Mabilis na nakabuo ng committee para sa kaso ni Jaime.
Lahat sila gustong makisawsaw sa napaka kontrobersyal na kasong ito ng isang heneral ng sandatahan lakas ng bansa ay masangkot sa isang karumaldumal na gawain.
"Hindi ko maisip na anak sya ni Gen. Gene! Sinisira nya ang pangalan ng tatay nya!"
"Haaay, kung ako ang tatay nyan, itinatwa ko na yan!"
"Malamang, itatwa nga yan ng ama nya! Walang kwentang tao!"
"Dapat nga sa kanya ang magulpi! Kahit ako nga hindi ako makapagpigil gusto ko rin syang sapakin!"
"Haaay, kaya ang hirap magtiwala sa mga sundalo eh, daming hindi mapagkatiwalaan!"
Sa isang iglap nakilala ng lahat kung sino si Jaime. At sa isang iglap nahalukay din ng lahat ang buhay nya.
Lahat sila hinahatulan na totoo ang ibinibintang sa kanya. Na sya ang pinuno ng sindikatong nangingidnap ng mga batang babae para gawing prostitute.
Ganito sana ang gustong mangyari ni Gen. Pasahuay. Ganito nya mismo naiimagine ang magiging resulta ng pinaghirapan nya, kung hindi nga lang nakialam si VP Sales.
Ngayon, unti unti ng inaangkin ni Vice ng walang kahirap hirap ang mga pinaghirapan nya at wala syang magawa. Pati si Sen. Reyes wala ring magawa.
"Bwisit! Bwisit talaga yang Sales na yan!"
Nanggigil sa inis si Gen. Pasahuay.
"Tama na yan! wala na tayong magagawa, andyan na yan kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo! Ang mahalaga ngayon matapos natin ito ng maayos at ingatang hindi bumaligtad sa atin ang sitwasyon dahil kung hindi ... baka ito na ang ikasira ng career ko!"
Sabi ni Sen. Reyes na puno rin ng hinagpis at hindi nya napigilan na magkaron ng Senate hearing.
Kinakabahan syang baka makahalata ang mga kasamahan nyang senador kaya hinayaan na nya.
Ngayon ang problema nila, ang hindi mahalungkat na sya ang totoong pinuno ng sindikato.
"Huwag kang magaalala Eddie Boy, maayos ang pagkakagawa ko sa mga ebidensya, hindi ka mapapahamak kahit na mabaligtad ang sitwasyon.
At kung sakaling mangyari yun, si Vice ang ituturo ko! Madali namang sabihing napagutusan lang ako, tutal yun naman ang ikinakalat nya!"
"Tama! Hahaha!"
"Hamo syang mapahamak, mahilig syang makisawsaw eh!"
Pero sa lahat ng kaguluhang ito, kampante si Jaime, ni hindi ito nagaalala kahit na kaliwa't kanan ang bumabatikos sa kanya.
Masaya syang nakikipaglaro sa anak nya at sa apo nya.
*****
Ngunit merong isa na hindi makakapayag na mapagiwanan.
"Tutal Jaime, ayaw mo rin lang akong pansinin, sa media na lang ako magpapansin! Tingnan ko lang kung hindi mo pa rin ako kausapin!"
Nakairap na sabi ni Tess.
Nung araw ding iyon, naglabas ng napakahabang post si Tess sa social media na puno ng sama ng loob kay Jaime.
• "Isa lang naman ang gusto ko, kaya ko namang tanggapin ang lahat ng ito para sa batang dinadala ko!"
Ito ang huling sinabi ni Tess sa post nya na ikinainis lalo ng netizen.
"Yan ba ang asawa nung Gen. Jaime Santiago? Grabe namang martir nyan!"
"Oo nabalitaan ko sa pinsan kong sundalo! Lagi daw nya yang nakikita si Mam Tess sa kampo, andun daw kasi sa loob ang bahay nila at alam ng lahat na asawa nga yan nyang si Gen. Jaime Santiago!"
"Asus, kawawang nilalang! Ano bang klaseng tao yang si Gen. Jaime Santiago? Tao ba yan? Walang konsenya!"
"Kung ako sa'yo misis iwan mo na yang kriminal mong asawa at baka madamay ka pa! Maawa ka sa anak mo!"
Gigil na gigil ang lahat sa pinagsasabi ni Tess. Akala talaga nila sya ang tunay na asawa ni Jaime na pinabayaan nito, gaya ng pahayag nya.
Marami ang naawa sa kanya at ang lahat ay nagalit kay Jaime.
Well hindi naman lahat.
Sa isang cafe sa loob ng isang resort naroon si Eleanor, nagpapalipas ng oras.
Ito ang paborito nyang resort at dito sya lagi nagiistay pag umuuwi sya ng Pilipinas.
Isa sya sa VIP customer ng resort na ito.
Wala na kasi silang bahay dito, naibenta na nya pagkamatay ng mother nya.
Habang nagpapalipas oras, nabasa nya ang article ni Tess tungkol kay Jaime.
"Hahahaha!"
Hindi nya napigilang matawa na nakatawag pansin sa mga katabi nya.
"Oops sorry! sorry! Excuse po sa noise ko!"
"Miss, binabasa mo rin pala yang post ni Mrs. Santiago, ang asawa ni Gen. Santiago."
Sabi ng malapit sa table nya na nakapansin sa binabasa nya sa laptop nya.
"Yeah, kaya po hindi ko napigilang matawa!"
"Bakit naman Mam, hindi ka ba naawa sa asawa ni Gen. Santiago?"
"Oh, not that! Kaya kasi ako natawa dahil hindi naman sya ang asawa ni Gen. Jaime Santiago gaya ng sinasabi ng mga nagcocomment."
Medyo napahiya yung babaeng nagtanong sa kanya. Isa rin kasi sya sa nagcomment at nag assume na asawa nga ni Tess si Jaime.
"Really? You mean kilala mo ang asawa ni Gen. Jaime Santiago?"
"Well not really! I mean not personally!"
Honest na sagot ni Eleanor.
Syempre kilala ni Eleanor si Nadine, ang babaeng umagaw sa puso ng finacé nya.
"So kung hindi sya ang totoong asawa ni Gen. Jaime Santiago, ibig sabihin kabit sya nito."
Pahayag ng babae.
"That I'm definitely not sure! One sided kasi ang story, hindi ako basta naniniwala sa sabi sabi lang!"
Muling napahiya ang babae dahil inassume nya rin na baka nga kabit nga si Tess pero may katwiran naman ang paliwanag ni Eleanor.
"Well, kung sino man ang totoong asawa ni Gen. Jaime Santiago, malamang hindi na yun makaalis sa kahihiyan sa issue na kinakaharap ng asawa nya! Kung ikaw ba Mam, anong gagawin mo pag ganito ang kinakaharap na problema ng asawa mo?"
Napatahimik si Eleanor, hindi sya makasagot.
'Ano nga bang gagawin ko in a situation like this?'
'Mabuti na lang Jaime hindi natuloy ang kasal natin!'
And for the first time na realize ni Eleanor, gusto nyang pasalamatan si Nadine.
*****
Pero nahihiya nga ba si Nadine na humarap sa mga tao?
Actually, busy sya.
Busy sya sa SPA na ipinatatayo ni Kate at Mel sa isang resort na pag aari ng mga Belmonte.
Mas minabuti ni Nadine na ilagay ito sa isa sa resort nila para sa mga VIP customer nila at narito sya ngayon para siguraduhin maayos ang lahat para sa isang linggo.
Ready na ang lahat para sa nalalapit na opening nito.
Kahit naman wala si Mel at Kate, hands on pa din naman sila sa ipinatatayo nilang SPA. Ang lahat ay naayon sa gusto nila.
At si Kate at Mel ang personal na nag create ng mga products na gagamitin sa SPA. Syempre with a special secret ingredients na nagmula sa Secret falls.
At aminado silang, super excited na sila ngayon sa opening kahit may bagyo pang pinagdadaanan ang pamilya nila ngayon.
Dahil kahit ano pa mang delubyo, tuloy pa rin ang pag ikot ng mundo.