webnovel

Attry. Lee Seon Jie

Matapos ang nangyari sa kanilang mag kapatid ay nagawa parin naman ni attry. Lee ang pumasok sa kanyang opisina.. Masakit ang ulo at hindi makapg isip ng maayos dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni David Lee. Marahil ay nag iisip ito kung ano na ngayon ang kanyang gagaawin ngayong alam na nila pareho na ang dugong nananalaytay sa kanilang dalawa ay iisa. Habang nag iisip si attry. Lee kung ano ang gagawin ay biglang tumunog ang kanyang telepono na nakalagay sa bulsang kanyang bag. Nakita niya na ang tumatawag sa kanyang telepono ay ang taong siyang naging dahilan ng pag kakahiwalay nilang dalawang mag kapatid.

Hmmm.... ano naman kaya ang kailangan niya? '' bulong niya sa kanyang sarili habang papalabas ng kanyang opisina''

Kinuha niya ang kanyang telepono at saka sinagot ang tawag na nanggagaling sa kabilang linya.

=============================================

PHONE CONVERSATION

Hello, '' bati niya sa kanyang kausap''

Ano nang plano mo? '' ang tanong sa kanya ng nasa kabilang linya na si dr. Lee''

So!, ikaw pala ang dahilan kung bakit kami nag kita at kung bakit niya nalaman ang katotohanan,''sagot nito''

Ako nga, bakit ko pa patatagalin kung doon din naman kayo papunta hindi ba? '' tanong ni dr. Lee sa kanya''

Pero hindi mo dapat ako pinangunahan. '' sagot nito sa kausap''

So ano nang plano mo? '' tanong sa kanya ni dr. Lee''

Pinangunahan mo na din lamang, ako na kaya ang lumapit sa kanya at ayusin ko ang gulong ginawa mo, tutal matagal din naman kaming nag kahiwalay na dalawa diba?, bkit kaya hindi nalang mag kaayos kaming dalawa..'' sagot niya na may halong pang aasar kay dr. Lee''

''Nag taas ng kilay si dr.Lee sa sagot sa kanya ni attry. Lee at....'' Bakit nga kaya hindi mo subukan! '' hamon nito sa binata na kanyang kausap'' pero alam ko namang gagawin mo iyon kaya inunahan na kita, ''sagot nito sa binata''

Anong ibig mong sabihin?? '' tanong sa kanya ni attry. Lee''

Sa pag lalakad ni attry. Lee ay napahinto ito sa kanyang nakita.. Nakita niya ang isang lalaki na nakasoot ng jacket na may hood at nakaitim ito, naka facemask ang lalaki kaya hindi niya nakita kung sino at ano ang itsura nito.. Mabilis na pinatay ni attry. Lee ang kanyang telepono at isinilid sa kanyang bulsa, naisip niya agad ang sinabi sa kanya ni dr. Lee kaaya agad itong pumasok sa elevator na kaagad naman ay nag bukas na kung iisipin mo ay sinadya ng pag kakataon para siya ay maligtas. Ngunit sadyang mapag biro ang tadhana dahil naabutan siya ng lalaki at agad siyang hinawakan sa damit at hinila palabas ng elevator kya naman si attry. Lee ay natumba palabas ng elevator. Agad namang nakatayo ang binata at nakabawi sa kanyang pag kakatumba.. Nag palitan ng suntok ang dalawa kaya naman talagang nag kagulo ang dalawa sa parking lot ng kanyang opisina. May kaunting kaalaman naman si dr. Lee sa pakikipag laban at may kaunting alam pag dating sa takewando dahil nga sa naging tao siya ni Dr. Lee. Dahil sa nadedehado na ang lalaki ay nag labas ito ng patalim para itarak sa katawan ng attry.

SAMANTAL..

Bago paman mangyari ang krimen ay nakatawag na agad ng palihim si attry. Lee sa kanyang kapatid. Naisip kasi niya na siya na ang tawagan dahil sa ang taong inakala niya ay mapag kakatiwalaan ay siya rin palang sisira sa kanyang kinabukasan.

Dahil sa dehado nga ang lalaki ay nag labas ito ng patalim galing sa kanyang likuran, pagod na ang attry. kaya naman wala na siyang lakas para labanan pa ang lalaking nanghihimok sa kanya.. nakalupasay na sa sahig ang attry. kaya naman nag karoon ng pag kakataon ang lalaki na sugurin ito at saksakin ng patalim ang attry. sa kanyang tiyan na siya namang agad na ikinatumba ng binata. Uulitin pa sana niya ang pag saksak sa attry. ng dumating na si David Lee para saklolohan ang kanyang kapatid na may tama sa tiyan at hinang hina na sa dami ng dugongnawala sa kanyang katawan dahilan nga ng pag kakasaksak nito. Dahil sa madami pang lakas si David Lee ay walang nagawa ang lalaki ng matumba ito sa sahig., umalis na ang lalaki dahil sa akala niyang napuruhan niya si attry. at alam din niyang wala itong laban sa kapatid nito. Naiwan ang mag kapatid sa isang sulok at nag iiyak sa lungkot si David dahil sa nangyari sa kanyang kapatid. Tumawag agad ito ng ambulansiya para saklolohan ang kapatid niyang may tama ng saksak at wala nang malay.

=============================================

Sa Kabilang banda, nalaman agad ni Cha Jin Ho ang nangyari sa kapatid ni David kaya naman nag punta ito sa ospital at damayan si David Lee sa problemang kina kaharap nito. Pag dating niya sa ospital ay nag tungo agad ito sa information at nag tanong kung saan ang kwarto ni attry. Lee. Agad naman na sumagot ang nurse sa information at kaagad na naituro kung saan ang nasabing kwarto ng binata. Doon ay natagpuan niya ang kwarto at nakita niya si David na nakatanaw sa bintanana ng ospital at nag iisip kung bakit ganoon na lamang ang nanyari sa kanilang dalawang mag kapatid.

Kumusta kana? ''tanong ng dalaga kay David''

''Lumingon kaagad si David sa pinanggalingan ng boses at doon nakita niya na si Cha JIn Ho pala'' oh ikaw pala, ayos lang naman ako.

Mabuti naman kung ganon.. mag pahinga kana at ako na muna ang mag babantay sa kanya. Alam kong pagod kana dahil sa nangyare. ''alok ng babae sa kanya''

Hindi na salamat nalang.. matagal kaming nag kahiwalay na mag kapatid kaya ako na mag babantay sa kanya.. sa ganitong paraan lamang ako makakabawi sa kanya sa haba ng panahong nag kawalay kaming dalawa, Alam kong kailangan niya ngayon ng kalinga ng isang pamilya kaya kahit na pagod ako,gagawin ko ito para sa kanya. ''ang mahabang paliwanag niya sa dalaga.

Sige naiintindihan ko, '' ang tugon sa kanya ni Cha Jin Ho''.

May nais sana akong ipakisuyo sa iyo?, '' pakiusap niya sa dalaga''

Ano ba iyon sabihin mo at gagawin ko sa abot ng aking makakaya. ''tugon ng dalaga kay David''

Nais ko sanang imbistigahan mo ang kaso ng kapatid ko, alam mo naman na hindi ako pwedeng mag imbistiga sa kanya dahil kapatid ko siya.. at isa kailangan ko siyang bantayan dito lalot alam kong buhay pa ang may gawa nito sa kanya.'' paliwang niya sa dalaga.''

''Bumuntong hininga muna si Cha Jin Ho bago ito nag salita at sabihin ang kanyang sagot sa binatang nag tatanong'', David Lee, alam mong kaya kong gawin ang hinihiling mong iyan, pero handa kaba sa resultang laalabas kapag natapos ang imbistigasyon?'' paliwag pa nito''

Alam ko, pero kailangan ko itong gawin para din sa ikakabuti niya..'' paliwanag ni david sa dalaga''

Alam mo naman na pareho nating alam na may kaugnayan ang kapatid mo sa kaso 20 yrs ago dahil sa taong nag palaki sa kanya.

Alam ko yon, kaya gusto kong imbistigahan mo para malaman ko kung may kinalaman talaga sa nangyayari ngayon.''paliwanag ni David sa kanya''

Sige, kung ganon.alis na ako.'''' tugon muli ng dalaga sa kanya''

Sige, mag ingat ka! '' balik tugon sa kanya ni David Lee.''

Pag kalabas ni Cha Jin Ho ospital ay agad itong nag tungo sa kanilang opisina para simulan ang pinakikisuyo sa kanya ni David.

Mabilis lang na lumipas ang mag hapon at dilim na ang kapaligiran, Nakasubsob ang ulo ni David sa kamang hinihigaan ng kanyang kapatid dahil siya ang nag babantay dito. Wala siyang malay na ang attry. na binabantayan niya ay unti unti na palang nag kakamalay. Gising na ang diwa ng binata kaya naman malinay na nakita niya na ang taong nag babantay sa kanya ay ang kanyang kapatid. Nakatingin ito at nagingilid ang luha dahil sa ngiting dala ng kanyang mga labi at inaabot ng kamay ang ulo ng kapatid para hawakan ito ng sa ganong paraan ay makapag pasalamat siya sa ginawa nitong pag tulong sa kanya. Nang malapit na niyang maabot ang ulo ng kanyang kapatid ay, gumalaw ito kaya hindi niya ito naituloy. Bumalikwas agad ito ng ingin at itinutok ang mata sa bintana na nasisinagan ng ilaw galing mula sa labas.

Ohh, gising kana pala?'' ang natutuwang tanong sa kanya ng kanyang kapatid'' kamusta ang pakiramdam mo?? ''muli nitong tanong sa kanya sabay pindot sa isang switch na nakalagay sa may tagilirang ulunan ng kanyang kapatid.''

Mabuti naman na ang pakiramdam ko'' tugon nito''

Sa muling pag uusap ng dalawa ay pumasok ang doktor ni attry. para muli siyang i check up para masigurado kung ok na ang kalagayan nito. Muli sinabi ng doktor na walang nang problema sa katawan nito at mga maka ilang araw lang ay makalalabas na ito ng ospital para sa bahay nalang ipag patuloy ang pag papahinga.

Chương tiếp theo