webnovel

Dimo Ba Ako Na Miss?

"Ethan, wait!"

Sigaw ni Eleanor ng makita ang anak.

Humahangos itong lumapit sa kanila. Kanina pa kasi nya sinusundan si Ethan pero sa tuwing nakakaabot ito, tinatakbuhan sya.

"Mom, what are you doing here? Aalis na po kami kaya umuwi na kayo!"

Napataas na naman ang kilay ni Nicole at gustong gusto na nya talagang sumagot.

'Namumuro na itong lalaking ito sa akin!'

'Hindi ko inaasahan na wala itong modo at walang respeto!'

Pero nagulat sya ng paglapit ni Eleanor bigla nyang tinadyakan ang anak nya sa binti.

"AW!"

Napasigaw sa sakit si Ethan sa lakas ng sipa ng ina.

"Anong sabi mo? Sira ulo ka ba? I'm your Mom, baka nakakalimutan mo?"

Iritang sabi ni Eleanor.

"Uhm, Eleanor ...?"

Sabat ni Nicole.

"Yes, Nicole .... right?"

Nakangiting sabi nito ng harapin si Nicole.

"Yes, ako nga!"

"Sister ka ni Nadine, right!"

"Yes ako nga! Ikaw pala ang mother ni Ethan."

"Oo! Pasensya na kayo sa katigasan at kawalan ng modo nitong anak ko. Nakulangan ko sa atensyon kaya nagkaganyan!"

"Well kasi Eleanor, we really need to go na talaga, mag gagabi na at yung anak ko ay nagaantay na sa amin kanina pa sa sasakyan."

Sinenyasan na nya si Khim na isama na si Karla at mauna na sa sasakyan kanina bago dumating si Eleanor dahil baka naiinip na si Eunice. Kaya silang tatlo na lang ang naiwan.

"See! I told you Mom, we're going!"

Singhal ni Ethan sa nanay nya.

Nanlisik ang mga mata ni Eleanor ng tingnan nya ang anak. Hindi nya akalain na babastusin sya nito sa harap ng mga tao.

Nasasaktan na sya sa ikinikilos ni Ethan pero bakit tila walang pakialam ang anak sa nararamdaman nya.

"Ethan, sinong may sabing kasama ka? Hindi ka pwedeng sumama! Sa San Miguel ang punta namin!"

Sabat ni Mel na napipikon na.

"Shut up Mel! You are not the one to decide! Kung nasaan si Elise andun ako!"

"Ethan, hindi nga sya si Elise, sya si Kate! Bakit ba ang kulit mo?"

"Mom you don't understand! Pwede ba hayaan nyo na lang ako, kailangan ako ni Elise!"

"Ethan, kailangan kong umuwi ng San Miguel, kailangan kong makita ang Mommy ko! At ngayon lang kayo nagkita ng mother mo kaya mas mabuting sa kanya ka na sumama."

Sagot ni Kate.

"No Elise, hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko! Kailangan mo ako!"

Sasagot pa sana si Kate pero sinenyasan na sya ni Nicole dahil kating kati na syang magsalita.

"Uhm, Ethan, pwede ba kong magsalita? Pero sana huwag mo akong ishut up!

Totoong sa Little Manor ang punta namin dahil nagpatawag ng emergency family meeting ang kapatid kong si Nadine, kaya hindi ka talaga pwedeng sumama sa amin because you're not a family. Pasensya!"

"Tara na!"

Sabay aya nito at sabay alis.

Ayaw na nyang kausapin ang maginang ito naalibadbaran na sya.

Sumunod naman agad ang magasawa.

"Teka, wait!"

Sigaw ni Ethan.

Hinarang nito ang daraanan ni Nicole.

"Hindi ako makakapayag! Kailangan kasama ako! Kung nasaan si Elise dapat andun din ako! Bakit ba hindi ninyo maintindihan yun?"

"Well Ethan, it's not for you to decide. Hindi kami nagpapasok ng kung sino sino lang sa Little Manor, lalo na sa mga taong walang modo at walang respeto sa mga nakatira duon!"

At sinenyasan ni Nicole ang bodyguard nito para alisin sa harap nya si Ethan.

Tumawag naman si ang bodyguard nito ng gwardya para tulungan sya sa pagpigil kay Ethan.

"I'm sorry Eleanor. Alam kong malaki ang utang na loob ni Kate sa anak mo sa ginawa nyang pagligtas at pagaalaga sa kanya ng dalawang buwan sa isla, pero sana maintindihan mo."

"Don't worry Nicole, naintindihan ko. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa inaasal ng anak ko!"

At nagpatuloy na sa paglakad ang tatlo patungo sa nakaparadang sasakyan habang si Ethan ay nagpupumiglas sa bodyguard at sa mga gwardya na humahawak sa kanya.

*****

"Ethan stop it! Please!"

Nagwawala na si Ethan at inilabas na sya sa resort dahil marami ng tao ang nagagambala nya.

Lugmok ito sa bangketa ng iwan ng bodyguard ni Nicole at ng mga gwardya.

Awang awang nilapitan sya ng ina na tinabihan sya.

"Anak, ano bang dahilan bakit ka nagkakaganyan? Nahihirapan na ako sa'yo, please tell me what's going on in that head of yours?"

"Mom, please help me! Help me find Elise! Hindi sya pwedeng mawala sa tabi ko, Please!"

Nagmamakaawang pakiusap ni Ethan sa ina.

Hindi na maintindihan ni Eleanor ang kung paano tutulungan nag anak. Pakiramdam nya kahit anong paliwanag nya hindi ito nakikinig.

'Jusko, ano bang dapat kong gawin?'

Kailangan kong maintindihan ang anak ko, pero paano?'

"Mom please help me! In need yo find her! I need to find where Elise is going! She's alone, she mustn't be alone!"

'Ano bang pinagsasabi nitong anak ko? Ang daming kasama ni Kate paano sya magiging alone?'

Naguguluhan na talaga si Eleanor sa kakaibang ikinikilos ng anak.

"Oo anak, tutulungan kitang hanapin kung saan nag punta si Kate pero pwede bang tulungan mo rin ang sarili mo? I think you need help!"

"What are saying Mom?"

"Hindi kita maintindihan kaya gusto ko sanang mag reach out sa'yo. Kaya we need to go somewhere else, sa isang friend ko!"

"No Mom, I need to go to Elise NOW! Bakit ba hindi mo ko maintindihan na kailangan ako ni Elise?"

Naaburido ng sabi ni Ethan. Para itong batang nagtatantrum.

"Anak, yung pupuntahan natin ang hihingan ko ng tulong para malaman natin kung saan nakatira ang parents ni Kate!"

Saka lang humupa ang pagkaaburido ni Ethan.

"Talaga Mom? Okey let's go!"

Dagli nitong hinawakan ang kamay ng ina para umalis.

'Jusko, sana nga lang alam ni Adrian kung saan nakatira si Jaime!'

*****

San Miguel.

Pagdating nila ng Little Manor, hindi alam ni Mel kung paano sya papasok sa bahay.

Alam nyang ayaw na ayaw sya ng biyenan nyang si Jaime pero dahil sa asawa kailangan nyang gawin ito.

"Good evening po Sir!"

Unang bati nito kay Jaime. Seryoso nyang hinarap ito.

Pero nagiba ang itusura nito ng harapin si Nadine. Buong ngiti nya itong binati.

"Good evening po Mommy Pretty!"

Napataas tuloy ang kilay ni Jaime sa ginawa ni Mel.

Ang hindi nila alam, pinagmamasdan sila ni Kate. At may paunti unting bumabalik sa memory nya kung bakit ganito makitungo si Mel sa Daddy nya.

Kaya nagulat na lang si Mel ng biglang hinawakan ni Kate ang bewang nito.

"Melabs, Kate anak! Halikayong maupo!"

Masaya silang binati ni Nadine at isinama pa sa upuan. Naiwan tuloy si Jaime na magisa sa pinto.

"Mabuti at nadalaw kayo! Dito na kayo matulog ha!"

Hindi mapaglagyan ang saya ni Nadine ngayong nasa harapan na nya ang anak. Hindi nito binibitiwan ang kamay nya.

Maging si Jaime ay masaya rin at narito ng anak pero hindi naalibadbaran sya sa manugang nitong si Mel.

Ramdam naman ni Mel na naalibadbaran ang biyenan nya kaya tuloy hindi sya komportable sa pagkakaupo.

'Paano ba ako makakatulog sa bahay na ito pag ganito ang nararamdaman ko!'

Si Kate na kanina pa pinagmamasdan ang ikinikilos ng asawa ay hindi nakatakas sa kanya ang pakiramdam na ito ni Mel.

"Eh, Mommy, kaya po kami napunta dito kasi sabi po ni Tita Ninang may family emergency meeting daw po at kailangan andito kami. Kaya po kami nagpunta!"

"Ah, ganun pala! Akala ko pa naman na miss mo ako..."

Nagtatampong sabi ni Nadine.

"Eh, Mommy Pretty, ganun na din po iyon. Na miss po talaga kayo ni WifeyLabs ko. Katunayan, kanina, kayo po ang una nyang hinanap pagdating namin sa resort!"

Maluha luha namang nangiti si Nadine.

"Teka, bat Mommy mo lang? Ako, dimo man lang ba ako na miss?"

Hindi makasagot ang magasawang Kate at Mel. Ni minsan kasi hindi man lang pumasok sa isip ni Kate itong Daddy nya.

The truth, wala pa syang gaanong naalala sa Daddy nya, isa lang. Kailangan nyang protektahan si Mel sa kanya.

"Sorry po..."

Medyo na hurt naman si Jaime pero hindi nya ipinahalata.

"Well, kung hindi mo ako na miss, ikaw na miss ko! Kaya dito ka matutulog ngayon and I will not take no for an answer!"

"K-Kung dito rin po matutulog si HubbyLabs ko, okey lang po."

"Oo naman! Magasawa na kayo, alangan namang maghiwalay pa kayo sa pagtulog. Diba Jaime?"

Sabay tingin ni Jaime sa asawa na alam nyang gustong magprotesta.

"O-Oo naman!"

May magagawa pa ba sya eh si Kumander na nya nagsabi? Takot lang nya sa asawa nya.

"Pero Ate, ano ba yang gusto nyong sabihing magasawa at bigla kayong nagpatawag ng meeting?"

Biglang natahimik si Nadine at Jaime, nagkatinginan.

Naduon silang lahat ang buong pamilya ni Nicole at ni Nadine, si James lang ang kulang. At lahat sila nakatingin ngayon sa kanila, nagaantay.

"Kasi ..."

Hindi matuloy ni Nadine ang sasabihin nya.

Hinawakan ni Jaime ang nanginginig na mga kamay ng asawa.

"May kidney failure ako at need ng transplant!"

Alam kong marami na ang umalis at iniwan ang novel na ito.

Sa totoo lang maging ako ay nakaramdam na rin ng kawalan ng gana simula ng hindi payagan ng WN na botohan ang novel na ito.

Masakit sa akin iyon.

Pero gusto kong tapusin ito.

Kaya kahit na may mag basa man o wala sa isinusulat ko, tatapusin ko pa rin ito!

At sa mga patuloy pa ring nagbabasa ... Maraming maraming salamat!

God bless us all!

trimshakecreators' thoughts
Chương tiếp theo