webnovel

CHAPTER 9

KYLINE'S POV

May 28, 2018

"Pretty morning for a pretty girl like me!"

Nakangiti akong nag-uunat habang nakaupo ngayon sa kama ko. Malapit na ang pasukan at kahapon lang ay nakapamili na kami ni ate Menggay ng mga bago kong gagamitin.

Napatayo ako at inayos pa ng bahagya ang higaan ko. After that, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa kusina. Tiningnan ko muna ang dining table namin kung may naluto na ba si ateng breakfast para sa aming dalawa ngunit walang nakalagay dun. Pagkarating ko ng kusina ay tiningnan ko ang oven kung may ininit ba siyang pagkain pero wala rin. Wala pa siyang nalulutong pagkain.

Napagod siguro siya sa pamamasyal namin kahapon. Siya kasi tong nag-abalang mamili ng mga gamit ko at nag-volunteer pa talaga siya sa mga ginawa niya. Napagkamalan tuloy kaming mag-ina habang nagtitingin-tingin kami sa mga notebook dahil ako ang taga-tulak ng cart namin at siya naman metikulosong namimili ng mga bibilhin. Tsaka dinamihan niya pa talaga ang pinamili niya. At akalain mo yun.. binibilang niya pa talaga kung tama ba raw ang dami ng mga pages bago niya ilagay sa cart.

May budget ang ulirang ate niyo! Haha.

Napangiti na lang ako sa naisip kong yun habang nakatitig pa pala sa oven na walang laman.

"Ate? Ate?"

Tawag ko sa kaniya mula sa sala ngunit hindi siya sumagot kaya bumalik na lang din muna ako sa kusina. Sobrang napagod siguro siya at gusto lang niyang magpahinga buong araw.. Humilata sa kama niya ng isang buong araw! Dadalhan ko na lang din siya ng pagkain sa kwarto niya bilang thank you na rin sa pag-aalaga niya sa akin.

Nagluto ako ng paborito niyang sinigang na bangus. Mabuti nga lang at may naka-stock pa pala kaming bangus sa loob ng ref kaya naisipan kong lutuan siya ng paboritong-paborito niyang ulam. At huge thanks to YouTube dahil sinusundan ko lang ang nai-search kong vlog about sa pagluluto ng sinigang na bangus and it was a big help to me tho. Wala nga naman talaga kasi akong special skill sa pagluluto lalo na ng fave niya dahil si mama ang palaging nagluluto nun para sa kaniya.

Mama.. Papa.. Kung nandito lang kayo ay sigurado akong ibang-iba ang magiging buhay namin ngayon ni ate Menggay... At buo pa sana tayo hanggang ngayon.

Muling sumariwa sa memory ko ang masasaya naming moments habang kasama pa namin sila. Napasinghot-singhot pa ako ng ilang beses dahil maluha-luha kong inalala lahat yun.

"Hooo!"

Buntong-hininga ko pa at muling pinakalma ang sarili.

"Kayo na lang dalawa ni ate Menggay mo Kyline.. so you better fix yourself and thank her for everything."

Pagchi-cheer up ko pa sa sarili ko at pilit na winala sa isip ang pagkaka-miss kina Mama at Papa.

Kaya mo yan Kyline! Full force na ang fighting spirit mo! Aja!

Excited akong naglakad papunta sa kwarto ni ate Menggay habang bitbit ang tray na pinaglagyan ko ng pagkain niya.

Tok! Tok! Tok!

Ilang ulit ko pang inulit ang pagkatok sa pinto ng kwarto niya pero hindi pa rin siya sumagot kaya binuksan ko na yun ng kusa.

Pero gulat na gulat akong nailibot ang aking paningin nang makitang wala siya sa kama niya. Inilapag ko na muna ang tray sa isang table sa gilid at naglakad papuntang banyo.

"Ate? Ate Menggay? Nagdala po ako ng pagkain mo. Ate?"

Usal ko pa habang binubuksan ang pinto ng CR/banyo niya ngunit wala akong makitang ate Menggay dito.

"Ate? Wag mo akong ginu-good time ah?! Pinagluto kita ng fave mong sinigang na bangus, sige ka."

Pananakot na may halong pagbibiro ko pa ngunit wala talaga siya.

"Ate naman eh..."

Natataranta at kinakabahang sabi ko. Napatakbo naman ako papalapit sa closet niya pero kakaunti na lang ng mga damit niya ang natirang naka-file sa gilid. Binuksan ko pa ang lalagyan niya ng mga gamit pang-make up pero wala na rin yun lahat dun. Parang nalimas ng mga kawatan *magnanakaw* ang buong kwarto niya.

"Ate... Nasaan ka na ba?"

Kinakabahang tanong ko na lang sa sarili. Napaupo pa ako sa gilid ng kama niya saka problemadong napahawak sa noo.

"Hooo! Ate.. wag namang ganito…"

Kinakabahan na talaga ako ngayon habang napapasilip na baka lumitaw siya at lumabas sa kung saang lungga siya nagtago. Palakas ng palakas at pabilis ng pabilis na ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mali sa mga nangyayari ngayon. Parang may hindi kaaya-ayang mangyayari..

Nagsisimula nang may mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko at parang anumang sandali ay bubuhos na ang halo-halong emotions na nasa loob-loob ko.

Inililibot ko pa ang paningin ko nang mahagip ng aking mga mata ang isang bond paper na naka-fold sa ibabaw ng unan niya na may nakapatong pang ball pen. Agad akong gumapang sa kama niya at inabot yun.

"Mahal kong Sisteret,

Good morning Kaykay!

Nagtataka ka siguro kung nasaan ako ngayon at bakit may pasulat-sulat pa akong ganap. Well, meron talagang mga times sa buhay natin na kailangan nating maglihim sa mga loved ones natin. Alam mo naman na mahigit isang taon na akong naka-graduate ng pagiging teacher pero hindi ko talaga triny na mag-take ng licensure exam at maghanap ng trabaho dahil gusto kong maka-focus sa pag-aalaga ko sa inyo ni Mama. But now that she's gone, tayo na lang dalawa ang magkaramay. Kaya naman nang may mag-offer sa akin ng trabaho sa Manila ay tinanggap ko na agad.

Little sister, sana hindi ka magtatampo sa akin dahil hindi ko pinaalam sayo ang pagluwas kong ito. Pero don't worry dahil tinawagan ko na si Tita Liezel na diyan na muna sila titira ng mga anak niya for the mean time para may makasama ka. Huwag ka ring mag-aalala Kaykay dahil uuwi pa rin naman ang ate Menggay once a month para mabisita kita.

This decision has given me a hard time to make. Pinag-isipan ko talaga to ng mabuti and I think this is the best way para mapaghandaan ko ang pagko-kolehiyo mo at ang aking pagiging ganap na teacher. I hope you understand me Kyline. Ito lang ang gusto kong gawin mo para mapanatag ang kalooban ko habang nagta-trabaho... Don't skip your meals. Always sleep and wake up on time. Be good to Tita Liezel and her children. Study first. Wala munang boyfriend-boyfriend. Understood? Good! Hehe. Lalo na ngayon na ilang araw na lang start na naman ng klase mo.

Siguro kung nababasa mo ito ay nakasakay na ako ng eroplano kaya wag mo na lang akong i-try na tawagan or what. I LOVE YOU KAYKAY!

Nagmamahal,

Ate Menggay <3"

Napatingala na lang ako sa kisame ng kwarto niya at wala sa sariling napahiga sa kama after kong mabasa ang letter niya.

"Ate.. Why do you have to do this? Why?!"

Hindi ko alam na may ganung plan na pala siya kaya niya ginawa ang lahat para lang maipadama niyang karamay niya ako nung mamili kami ng mga bago kong gamit. Hindi ko akalain na kaya pala niyang maglihim sa akin ng mga personal na bagay like what she has done to me now. Hindi ko aakalaing magagawa niya pala akong iwan ng ganito na lang..

Hindi ko sukat akalaing kaya mong gawin ang lahat ng ito sa akin ate...

Maluha-luhang usal ko habang nakatingin lang ng diretso sa kisame.

Ma.. Pa.. Kung nandito lang sana kayo.. Hindi sana kami magkakaganito.. Hindi sana kailangang umalis ni ate at iwan ako mag-isa dito sa bahay..

-Start of Flashback-

"Hahaha! Wag ate! Wag! Humanda ka talaga kapag natapos nang lagyan ni Papa ng sprinkles ang ice cream ko."

Sigaw ko kay ate Menggay na napatakbo papalayo sa akin. Napapahid pa ako sa ilong ko na nilagyan niya ng cream na kinakain niya kanina.

Nang matapos lagyan ni Papa ng sprinkles ang ice cream sa cup ko ay mabilis akong napatakbo papalapit sa kaniya at hinabol-habol siya.

"Lagot ka sa akin ngayon ate! Waaaah!"

"Mga babies, maupo na nga kayo rito! Matutunaw na ang ice cream niyo. Matapunan pa niyan ang mga damit niyo!"

Suway pa ni Mama sa amin habang nakaupo sa tabi ni Papa sa may bermuda na nilagyan nila ng mantel.

"Menggay tigilan mo na kasi yang kapatid mo. Alam mo namang ayaw na ayaw niyang madumihan ang mala-anghel niyang mukha!"

Panunukso naman ni Papa sa akin.

-End of Flashback-

Hindi ko na namalayang hindi na pala tumitigil ang mga luha ko sa pagdaloy mula sa mga mata ko habang inaalala ang masasayang sandali habang nagpi-piknik kaming pamilya noon.. noon kung kailan buo pa kami.

But suddenly, something weird happened.. to me. I feel the pain I rarely bare lately... Naninikip ang dibdib ko at may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa tapat ng puso ko habang hinahabol ang hininga. Pati ang paghinga ko ay hindi normal para sa akin. Bigla-bigla itong bumilis ngunit agad namang humihina.. at ngayon, ito ay pahina ng pahina...

Pinunasan ko ang basang-basa kong mga pisngi at mata habang mas napahigpit pa ng hawak sa kumot ni ate nang unti-unting mas sumikip pa ang dibdib ko. Mas nahihirapan na akong huminga at parang anumang oras ngayon ay mawawalan ako ng malay at sa kalaunay... mawawalan na rin ng hininga.

Napahiga ako ng dahan-dahan habang hawak-hawak pa rin ang tapat ng puso ko. Nanghihina na ako at parang gusto nang tumigil ng puso kong tumibok.

Lord.. kung ito man po ang huling pagkakataong hiihinga pa ako.. Sana ay hindi niyo pababayaan ang aking ate Menggay.. Please make her happy no matter what..

"We can do this Kaykay. Kakayanin nating magkasama ito.. Si Mama, si Papa, nandiyan lang sila nakabantay sa atin.. Crying is natural to people who are in pain but it doesn't mean you are weak. It is instead a sign of fighting against that pain.. Kung hindi tayo lalaban para sa kanila... kahit lumaban man lang tayo para sa atin, sa ating dalawa.."

Pagko-comfort ni ate Menggay sa akin habang nakaupo kami dito sa harap ng kabaong ni Mama. Nakasandal ang ulo ko sa shoulder niya habang nakaakbay naman ang kamay niya sa akin at hinahaplos ang balikat ko. Hindi ako matigil-tigil sa paghagulhol simula pa kanina habang nakatingin ng diretso sa kinalalagyan ngayon ni Mama.

Kung hindi tayo lalaban para sa kanila... kahit lumaban man lang tayo para sa atin, sa ating dalawa..

Kung hindi tayo lalaban para sa kanila... kahit lumaban man lang tayo para sa atin, sa ating dalawa..

Kung hindi tayo lalaban para sa kanila... kahit lumaban man lang tayo para sa atin, sa ating dalawa..

Nagpaulit-ulit ang sinabing yun ni ate Menggay sa isipan ko. Mas napaluha pa ako nang maisip na hindi ko na matutupad ang hiling niyang yun.

"I'm sorry ate... Gugustuhin ko mang lumaban.. but I'm feeling that my body is giving up.. I.. I can't..."

Yun na ang huling katagang nabitawan ko at unti-unti nang nagdilim ang buong paningin ko. Naramdaman ko pa ang dahan-dahang pagpatak ng huling luha mula sa mga mata ko at hinayaan na lang ang aking katawan na tuluyang bumagsak sa sobrang panghihina.

"Kay-kay-kay... Line-line-line-line..."

Napakunot ang noo ko nang umalingawngaw sa magkabilang tenga ko ang nag-e-echo at familiar na boses na yun.

"Kyline?"

Mahinang tanong ng isang boses babae habang tinatawag ang pangalan ko. Napakilos ako ng bahagya at napakusot pa sa mga mata.

"Thank God you're awake!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki ito ng sobra-sobra nang makita ang mukha ni ate Menggay sa mismong harapan ko. Napakusot pa akong muli sa mga mata ko, napadilat ng sobrang laki at tinitigan siya ng mabuti.

"A..ate Menggay?"

Nagtatakang tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito na ulit siya. Kitang-kita ko naman sa mukha niya ang pag-aalala habang hinahaplos niya ng mahina ang buhok ko.

"Yes it's me my little sister. Everything is gonna be okey.. soon."

Malumanay at maluha-luhang aniya.

"Totoo ba lahat ng ito? Nandito ka na ulit sa tabi ko ate.."

Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko at nagsisimula na ring gumaralgal ang aking boses.

Nailibot ko naman ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto kung saan ako nakahiga ngayon.

Nandito ako sa kwarto ko ngunit kapansin-pansin ang pagiging malinis at maaliwalas nito. Wala ang closet at mga cabinets ko. Wala ang mga sapatos na nakalinya sa gilid. Wala na rin ang iba ko pang mga gamit. Tanging ang kama ko na lang ang narito at ang kumot na nakabalot sa akin hanggang chest.

"Mahal kong kapatid, sana maging malakas ka. Maging stronger ka pa para malagpasan mo lahat ng mga problemang hinaharap at kakaharapin mo pa."

Napaupo na siya sa tabi ko habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. Hindi ko alam pero kakaiba ang naging kutob ko sa mga binibitawan niyang salita. Alam kong kailangan kong pakalmahin ang aking sarili dahil nandito na ulit si ate.. Nandito na ulit siya kasama ko pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi pa rin ako mapalagay. Parang may mali eh..

At bakit naman kaya naging makata siya bigla?

"Ate.. Pa...pano po kayo nakarating? Hindi na po ba natuloy ang pag-alis mo?"

Dire-diretsong tanong ko pa sa kaniya para masigurong nagbalik na nga talaga siya. Bahagya naman siyang napangiti habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

"Tinawagan ako ni Tita Liezel sa nangyari…"

"Pero di ba luluwas na po kayo ng Manila? Babalik pa rin ba kayo dun? Iiwan niyo na naman po ba ako ate Menggay?"

Kabadong tanong ko pa nang hindi man lang siga pinatapos sa sinasabi niya. Gusto kong masiguro na hindi na nga siya babalik pa ng Manila. Gusto ko siyang pigilan.. bagay na hindi ko nagawa nung una. Naramdaman ko naman ang pagdikit ng mga balikat at ulo namin. Napahiga na rin ang kalahating bahagi ng katawan niya sa tabi ko habang dahan-dahang hinahaplos ang kabilang balikat ko.

"Hindi naman ako mawawala sayo kapatid ko.. Dahil never naman kitang iniwan.. at iiwan. Natatandaan mo pa ba ang palagi nating sinasabi sa isa't isa tuwing nai-istress tayo sa studies natin?"

Tanong niya pa kaya napangiti na rin ako at sabay na naming binigkas ang katagang tinutukoy niya.

"Trust God when you have nothing but trust Him more even when you have everything!"

"Yan.. Ganyan dapat."

Nakangiti pa ring aniya.

"Thanks ate."

"Kaya dapat gumising ka na! Marami pang mga tao ang naghihintay sa muli mong pagbabalik. Ako? Palagi lang naman akong kasama mo... diyan sa puso mo."

Nalilitong napalingon ako sa kaniya kaya muling nagtama ang mga paningin namin. Nakakunot ang noo ko at salubong ang mga kilay samantalang nakangiti lang siya at mas hinigpitan pa ang pagkakaakbay sa akin.

"A..ate?"

Gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya kung bakit ganun ang mga pinagsasabi niya ngunit napatingala na lang ako sa kisame.

Gumising? Bakit hindi naman ako tulog ah? Bakit ganun?

Pero mas kinabahan ako nang unti-unti ko nang hindi naramdaman ang kaninang mahigpit niyang haplos sa akin. Napalingon ako sa kaniya pero wala na siya sa tabi ko. Wala na naman siya...

"Ate? Ate?"

Nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko magawang tanggapin na hanggang sa muli niyang pagbabalik ay mawawala pa rin siya sa tabi ko. Napahawak pa ako sa tapat ng puso ko at pinakiramdaman ito ngunit hindi ko na naramdaman pa ang kabang sa akin kanina ay bumabagabag. Normal pa rin ang tibok ng puso ko at hindi naninikip pa ang dibdib ko na dahilan kaya nahihirapan akong huminga.

Bakit ganito? Bakit kahit nasasaktan ako sa muling pang-iiwan mo ay hindi ko na naramdaman pa ang lahat ng kakaibang sakit na naidulot mo sa akin.. ate?

Kinapa ko pa ang kaninang hinigaan niya para siguruhing wala na talaga siya sa tabi ko.

"Ateeeeee!"

"ATEEEEEEEEE!"

Napaupo ako sa kamang hinihigaan ko habang animo'y higal na hingal at hinahabol ang bawat hininga. Napahawak pa akong muli sa tapat ng puso ko. Narito na namang muli ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko. Pati ang panghihinang bumabalot sa buo kong katawan.

"Pamangkin? Kyline?"

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na yun at nakita ko si Tita Liezel na nakatayo sa gilid ko habang diretsong nakatingin sa akin.

"Gising ka na! Salamat Diyos ko. Teka, tatawagin ko lang ang doktor at sabihing nagising ka na."

Aniya sabay bukas ng pinto at tuluyan nang lumabas. Naiwan naman akong tulala at hindi alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Napatingin na lang ako sa sarili ko. Nakabalot sa kalahati ng katawan ko ang isang manipis na puting kumot. Nailibot ko naman ang aking paningin sa buong kwarto. Malinis, puting-puti ang pintura ng buong room, walang katao-tao, sobrang tahimik at may nakita rin akong isang basket ng fruits na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin naman ako sa hinihigaan ko at nakitang wala ako sa kwarto ko kung saan nakahiga lang dapat ako sa aking kama.

"Ouch! Hu! Hu!"

Bigla akong napasigaw sa sakit na naramdaman ko sa aking kanang kamay nang iginalaw ko iyun. At nang mapatingin ako rito ay nagulat ako nang makitang may maliit na tubo ang nakalagay sa kamay ko. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ang dextrose na nakakabit sa isang poste na nasa gilid ko. Nakita ko rin ang mga aparatu sa gilid nito at yung monitor kung saan mo malalaman kung buhay pa ba ang isang tao na katabi rin ng posteng yun.

Bakit nandito ako sa isang ospital? Bakit nga ba ako nandito? Hindi ba't nasa kwarto lang ako kani-kanina lamang? At.. at.. kasama ko pa si ate Menggay...

Napahawak na lang ako sa noo ko nang maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa halo-halong emotions na nagrarambulan sa puso ko. Andaming tanong sa isip ko ang hindi ko magawang sagutin.

Bakit wala ka pa rin sa muling paggising ko.. ate?

Pilit kong pinaniwala ang sarili kong totoong nangyari ang pag-uusap namin ni ate Menggay kanina. Nais ko na lang isipin na umalis lang siya dahil nagbanyo o may binili lang... pero hindi eh. Hindi yun ang sinisigaw ng isip ko ngayon.

Napahagulhol na talaga ako ng iyak at napatakip pa ng mukha gamit ang dalawa kong mga palad.

Mas lumakas pa ang kabog ng aking dibdib at lalong bumigat ang aking bawat paghinga kaya napahiga na lang ako ulit at napatitig sa puting kisame sa harap ko.

Kunin niyo na lang po ako.. Lord pleaseee...

Trust God when you have nothing but trust Him more even when you have everything!

Napapunas ako ng mukha kong basang-basa na pala ng luha at bumuga ng isang malalim na hininga.

"You are right nga ate... I have no one to hold on right now.. Nawawalan na nga ako ng pag-asang mabuhay pero alam kong pagsubok lang ang lahat ng ito.. Kakayanin ko ito para sayo, kina Mama at Papa, at para sa akin."

Usal ko na lang na mas ikindurog pa ng aking puso. Ngunit napalingon ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto at nakita kong papasok sina Tita at ang doktor na kasama niya kaya napatingala ulit ako sa kisame. Ayaw kong marinig ang kung anuman ang sasabihin nila tungkol sa nangyari sa akin.

Natatakot ako.. Natatakot ako sa katotohanang maaari kong marinig mula sa kaniya.

"It's good to see that you are certainly awake Ms. Alcantara."

Napatingala ako sa kanilang dalawa at napatingin sa doktor na nasa gilid ko. Nginitian ko lang siya at hindi na sumagot pa.

"How are you feeling? Nakakaramdam ka pa rin ba ng pagbilis at biglaang paghina ng tibok ng iyong puso? O kaya namang ay sudden chest pains na nagreresulta ng paninikip ng iyong dibdib?"

"Medyo umo-okey na rin naman po ang pakiramdam ko dok."

Tipid kong tugon.

"Nice to hear that Ms. Alcantara. Basta huwag ka lang magpapagod at magpa-stress para hindi na maulit pa ang nangyari sa iyo. Naibilin ko na rin sa Tita mo ang kailangang gawin at ang mga gamot na dapat mong inumin sa saktong oras."

Bilin pa niya sa akin sabay ngiti.

"Okey po dok. Salamat po sa mga reminders."

Tipid ko pa ring sagot. Tinapik naman niya ako sa balikat at napalingon na kay Tita.

Alam kong kinakausap pa niya saglit si Tita pero hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang pinag-uusapan nila at napabuntong-hininga na lang ulit habang ibinalik ang tingin sa kisame.

"I gotta go to my next patient. Get well soon Ms. Alcantara and take care of yourself specifically your heart in the best way you can, okey?"

Napatingin ako ulit sa kaniya at binigyan siya ng pilit na ngiti. Tuluyan na siyang nakalabas habang napaupo naman si Tita sa upuang nasa gilid ko.

"Tita…"

"Hmm?"

"Nandito na po ba talaga ako simula pa kanina?"

Panimulang tanong ko. Gusto ko kasing malaman baka kasi totoo yung nakita ko kanina at inilipat lang nila ako dito sa ospital after nun.

"Anong ibig mong sabihin Kyline?"

Kunot-noong tanong naman niya.

"Ah... Galing po ba ako sa bahay kanina?"

"Oo naman. Pumunta kami sa bahay niyo dahil tinawagan kami ng ate mo. Ngunit pagkarating namin dun ay wala namang tao kaya pumasok na kami sa kwarto niyo. At yun nga, nakita ka na lang namin na nakahiga sa kama ng ate mo na walang malay. Tinulungan ako ng mga pinsan mo na buhatin ka at dalhin dito sa Provincial Hospital ng Carcar."

Napatango naman ako sa kinuwento niya.

"Eh si ate po? Tinawagan niyo daw po siya kaya umuwi po siya agad?"

"Umuwi? Hindi naman nakauwi ang ate mo iha."

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo habang salubong ang kilay at napaupo pa ng maayos.

"P..po? Pero.. nakita ko po siya kani-kanina lamang. Nung nasa kwarto ko pa nga po ako ay nakatabi ko siyang humiga. Tinawagan niyo daw kasi siya tungkol sa nangyari sa akin Tita."

Paglilinaw ko pa sa kaniya. Pilit ko pa ring pinaniniwala ang aking sarili na totoong nangyari ang muling pagkikita namin ni ate Menggay.

"Oo tinawagan ko nga ang ate Menggay mo noong Lunes after ka namin madala dito sa ospital. Pero ang sabi niya ay kararating lang daw niya ng Maynila at nasa byahe pa siya papunta sa bahay ng kaibigan niya kaya hindi daw muna siya makakauwi agad."

Ano? Pero totoo talaga ang mga nakita ko.. maliban na lang sa biglang pagkawala ni ate sa tabi ko. Alam ko sa puso kong siya talaga yung nakatabi ko sa kama kanina. Pero bakit ganito ang sinasabi ni Tita sa akin ngayon?

"Noong Lunes? Anong araw na po ba tayo ngayon Tita?"

"Huwebes na ngayon ng umaga iha. Tatlong araw ka nang walang malay t hindi namin alam kung ano ang nangyari sayo. Kaya nga sobrang tuwa ko nang magising ka na..."

Parang nag-mute ang buong paligid at animo'y walang boses na lumalabas sa bibig ni Tita kahit pa alam kong patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Napalingon na lang ako at naituon ang paningin sa linyang patuloy sa pagtakbo na minsan ay tumataas-baba sa monitor na nasa kabilang gilid ko. Mas lalong gumulo ang isip ko.

Paanong nangyari yun? Tatlong araw akong nawalan ng malay? At hindi talaga nakauwi si ate Menggay nang malaman ang tungkol sa nangyari sa akin? Ngunit bakit... Bakit?

June 4, 2018

"Good morning pamangkin! Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Salubong ni Tita sa akin habang papalapit ako sa dining table namin. Bineso ko siya at binati na rin sabay upo sa nakaugalian kong pwesto.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa akin kahit pa mag-iisang linggo na ang lumipas nang mangyari sa akin ang mga iyon. Napatingin naman ako sa upuan sa kabilang side ng mesa kung saan palaging nakaupo si ate kapag kumakain kami.

Miss na kita ate.. Miss ko nang maging kaharap ka sa tuwing kumakain ako at mukha mo lang ang palagi kong nakikita kapag ako ay kakain, kahit pa man pinapagalitan at sinusuway mo ako kapag ipinapatong ko ang paa ko sa upuan o kaya nama'y kapag busy ako sa pagti-text sa tuwing kakain tayo... Miss na miss na miss na kita ate Menggay. Haayy!

Bigla na namang lumungkot ang pakiramdam ko. Nakaramdam na naman ako ng kunting kirot sa puso pero agad kong pinakalma ang aking sarili.

Mahirap na kapag pinalala ko pa...

Nasa ganung pag-eemote ako nang matauhan ako sa paghahabulan ng dalawa kong pinsan.

"Ensong! Oreng! Itigil niyo na yan at baka makabasag pa kayo riyan!"

Suway pa ni Tita sa nagtatakbuhang mga anak niya. Sina Lorenzo at ang ate niyang si Lorraine ang mga pinsan ko pero Ensong at Oreng ang tawag ni Tita sa kanila. Nasa Grade 6 pa lang si Lorenzo samantalang ka-edad ko naman si Lorraine. Mag-isa silang pinalaki ni Tita dahil pinagbubuntis pa lang niya si Lorenzo nang iwan na siya ng ama nito.

Hindi nila pinakinggan si Tita at sa halip ay nagpatuloy pa rin sila sa paghahabulan. Lumapit naman si Lorenzo kay Tita at napatago sa likod niya.

"Mama oh si ate! Ayaw pa rin niya tumigil."

Sumbong pa niya kay Tita pero hindi pa rin tumigil si Lorraine at patuloy niya pa ring sinusubukan na abutin ang nakababatang kapatid.

Hindi ko alam kung bakit pero instead na mainggit ako sa kanilang dalawa dahil magkasama pa rin silang magkapatid ay mas naiinis pa ako sa pag-iingay at pagiging magulo nila.

Hindi ka lang sanay na maingay ang bahay niyo Kyline. Hayaan mo na lang sila. Minsan lang namang din sila nandito.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumandok na ng kanin. Naglagay na rin ako ng ulam sa plato at sumubo na.

"Tigilan mo na ang kapatid mo Oreng. Kumain na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase."

Nakita kong sinamaan pa ni Tita ng tingin si Lorraine kaya napatigil na siya saka naupo sa kabilang gilid. Nakita ko naman sa peripheral view ko na sa upuan ni ate Menggay naupo si Lorenzo at binibelatan pa talaga niya ang ate Oreng niya.

Kumalma na sana ako sa kinauupuan ko ngunit napatadyak na lang ako bigla sa sahig dulot ng sobrang pagka-inis dahilan para bahagya akong mapaatras nang makita kong biglang napatayo si Lorraine at tumayo sa likuran ng kapatid nito saka ginulat na naman ulit. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng sandalan ng inuupuan ni Lorenzo saka biglang niyugyog iyun at kunwari ay itutumba paniya patalikod.

"BEHAVE APPROPRIATELY IF YOU WANT TO STAY ANY LONGER IN MY HOUSE! AND LEAVE.. MY ATE'S CHAIR.. ALONE!"

Galit at pasigaw kong sabi na napatayo pa. Bahagya pa akong napapalo sa mesa kaya lumikha ng ingay ang mga utensils na nakapatong sa babasagin kong plato. Itinukod ko pa ang dalawa kong mga palad sa ibabaw ng mesa habang diretsong nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita ko namang natigilan silang tatlo at gulat na napatangin din ng diretso sa akin.

Bahala na kung isipin nilang masama ang ugali ko. Isipin man nilang hindi ako mala-anghel sa bait tulad ng ini-expect nila.. Wala akong pakialam at wala akong sasantuhin kapag pinapakialaman ang anumang gamit ng ate ko. Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin.. Pero ayaw na ayaw ko sa lahat na ginagawa ng ibang tao ang hindi kumilos na naayon sa lugar kung saang lugar man sila naroroon.

"You should know your limits!"

Medyo humina at hindi na pasigaw na tonong usal ko at napayuko na lang sabay ubo. Sumubo na lang din ako nang hindi na lumilingon pa sa kanila.

"Kayo kasi... Umupo na nga kasi kayo at magsikain!"

Rinig kong ani Tita Liezel.

Mabilis akong natapos maligo at magbihis kaya agad na akong pumunta sa sala bitbit ang back pack pang-eskwela at naupo sa sofa. Sina Tita at ang mga anak niya ay kasalukuyang namamalagi sa guest room namin dahil hindi ko talaga sila pinayagang doon na lang sa kwarto ni ate matulog.

Hinintay ko pa ang mga pinsan ko at lumabas naman na sila ng kwarto kalaunan. Pareho na kami ng paaralan na papasukan ngayong school year dahil nag-transfer na sina Lorraine at Lorenzo dito sa Carcar.

"Bye po Ma!"

"Bye Ma!"

Paalam naman nilang dalawa kay Tita sabay beso.

"Oh sige na baka mahuli pa kayo. Mag-iingat kayo ah at makinig ng mabuti kay teacher!"

Bilin pa niya sa mga anak. Nakikita ko talaga si Mama kay Tita. Nakatatandang kapatid ni Mama si Tita Liezel at pareho rin silang mapuputi at makikinis ang balat, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Pareho rin silang mababait at mapagmahal sa pamilya nila.

"Opo!"

Lumabas na sila habang kakatayo ko pa lamang. Nilapitan naman ako ni Tita at inakbayan.

"Pasensya ka na sa mga pinsan mo ha Kyline? Makukulit din kasi yung dalawang yun eh."

Napabuntong-hininga na lang din ako saka liningon siya.

"Okey lang po yun Tita. Ang ayaw ko lang po talaga sa lahat ay yung pinapakialaman at ginagalaw yung mahahalagang bagay na nagpapaalala sa akin kay ate at sa mga parents ko."

Binigyan ko na lang din siya ng pilit na ngiti. Mas mabuti ng magpakumbaba baka naman kasi sabihin nilang ayaw kong nandito sila sa bahay.

"Salamat iha."

Nakaakbay pa rin siya sa akin habang mahina kaming naglalakad papalabas ng bahay.

"Okey ka na ba talaga pamangkin?"

Nag-aalalang tanong niya pa nang ibinaba na niya ang kamay kaya napatingin ako sa kaniya ng diretso.

"Okey na po ako Tita. Tsaka hindi naman po gugustuhin ni ate Menggay na titigil na lang po ako sa pag-aaral dahil sa nangyari di ba? Iwas-iwas na lang po sa stress Tita. Hehe."

Bahagya pa akong napatawa sa huling sinabi kong yun.

Tama! Umiwas ka na talaga sa stress Kyline. Kung anu-ano kasi ang nakikita mo kapag nawawalan ka ng malay eh! Haha!

"Mabuti nga iyon iha... Ah, Ileng na lang ang itatawag ko sa iyo. Tama! Kyline, Ileng... para kayong tatlo na ni Ensong at Oreng ang mga anak ko ngayon. Oh sige na! Hinihintay ka na siguro ng mga pinsan mo sa labas. Mag-iingat kayo!"

Natatawa rin niyang sabi kaya bineso ko na rin siya at nakatalikod na kumaway sa kaniya habang papalabas na ng gate.

Chương tiếp theo