Matapos umuwi ng bahay ng mag ama ay nag tungo agad sila sa isang sikretong kwarto ng bahay,,..
''papa, san po kayo naggaling ni kuya..'' ang tanong ni Min Joon sa ama..
Hindi pinansin ng ama si Min Joon kundi ang nasabi lang nito ayy,,
''mamaya nalang tayo anak mag usap'' ang sabi nito sa anak ng nag mamadaali na nag tungo sa sikretong kwarto.
Naiwan si Min Joon sa sala habang hawak ang laruan na regalo ng kanyang ama. Napaisip ang bata kung bakit nag mamadali ang ama at kung bakit ksama niya ang kanyang kuya.. Dahil sa bata palang noon si Min Joon ay hindi niya pinansin ang ama. ugali na kase niya ang mag laro sa sala kasama ang kanyang kuya.. ngunit ng mga oras na iyon ay hindi niya kasama ito..
Lumipas pa ang ilang araw na hindi lumalabas ng kwarto si hyung joon na siya naman g kinalulungkot na ng kapatid. Nag tanong muli ang anak na si Hyung Joon ng makita niyang muli ang ama ng lumabas ng Kwarto.
''papa, nasan po si kuya'' ang tanong ng anak sa ama..
''anak, medyo matatagalan pa si kuya na makipag laro sayo ha.. intay intay lang mga ilang araw pa'' ang pakiusap ng ama sa anak..
Mabait na bata si MinJoon at maintindihin kaya naman mabilis siyang napapayag ng kanyang ama. Ilang araw pa ang lumipas at nanatili parin si Hyung Joon sa loob ng sikretong kwarto.
''anak, gusto mo bang mag aral abroad.. doon nalang kita pag aaralin.. gusto mo ba?'' tanong ng ama sa anak..
''papa bakit po? paano po si Min Joon, kawawa naman po si Min Joon pag iniwan ko.. mawawalan po siya ng kalaro saka ayaw ko parin iwan nalang ng ganon ang kapatid ko..'' ang sagot ng anak sa ama..
''pero anak, mas maganda kung doon kana mag aaral.. matalino ka anak..''ang tugon uli ng ama sa anak..
'' papa bakit ba gusto mo akong mawalay sa inyo papa'' sigaw ng anak sa ama na may nangingilid na luha..'' dahil halimaw ako sa paningin niyo at hindi magiging maganda kung makakasama ko si Min Joon..'' sigaw na dugtong nito sa ama...
Nagulat ang ama sa ginawa ng anak sa kanya, sinigawan siya nito ng di niya inaasahan.. nag tatakbo ang bata sa isang sulok ng kwarto at doon nag simulang umiyak ng umiyak. Walang nagawa ang ama kundi ang lumabas nalang ng kwarto. Pag labas niya ng kwarto ay iretsyo niyang binisita si Min Joon sa kanyang kwarto at nakita niya itong tulog na tulog. Hiaan niya lang ito at nag tungo sa sala. Nagulat siya ng makita niya aang isang taong nakaupo sa kanilang sala. SI KIEPER.
/....PAANO NAKATAKAS SI KIEPER? abangan....
Papalapit ang dalawang pulis sa kwartong kulungan ni Kieper para ipaalam na kailangan na niyang ilipat sa detension center para doon na siya mamaalagi sa pag kakakulong, ngangisi ang dalawang pulis ng pumasok.. Hindi nila alam na iyun na pala ang katapusan ng isa sa kanilang dalawa..
''bakit andito kayong dalawa, anong kailangan niyo?'' ngising tanong ni Kieper sa dalawang pulis na kakapasok lng ng kulungan.
''tumayo ka diyan aalis kana, ililipat kana sa ditension center'' ang sagot ng dalawang pulis sa kanya.
''ahhh!! talaga ba?'' sagot na nakakalokong tanong sa dalawang pulis..
''ha!! talagang nakukuha mo pang tumawaa ha!'' sagot ng pulis sa kanya!
''bakit hindi, kung ito naman na ang katpusan ko.. katapusan nating dalawa! '' sagot niya sa mga pulis.
Napalitan ng takot at kaba ang dalawang pulis ng sabihin ni Kieper ang ganoong salita halos hindi makapag salita ang dalawa ng titigan sila ni Kieper ng masama habaang nakangiti ito sa kanila.
''anong sinabi mo?''tanong ni Yugin Ho, ang isa sa mga pulis.
''wala ka talagang idea kung ano ang gagawin ko,'' sagot ni Kieper sa pulis na nagtanong..
Mataapos ang kanilang usapan ay inilabas ni Kieper ang isang basag na bubog galing sa kanyang bulsa, ikinagulat iyon ng dalawang pulis.. iginuhit ni Kieper ng baahagya ang basag na bubog sa kanyang leeg na nagtamo ng gasgas at kaunting pag kakadugo nito.. Natakot at dalawang pulis sa ginawa ni Kieper sa sarili, nag kunwari itong walang malay at nilapitan siya ng dalawang pulis para kunan pulso sa leeg.. Nagulat ang dalawa ng hawakan nila ang leeg nito at naalaman nilang wala na itong pulso.. isa sa mga katangian ni Kieper.. Agad na tumawag ng ambulansiya ang mga puis na nasa loob ng kulungan ni Kieper para saklolohan ang binata.. Agad naman na nakarating ang ambulansiya at isinugod agad ang binata sa malapit na ospital. Habang nasa kasagsagan ng byahe ang ambulansiya ay nagulat ang pulis na nakasakay ng ambulansiya si Yugin Ho, Si Yugin Ho ang naatasan na sumama sa ambulansiya para ihatid sa ospital ang sugatang si Kieper.
''ha!! gulat nitong reaksyon ng makita na ngumisi si Kieper at nakatingin ito sa kanya.
''ohh! bakit nagulat ka?'' ngising tanong ng binata sa kanya?
Napatingin nalang ang pulis sa kasama nitong doktor pero lalo siyang nagulat ng malaman niyang kasagwat pala ito ni Kieper para maakatakas sa kulungan.
---------------------------------------------------------------
''anong ginagawa mo dito?'' ang tanong ni Yeong Joon sa kanya..
''ang bilis mo namang nakalimot, diba may usapan kami ni Hyung Joon na mag kikita kami, kaya andito ako para sa kanya'' ang sagot ng binata sa ama ni Hyung Joon.
''HINDI, hindi mo na siya makikita, nasa abroad na siya..'' pag sisinungaling ni Yeong joon kay Kieper.
Pag katapos sabihin ni Yeong Joon ang salitang iyon ay dahan dahan itong tumalikod at nakaharap na ngayon ito sa lababo na nalalagyan ng sari saring kutsilyo.
Walang alam ang anak na si Hyung Joon at Min Joon na ang kanilang ama ay nasa bingit ng kamatayan..
Bigla nalang nag kagulo ang dalawa ni Yeong Joon at Kieper ng pag agawan nila ang kutsilyong hawak ni Yeong Joon.. uunahan na niya ang binata bago pa aman mapunta sa kanya ang anak nito.. Dahil sa lakas ng pag kakalabugan ay dinig sa dalawang kwarto ng bata ang pag kakagulo ng dalawa. Habang nag kakagulo sa labas ay kumakatok mula sa loob si Hyung Joon at tinatawag ang pangalan ng ama. Dahil sa malaya namang nakakalabas si Min joon ay pinuntahan nito ang pinanggagalingan ng ingay.. Nakita niya ang ama na nakikipag babag sa hindi kilalang tao.
''ha! sino siya..'' ang tanong ng bata sa sarili.''may gustong pumatay sa amin..'' ang tugun uli niya sa kanyang sarili..
Dahil sa takot ng bata ay nagtungo ito sa kanyang bintana.. dahil mababa ang bintana ay agad siyang nakatakbo sa labas at nag tago sa loob ng isang nakaparadang kotse.
Nang matapos ang nag kakagulo sa labas ng kwarto ni Hyung JOon ay biglang bumukas ang naka lock na pinto kaya nakalabas ang bata sa kanyang silid. Nagulat ito ng makita niya ang kanyang ama na nakahandusay sa sahig at duguan dala ng pag kakasaksak ng kusilyo mula sa kamay ni Kieper.. Wala na itong buhay kaya ang tanging nagawa nalang ni Hyung Joon ay hanapin ang kapatid at tumakas..
Naunang lumabas ng bahay si Kieper kaya hindi niya napansin ang pag labas ni Hyung Joon sa kwarto.. Sumakay ng kotse si Kieper at agad na binuhay ang makina ng kotse. Nang mabuhay ang makina ng Kotse ay lumitaw muli si Min Joon dahil sa gulat nito..
''aalis na po kayo?,'' tanong ni Min Joon kay Kieper..
nagulat si Kieper dahil sa batang nagtanong sa kanya..''ohh anong ginagawa mo dito?'' tanong niya..'' ahh ikaw siguro si MinJoon.. lagi kang ikinikwento sa akin ng kapatid mo si Hyung JOon. '' muling sagot niya sa bata..
''saglit lang, bababa na po ako..'' ang sagoy ng bata kay Kieper..
Ngunit ini lock ni Kieper ang pinto ng kotse agad na umalis.. Nakita ito ni Hyung Joon na nakasakay saa kotse habang papalayo sa kanya.. Habang sinusundan niya ng takbo ang kapatid ay sinisigaw niya ang pangalan ni Min Joon.. sa pag sigaw sigaw nito habang tumatakbo ay natalisod siya ng isang malaking bato na siyang nag pabagsak sa kanya at nadapa ito.. sa pag kakabagsak ni Hyung Joon ay humataw ang ulo niya sa sahig kaya nawalan ito ng malay, hang ang kanyang kapatid naman ay natangay ni Kieper at tuluyan na silang nag kahiwalay.