webnovel

Bulong Ng Puso Ko Sa Isip Ko!

Nagising si Mel sa kalagitnaan ng gabi dahil may nadinig syang humihikbi.

"Huhuh, Huhuh!"

Si Kate.

Mahina lang yun pero dinig pa rin.

"Anyare WifeyLabs, bakit ka umiiyak?"

Tarantang nilapitan nito ang asawa.

Alas tres pa lang ng madaling araw, halos katutulog lang nya dahil napagod sya sa ilang rounds nila ng dessert. Katunayan, nakatulog sya ng hubo't hubad at nakaramdam sya ng ginaw ngayon.

Pero nanatiling nakatalikod si Kate at pilit pinipigilan ang pagiyak. Masamang masama ang loob nya.

"MyLabs please, kausapin mo naman ako! May masakit ba sa'yo? Ano bang dahilan bakit ka umiiyak, ha?"

Hindi na maintindihan ni Mel ang asawa, hindi rin nya alam ang gagawin para patahanin ito.

Mas lalong umiyak si Kate, this time hindi na nya pinigilan.

"Waaaah!"

Mas lalong sumama ang loob nya na hindi man lang alam ng asawa ang dahilan ng pagiyak nya.

Tumayo ito at nagtungo sa banyo, iniwan si Mel sa kama.

'Jusmiyo, ano bang nangyari at pumapalahaw ng iyak 'tong asawa ko?'

Naguguluhan na si Mel. Hindi nya tuloy alam ang gagawin kung susundan o hahayaan muna ang asawa.

Sa huli, hinayaan muna nya ito at lumabas ng silid para ipagluto ang asawa.

'Baka nagugutom sya!'

Sa kusina nya nadatnan si Edmund.

"Tito Ninong, bakit po kayo nagkakape, di po ba kayo makatulog?"

Edmund: "??????"

'Pampatulog na ba ang kape ngayon?'

"Eh, ikaw bakit gising ka pa? Asan si Kate?"

"Andun po sa banyo? Masama po ata pakiramdam kaya ipagluluto ko."

"Masama pakiramdam o masama ang loob?"

"Po?"

Hindi alam ni Mel ang isasagot. Hindi nya tyak, pero feel nya nga masama ang loob ng asawa.

'Masama nga kaya ang loob nya sa akin?'

"Hindi ko po alam eh, ayaw pong magsalita."

"Naku, malamang nagtatampo yun! Baka may ginawa kang ikinasama ng loob nya."

Napaisip tuloy si Mel.

'Ano bang nagawa ko na ikasasama ng loob nya?'

Masaya naman kami kagabi habang nagdedessert!'

'Ayaw ngang paawat, hindi ko na nakaya ang energy nya!'

Wala talagang maisip si Mel na dahilan bakit nagtatampo si Kate.

"Sa itsura mo, wala ka talagang ka aydi-idea kung bakit sumama ang loob ng asawa mo nuh!?. Hehe!

Ganyan talaga ang mga babae, ginagawa nila tayong manghuhula! Gusto nila maging sensitive tayo sa feelings nila para mahuli natin kung bakit sila nagtatampo!

Kaso, kahit anong gawin natin minsan, ang hirap pa rin nilang intindihin!

Kaya tama yang ginagawa mo, ipagluto mo sya! Damihan mo na rin ng makakain ako bago umalis!"

"Aalis po kayo?"

"Oo! Uuwi na ko at nagtatampo na ang asawa ko!"

"Ah, kaya po pala maaga kayo."

"Inagahan ko talaga para hindi alam ni Tito Miguel, baka hindi ako payagan nun, lalo na at hindi pa nakikita ang salarin sa nangyaring pagsabog sa school.

Kailangan na ko ng pamilya ko pati na rin ni Nadine. Isinama kasi ni Ethan si Khim at Karla ng walang pasabi!"

"Po? Kelan po?"

Nakita na naman nila si Ethan at si Khim at Karla ay nilolocate pa nila.

Pero kailangan ko ng umalis para makatulong sa paghahanap at baka kung ano pa ang mangyari sa dalawa.

Huwag mo na sanang banggitin pa kay Kate at dun kay James. Ayaw ko ng madagdagan pa ang mga alalahanin ni Kate."

Ramdam kasi nila na nagiguilty si Kate dahil sa nangyayari kay Issay lalo na at magpahanggang ngayon ay hindi pa nila natutuklasan bakit bumabagsak ang mga vitals nito at walang magawa si Kate para makatulong sa imbestigasyon.

"Okey po Tito Ninong. Huwag po kayong magaalala ako na po ang bahala kay Kate, alam kong malapit na syang maging okey!"

*****

Nang matapos at mapagod umiyak si Kate, nahimasmasan na ito at nakaramdam ng guilt.

Iniwan nya kasi si Mel sa kama na alam nyang sobrang nagaalala.

Kung alam lang ni Mel na kaya nagtatampo si Kate ay dahil sa tinulugan nya nito habang nagdedessert sila.

Hindi kasi kinaya ni Mel ang pagod, nakatulog sya ng di nya sinasadya.

'Naman ano ba gagawin ko? Kawawa naman ang HubbyLabs ko, baka sobrang nagaalala na sya sa labas!'

Kaya tumayo na sya at naghilamos tapos ay inayos ang sarili.

"Haaay Kate! Anubayang itsura mo, namamaga na nga ang mukha mo isinama mo pa ang mga mata mo!

Ampangit mo tuloy!"

May kinuha syang cream na medyo green ang color at inilagay sa mata nya saka pumikit sandali.

Ilang minuto syang nag antay bago sya naghilamos at saka muling tiningnan ang sarili sa salamin.

"Haaay salamat humupa na ng kaunti!"

Nangiti si Kate.

"Wow! This is miraculously amazing!

Sino kayang nagimbento nito?"

Muling inayos ang sarili at saka masayang lumabas.

'Pangako babatiin ko na ang HubbyLabs ko!'

Ngunit paglabas nya...

"HubbyLabs ....."

Wala syang nakitang tao sa silid.

"Asan na yun?

Hmp! Kainis! Akala ko pa naman nagaalala sya sa akin, iniwan lang pala ako!"

Nagtatampong napasalampak sa kama si Kate at pabagsak na nahiga sa kama.

Ganito sya nadatnan ni Mel.

"WifeyLabs ...."

Ibinaba nito ang tray sa may mesita saka nilapitan si Kate.

"WifeyLabs, 'wagka ng magtampo bati na tayo please! Ipinagluto kita!"

Si Kate, kanina pa naiinis pero pagpasok ni Mel at naamoy ang dala nitong soup, nawala ang inis na naramdaman ni Kate. Pero di nya magawang kausapin si Mel, nakaramdam kasi sya ng hiya ng marealize nyang ipinagluto pala sya nito kaya nawala.

"WifeyLabs, please naman, kausapin mo ko! Sobra na akong nagaalala sa'yo at sa kambal natin!"

Pero nagtalukbong lang ng kumot si Kate, hiyang hiya sa pinag gagawa nya at si Mel naman ay mas lalong nataranta. Akala nya kasi galit ang asawa.

"KateMyLabs sorry na! Kung ano man ang dahilan kaya nagtatampo, sorry na! Bawi na lang ako sa'yo! Please naman pansinin mo na ko!

Pinagluto kita oh, favorite soup mo, Mechado soup!

Pero mukhang mas masarap yung luto mo sa akin! Sabi din ni Tito Ninong bago sya umalis!"

"Ano? Umalis na si Tito Ninong?!"

Biglang upo ni Kate ng madinig ang sinabi ng asawa.

"Oo, nagmamadali nga kaya dina nakapagpaalam sa'yo!"

Napuno ng pagaalala si Kate kita sa mukha nito.

"Oh, bakit?"

"Bakit sya umalis? Paano si Lola Issay?

Hindi pa natin nalalaman ang mga nangyayari sa kanya, bakit sya umalis?!"

Mangiyak ngiyak na sagot ni Kate.

Awang awa si Mel sa asawa kaya inakap nya ito ng mahigpit.

"Tahan na WifeyLabs, need ng umalis ni Tito Ninong dahil kay Tita Ninang. Miss na sya ito!

Hindi mo naman gustong magaway yung dalawa diba?

Saka mas makakaktulong sa atin si Tito Ninong pag andun sya!"

Medyo nahimasmasan si Kate ng madinig ang paliwanag ni Mel.

"At saka, pwede naman natin syang ivideo chat. Kaya wagka na cry!"

"Okey!"

"Eto soup oh, tikman mo. Masarap yan! Hehe!"

At dahan dahan syang sinubuan ni Mel na parang bata.

Tuwang tuwa si Kate sa sobrang pagaasikaso ng asawa nya sa kanya.

'Hindi ko pa rin masyadong maalala kung bakit sobrang minahal kita nuon. Limot man ng isipan ko pero hindi ng puso ko!'

'Mahal na mahal kita Melabs ko, yan ang laging binubulong ng puso ko sa isipan ko!'

*****

Nakaalis na ng Sinag Island si Edmund at miss na miss na rin nya talaga ang asawa kaya nagmamadali na itong umuwi.

Sa Little Manor ba nya ibinaba ang chopper ng makatanggap sya ng tawag mula kay James.

"Tito Edmund, si Lolo Miggy, ng colapse!"

Hindi alam ni Edmund ang gagawin, kung bababa ba sya ng chopper dahil namimiss na nya ang asawa o babalik ng Sinag.

"Tito Ninong, meron ka pang dapat malaman! Yung virus na nakita namin kay Lola Issay meron din kay Lolo Miggy!"

Nakaramdam ng takot si Edmund.

"Lintek na virus yan! San ba galing yan at bakit ganyan?"

Bubuksan na sana nya muli ang chopper para bumalik ng Sinag, ng makita ang asawa na patakbong papunta sa kanya.

'Jusko, anong gagawin ko?'

Alam nyang magagalit si Nicole pag muli syang umalis, lalo na kung basta na lang syang umalis.

Chương tiếp theo