webnovel

Making A Bet

Cedric's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aming classroom sa room 409 ay nadatnan kong nagkukwentuhan lang ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga silya, as if wala silang pakialam na kinabukasan na gaganapin ang exam.

"Ano'ng meron?" natanong ko rito kay Kylie as soon as nakaupo na ako sa aking assigned seat. Alam niyo na, nadatnan ko na namang tulog ang isa naming kaibigan sa'king tabi.

"Nagchat kasi si Mr. Cruz. Sabi niya hindi daw siya makakapunta rito due to an important meeting. Pero inabisuhan niya pa rin tayo na mag-aral para sa gaganapin na exam bukas." paliwanag naman niya.

Seeing my confused look, napataas ang isang kilay ni Kylie sa akin.

"Bakit? Hindi mo ba nakita ang kanyang message sa group chat natin?" natanong niya.

Napangisi lang ako sabay lungo ng aking ulo. "Hindi eh."

Hindi ko rin naman ugaling magtsek ng messenger ko eh. Wala naman akong ka-chat kaya hindi na ako masyadong nagsasayang ng aking oras doon.

Imbes na sayangin din ang oras ko gaya ng ginagawa ng mga kaklase ko rito, minabuti ko na lang na buklatin ang isa kong textbook at nagsimula nang magbasa. Hindi pa ako gaanong nakakapagsimula ng marinig ko ulit magsalita itong babaeng nasa harapan ko.

"Bakit nagsosolo kang mag-aral dyan? Pasali naman. Gisingin mo na rin 'yang si Mitch para makapag-aral tayo as a group." suhestyon niya. Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tumango.

Tumingin ako sa aking kanan at kinalabit ng ilang beses itong si Mitch. Sa pangpitong kalabit ko sa kanya eh buti naman at nagising na siya. Kinalaunan ay sinimulan na rin naming bumuo ng isang study group at nag-aral sa loob ng classroom.

"Oh? Tingnan niyo nga naman, nag-aaral ang estudyante mula sa pang-huling section."

Asar akong napaangat muli ng tingin. Unang bumungad sa akin ang nakakabadtrip na pagmumukha ni Warren habang nakatayo ito mula sa kanyang upuan sabay halukipkip ng kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib.

Dahil sa kanyang sinabi ay siyang ikinatawa naman ng ilan ko pang kaklase sabay tingin sa aking direksyon.

"Losers remain being losers, how much you try hard." ani no'ng maarte naming kaklase.

'Wala ka nang pag-asa brad." sabat naman no'ng isa sa mga kambal.

Pinilit kong dedmahin ang kanilang pinagsasabi at magconcentrate sa kanilang mga pinagsasabi. Pero ayaw akong tantanan ng mayabang na Warren na ito.

"Sasha's right. Losers remain being losers, how much you try hard." he said with a smirk.

Pinili ko pa ring manahimik pero napakuyom ako ng isa kong kamao. Napansin yata ito ng mga kaibigan ko kaya narinig kong sumigaw itong si Mitch.

"Ang sabihin niyo, tamad lang kayo mag-aral." bwelta nito.

"Yeah right. Baka nga maungusan pa kayo nitong si Cedric dahil sa sobrang katamaran niyo mag-aral. Mahina naman kayo kung gano'n." pagsali rin ni Kylie sa usapan.

I heard that Warren sneered. "Me, being defeated by that loser?"

Kita kong sinamaan ako ng tingin ng jerk na ito kaya hindi rin ako nagpatalo at sinamaan ko rin siya ng tingin pabalik.

"Himala kung maituturing kung matatalo ako ng hunghang na ito pagdating sa exam. You all know I've always got the upper hand." the jerk continued.

Saglit kong nakita na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng epal na ito no'ng magawa kong mag-smirk sa kanyang harapan.

"Talaga ba, Warren?" I asked in a mocking tone. "We'll see about that."

Napa-ooohhh naman ang mga nakikinig sa'min, dahilan para patahimikan sila ng mayabang na ito.

"So hinahamon mo ba ako, last section student?" Warren arched one eyebrow while piercing his eyes at me.

"If I got the highest score in our exam with Mr. Cruz, I need you to get your ass out of this section... since hindi ka naman talaga belong dito in the first place."

I saw Kylie gave me a worried look pero pinagsawalang-bahala ko ito at napatingin muli kay Warren.

"At kung magawa ko namang talunin ka, pakikiusapan kitang itigil mo na 'yang pagha-harian mo sa buong section na ito." I said with all the courage that I could muster.

"Then I guess we have a deal then." he said while smirking at me.

"You bet." I responded.

Walang nag-dare na sumabat dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ko at ng mayabang na kaklase naming 'to.

***

"You know, I admire your courage kanina Cedric, pero nasisiraan ka na yata ng bait para i-sacrifice mo 'yung posisyon mo bilang isang Alpha Student!"

Halos sigawan ako rito ni Kylie habang kasalukuyan kaming nagme-meryenda sa cafeteria ng Eastwood High. Hindi ko alam kung bakit pero nate-tempt akong tumawa.

And so I did. "Kylie, you worry too much."

The latter narrowed her eyes at me as her lips turned into a frown.

"How could I be? Nakipaghamunan ka lang naman sa nag-rank 1 sa over-all board no'ng nakaraang entrance exam. He even gave the speech during our orientation for acing the exam." paliwanag nito.

My eyes almost widened upon hearing that from her. No way...

What did I get myself into?

"Sobrang badtrip lang ako sa lalaking iyon kanina. That's all." I rolled my eyes habang naaalala ko pa rin ang umaapaw niyang kayabangan kanina.

"Fiine. Nabadtip na kung nabadtrip. Still, you should control your temper next time. I know Warren could be a jerk most of the time. Pero madali naman siyang dedmahin eh." pagpapatuloy pa rin ni Kylie. Hanggang kailan ba ako nito sesermonan.

I gave her a reassuring smile. "Everything's going to be fine. So don't worry too much, okay?"

"Onga Kylie, masyado kang nag-aalala diyan." sabat naman ni Mitch matapos niyang lunukin 'yung kinakain niyang lasagna. "Yakang-yaka 'yan ni Cedric."

"Hmm.. ayoko lang naman na umalis si Cedric sa Alpha Section nang dahil lang sa Warren na iyon eh." she responded.

Napabuntung-hininga naman ako. If ever nga na kailangan ko umalis sa section na ito, then so be it. Pero at least kailangan ko muna malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang estudyanteng nawawala sa yearbook sa taong 2000.

"I'll be fine guys." sabi ko. "Trust me."

***

Siguro nga baliw kung maituturing na ang kagaya kong nagmula sa last section ay nakipaghamunan sa pinaka-matalino, at pinaka-mayabang, na estudyante sa buong Eastwood High.

Kaya bago pa man ako tuluyang magpaalam sa Alpha Section, at least malaman ko ang totoo tungkol sa pagkawala ng mga estudyante sa yearbook.

With that thought, pagkatapos ng aming klase sa last period subject ay nagtungo na ako agad sa library at agad na hinanap muli iyong yearbook na nakita namin dati sa isa sa mga nakatagong shelf doon.

Pagkabuklat ko ng nasabing yearbook ay nakita ko na agad ang dalawang pinunit na pahina katabi lang ng litrato ni Mr. Cruz. Doon ko lang naalala ang mga pangalan ng dalawang estudyante na iyon.

Jay Abella at Mae Cortez.

Kung naalala kong mabuti, sabi dati ni Kylie ay kahawig ko raw ng mukha iyong si Jay Abella. That only means ay maaari kamag-anak ko rin siya na nagawang makapag-aral sa section na kinabibilangan ko ngayon.

Maaari ring malaki ang kaugnayan nila sa adviser namin ngayon na si Mr. Cruz...

Marahil kaya pilit na itinatago ng aming adviser sa amin ang katotohanan sa likod ng kanilang pagkawala ay dahil may kinalaman siya rito. Malakas ang hinala ko na sangkot siya sa kanilang kaso at nasa ilalim siya ng kanyang kinikilalang boss, na walang iba kundi ang aming school director na si Mr. Eric Salviejo.

Habang pilit ko pa ring inaalala ang mga pangyayari dati, biglang sumagi ulit sa aking isipan ang sinabi ni Kylie dati sa science lab...

"Si Ms. Reyes ang kumuha ng plastic envelope.."

Halos manlaki ang pareho kong mga mata ng may mapagtanto ako. Maaari kayang... nasa opisina pa rin ni Ms. Reyes ang naturang envelope?

Agad ko nang ibinalik ang hawak-hawak kong yearbook at nagmadali na akong pumanhik papunta sa ground floor at diretso sa opisina ni Ms. Reyes. Pero hindi ako diretsong pumasok roon, bagkus ay naupo ako sa kalapit na bench at nag-isip ng susunod kong hakbang.

Ang weird naman kung maituturing kung basta-basta na lang akong papasok sa kanyang opisina. I'm also even aware na naturang pasilidad ay binabantayan ng isa or dalawang CCTV camera. So there's no way for me to retrieve that envelope without getting caught.

Who knows what will happen to me next kapag nahuli pa akong pinapakialaman ang katotohanan ng eskwelahang ito...

"Are you thinking of doing something stupid?"

I suddenly snapped out of my thoughts at biglang napaangat ang aking tingin sa isang babae na nakatayo sa aking harapan. Soon enough, I was greeted by the nonchalant face of my classmate Elise.

"Elise, ano'ng ginagawa mo rito--"

"Just answer my question, dummy."

Her grayish round eyes sternly looked at me, and all I could even do is make a long, pronounced sigh. How did she even know where to find me in the first place?

"No." I answered in a flat tone.

"You're lying." she immediately responded.

Ay oo nga pala, there's no point in lying if she's around. Tsk, nakakabadtrip din pala ang powers na meron siya.

"Ano naman sa iyo kung oo?" tanong ko instead of directly answering her. Kung naaalala ko rin ng mabuti, she's the daughter of the director, so I better be careful with her as well.

"Wala naman. Pero ano naman ang mapapala mo riyan?" balik-tanong niya.

I decided to pause for a moment with her last statement. Oo nga naman, ano nga ba ang mapapala ko rito? Pareho ko namang hindi kilala ang dalawang estudyante sa yearbook na iyon, and yet here am I, nagpapakahirap mag-imbestiga.

Pero something tells me that this is the right thing to do... that I'll discover something big out of this. Para bang hindi na mabubuo ang pagkatao ko kahit na kailan kung hindi ko malalaman ang katotohanan sa pagkawala ng dalawang estudyante na iyon...

... na as if konektado sila sa akin.

"Katotohanan." saad ko sa kanya. "Katotohanan ang mapapala ko rito."

I noticed her shaking her head in disbelief before turning her back on me. Pero bago pa man siya tuluyang umalis, I saw her head glancing over her shoulder.

"You can't just defeat my father like that." she said, which made me pause.

"My father is always one step ahead than all of us. So you better be careful with your actions."

And just like that, bigla niya na akong iniwanan at nagtuluy-tuloy na sa paglalakad palayo sa akin. Ako naman rito ay naiwang nakatulala sa kawalan.

Her words back then started to echo in my mind...

"My father is always one step ahead than all of us..."

"...so you be careful with your actions."

---

{ PLEASE READ AUTHOR'S NOTE. THANKS :D ]

Another moment na naman nina Cedric at Elise ang nareveal sa chapter na ito. Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang kaklase sa sinabi nito?

We'll all soon find out as the story progresses. <3

Btw, pasensya na nga pala kung hindi ko na ito na-proofread. Pagod na rin kasi ako. Ieedit ko na lang if I feel better na. For now, pagpasensyahan nyo na muna mga mali-mali ko xD

And naapprove na pala contract ko para sa Witch Hunt. Yehhhhhheeeyyy! I'm so happy xD

Next chapter hint: Exam day in Eastwood High has finally arrived!

AteJanzcreators' thoughts
Chương tiếp theo