webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

Tác giả: Pica_gurl
Lịch sử
Đang thực hiện · 97K Lượt xem
  • 38 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Thẻ
2 thẻ
Chapter 1SYNOPSIS:

"Excuse me.. I'm looking for Ms. Beatrix Craige."

Nakangiti kong tanung sa dalawang empleyado ng Arts company na pagmamay ari ni Beatrix one of my bestfriend..

"Ms. beatrix?? They're in conference room right now.."

Nanatili lamang akong nakatitig sa dalawang empleyado at hinihintay ang sasabihin nilang pareho..

"My meeting po kase sya ngayon.. M-ms---"

"By the way i'm lenzy pacheco.."

Nakangiti kong sagot ng mapansin kong nakatingin lamang sila at hinihintay akong magsalita..

"OMG!! K-kayo po pala yan.. Antagal nyo naman po kasing nawala kaya hindi namin agad kayo nakilala.."

Excited na turan ng isa sa dalawang empleyadong nakaharap sa akin..

"Siguradong matutuwa si President Beatirx nito.. Tatawag na po ba ako sa secretary nya?"

"Wag na!! Balak ko syang surpresahin.."

Magtatangka na sana itong tatawag sa telepono ng mabilis ko syang senenyasang wag na wag tatawag sa secretary ni beatrix dahil balak ko talaga syang surpresahin.. Kagagaling ko lang kase ng state dahil sa isang interview about sa mga gawa kong paintings..

"Grabe ang gaganda ng mga gawa nyong painting.."

Napangiti naman ako sa sinabi nito sa akin..

"S-salamat!! At may mga tulad nyong naka appreciate ng mga painting ko.."

Nakangiti kong sagot sa babaeng nasa aking harapan..

"Isa po akong taga hanga nyo sa isang Novel nyo ms. lenzy.. H-hindi nyo na poba balak baguhin ang ending ng novel nyong 'The Daughter of governor and the leader of revolution..'??"

"Oo nga po!! Mamamatay poba talaga si Thylandier Third?? Kawawa naman sya.. Makagagawa sya ng labag dahil lang sa pag ibig nya para sa bidang babae."

Kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat ng dalawang empleyado habang pinaguusapan nila ang kamatayan ni Thylandier Third sa ginawa kong Nobela na pinamagatan kong 'The Daughter of governor and the leader of revolution.'

Unti unti akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa habang may kung anong matulis na bagay ang paulit ulit kong nararamdam sa aking dibdib habang naririnig ang usapan nilang pareho.

Bakit nga ba hindi ko binigyan ng chansa si thylandier sa nobela ko?? Bakit nga ba kailangan nyang magsacrifice sa nobela kung maari naman syang mamuhay ng taliwas sa pinagdadaanan nya sa kasalukuyan ng kwento..

Umupo na muna ako sa isa sa mga bakanteng upuan habang hinihintay ko ang oras..

Kinuha ko ang librong 'The Daughter of governor and the leader of revolution' at bahagya akong napangiti ng mahaplos ko ang bookcover nito habang pinagmamasdan ang mukha ni thylandier sa book..

Ako mismo ang gumuhit ng mga characters sa nobelang gawa ko... Wala kase akong mahingian or mapagawahan ng bookcover kaya naman ang mga ideal man ko ang ginuhit ko at sa female protagonist naman ay ang gusto kong kaugalian ng mga babae.. Mahinhin, mabait at matulunging binibini like ng binibini sa aking nobela.

Mabilis na kabog ang naramdaman ko sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang tatlong fictional character na nasa libro na ako mismo ang gumuhit.

'Gagawin ko ang lahat mapasa akin ka lang!!' - Thylandier Third

'Kailanman hindi ko magagawang sukuan ang pagmamahal ko sayo nathalia' - Dairus Mateo

'Kahit saang lugar hihintayin kita, dairus.. Ikaw at ikaw parin ang mamahalin at pipiliin ko..' -Nathalia

"Ms. Lenzy tapos na po ang meeting ni President Beatrix.."

Kamuntikan ko pang mabitawan ang hawak kong libro buti na lang at nanatili ang hawak ko dito.

"Salamat!! Don't call her,okay."

"S-sure... Sana bigyan mo ng chance na mabuhay sa nobela mo si Thylandier and give him a chance na makahanap ng girl na para sa kanya."

Unti unti akong napangiti ng humingi ito ng favor sa akin about my novel entitled 'The Daughter of Governor and The Leader of Revolution' na pinagbibidahan nila Nathalia Santiago na anak ng isang gobernador at si Dairus Mateo Lopez na isang mayaman na naghirap dahil napagbintangan ang magulang nito sa isang bagay na hindi naman sila sangkot..

"Sure!! I try my best.."

Nakangiti kong sagot sabay tinalikuran na ang mga ito para puntahan si Beatrix one of my bestfriend.

Pagkarating na pagkarating ko sa 3rd floor agad akong napatingin sa conference room ng makitang bumukas ito at lumabas ang secretary ni Beatrix habang nakasunod naman ito sa likuran ng secretary nya kaya naman palihim ko silang sinundan hanggang makarating sila sa pinakadulo ng 3rd floor kung saan naroon ang main office nito dali dali akong pumunta sa likuran ni Beatrix at tinakpan ang mga mata nito ng hahakbang n asana ito papasok ng office nya.

"A-ano ba!!" Aiy.. Walang pinagbago ang Beatrix masungit parin.

Natatawa naman akong humarap sa kanya at mas natawa ako ng manlaki ang mga mata nito na niyakap ako bigla..

"Grabe!! Bat hindi ka nagsabi na nakabalik kana pala? So, kumuzta sa state? Balita ko tapos mo na ang isa sa mga nobela mo? Anong ending.. Wag mong sabihin na may tragic na naman ang kwentong ginagawa mo, lenzy."

Napakamot pa ako sa aking noo ng magtanung ito sa akin habang nakataas ang kilay nito.

"Hindi ko alam kung may babaguhin ba ako sa novel ko bago ko ito ipublish or tama lang na ang ending ay mamamatay sa maraming tao si thylandier.. Meron kase akong kakaibang pakiramdam,eh."

Halo halong emosyon ang bigla kong naramdaman ng muli kong mahawakan ang 1st part ng nobela ko..

"Lenzy!! Alam kong ayaw na ayaw mo ang paggawa ng nobelang may happy ending pero tandaan mo karamihan sa mambabasa ay gusto ng happy ending.. Kahit isa pang kalaban at karibal ang tauhan mo mas maganda kung bigyan mo naman ng konsiderasyon ang kontrabidang tauhan sa nobela."

Sabay kaming pumasok sa office nya habang panay ang pag advice nito sa akin about my novel.

"K-kung hindi mamamatay sa nobela si thylandier parang hindi ko nagawan ng magandang ending ang mga rebeldeng bida sa nobela ko.."

"Hindi kaba naaawa sa mga mambabasa mo?? Panay tragic ang gawa mong story.. Maganda nga ang flow pero ang ending sobrang sakit.. Bigyan mo naman sila ng happy ending yung walang tauhan na magsasakripisyo ng buhay yung lahat ay maging masaya.."

Napabuntong hininga na lamang ako na napaupo sa sofa na nasa office nito. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako ngayon sa nobela ko..

"Lenzy!! Nobela mo yan.. Kung ako sayo gagawa naman ako ng happy ending at wag puro horror at tragic story ang ginagawa.. Bigyan mo naman ang chance ang mga mambabasa mo na makabasa ng tragic na may happy ending.."

Mas lalo akong napahinga dahil sa sinabi nito sa akin hanggang sa biglang mag ring ang telepono nito sa kanyang desk.

"Wait lang,ah."

Nakangiti nitong turan sabay sinagot ang tawag sa kanya. Siguro nga ay kailangan ko munang pagisipan ang ending ng nobela ko.. Hindi ako papayag na madismaya ang mga mambabasa ko!!

Nang Makita kong ibinaba ni Beatrix ang telepono ay tumingin ito sa akin habang nakakunot ang noo nito.

"Lenzy you need to go in the publishing office.. Gusto ka daw nilang makausap.."

"W-what is wrong?"

Nagaalangang tanung ko kay Beatrix na nakatingin sa akin.

"I don't know.. Mas mabuti kong ikaw ang umalam.."

Nakangiti nitong turan sa akin.. Napabuntong hininga na lamang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nilagay ko sa desk na nasa harapan ko lang..

Mas lalo akong napabuntong hininga ng makita ang isang message ni Ms. Pearl ang assistant ng publisher company na nagbigay ng chance sa akin.

"I'll go ahead.. Babalik na lang ako nyan. Balak ko pa sanang mag bar mamaya with you,eh."

"Next time na lang bhe.. Mas importante ang ending ng nobela mo... I think, hahanapin sayo ang ending ng nobela. Mas maraming magbabasa sa nobela kung happy ending ang tragic love story ni Nathalia at Dairus then please, wag mong patayin ang katauhan ni thylandier sa nobela mo.. He deserved happiness too kahit antagonist sya sa nobela.. Pagisipan mo ang ending ng nobela mo, lenzy."

Napabuntong hininga ako at tinanguan na lamang ito bago ko sya nilisan at tinungo ang parking lot para puntahan ang kotse ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse ay pinaandar ko ito at pabuntong hininga na isinandal ang aking likuran

' Mas maraming magbabasa sa nobela kung happy ending ang tragic love story ni Nathalia at Dairus then please, wag mong patayin ang katauhan ni thylandier sa nobela mo.. He deserved happiness too kahit antagonist sya sa nobela.. Pagisipan mo ang ending ng nobela mo, lenzy.'

' Mas maraming magbabasa sa nobela kung happy ending ang tragic love story ni Nathalia at Dairus then please, wag mong patayin ang katauhan ni thylandier sa nobela mo.. He deserved happiness too kahit antagonist sya sa nobela.. Pagisipan mo ang ending ng nobela mo, lenzy.'

Nagpaulit ulit sa isipan ko ang sinabi ni Beatrix sa akin kaya mas lalo akong napaisip at mas lalo akong nakaramdam ng pagkalito kung bakit hirap na hirap akong gawaan ng ending ang nobela ko na ' The Daughter of Governor and The Leader of Revolutin.' .. Mas lalo akong naguguluhan para sa ending na ibibigay ko sa antagonist na si Thylandier.

Hindi ko namalayang may luha na bigla na lamang dumaloy sa gilid ng aking mga mata.

Shit!! Bat ba ako nagkakaganito sa sinulat kong nobela?

Huminga na muna ako ng malalim at mabilis ko din iyong inihinga at tuluyan ko ng pinaharurot ang kotse ko papunta sa publisher company.

' Mamamatay poba talaga si Thylandier Third?? Kawawa naman sya.. Makagagawa sya ng labag dahil lang sa pag ibig nya para sa bidang babae.'

Relax lang lenzy.. Exhale!! Inhale..

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko dahil kung ano ano na lamang ang naiisip ko dahil lang kay thylandier na syang antagonist (Kontrabida) ng nobela at hindi ko alam kung bakit kailangan kong magkaganito.

Bạn cũng có thể thích

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

Sept_28 · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
7 Chs