webnovel

Ako Na Ang Bahala Dito!

Ito ang isa sekreto ni Nanay Eda na walang nakakaalam. Maging si Jorge ay hindi rin ito alam.

Kaya naman walang tao na naliligaw dito sa malapit dahil binabantayan ito ni Dalig.

Hindi nya lang ginagalaw sila Jorge, Khim at Karla dahil ito ang utos ni Nanay Eda sa kanya.

Pero ngayon mukhang may go signal na sya na galawin ang batang bubwit. Lagi pa naman nya itong natatanaw na mag isa. Natakam tuloy si Dalig.

'Bukasss makakatikim na ko ng bubwit! Hisss!'

"Hehehe! Mukhang masaya ka ah! Tunaw na ba ang nahuli mo nung isang linggo?"

Tanong ni Nanay Eda sa alaga.

Tumango lang ang sawa.

Ang tinutukoy nya ay ang isa sa mga inutusan ni Joel na hanapin sila Khim at Karla. Si Martin.

Nagbakasakli lang naman itong si Martin na baka napadpad dito ang dalawa kaya sinubukan nyang magimbestiga pero dipa sya nakakalapit ay sinagpang na sya ni Dalig.

Wala tuloy nakakaalam ano nangyari sa kanya dahil bigla silang nawalan ng komunikasyon kay Martin.

***

Samantala.

Mas minabuti ni Edmund na sumugod ng madilim para hindi mabulabog ang dadatnan nila. Kinakabahan sya dahil hindi nya alam ang dadatnan.

Kaya sa kalagitnaan ng gabi ay isa isang nagbabaan ang team nya, kasama ang team ni Joel at mga sundalo. Tahimik ang kilos nila pero mabilis.

Ngunit ganunpaman naramdaman ito agad ni Dalig at naalarma sya.

Wala na nuon si Nanay Eda at nakauwi na kaya hindi nito nakita ang pagkabalisa ni Dalig sa paparating na panganib sa kanya at sa pinakamamahal nyang amo.

'Papalapit na ssila at madami sssilaaaa! Hisss!'

Natataranta na ang sawa kaya naisip nitong magtungo na lang sa bahay ni Nanay Eda para iligtas ito at ilayo ang amo sa padating na panganib.

Mahimbing silang lahat na natutulog ng maalimpungatan si Khim sa nadinig na kaluskos sa labas.

"Ano ba yun?"

Tumayo ito at dumungaw sa bintana.

"WAAAAAH! Ahas! Ahas! Ahas!"

Takot na tili nito ng makita ang malaking sawa na nakatingin sa kanya.

Nagising tuloy ang lahat.

Agad na bumangon si Jorge at kinuha ang itak at nilusob si Dalig sa labas.

"Huwag! Huwag mo syang sasaktan!"

Sigaw ni Nanay Eda kay Jorge.

Humarang pa ito sa pagitan ni Jorge at ng ahas.

Nagulat si Jorge at nawala ito sa focus, nagkaron tuloy si Dalig ng pagkakataon na masalig ito na ikina out balance nya.

Lulusob na sana si Dalig para sagpangin si Jorge pero ...

"Huwag! Huwag mo syang gagalawin!"

Suway ni Nanay Eda sa alagang sawa.

Nagulat sila Jorge, Khim at Karla ng kausapin ni Nanay Eda ang sawa at sundin sya nito.

'Alaga nya yung ahas?'

"Hindi sya ang sinabi ko sayo!"

Sabay tingin ni Nanay Eda sa direksyon nila Khim at Karla na naiwan sa loob ng kubo at nakadungaw sa bintana.

Hindi alam ni Nanay Eda kung bakit nagtungo si Dalig sa bahay nya, pero alam nyang ang magpapatigil lang dito ay kung magkakalaman ang sikmura nito kaya tumingin sya sa direksyon kung saan naroon si Karla.

Nangining sa takot ang magtyahin.

Agad naman naintindihan ni Jorge ang ibig sabihin ni Nanay Eda kaya napatayo ito at pumasok ng bahay para saklolohan sila Khim at Karla.

Unti unting lumapit si Dalig sa kanila pero napabalikwas ito ng may maramdaman na papalapit.

'Hindi maari ito, papalapit na sssila! Hisss!'

'Pero sssapat na orasss na ito para kainin sssi bubwit at iligtasss sssi Nanay Eda! Hisss!'

Nag focus sya sa paglusob kay Karla pero hinadlangan sya ni Jorge. Hindi sya makakapayag na maka lapit itong sawa na ito kay Khim at Karla.

'Lintek na ito, tumabi ka! Hisss!'

Pero hindi tumabi si Jorge at patuloy syang nilalabanan gamit ang itak at kahoy na hawak.

'Haaay kainis! Hisss!'

Tinabig ng sawa si Jorge ng malakas palayo.

"Waaaaaah!"

"WAAAAAH!!!"

Magkasabay na iyak ni Khim at Karla.

Palapit ng palapit si Dalig kila Khim at Karla na mahigpit ang akap sa isa't isa.

Tiningnan ni Dalig si Khim, nagaalinlangan.

'Pano 'to sssi bubwit lang ang inutosss sssa kin ni Nanay Eda? Hisss!'

Napansin ni Nanay Eda ang pagaalinlangan ni Dalig.

"Dalig huwag ka ng magpa tumpik tumpik dyan! Kung ayaw nila maghiwalay pagsabayin mo na!"

Sigaw ni Nanay Eda.

Natuwa si Dalig.

"WAAAAAAAAH"

Madidinig ang sabay na iyak ng dalawa.

Agad na nagsusumiksik sa pinaka sulok sila Khim at Karla, sinusubukan na umiwas kay Dalig.

Itinaas na ni Dalig ang ulo nito, handa na itong sagpangin ang magtyahin ng buo pero ....

Tsaak!

Hindi nya namalayan na sinaksak na pala sya ni Jorge.

Nagpapalag si Dalig sa sakit ng saksak ng itak na nakatusok sa katawan nya.

"DALIIIG!"

Sigaw ni Nnaay Eda.

"TARA NA!!!"

Sabay hawak ni Jorge sa magtyahin na nanginginig pa rin sa takot at mabilis nya itong inilayo.

Pilit na kinuha ni Nanay Eda ang itak sa katawan ni Dalig.

"Mga walang hiya kayo, akala nyo ba matataksan nyo ako matapos nyong saktan ang alaga ko!!!"

Agad itong tumalima para habulin ang tatlo.

Takot na tumakbo ang tatlo hindi na lumingon basta takbo lang hanggang sa mapagod si Khim dahil karga nya si Karla kaya nadapa ito.

Agad na kinuha ni Jorge si Karla.

"Tara na! Tayo at baka maabutan tayo!"

Natatarantang sabi ni Jorge kay Khim.

Alam nyang hindi nya napuruhan ang sawa.

Pinilit na tumayo ni Khim kahit masakit ang tuhod sa pagkakadapa.

Pero ....

"San sa akala nyo kayo pupunta? Akala nyo ba matatakasan nyo ako?"

Galit na sabi ni Nanay Eda.

Sa likod nito nakasunod ang alagang sawa.

Hindi alam ng tatlo ang gagawin.

"Dalig, ikaw na ang bahala sa tatlong pasaway na yan!"

Galit na utos ni Nanay Eda.

'Naku lagot na!'

'Pano 'to? Pano namin matatakasan ang dambuhalang sawa na 'to?!!'

Agad nyang ibinaba si Karla at ibinagay kay Khim.

"Pag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo! Ako na ang bahala dito!"

Bulong ni Jorge kay Khim.

Agad naman tumalima si Dalig sa utos ni Nanay Eda.

'Akala nyo ba hindi ko alam ang binabalak nyo! Hissss!'

Chương tiếp theo