webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 8 )

-----

" Babe ? May gagawin ka ba bukas?". Ang pagbasag ni Steve sa aming katahimikan habang tahimik na naglalakad kami pauwi ng boarding house.

Sabado kasi bukas. Kadalasan noon kapag sabado, nagkikita kita kami ng aking mga kaibigan sa plaza na malapit lang sa school. Buong hapon kaming maggagala. Kung minsan ay dederetso kaming national park at doon kami magtitipon tipon sa ilalim ng isang malaking ilaw sa dilaw na buwan dejk! Haha! Sa malaking puno kasi yun, dala ang pagkaing pinaghatihatian naming bilihin.

" Uhmmm.. dati meron! Pero ngayon? Wala.. bakit mo natanong?".

" Gusto mo ba?". Tanong nya.

" Anong gusto mo ba?? Ano na naman bang binabalak mo sa akin??". Ang aking tugon.

" I mean? Gusto mo bang mamasyal?". Pagtatama nya sabay kindat.

" Wag na!". Umiling ako. "Matutulog nalang ako maghapon! Sa dami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, kailangan kong magkaroon ng payapang tulog!". Saad ko.

" Babe? Bilang bestfriend mo gusto kong magbonding tayo..". Wika nya at umakbay pa talaga sa akin.

" B-babe? Bilang bestfriend mo swswswswsw!". Mahinang paggagaya ko sa kanya. " At sino naman may sabing magbestfriend na tayo?". Inis kong sabi sabay tapik sa kanyang braso.

" Diba sabi mo kanina magbestfriend na tayo?". Nakangiting tanong nya.

" H-ha? Haha! At naniwala ka naman?". Natatawa kong sagot.

" Ano ka ba babe? Wala nang bawian!!". Si Steve at mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag akbay sa akin.

" Aray ko tol!!!". Sigaw ko.

Tumawa lang sya. " Pumayag kana!..".

" Ayoko nga!!". Pagmamatigas ko.

" O edi sige! Si Kyla nalang ang isasama ko..". Tugon nya sabay piglas sa pagkakaakbay.

Nakita kong hinugot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at saka may dinial na numero. " Hello Kyla?". "Free ka tommorow?". " Nice! Nice! Maybe 9 am!". " Yeah? Sa mall nalang!..". " Ok thank you!". Yan lang mga narinig ko kay Steve. Di ko man narinig ang kausap nya sa kabilang linya, I'm sure na pumayag ito sa alok ni Steve.

Napaisip ako bigla. Transferee sya tapos may number sya ni Kyla? Napatingin ako sa kanya ng matulis. Tumingin din sya sa akin, kumindat at ngumisi pa nang nakakaloko.

" Gago ka ba tol o sadyang gago ka talaga??". Pagbulyaw ko. " Pano ka naman nagkaroon agad ng numero ni Kyla eh transferee ka lang tanga!". Dugtong ko pa.

Sa sobrang inis, agad akong tumalikod at derederetsong naglakad ng mabilis. Iniwan ko lang sya. Paglingon ko, nakangiti pa rin sya habang sinusundan lang ako ng tingin.

-----

Sa boarding house:

Tulog si Steve sa kanyang kama noong hapon na iyon. Ako naman ay nakahiga rin sa aking kama at nagbabasa lang ng komiks. Biglang nagring ang cellphone nya na nakapatong sa kanyang lamesa. Ginising ko naman si Steve sa pagkakatulog sa pamamagitan ng pagsigaw, pero wala epekto ang pagsigaw ko. Agad akong bumaba sa aking higaan at tinungo ang kanyang kama. Tinapik ko sya, pero wala rin. Sobrang tulog mantika si bugok. Yung cellphone nya madaming beses na rin nagring, baka may emergency sa kanila at kailangan na itong sagutin. Ako naman ay nacurious, pero wala naman akong karapatang galawin ang bagay na hindi naman sa akin. Makaisa pang beses na nagring ito ay hindi na ako nakapagpigil. Binging bingi na ang tenga ko sa pangit ng ringtone nya! Kanina pa din ako nawawala sa focus ng pagbabasa dahil sa tunog na naririnig ko, kaya bumaba ulit ako sa aking kama at tinungo ang cellphone na nakapatong sa kanyang lamesa. Agad ko itong dinampot at walang ano anong inihagis sa sahig, wasak ang cellphone. Joke!!. Syempre sinagot ko ang tawag tangek!.

Sa kabilang linya;

" Hello?".

" H-hello? A-ah eh s-sino ito? Tulog si Steve eh! Tawag ka nala..". Hindi ko na tapos ang pagsasalita nang sumabat agad ang nasa kabilang linya.

" Cha-chander???". Ang narinig ko sa kabilang linya.

Nagtaka ako. Di agad ako nakasagot. Napalingon ako sa natutulog na si Steve. Natulala ako.

Itutuloy....

Chương tiếp theo