webnovel

Chapter 18

Chapter 18 - Door of memories

ZIRO

TUMATAKBO kami papalayo upang takasan ang napakalaking 'Stone Golem' na balak kaming patayin. Napadaan lang naman kami sa kweba niya kaso dahil kay Lilith hinabol niya kami "BITAWAN MO NA KASI YAN LILITH!"

Imbis na bitawan ay mas niyakap pa niya ang espada na kumikintab dahil sa diyamante at ginto.

"AYOKO NGAAA!" Mas nagalit ang golem at inihampas ang kamao niya sa lupa na nagpataas sa tinatapakan namin. Hinila ko si Lilith at pinilit na umalis sa gumuguhong lupa na kapag nahulog kami siguradong maililibing kami ng buhay.

Nakatakas nga kami sa atake ng golem hindi naman kami tatantanan ng halimaw. "Ibalik mo na kasi lilith!" Mas hinigpitan niya pa ang yakap at mukhang wala siyang balak na ibalik yon. "Lilith naman eh! Anong magagawa ng kutsilyo ko sa golem nayan?!"

"Edi takbuhan natin!" Wala na akong nagawa kundi ang agawin sakaniya yung espasa ngunit makapit ito "ehhh Ziro naman! Akin nalang to!"

"Hindi! Ikamamatay natin—" napatigil kami nang lumikha ng napakalakas na sigaw ang golem na nakapagpabagsak sa ibang puno na katabi namin.

"Z-ziro tumakbo na tayo"

"T-tama ka" kumaripas kami ng takbo habang ang golem ay sinisira ang mga humaharang sa dinadaanan niya. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kakaibang nakapalibot sa isang gubat. Parang may barrier na nagpoprotekta doon. "Lilith dito tayo!" 

Kumaripas kami nang takbo at sinubukang makapasok sa loob kaso hindi gumagana. "Baliw ka talaga Ziro! Barrier to para walang kahit anong halimaw ang makapasok!"

"Ehh bat hindi ako makapasok?!" Takang tanong ko. Sinimangutan naman niya ako at napagtanto kona kung ano ang ibig nyang sabihin. May demonyo nga pala sa loob ko kung kaya't hindi ako maaaring makapasok. "Banggain nalang natin!!"

Umatras kami at bumwelo sa pagtakbo upang banggain ang Barrier "Isa! Dalawa! Tatlo!!" Tumakbo na kami papasok at hinanda ang sarili upang banggain iyon kaso. Bigla nalang nagkaroon ng butas kung kaya't nakapasok kami kaso nawalan kami ng balanse at nadaganan ako ni Lilith sa likod. "Aray, ang bigat mo!" Hirap na sabi ko. Hindi ako makahinga dahil sa bigat niya.

"Anong sabi mo?! Bahala ka dyan!" Lumundag pa siya na mas nagpasakit sa likod ko. Sira ulo talaga itong babaeng ito. Sa labas nang barrier ay nakita namin ang golem na hinahanap kami. Siguradong hindi kami nakikita ng golem dito sa loob.

"Matagal na kitang hinihintay, itinakda" napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang paa ng kung sino. Itinaas ko ang tingin ko at isang babae ang tumambad sa harap ko. "Halika pumasok kayo sa loob"

Nagkatinginan muna kami ni Lilith bago pumasok sa loob ng isang tore. Pagpasok mo sa loob ay makikita ang mga libro na patong-patong at wala sa ayos. May mga nagliliparan din mga Fairy na siyang nag-aayos ng mga libro.

"Ano po ba ang lugar na ito?"

"Ito ang Sentro ng mundo, ang lugar ng lahat ng kaalaman. Si diyosa Athena mismo ang nagpatayo ng lugar na ito para sa anghel na tulad ko. Ang mga bagay na gusto mong malaman ay narito sa lugar na ito" napaisip naman ako. Kung itanong ko kaya ang tungkol sa mga magulang ko? Malalaman ko kaya sa lugar na ito kung pano matatanggal ang demonyo sa loob ko? "May nais kabang malaman, Ziro?"

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Uulitin ko paba ang sinabi ko?" Nakangiti niyang sabi. Napayuko naman ako at humingi nalang ng tawad. "Kung gusto mo ng impormasyon sumama ka saakin" pumunta kami sa isang pintuan at sa pagbukas noon ay bumungad sa harap namin ang iba't ibang klase ng pintuan.

"Grabe! Ano kaya ang nasa loob ng bawat pinto?" Manghang tanong ni Lilith.

"Mga Alaala, Sa taong papasok sa loob ng kwartong ito ay makikita niya ang mga alaala na gusto nyang malaman. Kahit ang hinaharap ay makikita mo" paliwanag niya. Tumitig ako sa mga pinto na pinapalibutan kami, ano nga ba ang mangyayari sa hinaharap ko? "Nais mo bang pumasok?"

Napapikit mun ako na para bang hinahanap doon ang sagot. "Oo, papasok ako" ngumiti siya at sinenysan kaming sumama sa kaniya. Nilalampasan lang namin ang mga pinto na naglulutangan, wala ba sa isa sa mga yan ang papasukan namin?

"Narito na tayo" tumambad sa harap namin ang napakalaking pinto na may dalawang estatwa ng anghel sa gilid. Para itong pinto papunta sa langit. "Walang nakakapagbukas sa pintong iyan, tanging ikaw lang"

"Bakit ako lang?"

"Mga alaala yan na hindi maaaring malaman ng iba, matagal na itinago ito ni Diyosa Athena upang mapangalagaan ang mga impormasyon na iyan" muli akong napatitig sa pintuan na gawa sa ginto. Si Lilith naman ay parang gusto ng baklasin ito upang makuha ang ginto ngunit pinipigilan niya ang sarili.

Naglakad ako papalapit doon at bahagya iyong hinawakan. Sa isang hawak ko lang ay ang pinto ay bigla nalamang nagbago na ang kaninang gintong pinto na may estatwa ng anghel sa gilid ay napaltan ng batong pinto at ang dalawang demonyo na nakatutok ang espada saakin. Napapikit muli ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob na puno ng kadiliman habang ang aking tonatapakan ay parang isang tubig. Pamilyar ito saakin, parang napuntahan kona ang lugar na ito.

Sa pagsara ng pinto ay ang pagbago ng lugar at napadpad ako sa tabi ng ilog. May babaeng nasa kabilang gilid ng ilog at ang itsura niya ay pamilyar, Siya ang aking Ina.

Meron siyang pakpak ng isang ibon na puting-puti habang ang buhok niya ay parang gabi.

Napatigil sa ginagawa ang aking ina nang makarinig ng isang kaluskos kung kaya't napatayo siya "sino ka?!" Hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Isang lalaki na may puting buhok na hanggang bewang niya habang may pakpak ito na katulad sa aking ina ngunit kulay itim. Ang sungay niya ay napakatulis na kapag nahagip ka ay sigurado na ang iyong kamatayan. Nagtatago ito sa anino ng mga puno at parang ayaw umalis sa kinatatayuan niya "Paumanhin kung natakot kita" ito siguro ang una nilang pagkikita.

"Ayos lang iyon, ikinagagalak ko na hindi lang ako mag-isa sa lugar na ito" nginitian siya ni Ina ngunit hindi ito nginitian ng aking ama. "Bakit nariyan kalang? Lumabas ka nga diyan" akmang hahawakan siya ng aking ina ngunit tinulak siya nito

"Ina!" Pansin ko na parang wala silang naririnig. Siguro dahil nasa alaala lang nila ako. Hindi ko inaasahan na ganon ang pakikitungo ng mabait kong ama sa aking ina.

"P-paumanhin, hindi ko sinasadya. Malamang ay natatakot kana saakin" nakangiting tumayo ang aking ina at marahang napa-iling.

"Nagkakamali ka, hindi ako nakakaramdam ng galit sayo. Ngunit bakit ayaw mong hinahawakan kita?" Napayuko ang aking ama at sinagot ang tanong sa kaniya.

"Magkaiba tayo, isa kang anghel habang isa lamang akong hamak na demonyo. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sayo kung hahawakan mo ako"

"Kung ganon ay samahan mo nalamang ang dito at tingnan ang mga isdang lumalangoy" bumalik ang aking ina sa kinauupuan niya kanina at pinanood ulit ang mga isda. Alam kong hinihintay niyang lumabas ang ama ko ngunit hindi ito lumabas. Lumipas ang mga ilang araw at laging bumabalik si ina sa tabing ilog. Nagbabakasakali siya na lalabas ang ama ko sa pinagtataguan niyang kadiliman ngunit hindi iyon nangyari, hanggang sa dumating ang araw na iyon.

"Pakiusap lumabas kana riyan! Wag kang mag-alala dahil nandito lang ako para samahan ka"

"Hindi nga maaari dahil hindi ako sanay sa liwanag, wag kang mapilit" hindi sumuko si Ina at gumawa siya ng paraan upang lumabas si Ama. Inaakit niya ito gamit ang pagkain ngunit hindi gumana. Pinapakita niya kung gano kasaya sa labas ng pinagtataguan niya ngunit hindi parin umuubra.

"Tingnan mo Esther! Ang lamig ng tubig!" Nagtampisaw si Ina sa ilog ngunit hindi nanaman iyon umubra. Napasimangot siya at balak sanang basain si Esther kaso hindi umabot ang tubig. Hindi niya inaasahan na matatawa si Esther kung kaya't pinilit niyang basain ito ngunit hindi umuubra. "Wag mo nga akong tawanan!"

"Tumigil kana Emillia, basang-basa kana at baka magkasakit kapa" hindi tumigil si Ina at nagtampisaw pa nang nagtampisaw na parang bata. Kahit ako ay natatawa sa pinag-gagawa ng ina ko ngunit naglaho ang ngiti ko nang makita na nag-iba ang kalangitan. Ang kaninang maaraw na kalangitan ay nag dilim na parang may bagyong paparating.

"Huh? Bakit dumilim?" Napatingin sa itaas si Ina at pumatak na ang nagbabadyang ulan. Agad siyang nagtago sa silong ng mga puno katabi si Ama. May awang sa pagitan nila, hindi maiwasan ng aking ama ang tumingin sa aking ina na bumibihag sa puso niya. Alam kong may gusto ang ama ko sa aking ina nung una palang niya itong nakita kaso natatakot siya na baka may mangyari kapag nagkita sila.

"Emillia," napalingon si Ina kay Ama habang may pagtataka "may napupusuan kana ba?" Napaiwas naman ng tingin si Ina at tinuon ang tingin sa ulan.

"M-meron, ngunit baka pinaglalaruan lang ako ng aking nararamdaman" ngumiti ng bahagya si Ina at sumandal sa puno na katabi niya. Pumikit ito at bigla nalang nag-kwento ang aking Ama. Lumapit ako sa kanila para mas marinig ko at tumabi kay ina, sinubukan ko siyang hawak  kaso tumatagos lang ang kamay ko.

Ano kaya ang pakiramdam ng haplos ng aking ina? Ano kayang pakiramdam ng may ina?

"May isang mayaman at mahirap," panimula ni Ama "ang dalawang may pagkakaiba ay nagkagustuhan at walang pake kung ano ang estado nila sa buhay"

"Naging masaya ba sila?" Tanong ni ina. Umiling si Ama at pinagpatuloy ang kwento kahit hindi nakatingin kay ina.

"Inakala nila na Ayos lang iyon ngunit hindi. Pilit silang pinaglalayo ng mga magulang nila hanggang sa nagtanan ang dalawa. Ang ginawa nila ang nagdala sa kanila sa kamatayan, namatay ang dalawa dahil doon at pinaglayo ang libingan nila. Sa huli, hindi sila tinadhana"

Malungkot ang boses ni Ama at parang may pinapaalam siya sa kwentong iyon. Tinutukoy siguro niya ang pagkakaiba nilang dalawa ni ina.

"Pero pinaglaban nila, diba?" Napalingon si ama  nang sabihin iyon ni Ina "Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba o kung may tumututol man, ang mahalaga ay pinaglaban nila ang pagmamahalan nila hanggang sa kamatayan"

Bigla nalamang tumayo si Ina at lumabas sa sinisilungan nila. Kahit umuulan pa sa labas ay hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang.

"Anong ginagawa mo?"

"Alam mo ba kung ano ang nangyari sa huling bahagi ng kwento?" Tumingala si Ina saglit at tinuon ang tingin sa mga mata ni Ama "muli silang nabuhay upang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila, kung magtatago ka sa kadiliman hindi mo mahahanap ang iniibig mo"

"Matagal kona siyang nahanap" nakangiting inilahad ni Ama ang kamay niya "kung ganon dalhin mo ako sa iyong liwanag at ipagpapatuloy natin ang naudlot na pagmamahalan" nakangiting tinanggap ni ina ang kamay ni Ama at ang kaninang ulan na walang tigil ay isang hamala nalamang na natapos.

Napangiti nadin ako dahil sa nakita at parang ayokong umalis sa alaalang ito ngunit hindi pwede. Isa nalamang itong alaala ng nakaraan at hindi magtatagal ay malilimutan din ng tuluyan. Unti-unting naglalaho na parang nasusunog at unti-unting tinutupok ang alaala kung saan ako naroon at nagbalik sa dati ang lahat  "Ziro," napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Ina "may mga alaala na hindi na dapat natin alalahanin pa, mga alaala na dapat ng ibaon sa limot" hinawakan ni ina ang pisngi ko at ang pakiramdam na iyon kakaiba. Mainit ang kamay niya na parang buhay pa siya, sana panghabang buhay na ito.

"Ina, kailangan ko ba talagang patayin si ama? Hindi ba pwede na masaya nalang tayong mabuhay?" Umiling ito at tiningnan ako ng malungkot niyang mga mata.

"Nakatadhana na iyan at wala ka ng magagawa pa, lakasan mo lang ang loob mo at matatapos din ang lahat" niyakap ko siya ng mahigpit na para bang yun na ang huli. Gusto ko pang makasama si ina kahit ngayon lang, kahit saglit lang. "Hanggang dito nalang muna Ziro, magkikita tayo sa oras na kailangan mo ako"

"Ina! Kailangan kita! Ngayon kita kailangan, hindi ko alam kung pano ako lalaban kung alam ko na wala ka" pinagdikit niya ang noo namin at pumikit.

"Nandyan pa sila, wag kang mag-alala nandiyan pa ang mga kaibigan mo at kahit kailan hindi ka mag-iisa dahil lagi lang akong nasa tabi mo"

Sa paglabas ko ay parang may bigat sa dibdib ko na ayaw umalis sa loob. Gusto ko pang magtagal ngunit hindi na pwede. Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko si ina habang unti-unting nag-sasara ang pinto.

"Pangako ina, magiging matatag ako" hinawakan ako ni Lilith sa balikat ko na ikinagulat ko.

"May dapat kang malaman" ang mga sinabi nya ang gumimbal saakin. Ang ama ko ay malapit lang saakin ngunit hindi ko alam, nasa paligid ko lang sya ngunit hindi ko alam. Ang akala ko nasa malayo sya ngunit hindi, dahil minamatyagan nya ako sa buong buhay ko.

Chương tiếp theo