webnovel

Episode 03

"Pst!"sundot sa tagiliran ko ng kung sino. May na tutulog oh? Respeto naman!

Tumagilid ulit ako para di pansinin si Mayleen pero di parin sya tumitigil. Kaya bumangon na lang ako tiningnan kung sino yung sundot nang sundot sa akin. Nang laki naman ang dalawang mata ko nang ibang tao ang nasa loob nang kwarto ko.

Dinuro ko ito sabay sigaw. "AAAAAHHHH IMPAKTO!!"sigaw ko.

"Charaaannn! Ako gising na. Tas ikaw iniwan na!!"sigaw nya with matching taas nang dalawang kamay nya. Pinagsasabi nitong impakto na to?!

Napa awang naman ang bibig ko nang ngumiti sya bigla. Saang planeta to galing?!

Sumingkit naman ang dalawang mata ko at lumapit sa kaniya. Nataranta naman ako nang lumapit din sya sa akin.

Kaya agad akong lumayo. "J-jan k-k-ka lang wag kang lalapit!"nanginginig kung turo sa kaniya.

Tumagilid na man yung ulo nya parang nagtataka kung bakit ako natatakot sa kaniya.

"Saan ka pumasok?!"tanong ko habang nagtatago sa kurtina ng bintana ko.

Tinuro naman nya yung bintana ko at tiningnan ito. Nagulat naman ako nang bukas ito. Nalimutan ko bang isarado to?!

"A-a-anong p-pangalan mo?"nanginginig kung tanong sa kaniya.

"Ako? Ako si Vine!!"ngiting sagot nya sabay pumalakpak. Katuwa yun?!

____

"So Grim Reaper ka? Ganon?"nakapamewang na tanong sa kaniya.

Tumango tango naman sya habang nakain sa lamesa. "At nandito ka para bantayan ako at protektahan?"pagtatama ko.

"Tumpak! Nakuha mo!"sigaw nya. Sumasakit ulo ko sa batang to!

"Diba ang mga katulad nyo ay di dapat kami prenoproktektahan kasi ang trabaho nyo lang ay bantayan kami hanggang sa mamatay kami para makuha nyo ang kaluluha namin? Diba?"tanong ko. Umiling naman sya

"Hindi lahat ganon ate nesrin!"sabay subo ulit nang kanin. Grabe ang takaw naman nito;-;

"Eh ano?"tanong ko at pinag cross ang dalawang braso ko.

"Ganito kasi yan ate nesrin----"naputol bigla yung sasabihin nya nag lumabas bigla si Mayleen sa kwarto nya at derideritsyo lang sya pumunta dito sa kusina at lumapit sa ref.

Napansin namin na bigla syang huminto at dahan dahan lumingon sa aming dalawa ni Vine. Lumaki naman at dalawang mata nya at nagpalipat lipat ang tingin nya sa min saka sya sumigaw.

"BAT MAY IMPAKTO SA APARTMENT KOOOO??!!!"pagsisigaw nya. Sinabi ko rin yan-,-

Pinakalma ko muna si Mayleen at inupo sa may upoan kaharap ni Vine.

"Insan hindi bayan maligno?"bulong ni Mayleen sa tenga ko.

Umiling naman ako. "Eh sino yan?!"tanong nya ulit.

Tiningnan ko muna si Vine at umiling ito bigla. "A-ah kasi..... pinsan ko s-sya sa s-side ni papa"pagpapalusot ko.

Naningkit naman ang mata ni Mayleen at saka tumingin kay Vine. "Hiiii!! I'm Mayleen Santos! I thought isa kang maligno eh!!"shake hands nya kay Vine.

Parehas naman napa awang ang mga bibig namin ni Vine dahil sa ginawa ni Mayleen. "Di munang ka agad sinabi na pinsan mo pala to! Napagkalaman ko pa tuloy na impakto!"bulong ulit ni Mayleen sa tenga ko.

_____

"Vine dito ka lang ha? Babalik rin naman kami mamayang mga 6"saad ko sa kaniya.

"Sama na lang kaya ako?"tanong nya.

"Hindi pwede. Hindi ka papasokin doon!"ani ko sa kaniya.

"Pag di tayo papasokin kunin natin kaluluwa nila *evil laugh*"humalak hak lang sya. At napangiwi naman ako doon. Grabe Grim Reaper talaga tong batang to! Mana kay Satan!

Umalis na kami ni Mayleen at na iwan naman si Vine sa Apartment. "Baka nakawin nung batang yun mga gamit natin doon ha!"saad ni Mayleen.

"Hindi naman!"asik ko.

Umirap na lang sya at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Nang makarating kami ka agad sa parking lot tulad pa rin kahapon pinatitinginan na naman nila kami or i said pinagtitinginan na naman nila si Mayleen.

Puntumunta na ako sa keim building dahil doon ang building nang first subject ko at subrang nakakapagod dahil ang layu nang building ito. Pansin ko parang unti lang ang mga tao dito. Nang makapasok ako room ko at unti lang ang tao dito. Nakapagtataka naman? Baka late lang siguro.

Humanap naman ako nang mauupuan at sakto may bakante sa likod. May iilan na tumitingin sakin habang papunta ako sa upoan. "May bago na naman?"bulong nung isa.

Hindi ko na lang pinansin yun at inayus nang lang ang gamit ko.

"Hii!! I'm Clarisse the President of this room!"ani nya. Cute sya. May mapupungay na mga pilik mata at cute size din. Sanaol cute

"H-hello I'm Nesrin Alcantara nice to meet you president"sagot ko at nakipagshake hands.

May sinabi pa sya nang kung ano ano. Katulad nang gawain dito sa room at kung ano ano pa. May isa syang binanggit na nakapabuhay sakin bigla. May binubuo daw na team ang room na ito at inaatasan na magreport sa iba't ibang lugar dito sa manila. Kaya pala wala ang ibang estudyante dito! Naka otj pala!

"At team ko naman ang naatasan sa case na mga estudyante na namamatay dito manila"saad nya. Kaexcite naman!

Naudlot ang pinagsasabi ni Clarisse ng dumating na ang prof namin. "Good Morning class!"

"Before we start gusto ko lang sabihin sayo na may bago na naman kayong blockmates. Please come here newbie"tawag sakin ng prof. Tumayo naman ako at pumunta sa harap.

"H-hi I'm Nesrin Alcantara. I'm hope we can be friends together"kinakabahan kung sagot.

"Now you can choose a team now Ms. Alcantara"seryusong sabi ni prof. Teka? Ito bayung sinasabi ni Clarisse kanina na team?

"We have a 6 team here. They are Alpha, Omega, Shadow, Zero, Wild and last Rose"saad ni prof. Ano ba pipiliin ko?

May bigla akong naalala sa mga sinabi ni Clarisse kanina.

"Please kung papipipiliin kana mamaya nang team ni prof.... please choose rose Nesrin"

Nakita ko naman si Clarisse at mukhang naghihintay sa sagot ko. Huminga ako nang malalim at saka sumagot.

"I choose.... Rose!"i said.

Napasuntok naman si Clarisse sa tuwa nya. "Good choose Ms. Alcantara"bati sakin ni prof at saka ako pinabalik sa upoan.

Lumipas ang ilang oras dito sa university ay may mga nalaman na akagad ako. At magkakaroon pa kami isang investigation bukas tungkol sa mga estudyante na sunod sunod na namamatay.

Uwian na at nauna na akong umuwi kay Mayleen. Nagpaalam na rin ako sa kaniya na mauuna na ako at pumayag naman sya dahil may gagawin pa silang project daw.

"Vine nandito na ako!"bungad ko habang nagtatagal nang sapatos pero hindi ito sumagot.

Pumunta naman ako ng kusina dahil sobra na akong nauuhaw sa mga pinagagawa namin kanina. Pinuntahan ko naman si Vine sa sala nagbabaka sakali na nandun sya pero wala sya doon.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang mapansin ko na may natutulog sa sofa. Sinilip ko ito at laking gulat ko na ibang tao ito. Another Impakto na namaaannn??!!

Nakanganga na ako at todo tili sa loob ko. Agad naman akong kumuha nang walis at saka sinundot sya. Nakita ko naman na gumalaw ito kaya agad akong tumakbo patungo sa kusina at dahan dahan na sinilip ito. Nagising kaya sya?

Lumapit ulit ako pero agad naman na milog ang dalawang mata ko dahil wala na yung taong natutulog sa sofa. Putsa saan napunta yun?!

Mas lalo ko namang hinigpitan ang walis na hawak ko.

"You're so noisy you know?"bulong sa tenga ko nang kung sino.

Dahan dahan naman akong lumingon at namilog ang dalawang mata ko sa gulat dahil nasa likod ko na yung taong natutulog sa sofa namin.

Nakanganga naman ako habang duro duro pa rin sya. Para akong mawawalan nang hangin sa kaba.

"Ahhh... ahhhh.. AAAAAHHHHHHHHH!!!!"sigaw ko saka nahimatay bigla.

Narinig ko pa ang mga sinabi nya bago ako tuluyan mawalan ng malay.

"What's wrong with her?..."

Chương tiếp theo