webnovel

Chapter 25-Grandfather

Hera's Pov

Nagsimula ang handaan para sa mga kataas-taasan pero wala ako sa sarili na nakaupo sa trono. Kanina pa pabalik-balik ang mga kaibigan ko at nagtatanong kung nagugutom naba ako para masimulan na ang kainan.

Hanggang ngayon pumapasok parin sa isipan ko ang mga nangyari nitong araw. Kung totoo man ang sinabi ng matanda bakit ganito ang pakikitungo ng mga kaibigan ko sa akin halos tinuturi na nila ako na parang Ginto na hindi dapat mawala. Ang ikalawang bumagabag sa isipan ko ay ang pag-utos ng aking pinsan sa kanyang mga estudyante na kunin ako. Kung ganun meron din silang Paaralan para sa mga kagaya nila?

Nawala sa isipan ko ang imahe ni Silver na tumatawa sa mga  pinanggagawa niya sakin nang sumulpot sa harapan ko ang seryosong lalaki na nakatingin sa akin. tumingin ako sa kanya. Ngingiti na sana ako nang may kumapit sa braso niya. Parang mas nawalan ako ng gana.

"Clover." Sabi ko at napatingin sa babae. "And you are?" Tanong ko sa isang malamig na tono. ngumiti naman siya sa akin.

"I'm Katherine. Clover's Fiancé." Sabi niya at naglahad ng kamay. Tumaas naman agad ang kilay ko. Saan nakuha ni clover to?hinawakan naman agad ni clover ang kamay ng babae.

"I'm sorry. She doesn't know the rules." Sabi ni clover sa akin. Tumango lang ako at tumayo na. sumunod naman agad si helios na natotolog sa trono ni mommy. Kawawang helios hindi man lang siya pinansin ng kanyang dating amo. Tsk

Tumango ako sa kanang-kamay namin. Tumango din siya pabalik.

"Magsisimula na ang hapunan" anunsyo ng kanang kamay. pumasok ang lahat sa dining area at ako ang nahuling pumasok kasama si helios na tumatahol kung may nakikita siyang hindi niya kilala. Sinenyasan ko ang kasambahay na hawakan muna si helios at pakainin. kinuha niya naman kaagad ito. Hindi naman pumalas si helios. pumasok ako sa dining room na binuksan ng tauhan ko.

Kahit naka tingin lahat sa akin ay hindi man lang ako ngumiti sa kanila. Nakaka walang gana kasi malapit sila sa upuan na uupuan ko din at ang nakakairita pa dun ay naglalambingan sila. Tsk!

Tumikhim ako at tumingin sa kanilang lahat. pero hindi ako tumingin sa direksyon kung nasaan ang dalawa. Nakita ko namang nakatingin si fatima at clarissa sa akin. Nagtatanong din kung ano ang nangyayari. hindi ko sila pinansin at tahimik na umupo. nagsimulang magserve ang mga kasambahay namin.

Nagsimula kaming kumain lahat kung hindi lang nagsalita ang Isang counselor ay wala ding magsasalita sa aming lahat. At alam ko ngayong pumunta sila dito sa aking kaharian para bukas.

"Alam mo na ba kung sino ang sumalakay sa iyong kaharian clover?" Seryosong tanong ng counselor kay clover. natigil ang pagsubo niya at tumingin sa counselor.

Bakit pinapaalala pa nila to? Hindi paba nila alam kung sino ang sumalakay? Hindi ba pinaalam ni clover sa kanila na pinsan ko ang gumawa nun?

tahimik lang akong kumain habang nakikinig sa kanilang lahat.

"Hindi pa namin alam." Napatingin ako kay clover na nagtatanong kung bakit hindi niya pa sinabi sa counselor. "Wala silang kasama na mataas sa kanila. Kundi sila lang na Destroyer." Seryosong sabi ni clover at kumain uli.

Hindi naman nagsalita ang counselor. Bakit parang may nararamdaman akonb tensyon ngayon sa pagitan namin ng counselor ? Bakit parang nag iba ang pakikitungo nila sa akin?

Minsan ang mga counselor ay palihim na gumagawa ng plano kaya hindi mo alam kung ano ang susunod na gagawin nila. Kung mag-uutos man sila na salakayin ang dark world. Syempre nandun ang mga tauhan ko. napansin ko din na kanina pa tahimik ang daddy ni clover. Nakayuko lang at tila may malalim na iniisip.

Hindi ko din nakita ang kapatid ni clover. Siguro may pinapagawa nanaman sila kay cleve. Hindi din kasama ni tito ang kanyang asawa na si tita Clara. Isa o dalawang beses ko palang nakita ang mommy ni clover pero noon pa na bata palang kami. Maganda ang mommy niya. Nakuha ni clover ang pagkaputi ng mommy niya. At ang color ng buhok na kuha niya din pero nalamangan niya ang buhok ng mommy niya dahil para maiba naman

"Hera." Muntik na akong mabilaukan nang tawagin ako ng counselor. Uminom ako ng tubig at tumingin sa kung saan nakaupo ang counselor malapit sa kay Clover at sa fiancé niya. "Alam mo ba kung sino ang sumalakay sa kaharian ni Clover? wag kang sasagot sa akin ng wala dahil alam ko ang kakayahan mo." Malamig na sabi ng counselor sa akin.

"Napakatalino ba talaga ang anak ni Victoria?" Rinig kong tanong ng isa sa mga counselor din na may katandaan na. naririnig ko sila kasi malapit lang sila sa tabi ni tito kendrick.

"Wag mong maliitin ang kakayahan ng mga kamag-anak ni Victoria. Matatalino ang mga pamilya nila. Hindi paba halata iyun?" Rinig ko ding sabi ng katabi niya na mas matanda sa kanya.

"Hera tinatanong kita." Sabi ng counselor sa isang malalim na boses. Napalunok ako. ano nalang ang sasabihin niya kung alam niyang si Silver Cross Cane na pinsan ko ang sumalakay at kilala bilang hari ng Dark world.

"Y-ye—" naputol ang sasabihin ko nang may pumasok na lalaki sa dining area. Tatayo na sana ako para tanungin siya kung ano ang ginagawa niya dito. Nagbow siya sa aming lahat para magbigay galang. tumayo ang counselor na tumatanong kanina sa akin. Kumunot pa ang noo ko nang ngumiti ang counselor sa kanya. Pero hindi man lang ngumiti pabalik ang lalaki kundi ang ginawa ay umupo ito sa bakanteng upuan at tumingin sa aming lahat.

Muling nagsalita ang counselor.

"Nais ko palang ipakilala sa inyo ang kaisa-isang apo kong lalaki...." sabi ni counselor sa aming lahat. Kumunot ang noo ko. Isang apong lalaki ? Nakalimutan niya naba? Seryoso akong tumingin sa lalaki na nakatingin na din sa akin. "Siya si Broze carson ang anak ng kapatid nina Victoria at Divina." Sabi ng counselor na may ngiti sa mga labi. Napawi lang iyon nang banggitin niya ang pangalan ni tita divina.

Tita divina is his second daughter Died along ago. Hindi ko alam kung ano ang kinamatayan dahil bata pa ako noon. My mom is the Eldest in their siblings kaya siya ang naunang nanganak nang pinangasawa niya si daddy.

Counselor mention the father of Silver and Broze. But not mentioning his name. Hindi ko din nakilala ang daddy nila its because hindi din naman ito nagpapakita kung may family gathering kami. Masyado siyang mysteryoso sa aking paningin.

ang pinagtataka ko lang ay kung bakit the counselor is not mentioning the name of silver.

Tumingin ako ng seryoso sa counselor nang tawagin niya ako ulit.

"And he is you're cousin hera."

And yes! Tama ang hinala niyo. The highest council is my Grandfather.

Lolo Sysmeton.

Chương tiếp theo