webnovel

CHAPTER 15

MAINE'S POV

"Oh andiyan na pala ang iyong prinsesa Sir Faulkerson!"

Rinig sabi ni Mama Tey nang lumabas na ako ng kwarto.

Bumugad sa akin ang nakatulalang mukha ni RD na para bang nakakita siya ng multo o kung ano. Gandang-ganda siguro talaga siya sa kagandahan ko.

Napatingin ulit ako sa damit na suot ko saka tumingin sa mga mata niya ng diretso sabay ngiti.

Muli ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Napakagwapo niya sa suot na polong kulay blue nan aka-tuck in sa itim niyang pantalon. Nakagel din ang buhok niya kaya maayos ito at shiny pa. Wala siyang salamin ngayon kaya mas lumitaw ang mapupungay niyang mga mata.

Ang gwapo niya talaga titigan.

"So magtititigan lang kayo ganun? Mga beh inaamag na pagkain niyo sa kung saan man kayo pupunta panigurado."

Napatingin ako kay Mama Tey na halatang naiinis sa amin kaya napangiti ako.

"Ang sabihin niya inggit lang ang lola niyo sa haba ng hair ko."

Narinig ko namang napasinghap ng malalim si RD at tuluyan ng nahimasmasan mula sa pagkakatulala.

"L-Let's go?"

Sabi niya kaya agad kong isinuksok ang kanang kamay sa braso niya ng may malapad na ngiti.

"Saan tayo? Sa langit ba?"

Sagot ko naman para mas tuksuhin pa ang isa dito sabay kindat.

Nakita ko namang biglang namula ang mga pisngi ni RD.

"Mga hampaslupang 'to! Kung makapaglandian sa harap ko pa mismo. Nakakasuka alam niyo ba 'yun ha?"

Inis na inis pa ring usal ni Mama kaya mas napatawa ako.

I flip my hair at tumalikod na.

"Ma nakakakalbo ang inggit alam mo din ba 'yun? HAHAHA! Paki-lock na lang din ah pag-alis mo! Salamat pala sa pa-outfit!"

Nakangiti ko siyang nilingon bago tuluyang lumabas ng unit ko.

Kaya siya nandito sa condo unit ko ay dahil sa kaniya ako nanghiram ng maisusuot ko sa date namin ngayon ni RD.

"Woy grabe 'tong babaeng 'to. Mahal pagpapa-Brazilian blowout ko dito noh! Walang utang na loob 'to eh."

Habol pa niya kaya mas napatawa ako.

"Love you Ma!"

Sigaw ko pa sa kaniya saka isinara ang pinto.

Ganiyan talaga kami mag-asaran dahil parang nanay, kapatid at bff ko na si Mama Tey. Simula kasi nung lumuwas ako dito ay siya na ang Karamay ko sa lahat ng bagay. Siya rin ang tumulong sa akin para makapasok sa trabaho.

"Thanks."

Nakangiti akong naupo sa hinila niyang upuan.

Sinundan ko din siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa tapat ko.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga sosyal na restaurant dito sa QC sa may Ninyo Fusion Cuisine. May naka-reserve na palang table para sa amin na medyo nasa sulok para na rin siguro sa katahimikan at privacy.

Nailibot ko ang paningin sa paligid. May mga petals na nakapalibot sa mesa namin. May isang malaking pabilog na chandelier sa ibabaw namin. At may pakandila pa kaya mas naging romantic ang vibe ng lugar.

Ilang sandali pa ay may nag-serve na ng pagkain sa mesa naming kahit hindi pa man kami umu-order.

Napatingin ako sa pagkaing nasa harap ko.

Sa pagkakakilala ko ay parang ito 'yung sinasabi nilang sushi roll tapos may mukhang avocado dip sa isa pang bowl. Mukhang masarap siya. Mukhang mapapalaban ang mga alaga ko sa tiyan nito ah.

"You can take pictures if you want."

Napatingin ako sa kaniya na pinapanood lang pala ako kanina pa. Napangiti ako at agad kinuha ang phone sa purse na nahiram ko din kay Mama Tey.

Click.

Click.

"Mai-post nga sa Instagram."

Yiiieeeee!

Aakalain na naman ng mga followers ko na mayaman talaga ako dahil nasa fine dining ako ngayon.

Perks of having a rich suitor. HAHA!

Pero nung pi-picture-an ko n asana ang mga kakainin namin ay doon ko lang na-realize na apat na serving ang nasa mesa naming na kung iisipin ay dalawa lang naman kami.

Huwag niyang sabihing kami lang uubos nito ah? Inaamin kong medyo gutom talaga ako palagi kung kumain pero hindi ko kayang ubusin 'tong pang Japanese na pagkain.

"Kanina pa ba kayo anak?"

Napatingala ako sa pinanggagalingan ng boses at hind inga ako nagkamali. Nandito ang Daddy niyang kamukha nung hambog niyang kapatid.

Pero GRRRRRRR!

Gigil talaga ako ng mukhang tubol na kasama niya.

Kumulo agad ang dugo ko sa babaeng sobrang higpit kung makakapit sa Daddy niya na ang pula-pula ng lipstick na akala mo'y bagay sa dress niyang kulay violet.

Hay naku buhay! Akala ko ako na ang pinakawala masyadong alam sa mga fashion-fashion na 'yan pero may tatalo pa pala sa akin dito.

Napaikot tuloy ang mga mata ko sa mukhang sosyal na babaeng nasa harapan namin.

Hindi man lang nagbigay ang PAG-ASA ng storm warning signal na may paparating na kalamidad pala.

"Kani-kanina pa lang naman po dy. Hello po Tita!"

Nakita ko pang tumayo si RD at bumeso sa kaniya at nagmano sa Daddy niya.

"Hi hija! Mabuti naman at napapayag ka nitong si RD."

Baling ng Daddy niya sa akin kaya napatayo na lang din ako at nagmano sa kaniya.

"Hehe ou nga po Tito eh. Pang-ilang beses na rin kasi akong niyaya nitong kumain man lang daw sa labas kaya nakulitan na rin siguro ako. Hihihi."

Sagot ko na lang kahit sobrang fake talaga ng mga tawa at ngiti ko. Napatawa naman siya ng bahagya.

"H-hello po M-Ms. Delubio."

Pilit ang ngiting bati ko sa kaniya saka bumeso.

"Just call me Tita tutal magiging daughter-in-law naman na kita soon hindi ba?"

Sarkastikong tanong naman niya na mas ikinulo pa ng dugo ko.

Sarap pitikin ang noo eh. Akala mo may singsing na sa daliri sa sobrang confident magsalita.

TSK. Very wrong ka Tita.

Ayyy ewan. Para akong masususgatan sa balat niyang mala-buwaya sa sobrang kapal at tigas.

Hindi pa nga pinapakasalan feeling madrasta ng taon na.

Naupo na kami at sa sobrang malas ko, katabi ko pa mismo ang pambansang ina ng siglo habang nasa tapat naming sina RD at ang Daddy niya.

Panay ngiti lang ang ginaganti ko habang sila ay enjoy na enjoy na nagkukwentuhan at kumakain.

"Naku, naku, naku. Kapag kami ng Daddy mo kinasal, for sure iiyak 'to ng todo. Nung sinagot ko pa nga lang halos isang balde na ang luha eh."

Uminit bigla ang puwet ko sa upuan nang marinig 'yun.

Itinusok ko na lang ng padabog ang tinidor ko sa pastang nasa plato ko saka 'yun inikot-ikot at buong ipinasok sa bibig ko na para bang napakalaki ng kasalanan ng pasta sa akin.

TSUP!

Nanlaki ang mga mata ko matapos kong higupin ang last strand ng noodle at lahat sila'y napatingin sa akin, tigil sa pagkukwentuhan.

"A-Amm shorry phows.."

Pagpaumanhin ko pero hindi ko pa rin manguya lahat kaya medyo hindi maintindihan ang sinabi ko.

Napa-peace sign pa ako at pilit na nginuya at nilunok lahat ng nasa bibig ko.

"Tssh. Parang walang alam na table manners."

Napalingon agad ako sa kaniya nang marinig kong bulong niya sa sarili na ikinalaki ng mga mata ko.

How dare her say na wala akong table manner?

Kung siya kaya turuan ko ng values nang bumait naman siya ng kaunti kahit wamport lang.

Nilingon niya pa ako na parang bang nagtatanong kung anong tinitingin-tingin ko. Binigyan ko na lang siya ng pinaka-pekeng smile sa buong buhay ko.

'Yung ngiting nagsasabing 'Teka lang hanapin ko muna pake ko sa'yo at sa opinion mo manang'.

Ang hirap pala talaga makipagplastikan sa mga taong natural na ang pagiging plastic.

Napainom tuloy ako ng ilang sunod na lunok ng wine na nasa gilid.

Pero kung akala ko ay 'yun na ang pinakamalas na nangyari sa 'kin ngayong gabi ay nagkakamali ako.

"I'm sorry to interrupt you pero maaari ba kaming makisalo sa inyo?"

Malapd ang ngiti niyang sabi habang lumalapit sa mesa naming.

Nang magpang-abot ang mga mata namin ay unti-unting nawala ang ngiti niya.

"Of course! Mas marami, mas masaya 'di ba Dy?"

Tuwang-tuwa namang sagot ni RD.

Iniwas niya ang tingin at lumapit sa tapat ko mismo at hinila ang upuan sa tabi ko. Aangal na sana ako na huwag na siyang maupo dito dahil baka maapakan ko pa sa inis ang paa niya nang may matangkad na babaeng lumapit sa mesa namin at bumeso sa Daddy nila pati na rin kay Ms. Delubio.

"You look stunningly gorgeous hija, as always!"

Napaikot ang mga mata ko sa mga mabubulaklaking papuri ni Ginang Bagyo sa bagong dating na babae.

Well, maganda nga naman talaga siya, mestiza at mukhang may breeding din. Kulay asul pa nga ang mga mata.

Pero mukhang maarte rin tulad ng magiging biyanan niya.

"Thank you po Tita S."

Sagot pa ng mestisahin habang mahinang tumawa.

Ayy pabebe. Dyosa ka te?

Inulit ko pa ang sinabi niya sa isip ko habang nakatirik ang mga mata. HAHAHAHA.

"Ang saya naman nitong triple date pala tayo ngayon. For the first time in history hahaha!"

Masaya pa ring usal ni RD na ikinatawa rin nila.

Nanatiling peke lahat ng tawa at ngiti ko hanggang sa nasanay na lang din ako.

Nang nagsikain na kaming lahat ay may bigla akong naramdamang sumundot sap aa ko sa ilalim ng mesa. Hindi ko na lang 'yun pinansin.

"Wala ka ba talagang planong ipakita sa publiko itong si Alisson? I mean your photos are leaking already kahit saang social media platforms. Hindi ba mas mabuti na ring makilala ng fans mo ang babaeng dini-date mo ngayon?"

Usisa pa niya saka muling sumubo ng pagkain.

"Darating din tayo diyan at the right time. Right son?"

Sambat pa ni Ginang Bagyo na todo pa ang ngiti.

"Of course. Marami pa namang pwedeng mangyari and I'm not closing any door for changes."

Maniniwala na sana ako sa pinagsasabi niya nang maramdaman ko na namang parang may gumagalaw sa ilalim ng mesa at biglang may umapak ng mahina sa paa ko.

Kahit pa hindi ko alam kung sino ang nakaapak sa akin ay automatic akong napatingin sa lalaking may beloy sa pisngi na nakatingin na rin pala sa akin ng palihim.

Nagpang-abot ang mga mata naming kaya sinamaan ko agad siya ng tingin para patigilin na siya.

Pero ang inaakala kong pagtigil niya ay mali na naman. Sa halip ay ngumiti lang siya ng nakakaloko at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang ulit pa niyang sinusundot-sundot ang paa ko sa ilalim ng mesa pero ewan ko ba kung bakit wala ni isang nakapansin sa kanila. Minsan nga ay gumaganti ako dahil kotang-kota na talaga ako sa kaniya.

Ano bang kasalanan ko sa isang 'to? Sila na nga itong nakikain sa date sana naming tapos siya pa 'tong may ganang manggulo. Tsk.

"Dy, mauuna na po kami. Ihahatid ko pa si Maine sa condo unit niya. Didiretso na lang din ako sa bahay."

Paalam ni RD sa kanila.

Tatayo na sana ako pero muntik pa akong mitumba nang biglang bumigay ang kaliwang paa ko sa sobrang sakit. Buti na lamang at nasalo agada ko ni RD.

"Okay ka lang Mine?"

Nag-aalalang tanong niya kaya agad akong tumango baka kasi kargahin niya pa ako kapag sabihin kong masakit pa rin talaga.

Nilingon ko 'yung may kasalanan kung bakit sumasakit ang mga daliri ko sap aa. Nakangiti siya habang iniiwas ang tingin sa akin. Halatang nagpipigil ng tawa.

HAAAAAYS KAINIS!

Inalalayan na lang ako ni RD palabas ng restaurant habang iniinda ko ang sakit na para bang isa-isang napuputol ang mga daliri ko sa sakit.

Imagine naka heels ako na kita ang mga daliri ko sa paa tapos siya'y nakasapatos.

Ayy jusko sana'y maabutan pang buo 'tong mga daliri ko sa paa hanggang sa makarating ako sa unit ko.

Bakit ba kasi may mga taong walang ibang magawa sa buhay kundi ang manggulo ng buhay ng may buhay?

"Thank you for tonight, Mine."

Medyo may hangin ang buong boses niyang sabi sa akin habang tinitititgan ako.

Nasa pinto sa loob ng unit ako habang nasa tapat ko naman siya.

Tinitigan ko ang nakakurba niyang mga labi.

Lunok.

"Salamat din. Nag-enjoy ako."

Nginitian ko lang siya ng matipid pero totoo.

"'Yung paa mo okay lang ba talaga?"

Napatingin ako sa paa kong medyo namumula pa at ngumiti ulit sa kaniya.

"Wala 'yan. Malayo sa bituka."

Medyo napatawa naman siya ng mahina at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"Good night, Mine."

Usal pa niya saka inilapit ang mukha sa akin at ginawaran ako ng matamis na halik sa aking noo.

Napangiti ako. Iba ang ang pakiramdam na naibibigay ng pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking balat. Nakakaadik. Nakakataba ng puso.

"Good night.. Daniel."

Sagot ko na lang din saka sinundan siya ng tingin papalayo.

"Don't forget to close the door and the windows!"

Habol pa niya sabay lingon sa akin na para bang boyfriend kong palaging nagpapalala.

"Yes po Sir!"

Sumaludo pa ako sa kaniya saka sinarado ang pinto nang masigurong nakaalis na siya.

Pagkatapos kong mag-toothbrush ay hinubad ko na ang suot ko upang lumusong na sa hinanda kong hot bath sa bathtub.

"Aahhh.. Sarap."

Kakaiba talaga ang kiliti at komportableng naibibigay ng medyo mainit-init na tubig sa katawan ko mula sa mahabang araw lalo na kapag may pasok. Ito ang nagpapagaan ng loob ko.

Naglagay pa ako ng pepino sa mga mata ko para naman malamigan kahit sandali.

Ilang sandaling katahimikan sa paligid hanggang sa tumunog ang phone ko sa gilid kaya kinapa ko na lang 'yun.

Unknown number calling...

"H-hello?"

Sagot ko habang binabalik ang slice ng pepino sa kanang mata ko.

"Hay buhay. Tatatawag-tawag tapos hindi naman magsasalita. Hello!"

Napakunot-noo ako dahil para lang naman akong tangang nakikipag-usap sa telepono.

"Masakit ba?"

Ang malamig at buo niyang boses ang nagpalundag bigla ng puso ko.

Lunok.

Ilang segundo rin akong hindi makapagsalita dahil sa sobrang shookt ako sa narinig ko.

Tinanggal ko pa ulit ang pepinong nakatakip sa mata ko at naninigurong tiningnan ang numero.

"Kung sino ka mang prank caller ka sinasabi ko sa'yong hindi mo ako maloloko! Maghanap ka na lang ng mabibiktima mo. Huwag ako!"

Singhal ko sa kabilang linya.

"Parang ang sarap mong tabihan diyan ngayon ah. Ano papasok na ba ko?"

Nanlaki agad ang mga mata ko.

Sobrang sexy ng boses niya na mas nagpakaba pa ng dibdib ko.

"A-anong ibig mong sabihin? Paano mo n-nalamang nasa bathroom ako ha? Stalker ka ba?"

Natataranta kong tanong sa kaniya.

"Kung sabihin kong nasa tapat na ako ng pinto ng bathroom mo, patatabihin mo ba ako sa pagligo?"

Napatingin agada ko sa pinto. Hindi ko alam ang unang gagawin.

Ito ba ang dahilan kung bakit palagi akong pinapaalalahanan ni RD na mag-lock ng pinto at bintana?

Napatingin ako sa sarili kong hubo't hubad na nakasubsob sa tubig na may mga petals.

Jusko! Ayokong maging headline sa mga newspaper bukas bilang babaeng hubo't hubad, natagpuang patay sa bathroom ng condo unit niya.

Napapikit ako sabay singhap ng hangin. Biglang dumoble ang init ng katawan ko sa sobrang kaba at takot.

Hindi nagtagal ay narinig ko na naman ang malamig na boses niya sa phone na nagpatindig na ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Isa.."

Halos mapaupo pa ako mula sa maayos na pagkakahiga sa bathtub nang mapansing medyo gumalaw ang pinto.

Buntong-hininga.

What if serial killer siya?

"Dalawa…"

Tumunog ng mahina ang pinto na medyo gumalaw ng dahan-dahan para mabuksan ito.

JUSKOOOOO! Naiwan ko palang bukas ang pinto!

What if rapist siya tapos adik pa?

"Dalawa't kalahati.."

Napadasal na lang ako habang mas humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono.

"Tat..."

Napadilat ako habang papalakas at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko na halos ikabingi ko na sa sobrang lakas.

"Loooooo!"

"WAAAAAAAAAAAAH!!!"

Napatakip pa ako ng mukha habang nakapikit sa sobrang takot.

What if rapist na siya, adik pa at serial killer din?

Ayokong matagpuang violet na ang mukha dahil sa lamig ng katawan bukas. Sana 'yung maganda naman ako tingnan sa burol ko.

Lord kayo na po ang bahala sa akin at kay Kyline kung mawawala man po ako. Sana hindi niya ipanggagastos ang isang milyon para lang sa mga poster at souvenir sa Alden na 'yun na mukha namang unggoy at walang respeto sa babae. Please lang po!

"TUKO!"

Dahan-dahan kong naidilat ang mga mata ko at muntik na akong mapatalon mula sa bathtub para paghahampasin ang nilalang na 'yun na halos patayin ako sa sobrang nerbyos.

"JOOOOOOKE! HAHAHAHA!!"

Rinig ko sa kabilang linya na mas ikinulo ng dugo ko.

Napatingin ulit ako dun sa bubwit na gumagapang sa nakaawang na pinto. Bakit ba kasi niya naisipang dumaan sa baba kung pwede naman siyang dumaan sa taas ng kisame.

Halos pinalabas niya pa ang buong kaluluwa ko sa takot. Akala ko'y makukuha na talaga ng kung sinumang rapist ang kinaiingat-ingatan kong bataan.

Nakahinga ako ng maluwag na para bang nabunutan na ako ng isang malaking tinik.

"IMONG MAMA JOKE! Baliw ka ba ha? Muntikan na akong atakihin sa puso sa joke mong 'di nakakatuwa!"

Sigaw ko sa kaniya sa phone pero puro tawa lang ang naririnig ko sa kaniya.

LT masyado eh. Paano na lang kung nakita niya ang sobrang epic fail na mukha ko kanina. Ay jusmiyo marimar, buti na lang talaga!

"Pashnea kang sino ka ba ha?!"

Napapahid tuloy ako sa noo kong pinagpawisan talaga ng bonggang-bongga.

"Hulaan mo kung sino. Basta hint ko lang sa'yo ay nakikita kita ngayon sa loob ng bathroom mo. Hahahaha!"

Dahil sa sinabi niyang 'yun ay napalingon tuloy ako sa bawat sulok ng bathroom. Pero wala namang CCTV.

"Kaloka ka kuya ha! Paano mo nasabi at bakit ako matatakot sa'yo kung nasa bathroom nga ako aber?"

Nakapamewang pa ako sa ilalim ng tubig na kunwari'y kaharap ko lang ang kinakausap ko.

"Alam kong nakahubad ka."

Biglang uminit ang tenga ko pero napalitan 'yun ng ngisi sa mga labi ko.

"A-Anong akala mo sa akin kuya, boba? Boplaks? Malamang n-nakahubad ako dahil nasa bathroom ako. Ang hirap naman nun kung naka-gown ako 'di ba?"

Pagdadahilan ko pa.

"Exactly. 'Yung katawan mo nga ang nasa isip ko ngayon."

"And... BOOM!"

Biglang umurong ang dila ko at ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko sa hiya at inis.

"EEEEEEEW! Kadiri ka kuya! Manyak ka! Manyakis!"

At nag-echo na naman ang tawa niya sa sobrang lakas. Baliw ata 'to.

Pero paano niya nakuha ang number ko kung gayong sa malalapit na mga tao ko lang naman binibigay ang number ko?

"Sorry na po... Mine. HAHAHAHA!"

'Yung tawa niyang nang-aasar lalo na dun sa word na 'Mine'. Si RD lang ang tumattawag sa akin nun at sigurado akong hindi niya boses 'tong kinakausap ko at minamanyak ako.

So ibig sabihin malapit na kaibigan lang siya ni RD..

Mga almost one minute pa akong natameme kaya napansin niya sigurong na-offend ako ay tumigil agad siya kakatawa.

"Hey.. I'm sorry okay. I-It's not what you think."

Nagpang-abot ang mga kilay ko.

"Okay, okay."

Narinig ko pang bumuntong-hininga muna siya ng ilang beses.

"Amm.. This is Alden... I-I mean, Richard.. Faulkerson Jr. And I'm sorry lalo na sa nangyari kanina sa atin."

Pautal-utal na sabi niya na mas ikinalaki pa ng mata ko.

"Anong.. nangyari sa atin kanina ha? Walang nangyari sa atin! Are you out of your mind Mr. Richard Faulkerson Jr.? Itong manyakis na 'to kung anong pinagsasasabi. Jusko! Sakit mo sa bangs ah."

Dire-diretsong usal ko at narinig ko na namang huminga siya ng malalim ng ilang beses. Mas kumulo pa ang dugo ko.

"Hoy manyakis! Huwag ka ngang bumuntong-hininga diyan ng paulit-ulit para kang kabayong malaki ang bayag diyan eh."

Inis na inis kong saway sa kaniya. Ansakit niya sa bang talaga, pramis.

"Bakit nakakita ka na ba ng kabayong malaki ang bayag? Gaano ba kalaki?"

Bigla na namang uminit ang tenga ko sa sobra-sobrang inis. Bakit ko ng aba nasabi 'yun?!

Nakakawala sa tamang pag-iisip ang isang 'to ah. Kunti na lang talaga mababaliw na ako.

"MY GOD, YOU'RE GETTING INTO MY NERVES MR. FAULKERSON! ANO BA KASI ANG SADYA MO HA?! MANG-INIS BA?"

Sigaw ko pa ulit sa kaniya na napasabunot pa ako sa sarili ko sa inis.

"SORRY NA NGA KASI SA NANGYARI KANINA SA ILALIM NG MESA!"

Napatahimik ako dun ah.

Muntikan pang mabasag eardrum ko sa lakas ng pagkakasigaw niya.

"B-Basta bayaran mo ako kapag nakapagpa-mediko legal na ako dito sa mga daliri kong tinorture mo!"

Itinaas ko pa ang paa kong tinapak-tapakan niya kanina. Hanggang ngayo'y namumula at medyo namamaga pa rin.

"Okay then. Basta dalhan mo na rin ako ng maraming buko pandan bukas sa Bahay tulad nung pinadala mo kay kuya. Then I'll pay you. Bye."

Napatingin pa ako sa phone ko dahil pinatayan pa ako ng tawag. Kapal talaga ng kalyo sa mukha.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya.

Nagbi-business din ako ng mga buko pandan at mga desserts bilang sideline para may maidagdag ako sa iniipon ko. Hindi ko naman aakalaing aabot sa lalaking 'yun ang ibinigay kong sample kay RD nung nakaraang araw.

Ayan tuloy obligado pa akong makipagkita sa manyakis na 'yun para mabayaran na rin ako sa damage na ginawa niya sa mga ingrown ko sa paa. Kainis!

Kinabukasan, since Sabado naman ngayon kaya medyo hindi ko inagahan ang gising.

Napa-stretch pa ako at niyakap ang malalambot kong unan habang nakatakip pa rin sa kalahati ng katawan ko ang makapal kong kumot.

"May nag-text! May nag-text!"

Napalingon ako sa cell phone kong nasa gilid ng lampshade ko saka inabot 'yun.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat saka napaupo sa kama ko nang makitang naka 46 missed calls at 159 text messages na 'yung manyakis na 'yun sa akin.

Naisandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama ko at napapikit na lang sa inis.

Anubayaaaaaan! Umagang-umaga may naninira na agad ng araw ko!

Naisipan kong i-open na lang ang messenger ko para hindi ko na makita ang mga texts niya. Mas nasisisra lang kasi ang mood ko eh.

Pero kung inaakala kong nakaligtas na ako sa pambubuwesit niya ay nagkakamali pala ako.

Naalala kong sa sobrang inis ko sa kaniya kagabi ay na-replyan ko pa pala siya sa chat niya para tigilan na ako kaya dito nnaman siya sa messenger tumatawag.

Decline.

Hindi pa man ako nakahiga ulit ay tumawag na naman siya.

Decline.

Ang lambot naman ng bungo nitong manyakis na 'to.

'Pag ito pumangatlo pa ayawan na talaga.

Alden Ricards calling...

"AGGHHH!"

Napaupo ako ng maayos saka bumuntong-hininga bago pinindot ang accept button.

"Bakit baaaaaa? Ang sakit mo na nga sa bangs ang sakit mo pa sa mata kang manyakis ka!"

Nakapikit pang sabi ko habang nakangiwi ang mga labi.

"Ganiyan ba talaga kalala ang pagsira ko ng umaga mo?"

Lunok.

Hindi agad ako nakailag sa pagbambo ng boses niya sa puso ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang presko niyang mukha.

Malapad ang ngiti niya kaya sumisilip mula sa pisngi niya ang malalim niyang dimple.

Nakahiga din siya sa kama niya at komportableng ipinatong ang isang kamay sa noo.

Lunok ulit.

Napakagwapo niya kahit woke up like this ang peg niya.

Wait. Gwapo ba kamo Menggay?

AAAAAAH! Erase. Erase.

Napasuklay tuloy ako sa buhok kong parang sinabunutan ng tatlong aswang.

Bakit ganiyan pa rin ang ayos niya samantalang ako parang bruhang nawalan ng ilang buwang supply ng shamppo at conditioner? Asan ang hustisya?

"'Yung buko pandan ko ngayong araw ah? Baka makalimutan mo pa."

Halos maitapon ko pa ang cell phone ko nang ma-realize na nasa tapat ko pa pala ang mukha niya.

Napakapa ako ng maisasagot.

"S-sure. Pupuntahan ko rin naman s-si RD diyan sa inyo. Hehe."

Awkward akong napatawa kasi hindi ko naman talaga pupuntahan si RD sa bahay nila.

"Great! Kita-kits na lang mamaya. Ligo lang ako. Bye!"

In-end agad niya ang video call naming kaya naiwan akong tulala habang nakatitig pa rin sa screen.

Naibagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. Nasapo ko ang noo sa hindi ko malaman-lamang sagot.

Napatitig pa ako sa puting kisame sa harap ko.

Bigla na ko na lang nakita ang mukha niya dun na malapad ang ngiti sa akin kaya napatalukbong agada ko ng kumot.

HAAAAAY buhay. Tigilan mo 'kong manyakis ka!

Nang mahimasmasan ako ay dahan-dahan kong ibinaba ang kumot hanggang sa ilong ko.

Napatingin ako ulit sa kisame pero..

WAAAAAAAH! Tigilan mo na nga ako sabi!

Sigaw ko na naman pero this time hindi na ako nagtago sa ilalim ng kumot.

"Hi Kyline!"

Nag-wave pa siya habang nagpapa-cute sa akin. Sisisgaw n asana ulit ako, sumagot ba naman ang nakikita ko sa kisame ero napangiwi ako sa pangalang binanggit niya.

Nalungkot tuloy ako nang maalala ang kapatid ko. Hays. Bumigat na naman ang dibdib ko nang maalala kung anon a kaya ang kalagayan niya ngayon. Kung nakakakain ba siya ng maayos. Kung malambot na kama din ba ang hinihigaan niya. O kung kamusta na kaya ang pag-aaral niya.

Napabuntong-hininga ako ng sobrang lalim saka napatingin sa kisame.

"Assuming ka kasi. Bakit fan ba kita?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Aba, aba, aba! Sumasagot pa talaga siya.

"Kailanma'y hindi ako magiging fan mon oh! Neknek mo! Okay na 'yung kapatid ko lang ang patay na patay sa'yo at diyan sa dimple mo."

Napaikot pa ang mga mata ko sabay baba ng kumot at naupo sa gilid ng kama.

"Hay naku! Parang hindi nga ako deads na deads sa'yo pero mukhang mababaliw ako kakausap sa'yo sa kisame. Jusko Menggay! Ang lala mo na, anong nahithit mo, umagang-umaga sabog ka na naman."

Daldal ko pa sa sarili ko habang naglalakad papuntang banyo.

"Ano pa ba ang nahithit mo maliban sa gwapong mukha ni Alden?"

Napailing ako sa biglang pumasok sa isip ko. Ayokong i-process 'yun ng utak ko.

Naghilamos muna ako para magmukhang fresh naman ako ng slight. Pero pagtingin ko sa salamin sa tapat ko pagkatapos kong yumuko sa sink ay napatalon talaga ako sa sobrang gulat.

Nakatayo na naman siya sa tabi ko. Nakangiti habang nakatingin din sa akin sa salamin.

'Yung dimple niya.

'Yung ngiti niyang kita ang pantay niyang ngipin.

'Yung makikisig niyang biceps.

"Aaaaaaackk. Kainis kang manyakis ka! Hanggang imagination ba naman ini-invade mo privacy ko."

Napasabunot ako sa sarili ko sa inis. Pinikit ko ng hard ang mga mata ko hoping na mawala na siya pagdilat ko.

And charaaaan! Wala na nga siya. Thank you Lord!

Naligo na ako pagkatapos at naglinis pa sandali ng kwarto ko.

"Hmmm.. Ano 'yung amoy na 'yun?"

Napasinghot ako sa napakamabangong amoy na pumasok pa sa kwarto ko. Sinundan ko muna ang amoy dahil natatakam talaga ako dahil dun.

Umabot na ako sa mesa ko malapit sa kusina at sobrang nanlaki talaga ang mga mata ko sa tumambad sa akin.

Napalingon siya nang mapansin ang pagdating ko at malapad ang ngiting inilapag sa mesa ang niluto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil wala talaga akong masabi.

Nakaputing apron siya habang nakasandong puti lang din kaya putok na putok talaga ang mga biceps niya. Lumalaban eh.

Lunok.

"Hmmm... bango ah?!"

Naipaypay ko pa ang palad ko para mas pumunta sa ilong ko ang amoy ng niluluto niya.

Bakit napaka-husband material niya?

TOKTOK!

TOKTOKTOK!

Napadilat ako sa narinig. Napalingon-lingon ako sa gulat na nasa loob lang ako ng kwarto, nakaluhod ako sa harap ng kama ko.

TOKTOKTOK!!

Mukhang nagagalit at naiinip na kakakatok ang kung sinuman ang nasal abas kaya napatayo na lang ako't pinagbuksan siya ng pinto.

"Oh h-hi po kuya.."

Malapad ang ngiti ng delivery boy na nasa harap ko.

"Here's your food delivery ma'am!"

Inabot niya ang isang paper bag kaya kinuha ko na agad 'yun mula sa kamay niya.

"N-nag-order pala ako.. Hihi."

Hilaw na sabi ko na lang at inabot sa kaniya ang bayad.

Pagkasara ko ng pinto ay agad kong inilapag sa mesa ang supot at binuksan. Bumungad sa ilong ko ang napakapamilyar na amoy ng pizza na pilit sumisiksik sa ilong ko ang pagiging maanghang nito at French fries.

At kasama ng matindin at nakakagutom na amoy na u'yun ay ang pagbalik-loob ng memory ko na nag-order ng apala talaga ako kanina at walang machong Richard Faulkerson Jr. ang pumunta dito ng walang pasabi para lang paglutuan ako ng breakfast.

Nagugutom ka lang talaga kanina Menggay kaya kung anu-ano na ang iniisip mo.

Natatawa ko na lang na sabi sa sarili sabay kuha ng pinggan para makapag-almusal na. Gutom na nga talaga ako.

Napahawak ako sa tiyan. Busog na ang mga alagang baby este baboy sa tiyan ko. Ready na ulit silang magrambulan.

Medyo halos isang oras ko ding ninamnam ang sarap at anghang ng pizza. Pagkatapos ay nanood muna ako ng TV dahil maaga pa naman tsaka pinalalamig ko pa rin naman ang mga ginawa kong buko salad kagabi sa ref.

Nakailang pindot din ako ng doorbell nila at sa wakas ay pinagbuksan na rin ako ng maid nila.

"Good morning po! Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir ma'am."

Napangiti ako sa bungad niya pero hindi ko mawari kung sinong Sir ang tinutukoy niya.

Sino ba manliligaw mo Menggay?

Tinanguan ko lang siya after magpasalamat at tumuloy na sa bahay nila bitbit ang dala kong buko pandan.

"HEY BUKS! WHAT TOOK YOU SO LONG?"

Kapapasok ko pa lang ng pinto ay malapad na ngiti na niya agad ang sumalubong sa akin.

Napatitig na lang ako sa kaniyang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang shorts at ang mga mata'y diretsong nakatingin sa akin.

Lunok.

Chương tiếp theo