webnovel

CHAPTER 3 GENEVERE Attention and Change continued

~~~~~~~~~***~~~~~~~~

CHAPTER 3 continued...

~~~~~~~~~***~~~~~~~~

patapos na ako sa kinakain ko nang biglang may lalaking nakatapik sa lamesa ko kaya naman yung sinasalok kong lasgna e tumilapon sa sahig

nainis ako dahil ito ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat, masaya sana kung tahimik akong makakakain tapos may bwisit na lalaking mukhang nagaaway

"what the hell is your problem" dinig kong sigaw ng isa pang lalaki sa malayo

"not my problem, you're the one looking stupid staring into space and when you tripped yourself you go blaming it to me?!" sagot nung tumampal sa mesa ko

"you did that on purpose" diin nung isang lalaki

" where's your proof" hamon nung lalaking nakatalikod, sya yung tumampal sa mesa ko, nakita ko namang biglang lumapit yung kasagutan niya, may ibubuga ito, gwapo, magaling manamit—neat, he's wearing all black though, may katangkaran, maputi, but that's not my point here

Tumayo ako at pumagitna dun sa dalawa, napaka nonsense ng pinagtatalunan para gumawa ng eksena dito sa cafeteria, nagsisigawan pa, tsk

nung akmang magsasapakan sila e ununahan ko na sila parehas, gamit ang magkabila kong kamao e sabay ko silang sinapak, malamang e nagulat sila pero dahil nabubwisit ako pinagsasapak ko sila parehas, saka ako nagwalk out

nakasalubong ko si kuya, sabay hinatak more like kinaladkad ko siya palabas at angpunta sa kabilang cafeteria

"you're pissed Genevere" kumento ni kuya

"sino bang hindi? Kung kumakain ka tapos may mga isip batang malapit nang magsapakan at gumagawa ng eksena?" inis na sagot ko sa kanya

"lemme guess your lunch was ruined and you did something out of the ordinary, am I right?" tatawa tawang sagot niya

"Tss" inis na sagot ko lang, kumain lang kami dun at naglakad na papunta sa dorm ko

"Genevere, di ko alam kung san o paano mo napagkakasya yung mga kinakain mo, mas malaki pa ata ang kailangan kong budget sa pagkain mo kesa sa ibang necessities mo eh" tatawa tawang kumento ni kuya habang naglalakad kami, ako naman tahimk lang, nung natapat kami sa dorm nagpaalam si kuya may gagawin lang daw

nandito kami ngayon sa black village kung tawagin nila, sets of Octagon shaped Black condominium buildings at tulad nga ng sabi ni principal Suschter ginamit ko yung pass at yung key tinapat ko sa may sensor, B-GE-F315-4 yan yung nakaengrave sa card ko , sa 3rd floor yung room, yung room number naman ay 2B-F315-4 yan yung nakaengrave sa plate na nakadikit sa wall sa tabi ng pinto pati sa pinto, octagon shape yung building at nasa corner end ang room

sa may tabi ng main door may makikita kang screen kasing laki ng table ng laki nito at nakaflash doon ang wall paper ng Sienna, siguro ito yung parang receiver, intercom...

pumasok ako at napansin ko na patriangle ang hugis ng room at bumungad ang what looks like the common area sa left side mula sa main door, may pa L -shaped na sofa dito at may parang island couch pa at center table, may naglalakihang bintana din at pinto sa parang balcony pa, may T.V din

pag lingon mo naman sa right side ay yung dining area na may mini bar counters pa, may dining table na sakto para sa apat na tao, at may kitchen area din na may ref, electric stove at yung necessities sa kitchen, pati appliances meron din

"OMG!" ikaw yung girl kanina sa cafeteria" dinig kong sabi ng isang boses

"you're cool" sabi ng isa

nakita kong may dalawang babaeng nakaupo sa may couch, paraheas silang nakatingin sa akin, isang mahaba ang buhok na hanggang bewang ang haba at isang short haired na nakasalamin

"kaso dapat hindi mo na sana ginawa yun kung gusto mong mabuhay ng tahimik dito sa Siena" sabi nung isang petite ang pangangatawan na may fair complexion

"you my dear caught everyone's attention including the two powerful bodies that govern this school" paliwanag nung isa, di ko naman pinansin yun dahil wala naman akong pakialam

"so, you both must be my roommates huh" sagot ko lang

"well yeah, welcome to Siena, my name is Sierra" sabi nung isang may mahabang buhok—waist lenght golden brown in color, she's petite, nung nabaling ang tingin ko sa mata niya its grayish blue

"I'm Alana" sabi nung isang may neck length hair na reddish brown naman ang kulay, may suot siyang big glasses, blue eyes

" my name is Genevere, nice to meet you" bati ko sa kanila

sa pagitan ng common area at dining area mo naman makikita kung saan nandoon yung mukhang study area na may walling pero open space siya pa oval ang shape nung study area, pa triangle kase yung hugis ng buong room na ito at nasa may corner end kami ng floor

may apat na malalaking study tables na may book shelves sa area, may kanya kanyang lamps din per table, dalawang magkatapat na table ang mukhang occupied na

hugis letter Y ang hallway na makikita mo sa pagitan ng common area, study area at dinning area, isang diretsong hallway ang dadaanan mo papunta sa mga kwarto

which by the look of it is at least may form of privacy naman, may name plate na sa unang dalawang rooms na dinaanan ko, Sierra Cassiopeia Petrov at Alana Zamilla Miller ang nabasa ko, kaya naman dimiretso pa ako and turned left, I'm claiming this room hehe...at nilagay ko doon ang kasama sa kit, kaya pala may name plate ngayon alam ko na para saan

pag bukas mo ng pinto pag lingon mo sa may left side may nakita akong double sized bed na may tig isang side table na may tig dalawang drawers, may nakamount na lamps sa wall din sa taas nung mga side table

sa left side din nakapwesto yung malalaking windows at pinto palabas ng balcony, sa tapat banda sa may paanan ng bed naman may drawer ako na nakita

sa may kabilang side naman mula sa bed may nakita akong sliding door at nung pinasok ko yun may mga cabinets, shelves at drawers para sa mga damit, shoes, bags at bath essentials sa right side at sa bandang left side naman may sliding door ulit at bumungad sakin ang banyo, may bathtub, shower, sink na may storage at toilet sa loob may mga sabitan for bath towels and face towels din at may storage ulit for bath essentials..sa may tapat naman ng main door ng pinili kong room may table din at mounted shelves

naligo lang ako saglit pero nung nangalkal ako sa closet para sana magpalit eh talaga naman nagreklamo ang mata ko, how the hell am I going to survive in this school kung tatlong pair of clothes lang ang meron ako, naayos na pala ha? Ang galing galing mo talaga kuya Travis, bilib na ako sayo *note sarcasim* and I stormed out of the room fuming and looking for my phone, lagot ka talaga sakin kuya Travissssssss

Chương tiếp theo