webnovel

Sweet Obsession - Chapter 1

Nadine was an orphan who had always lived in the shadows of gratitude until Teo noticed her. They fell in love but she was too insecure to show her feelings for the only man who owned her heart.

Nang agawin ng pinsan ang lalaking pinakamamahal, ipinaubaya ni Nadine ang kanyang pag-ibig. Hindi siya makapaniwalang tutoong umiibig sa isang tulad niya si Teo kaya nanatiling mas matimbang ang mapang-aping pamilya na kumupkop sa kanya.

Dahil sa kawalan ng tiwalang mayroong magmamahal sa kanya, nagawang ipagkanulo ni Nadine ang lalaking iibigin habang nabubuhay.

At dahil alam niyang walang kapatawaran ang kasalanan, nakahanda siyang tanggapin ang lahat ng parusang ipapataw ni Teo.

* * *

Punum-puno ang mga braso ni Nadine sa mga dalang kahon na pinamili ng pinsan na si Marissa.

"Dadalhin ko na ba ang mga ito sa kotse?" tanong niya bago lumiko patungo sa pintuan ng malaking department store.

"Sige, dalhin mo na ang mga 'yan. May bibilhin pa ako, e," utos ng dalagang ubod nang ganda at ubod nang sosyal, sa suot nitong mini-skirt with hanging blouse.

Nadine sighed before she swallowed her envy.

Gusto rin niyang magsuot ng mga sosyal at magagandang damit--kahit alam niyang babagay din ang mga iyon sa kanya.

Ngunit siya ay isang pobreng kamag-anak lang na pinalaki at pinaaral nang libre ng mga magulang ni Marissa, kapalit ng walang hanggan--at walang hangganang--pagsisilbi sa mga ito.

Siyam na taon na siya nang sabay na mamatay sa isang malagim na aksidente ang kanyang mga magulang kaya may isip na siya nang maulila.

Naaalala pa niya ang mariwasang buhay na bigla na lang nawala.

Kahit na hanggang ngayon, nagbabalik pa rin sa kanya ang nakaraan.

Lalo na kapag nasa ganitong sitwasyon siya.

Pinasama siya ng Papa ni Marissa sa pamimili ng damit. Binigyan din siya ng pera para makapamili din siya ng gusto niya.

Hindi para maging utusan at tagadala ng pinsan.

Bumuntonghininga uli siya upang mapalis ang paninikip ng lalamunan. Matagal na siyang manhid sa mga simple at tagong kalupitan ng kaedad na kamag-anak.

She understood her cousin's feelings. Nagseselos ito sa inaamot niyang pagmamahal-ama mula sa mabait na tiyuhin.

Palibhasa, nag-iisang anak, naging spoiled nang kaunti si Marissa.

Her own father had spoiled her, too. At kung hindi siguro siya naulila nang maaga--baka magkatulad lang sila ni Marissa.

"Well, hindi naman siguro," wika niya sa sarili. Hindi namalayan na napalakas na pala ang pagsasalita niya. "Mas sensible yata ang Papa ko!"

She was trying to cheer herself up from a morose mood.

"Hindi matutuwa si Mama kung nakikita ka niya ngayon, Nadine Mercado!" Patuloy siya sa panenermon sa sarili habang palapit sa lugar na pinagparadahan niya ng sasakyan.

Siya ang kasalukuyang substitute driver, na sana ay temporary position lang.

Nadispatsa kasi ang talagang family driver nung isang linggo. Dahil isinumbong ni Marissa sa ama na mahilig manantsing.

Pero ang tutoo, naging nobyo iyon ng pinsan. At nang lumipas na ang thrill ng sikretong relasyon, ginawaan na ng kung anu-anong kuwento ang pobreng tauhan para mapaalis.

"Tsk! Naughty, naughty Marissa!" Iiling-iling siya.

May narinig siyang ugong ng papalapit na sasakyan kaya luminga siya sa direksiyon niyon.

At dahil halos nakasilip na lang siya sa siwang ng mga kahon na pinagpatung-patong sa kanyang mga braso, hindi niya napansin agad ang makakasalubong.

"Look out!" warned a male voice to her but it was too late.

Parang bigla siyang bumangga sa pader.

Nagtalsikan ang mga dala niya. Mabuti na lang naka-plastic bag pa rin ang mga kahon.

Only a few of expensive shoes peeped out from their respective packages.

"Naku!" bulalas niya habang dali-daling lumuluhod sa semento upang pulutin ang mga kumalat na gamit-pambabae.

"Magagalit si Marissa!" paalala niya sa sarili.

Sa sobrang pangamba, ni hindi niya napagtuunan ng pansin ang nakabungguan niya.

"I'm sorry, miss," anang baritonong boses. "Kahit na ikaw ang nakabangga sa akin."

Napalinga siya sa lalaking nakatayo sa malapit sa kanya.

Namumulot na rin ito. Tinutulungan siya.

Saka lang niya naalala ang nawalang manners. "Ay, s-sorry pala, mamang ano," she apologized belatedly.

"It's alright," he said suavely. Yumuko ito para damputin ang pinagpatung-patong uli na mga kahon. "Nasaktan ka ba?" tanong nito. Tila sincere pa nga ang concern nito para sa kanya.

Napamaang si Nadine. Ngayon lang may nagtanong sa kanya nang gayon. "H-hindi," she replied self-consciously. "Uh, a-ako na ang bahala sa mga 'yan. Maraming salamat."

"Nasaan ang kotse mo?" Nagpauna na ito kaya walang nagawa si Nadine kundi ang ituro ang kinaroroonan ng lumang Toyota Corolla na kulay pula.

"P-pakipatong na lang ang mga 'yan sa hood," wika niya.

Tumalima ang lalaki. Pinanood siya sa pagbubukas ng pinto.

Nataranta tuloy ang mga daliri niya. Her usually deft fingers were clumsy now.

Ilang beses pa nga niyang muntik mabitiwan ang keychain.

"Let me," alok ng lalaki habang kinukuha ang mga susi sa kanya.

"H-huwag na," tanggi niya. "Maaabala ka nang husto," dugtong niya nang hindi mapigil ang lalaki.

Ngumiti sa kanya ito. It was a million-dollar smile.

And suddenly, her heart came into life to palpitate madly and merrily.

Nawalan ng kurap ang mga mata niyang nakatitig sa simpatikong mukha ng kaharap.

Isang diyoses mula sa Olympus ang kaharap niya ngayon! Ganitung-ganito ang hitsura ni Apollo!

Matangkad, matipuno at maginoo.

His hair was slightly curly and very short. His nose and high brows were aristocratic. His mesmerizing eyes and sensual lips were seductive.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng atraksiyon para sa isang lalaki.

Love at first sight na ba ito? tanong niya sa sarili.

Pinilit niyang kontrolin ang nadaramang kasiyahan.

Ngunit mahirap itago iyon lalo pa't kusa nang ngumingiti ang kanyang mga labi.

"S-salamat uli," she said breathlessly. "Pasensiya ka na sa akin. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko."

"May mali rin ako, kaya nagkabanggaan tayo. Este, ako nga pala si Teo Montes. Ikaw?"

"N-Nadine," she squeaked nervously. Kailangan pa niyang huminga ng isa pa bago niya naayos ang pagsasalita. "Nadine Mercado."

Tinanggap niya ang alok na pakikipagkamay nito.

Her work-roughened hand looked small and ludricuous when it came contact to his well-groomed one.

Iyon ang simbolo ng malaking pagkakaiba nila sa isa't isa.

Para siyang inihulog sa isang malalim na balon pabalik sa tunay na realidad.

She snatched back her befuddled mind from the land of daydreams.

Halos haklitin niya pabawi ang kamay matapos ang sandali at pahapyaw na pagkakamay.

"Nadine," ulit ni Teo Montes sa kanyang pangalan. "I like it. It suits you. Medyo suplada pero mabait."

He was flirting with her lightly. Idinadaan sa biro ang pagdiga sa kanya. Nakangiti ang bibig ngunit seryoso ang mga matang nakatitig sa kanya.

Para bang dinadaan din siya sa hipnotismo.

Nanikip ang lalamunan ni Nadine. Dali-dali siyang umiwas ng tingin.

"Er, nice meeting you, Mr. Montes," wika niya habang binubuksan ang pinto sa likuran. "Er, sige na. Okey na ako dito. Puwede mo na akong iwanan. Pasensiya ka na uli sa akin, ha?"

Natataranta siya habang isa-isang isinasalansan ang mga shopping boxes sa mahabang upuan sa likod ng sasakyan.

Ngunit tila walang balak na umalis ang lalaki.

"Hindi naman ako nagmamadali," wika pa nito. "I was just going to have a late lunch. Would you care to join me?"

Muli, inilahad na naman nito ang isang palad sa kanya.

She looked at it helplessly.

And even started to tremble when she realized that she wanted to go with him very badly.

She was being compelled to go with him...

Gustung-gusto niyang sumama sa lalaking ito. Kahit na ngayon lang niya ito nakita at nakilala.

Love at first sight na nga yata ito!

Halos pikit-mata niyang tinanggap ang imbitasyon.

She had convinced herself that Marissa would take a long time coming out from the department store.

Sasadyain nitong paghintayin siya nang matagal, katulad ng dating ginagawa.

"Uhm, s-sige. Why not?"

Sa tuwa marahil, o talagang istilo lang talaga--hinagkan ng lalaki ang likod ng kamay niya.

Diyos ko, hindi ba siya naiilang sa mga kalyo ko? bulalas niya sa sarili.

"Uh, t-teka, ikakandado ko lang ang pinto--" pagdadahilan niya para makakawala siya.

Hindi na siya binitiwan ng lalaki habang inila-lock ang pinto ng sasakyan.

Gusto sana niyang makahinga muna nang kaunting panahon. Ngunit wala na siyang pagkakataon.

She was perpetually breathless during those moments that she had spent with a stunning man.

And during the days that followed...

"You look ready to drop with exhaustion, Nadine. Sino ba ang kasama mong mag-shopping?" he observed when they were finally seated inside an expensive restaurant.

Na-distract siya sandali sa pagtingin sa kanyang sariling kasuotan. She was wearing inappropriate clothes, jeans and loose sweatshirt. But nobody seemed to notice.

"S-si Marissa," tugon niya. "Pinsan ko siya. Nagtatrabaho bilang modelo. At nitong huli, lumalabas na sa showbiz."

"Maganda rin siguro siyang katulad mo, ano?" he commented casually.

Nadine's cheeks blushed with the easy compliment.

Pero pinilit niyang maging kalmado. She concentrated on the topic. "Magandang-maganda si Marissa, Mr. Montes. Uh, bagay na bagay siguro kayong dalawa."

His eyes narrowed slightly. "I prefer to do my own chasing, Nadine. Marunong akong manligaw sa babaeng nagugustuhan ko."

She forced a stiff smile to her tensed lips. "I bet, napakarami mo na sigurong naging girlfriends?"

Nagkibit lang ng mga balikat ang lalaki. Hindi ito nagsalita dahil dumating na ang waiter.

"Good afternoon, sir. Tamang-tama ang dating n'yo. Ready na ang lunch na in-order n'yo by telephone," ang magalang na wika nito. "Ihahain na po ba namin?"

Tumango ang lalaki. "Yes, you do that, please. Divide everything into two servings. Okey?"

"Okey, sir. Wala na po ba kayong idadagdag?"

Nakangiti na naman ito nang muling bumaling sa kanya. "You'll like their steaks here, Nadine," pahayag nito. "Tender and juicy with crunchy green vegetables!"

Naumid ang dila ng dalaga. Gusto sana niyang sabihin sa kaharap na hindi pa siya nakakapunta sa ganitong klaseng lugar.

"O, bakit hindi ka na nagsalita diyan?" untag nito. "You're having second thoughts, aren't you? Nag-iisip ka na kung bakit ka sumama sa akin gayong ngayon lang tayo nagkakilala, ano?" pananalakab nito.

Tumango si Nadine. "M-marunong ka sigurong mag-magic," sambit niya. "Parang na-hipnotismo mo ako sa pagsama sa 'yo."

Tumawa ang lalaki. Masuyo at mahina lang pero nagbigay ng ibayong kilabot sa kanyang kabuuan.

She trembled when their eyes met and their souls meshed.

Naramdaman niya ang kakatwang init na nanuot sa bawa't himaymay ng kanyang katawan.

"Do I really hypnotize you, Nadine?" tanong ni Teo, paanas.

Wala nang kangiti-ngiti ang matiim na bibig. Seryosong-seryoso na ang ekspresyon ng mga matang nakatitig sa kanya.

"S-siguro," tugon niya, paanas din. "Hindi ako dapat sumama sa 'yo, dahil hindi kita kilala. Pero heto ako ngayon sa harapan mo."

Muli silang napatitig sa isa't isa. Sandaling naglaho ang mga tao sa paligid.

Maya-maya, ngumiti ang lalaki. Unti-unting naglaho ang tensiyon.

"You have a vivid imagination, Nadine," he chuckled softly. "You've a very interesting mind. I want to know you more."

Chương tiếp theo