webnovel

Chapter 20: Allergy

Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga taong ito sa harapan namin ay para bang may gustong marinig mula sakin. Wala pa man nangyayari ay pinangungunahan na nila. Not saying na hindi na mangyayari. What I'm saying is wag naman sana silang pahalata. Tipong kulang nalang buhatin nila ang bisita patungong kusina.

"Naku hijo! Pasok ka." si Mama agad ito. Nilapitan nya si Kian at hinila na ang braso papunta sa may kusina. I saw how the lips of my sisters pouting and smirking. Na pakiramdam ko, pag talikod mamaya nung tao, babanatan nila ako.

"Hehe. Good evening po." bati nalang ni Kian sa kanila. Wala akong palag kasi talaga ngang dinala na nila ito sa may kusina kung saan nakahanda na ang mesa para sa hapunan. Wala pang alas otso pero di ko alam bigla kay Mama. Para rin syang may mental telepathy. Alam na agad na may darating na bisita kaya dati nang nakapaghanda.

"Magpapalit lang po ako Papa." paalam ko dito. Binulungan ko pa sya. Mabilis namanw itong sumang-ayon at kulang nalang itulak na ako paalis sa kusina para makapagpalit subalit ang di ko inasahan. Tinawag ako ni Mama.

"Karen anak. Where are you going?. Wag iwan ang bisita. Remember the rule?." anya pa. Pinapaalala lagi ang batas ni Papa.

Bumalik muli ako sa may bandang malapit sa kusina. Bukana na ng pagitan ng sala at ng hapag kainan. Humarap ako sa kanila. Nakanguso na. Not minding what would he be will think about me. "Magpapalit lang ng damit po." di tunog sarkasmo o ano ang tono ng boses ko pero para sa kanila ganun iyon. I don't get them sometimes. Pag seryoso ako, pinagtatawanan ako. Pag naman nagbibiro ako, sinasabi nilang maging seryoso naman ako. Hay.. Nakakalito din minsan, ano?.

"Bilisan mong magpalit. Kakain na." iyon lamang ang sinabi ni Mama bago ako pinatuloy sa pag-akyat. But before taking up my footsteps on the stairs. Natanaw ko pa sa gilid ng aking mata ang kung paano ako lihim na tignan ni Kian. It reminds of a sounds earlier. Tinging sobrang lamig pero ramdam ko ang init na ipinupukol ng kanyang mata sa akin dahil sa kagustuhang gustong magsabi ng napakarami. I ignore that thing. Binalewala ko na iyon at tumakbo na ng mabilis sa aking silid. Naghugas lang ako ng mukha, paa't braso bago nagpalit ng pambahay. Kinuha ko ang maliit na shorts sa drawer ko saka malaking t-shirt na pink. Ni di ko na sinuklay pa ang buhok ko. Basta ko nalang iyong inipit habang ako'y pababa.

"Karen! Kakain na!." nasa bungad na ako ng hagdanan ng madinig ko ang boses ni Mama. Pero bago iyon. Nakasalubong ko si Ate Keonna sa hallway. Magtabi kasi ang aming silid. At ang sabi nya bago ako inunahan pababa. "Ang gwapo. Nice pick." iyon ang binulong nya. I don't get what she meant by that. Kung susumain ko. It is a bad judgement. Kasi anong nice pick?. Nahiya naman ako kung ako pa tong choosy diba?. Atsaka. Take note! Di pa sya nanliligaw o lalong manliligaw ko. Tsk! Kainis naman eh! Inuunahan na naman ang lahat! Wag sanang maudlot!

"Dito ka na." Himala. Inofer ni ate Kendra ang kanyang upuan na usually ay lagi naming pinagtatalunan na dalawa. Nasa malapit kasi ito sa electric fan. May aircon naman pero kasi kailangang magtipid minsan kaya iyon ang gamit ngayon. Umupo ako doon. At mismong harapan na iyon ni Kian. He's so silent at pakiramdam ko, kasalanan ko ang pananahimik nya.

"Ate, palit nalang tayo." alok ko kay ate Kendra. Tinignan ako nito ng pailalim. Not wanting to change her seat to mine kasi nga tabi na sila pero I don't mind her fierce glance tonight. Bisita ko si Kian at aaminin kong kargo ko sya. At tama ang sabi ni Mama na wag dapat iniiwan ang bisita. Bisita eh. Dapat ipakita mong welcome sila sa kahit na anong datnan nila sa inyong bahay. Don't be rude nang dahil lang sa ayaw mo sa kanila. Act kindly. Di man kayo close masyado. Ipakita mo ring pinalaki ka ng mga magulang mo ng marangal at may malasakit sa kapwa. Hindi ang sarili mo lamang ang iniisip mo't gayahin na rin ang ugaling ipinakita nya sa iyo. "May itatanong lang ako kay Kian." rason ko nalang kahit ang totoo ay wala naman. Tumaas pa muna ang kilay nya bago nakangiwing tumayo sa kinauupuan at lumapit sa gawi ko. "You ruined my night." she declared.

"Kendra!." sita sa kanya ni Papa. He heard her obviously. Kung wala lang bisita baka kanina pa ito napagalitan ng sobra.

"You okay?." I asked immediately nang paupo palang ako. Nagulat ko pa ata sya dahil parang doon lang din ito natauhan na nasa ibang bahay sya ngayon. "Relax. Nasa mo na ako. haha " I joked para naman maging magaan ang pakiramdam nya kahit na nasa kanya ang mata ng lahat.

"Bat ka kasi nang-iiwan eh." bulong nya ng mag-umpisa ng kumain. Mama offered him everything on the table. May pritong tilapia at manggang hilaw. May pinakbet din. Di ko nga alam kung kumakain ba ito ng ganito o hinde.

"Hello. Di kita iniwan. Nagpalit lang po ako."

"Ganun na rin yun." he insisted.

"Kumakain ka ba ng ganito?." bulong ko ulit. Itinuro ang lahat ng na sa mesa gamit ang aking nguso.

"Okay lang." he said. Kampante kong nilagyan ng isda ang kanyang plato. Walang ingay din kaming nagpatuloy. Paminsan-minsan lang din nagtatanong sina Mama at Papa tungkol sa bisita. Ang sabi nya ay, nag-iisa daw syang anak. Ang pareho nyang mga magulang ay nasa abroad. Di na nya sinabi kung anong ginagawa nila doon.

Nagpatuloy kami hanggang sa biglang umubo sya. Napatingin ako sa kanya syempre. Nung una, tinanong ko sya kung ayos lang ba sya. He just nodded. Nung pangalawang ubo na nya ay nagdiretso na. Doon ko na nabitawan ang hawak na kutsara. Sinipat ko ang mukha nya. Namumula na. Magdalawang-isip pa ako na kung hahawakan ko ba sya sa mukha o hinde pero nang makita kong parang nahihirapan na syang huminga. Napatayo na ako't hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

"Hey! Are you okay?." namumula na ang buong mukha nya. Doon ko lang din napansin na pati na rin ang leeg nya ay mapula na. "May food allergies ka ba?." isang tango lang ang ginawa. "Damn it! Bat di mo sinabi!?." may halong inis ang boses ko.

"Naku po! Hijo!." si Papa. Nagpapanic na rin. Mabuti nalang nagsalita si Ate Keonna sinabing maybe he has this fish allergy. Tilapia lang namanw yung kinain nya. Tapos. Yun na.

"May gamit ka bang dala hijo?." Mama spoke. Muli ay tumango sya. Tinuro nya ang labas at iniabot agad sakin ang kanyang susi. Kulang nalang liparin ko ang lugar ko hanggang sa kanyang kotse. Di pwedeng may mangyaring masama sa kanya. No way! Di pa man kami sobrang kilala ang isa't isa pero kilala ko na rin naman pangalan nya at totoong concern ako sa kanya. Lalo na at andito sya sa aming tahanan.

Hinalughog ko ang buong dashboard ng kanyang sasakyan. Kung di pa ako tinulungan ni ate Kendra na maghanap. Baka abutin pa ako ng bukas. Thanks to her.

"Bilis Karen!." Mama shouted this. Mabilis kinuha ni ate Keonna ang gamot sakin at agad ipinainom iyon kay Kian.

I was like. Gosh! Bat kumain sya kung alam nyang may fish allergy sya?. Anong iniisip nya para gawin iyon?. To impress me?. My family?. No way Kian! Risking your life just to impress us or anything more is not beneficial. Tignan mo tuloy nangyari sa'yo. Pinakaba mo ako!. Sobra pa sa todo!

Chương tiếp theo