kay mommy. Agad naman siyang sumagot sa akin. Today Zariah, gusto niyo bang sumama sa paghahatid sa amin sa Airport? "tanong ni mom at tinignan niya kaming dalawa ni ate.  Ngumiti naman ako ng malawak ang agad na tumango. So let's go? "tanong ni dad. Tumango naman kami bilang sagot. Naunang tumayo si dad at sumunod naman kaming tatlo. Pumasok naman kami sa Kotse. 20 minutes bago kami nakarating sa Airport, malayo layo din kasi. Bumaba na kami, at hinanda naman sila mom ang mga gamit nila. Ilang saglit lang ay nagpaalam na sila sa amin. Private Plane kasi ang sasakyan nila. Sino nga ba ang i mi meet nilang business partners na close nila? Iisa lang kasi ang nasa isip kong close na business partners nila mom at dad ,ang family NIYA. At nasa States sila ngayon, dahil sa pagpapagamot ni Rage. Napabuntong hininga naman ako sa naalala ko. Kumusta na kaya siya? Ilang taon narin kasi kaming walang komunikasyon. Kilala pa kaya niya ako? Nalungkot nalang ako sa mga naiisip ko. Tatanungin ko nalang sila mommy kung sino ang imimeet nila. Ah, mom? would you mind if I ask something?"tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango bilang sagot. Sino po ba yung i mi meet niyong business partners? " I asked mom with curiosity. Malakas talaga ang kutob ko na sila tito at tita Janice iyon. Bukod kasi sa kanilang dalawa ay wala na akong alam na ka close na business partners nila. Mr. & Mrs. Morgan"simpleng sagot niya sa akin pero malakas ang naging impact sa akin. A Morgan? wait, familiar sa akin ang apilyedong yan. Saan ko nga ba narinig? Sigurado akong narinig ko na yun eh. Namilog naman ang dalawa kong mga mata ng may maalala ako.

...

Ikaw anong pangalan mo? " tanong ko sa batang lalaking nakilala ko sa park. Siya yung humingi ng tulong sa akin, kasi naligaw siya at hindi alam kung paano umuwi. Ako nga pala si Rage Morgan" sagot ng lalaki sa akin.

Lalong namilog ang nga mata ko, Oh gosh! paano ko nakalimutan ang apilyedo niya? . Tama, siya si Rage Morgan ang taong minamahal ko noon, at hanggang ngayon. At Morgan din ang i mi meet nila mom. Hindi kaya sila tito Davis ang mga yon? Possible nga! Agad akong nagtanong kay mommy. A morgan mom? Is it Tito Davis and Tita Janice? " pagtatanong ko na punong puno ng pag- asa. Sobrang bilis ang naging tibok ng puso ko. Umaasang Oo ang isasagot niya. Ah, No Zariah . Hindi sila ang i mi meet namin anak. Alam mo naman na matagal na kaming walang komunikasyon simula nung umalis sila dito sa bansa para ipagamot ang anak nila. " deretsong sabi ni mom sa akin. Bigla naman akong nadismaya sa sagot sakin ni mommy, akala ko talaga sila yon. May naramdaman naman akong konting kirot sa puso ko. Siguro oras na rin para kalimutan ko siya. It's been 6 years, hindi malabong makalimutan na niya ako. Siguro nga ititigil ko na ang umasa na tutuparin pa niya ang mga ipinangako niya noong nga bata pa kami. Hindi malabong mangyari yon, mga bata lang kami noon.

Nabalik nalang ako sa realidad nang nagsalita ni dad. We're going, I'll miss you two. " pagpapaalam sa amin ni dad. Niyakap niya kaming dalawa ni ate. Nagyakapan kaming apat ng ilang minuto bago kami bumitaw. Hinalikan kaming dalawa ni ate sa noo, ganoon rin ang ginawa ni mommy. Pagkatapos ay naglakad na sila palayo sa aming dalawa.

Napagdesisyunan naman naming dalawa ni ate na pumunta muna sa mall at kumain. Pumayag naman ako, wala rin naman akong gagawin ngayon.

Pagkatapos naming mag shopping ay kumain kami sa isang mamahaling  Restaurant. Treat naman ni ate Addison kaya yung pinaka mahal ang inorder ko. 35, 000 ang halaga nito. Akalain mo yun? 35k na agad eh simpleng carbonara lang naman to na may kung ano sa ibabaw. Di bale na nga hindi naman ako ang magbabayad Hahaha. Di kasi ako masyadong gumagastos kapag sariling pera ko ang ginagamit hahaha. Mas gugustuhin ko nalang sa simpleng Restaurant kesa dito. At dahil si ate nga ang magbabayad, lulubusin ko na.

Yan lang ang inorder mo Zariah? Magdagdag ka pa, mukhang hindi nakakabusog ang inorder mong pagkain. " pagsasabi sa akin ni ate. Wow! magdadagdag pa ako? eh itong pinaka mahal na nga ang kinuha ko. Kahit kailan talaga itong si ate, sabagay madami naman siyang pera eh. Madami rin naman akong pera pero hindi ako sanay na ginagastos lang sa ganitong mga bagay. Okay na to ate, 35k na to. Hindi ka ba nasasayangan sa pera ate? Kung sa simpleng Restaurant sing kwenta lang ang magagastos natin. Mas mabubusog pa tayo doon. " hahaha narinig ko naman ang pagtawa ni ate. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? wala naman eh. Kahit kailan talaga Zariah napaka kuripot mo hahaha." tumatawa niyang sabi sa akin. Palagi nalang niyang sinasabi sa akin yan. Hindi ko nalang siya pinansin at inumpisahan ko nang kainis ang Carbonara na 35k ang halaga!.

Nang matapos naming kumain ay napag pasiyahan na naming umuwi.

Nang makauwi kami, agad akong dumeretso sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko. Ilang minuto lang ay dinalaw na ako ng antok.

Chương tiếp theo