webnovel

PART 10 Death Diary

ASH POV

Nanginginig kong binisita ang Profile ni Austine para malaman ang totoong nangyari. Matapang kong binasa ang huli niyang mga post. Nang makumpirma na mayroon nga siyang pag papahiwatig, tuluyan na nga nanlambot ang aking tuhod.

"Why?" Tanong ni Spencer nang mapakapit ako sa kaniya.

"Spencer." Hindi ko na kinaya pa ang mag salita. Nang makita niya ang aking pag iyak ay agad niya akong pinapasok sa kaniyang mustang.

"You can tell me.."

"Spencer! Wala na si Austine!" Sambit ko at tuluyan na nga akong napa hagulgol habang naka sahod ang aking palad sa mukha.

"W-what? What happened?" Utal niyang tanong habang hinahagod ang aking likod.

"I-I don't know?" Sagot habang binabalingan ng suntok ang aking hita.

"Spencer... please payagan mo 'kong umuwi sa probinsiya... pp-pangako hindi kita tatakasan..."

"Shhh... Natasha calm down! Sige ihahatid kita sa bahay para maka pag handa ka ng sarili. Kahit naman takbuhan mo 'ko, hahanapin kita. Mahahanap at mahahanap kita. When in fact Nahanap na kita..." Turan niya habang pinupunasan ang aking luha.

Habang pauwi pa lang kami ni Spencer sa kaniyang bahay ay patuloy pa rin ako sa pag kalap ng mga pictures ni Austine. Parang buhay na buhay pa rin siya...

Parang kailan lang magka usap pa kami. Parang kailan lang nung sinabi niyang miss niya na ako at si Papá? Parang kahapon lang nag react pa siya sa photo ko? Parang kailan lang nung nag comment siya sa post ng Papá?Sana kahapon na lang ang ngayon. Sana buhay pa rin siya.

"Natasha... sasamahan kita sa probinsiya! Okay?" Ani Spencer habang pisil ang aking kamay.

"Tapos? Anong iisipin ng Mamá? Na mag aasawa ako agad at iiwan ko siya? Nag iisip ka ba?!" Sigaw ko na agad kong binawi ng matauhan ako sa aking asal.

"Sorry. I'm just worried." Sagot niya habang diretsyo sa pag mamaneho.

"Sorry Spencer. Di ko sinasadyang sigawan ka..."

Mahinahon kong saad.

"Ayos lang ba kung ipahatid kita sa mga tao ko? Well a least hindi ako paranoid kung ano ang lagay mo?" Tanong niya na Sumulyap pa sa akin.

"Minsan two to three times kung  mag stop over ang bus... umaabot ng ten to twelve hours ang biyahe pero kung ipapahatid mo ko sa mga tao mo... mas mapapa bilis. Sige. Payag ako. "Sagot ko pilit na pinipigilan ang pag hikbi."

"Good. And Natasha? Puwede mong isama ang Mamá mo sa bahay natin. Walang problema..." Sambit niya saka ngumiti.

"Bahay natin? Bahay mo! No way! Ayokong ipakita sa Mamá na Nag papaka alila ako sa anak ng Isang Billionaire!"Sarkastiko kong sagot.

"Nang makapag impake ako ng sapat na damit ay mabilis naman akong bumaba. Naabutan ko si Spencer na nag sisilid ng pagkain sa paper bag."

"Natasha! Take this..."

"Spencer... thank you sa pag titiwala." Maluha-luha kong sabi habang kagat ang nangingiwi kong labi.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako na para bang katapusan na ng mundo.

"Three days... babalik ako. Promise. Aayusin ko lang ang pamilya ko. Babawiin ko si Papá..."  Saad ko bago siya talikuran.

"Natasha! Sigaw niya sabay abot sa akin ng credit card at ten thousand cash. Naka save ang number ko sa mobile mo..."

Thank you again. "Ngumiti ako at tumakbo palabas. Kasama ko ang dalawa niyang body guard at dalawang driver. Naiwan naman sa kaniya ang tatlo niyang tauhan."

Matapos akong ihatid ni Spencer sa puting van, Humalik pa muna siya sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako pakalmahin ng kaniyang halik. Hindi ko alam kung ano ba ang depinisyon ng halik para sa kaniya. At kung bakit ba kailangan niya pa yun gawin?

Makalipas ang walong oras, tinatahak na namin ang kahabaan ng Isabela. Hindi ko man lang nagawang umidlip at hindi rin ako nakaramdam ng gutom. Naisip kong tawagan si Spencer para ipaalam na malapit na kami.

"Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Nakaka pag taka lang dahil palagi niya naman hawak ang phone niya kahit pa pupunta siya sa banyo. Napapaisip tuloy ako kung ano ba ang pinag kaka abalahan niya sa mga oras na ito?"

Alas sais na ng umaga. Binuksan ko ang bintana upang langhapin ang sariwang hangin ng probinsya. Habang naka titig ako sa Photo ng kapatid ko... hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko. Kung siguro ay hindi ako umalis, baka hindi to mangyayari...

Kung siguro nanatili ako sa tabi niya at palagi siyang kinukumusta... kung sana pinaramdam ko sa kaniya na narito lang kami parati para sa kaniya. Kung sana lang hindi ko sila iniwan. Pinabayaan ko sila! Kasalanan ko!

No! Kasalanan 'to ng Papá at ng pamilya niya! "Sambit ko habang pinupunasan ang sariling luha."

Habang papalapit kami ng papalapit sa tinutuluyan naming bahay, pabigat ng pabigat ang aking dibdib. Pangalay ng pangalay ang aking balikat. Tila ba semento ang aking bawat hakbang sa bigat.

Si Ash na ba yan? "Usisa ng mga karatig-bahay"

Condolence Ash... "saad ng dati naming mga trabahador."

"Hindi ko inaasahan na kahit paano ay maayos naman pala ang lamay na daratnan ko..."

"Halos lahat ng tao rito ay mga estudyante, guro, dating manggagawa ng aming pamilya, mga tapat na kasambahay, at iilan sa aking mga kamag-aral sa kolehiyo."

Nakikiramay kami Ash. Nag tulungan kaming lahat para maging maayos ang lamay na ito..

"saad ng dati kong guro sa Global Reciprocal National High Scool. Kung saan kasalukuyang nag aral si Austine."

"Kahit paano pala ay may mabubuting tao ang nag malasakit sa Mamá habang wala ako. Salamat dahil pumayag ang chairman na ipagamit ang Multipurpose para sa aking kapatid."

"Nang sa wakas ay natanaw ko na ang dulo ng saradong kabaong ng aking kapatid. Huminga na ako ng maluwag. Naroon sa kaniyang tabi si Mamá. At nasa tabi naman ni Mamá si Ann at ang nanay ni Ann na dati naming manggagawa."

"Pero ang hindi ko inaasahan, ang taong naka upo sa harap ng kabaong ni Austine. Ang aming Padre de pamilya."

Ash.. "pag tawag ni Ann dahilan para lingunin ako ng Mamá."

Natasha... "lumuluhang pag tawag sa akin ni Mamá."

"Lumapit ako kay Ann at sa kaniyang ina. Niyakap ko sila at nag pasalamat. Matapos ay gumilid sila saka binaling ang aking atensiyon kay Mamá."

"Tumayo ang Papá at pumuwesto sa likod ng Mamá. Umakbay siya sa Mamá dahilan para manumbalik sa aking ala-ala ang post niya na kasama ang kasandra Surio sa turkey na kaakbayan niya."

"Matalim kong tinitigan ang pag akbay ni papa sa balikat ni Mamá. Gayon pa man hindi ko inaalis ang tingin kay Mamá. Sa edad na kuwarenta y kuwatro, parang dalawang dekada na agad ang tinanda niya. Napaka sakit. Ang bawat kulubot sa kaniyang mukha, ang malalim at maitim na mata, hindi ko na siya magawang makilala."

"Nauna ng yumakap sa akin ang Mamá. Kahit di ko sulyapan ang Papá ay kita ko sa aking peripheral vision ang pag punas niya ng luha habang naka yuko."

"Niyakap ko ang Mamá ng napaka higpit. Hinayaan kong pawiin niya ang sakit na aking nararamdaman. Knowing Mamá, hindi siya mag papakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. Kaya ibang usapan na kapag umiyak siya sa harap ko."

"Hindi man niya sabihin, nararamdaman ko yung sakit at bigat sa kaniyang dibdib."

"Nang kumalas siya sa pag yakap sa akin, humakbang ako sa ataol ni Austine."

"Naka pikit ako habang hinahawakan ang ibabaw ng kaniyang ataol. Kasunod nito ang malakas na pag ihip ng hangin sa aking direksiyon. Tila ba niyayakap ako ng hangin upang damayan ako sa aking pagdadalamhati."

Matapos niyang maipasa ang exam, nag paalam siyang mag babanyo... "kuwento ni Ann habang hinahagod ang aking likod."

Nang tumunog ang bell, hudyat na uwian na... May ilan pa na naka pansin sa kaniya na nakatayo sa rooftop ng school... "pag-papatuloy ni Chester na barkada ni Austine."

Hindi na namin pinansin kasi madalas naman talaga siya mag lagi sa rooftop. Nung minsan na akala nga namin mag papakamatay siya, mula sa ibaba tinawagan namin siya...

"Humarap ako kay Chester at pinakinggang mabuti ang kuwento niya."

Pero nagawa niya pa mag post ng "When the rock, hits the ground." Tapos non bumaba din siya.

Nabasa ko yan. Nasa gymnasium ako nung oras na yan... "saad ko habang naka uwang ang bibig."

"Sumulyap ako kay Austine habang nakikinig sa kuwento ni Chester."

At ito lang... nasa rooftop siya nung nag post siya ng profile pic niya against the light? Pansin ko na medyo iba na kinikilos niya. Nandon kasi ako nung nag selfie siya...

"When the dark covered the homeless heart" -caption

Condolence Ash. Tita Belinda, mauna na po kami.  "Pagpapa alam ni Chester."

Austine... "sambit ko."

Natasha? "Mahinang pag tawag ng Papá."

"Nananatili akong naka tingin sa kabaong ni Austine at hindi iniimik ang Papá."

Patawarin mo 'ko Ash... "garalgal na tinig niya."

"Pinunasan ko ang aking leeg na nabasa na ng luha. Nang hawakan niya ang aking braso na naka patong sa ibabaw ng kabaong ni Austine ay hinawi ko iyon ng buong lakas."

Natasha! "Mataas na himig ng Mamá."

Nag kamali ako. Nn-Natasha kausapin mo 'koー

"Hindi pa man siya tapos mag salita ng mag pasya akong pumunta sa tinutuluyan namin."

Natasha! 'Wag mo naman sana bastusin ang Ama mo! "Mariing sabi ng Mamá na naka hawak sa kaniyang dibdib."

That's why aalis ako. Kasi kapag pinag pilitan niya lang ang gusto niya na kausapin ko siya... Mas Lalo lang siyang mababastusan sa sasabihin ko... gusto kong irespeto ang lamay ng kapatid ko. Excuse.

"Walang gana kong sabi habang naka tingin sa pinto."

"Nang bumalik ako sa tinutuluyan namin sa babuyan, pansin ko ang mga naka impake na bagahe sa ibabaw ng papag. Nasa mesa naman nakapatong ang bag back ni Austine."

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tinatawag ako ng bag pack na itim. Parang may bulong sa aking isip na nag sasabing buksan ko iyon."

"Nang hawakan ko iyon ay agad kong binuhos ang nilalaman no'n sa ibabaw ng mesa. Isa-isa kong binuklat ang bawat note niya. Mukha naman active siya sa school dahil punong-puno ng sulat ang bawat pahina."

"Nang buklatin ko ang kaniyang Diary, Naisip ko na baka sakaling maka kuha ako ng eksaktong sagot kung bakit niya nagawang mag pakamatay."

July 6

Bad day ang araw na to para sa akin. Nalaman ko kasi na Bisexual pala si Jenny. Sayang ultimate crush ko pa naman siya.

July 10

Ang saya ko kasi malapit na ang birthday ko. Sabi ng Papá kukumbinsihin niya si Mamá na tumira kami sa Maynila. Sa Hacienda ng lolo Ismael. Can't wait!

July 22

Galit ako kay Papá. Nakakahiya dahil Nag nakaw siya. Nakaka awa ang Mamá. Narinig ko ang usapan nila ni Ate. Sinangla na pala ni Papá ang bahay sa bangko. Ayoko ng maging engineer. Kahit kailan hindi ko na sya tutularan. Hindi na.

July 24

Gabi na wala pa ang Mama. Napakamalas ng araw na ito. Pinalayas kami sa bahay. Dito kami tumutuloy sa babuyan. Walang kuryente at ang baho. Ilang araw ko na rin napapansin na malungkot ang ate. Alam kong nahihirapan na siya. Sana lang may magawa ako para pasayahin siya. Kung sarili ko nga hindi ko mapasaya, ibang tao pa ba?

July 25

Pagod na akong umiyak. Pagod na akong ipakita na malakas ako. Gusto ko ng sumuko. Nakakapagod huminga.

July 27

Ang saya ni Papá. Pero si Mama nasa ospital. Nakikipag laban sa sakit. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makita sila ng ate na nahihirapan...

August 5

Ang lungkot ko ngayon. Isang araw pa lang buhat ng lumuwas ang ate pa Maynila pero kinakain na ako ng lungkot. Mukhang tama si Ate. Babalik lang siguro ang Papá kapag nag hihingalo na siya. O di kaya kapag naubos na ulit ng babae niya ang pera niya.

August 10

Naka usap ko ang ate. Namiss ko talaga siya. Sana maayos ang lagay niya. Sana bago ako mawala... mahanap niya na yung Prince charming niya.

August 12

Hindi ako maka tulog. Iniisip ko pa rin yung post ng Papá. May ate pa pala ako. Mas matanda kay Ate Natasha... binura ni Papá yung comment ko siguro kinakahiya niya ako...

August 14

Happy birthday Self! Ang unfair ng Papá. Paano ba naman kasi... Yung promise niya na dadalhin kami ni Mama sa Maynila. Tinupad niya sa iba. Ngayong araw tutuparin ko yung pangako ko kay Mamá. Ipapasa ko ang exam. Ang huling pagsusulit ng buhay ko... Pag tapos nito tatahimik na ako. Ayoko na kasi ng ganitong pakiramdam. Sana kahit wala na ako matupad pa rin ng Ate ang pangarap niya. Ang makasama si Mamá sa Paris... Kahit wala na ako...

Austine! Bakit? Uhhhh!

"Matapos kong mabasa ang nilalaman ng kaniyang Diary, ngayon pa lang nag si sink-in sa utak ko na wala na talaga siya. Napaluhod na lamang ako habang yakap ang kaniyang diary."

"Bakit sa ganitong klase ng paraan niya pa naisip na saktan kami ng Mamá? Hindi lang naman siya ang dumaan sa lungkot... Kami rin naman ng Mamá! Ganon ba kalungkot at kasakit yung pinagdaraanan niya? Kung inaakala niya na hindi ko alam ang pinagdaraanan niya... nagkakamali siya! Dahil sa totoo lang maging ako nahihirapan sa biglaang pag bagsak namin. At sa pag talikod sa amin ng Papá!"

"At mas lalo lang akong nahihirapan ngayon dahil iniwan niya na kami. Napakasamang panaginip!"

Natasha... "Malumbay na pag tawag ng Mamá."

"Nananatili pa rin akong naka luhod. At yakap ang Diary. Naramdaman ko na lamang ang pag haplos ni Mamá sa aking likod. Kasunod nito ang palapit na yabag sa aming direksiyon."

Natasha? Babalik na tayo sa Maynila. Isasama tayo ng Papá mo sa...

Sa Impiyerno? "Medyo mataas na tono kong bigkas."

Natasha naman... "sita ng Mamá."

"Tumayo ako at hinarap ang ina."

Nabanggit niya na ba sa 'yo na doon niya pinatira ang Mahal niyang reyna at prinsesa? Uh? Mamá?

"Gigil kong bigkas."

Oo... nn-nabanggit niya na sa akin anak.  "Nag aalangan na usal ng Mamá."

Mamá? Ganiyan ka ba ka martyr? Wala ka na bang PRIDE?  "taas kilay kong tanong  habang naka pamewang."

Anak siya ng Papá mo. Kapatid mo siya Ash... "Mahinhin na saad ng Mamá habang pisil ang kaliwa kong kamay."

Anak lang siya ng Papá. Si Austine lang ang kapatid ko at wala ng iba!   "Usal ko na para bang hindi makapaniwala sa reaksiyon ng aking ina."

Natasha! "Buong-buo na tinig ng Papá matapos akong pihitin paharap sa kaniya."

Kapatid mo si Beatrixie. Anak ko siya sa ibang babae pero tatay niya pa rin ako...

Exactly! That's the point! Anak mo siya sa ibang babae. So how come na magiging kapatid ko siya? She's not even came from Mamá's owned flesh and blood right?  "Sigaw ko habang umiilig ang ulo."

Natasha, di ba ito naman ang gusto mo? Ang tumira sa Hacienda ng lolo Ismael? 

"Kita ko sa mga mata ni Mamá na di niya nais na biguin ko siya. Batid ko na sa kabila ng ginawa ng Papá ay nais niya pa rin itong makasama."

Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Uh? Papá?

"Tanong ko sa kaniya na yumakap sa Mamá."

Tinatapakan mo ang Pride ng Mamá! Hindi mo siya nirerespeto! Hindi lang kami ang kinakalaban mo dito! Pati ang Dios!  "Usal ko na tumuro pa sa langit."

Natasha! Bea and kasandra needed me too! They're also part of my life hija...

And what the hell makes you think that they needed you the most so that you can easily turned your back on us? You betrayed your wife! You betrayed us! "Sigaw ko dahilan para lalong umiyak ang Papá."

And what did you just say? They're also part of your life? Or you mean source of life?

"Saad ko sa mahinang boses na para bang wala na akong lakas."

I'm still your father Ash! "Matigas niyang sambit habang naka duro sa sarili."

JUST, a father! But we don't have father and daughter relationship since you have left. Of All my life, I always obey you! Adore you! Just to earned love and care...

"sambit ko na para bang naiipit ang boses na sinasabayan ng pag tangis."

I bet, Ubos na yung pera mo kakahuthot ng mag-ina mo!

"Usal ko habang naka duro sa kaniyang mukha."

"Nanlaki ang mata ng Papá dahil sa inasal ko. Nanlilisik iyon na tumitig sa akin. Mukhang sobra siyang nasaktan para sa kaniyang reyna at prinsesa dahil sa sinabi ko."

Natasha! Binabalaan kita! Ama mo ang kausap mo! "Matapang na saad ni Mamá na pumagitan sa amin ng Papá."

Ngayong hapon din... ipapa cremate na siya agad. Matapos 'yon, Sabay-sabay tayong uuwi ng Maynila.

"Sabat ng Papá."

"Matapos nilang mag salita ay tumalikod na sila at nag pasya na lumabas. Habang ako naman nahiga sa papag. Nililipad ang isip.Tulala."

"Napa-iling na lang ako nang mapag isip-isip ko na hindi man lang ako nakaramdam ng pag sisisi sa mga nasabi ko. Nakakadismaya lang dahil ramdam ko na nasa panig niya ang mama."

"Hindi pa tapos ang laban. Austine. Mag sisimula pa lang. Pag balik ko sa Maynila, sisiguraduhin kong may kalalagyan ang mga salot na sumira sa buhay natin ng Mamá! Pangako."

Chương tiếp theo