Dinala si Jaime sa isang interogation room sa loob ng kampo.
Pag kapasok pa lang binigyan na agad sya ng suntok ni Gen. Pasahuay.
Sunod sunod na suntok pero walang pumipigil sa kanya, tumulong pa nga ang dalawang tauhan nya ng hawakan nila ang magkabilbang braso ng nakaposas pang si Jaime.
Mga tauhan nya ang lahat ng naririto kaya alam nyang hindi magsasalita ang mga ito.
"Tama na yan!"
Sigaw ng bagong dating sabay awat ng mga kasama nito.
Si Gen. Argon at ang grupo nito.
"What is the meaning of this Gen. Pasahuay?"
Tanong nya agad dito.
"Ininterogate ko ang kriminal!"
Aroganteng sagot nito.
"Ako ang naatasan na humawak ng kaso ni Jaime, Gen. Pasahuay, hindi ikaw! Bakit parang binabastos mo naman ata ako sa ginagawa mo?"
"Ang babagal nyo kasi! Paano kung matakasan kayo ng kriminal na yan!"
"Kriminal? Hindi pa naguumpisa ang imbestigasyon kriminal na agad ang tawag mo sa kanya?"
"Lahat ng ebidensya sya ang tinuturo!"
"Still, he has the rights to defend himself. Kalagan nyo sya!"
Utos ni Gen. Argon sa mga tauhan nya.
"Hindi! Bakit nyo sya kakalagan? Hayaan nyo syang ganyan at isama dun sa kulungan. Dapat lang na mabulok ang taong yan sa bilangguan kasama ang mga kriminal!"
"Ako ang head ng investigation kaya ako ang masusunod! Huwag kang lumagpas sa authority Gen. Pasahuay kung ayaw mong ako mismo ang magreklamo sa'yo!"
"Hindi ko alam kung bakit sa'yo napunta ang pagiimbestiga sa taong yan! Pero kahit na ikaw ang may hawak ng kaso nya, sisiguraduhin kong hindi na makakalabas ng kulungan yan!"
Galit na galit na sabi ni Gen Pasahuay.
Napataas lang ang kilay ni Gen. Argon.
"Bakit ba pakiramdam ko may hidden grudges ka kay Jaime ano ba talagang dahilan at nakikialam ka? Personal ba?"
Nataranta bigla si Gen. Pasahuay. Hindi nya napansin na masyado na syang nagpadala sa damdamin nya. Nagagalit kasi sya dahil inaasahan nyang sa kanya ibibigay ang kaso ni Jaime.
"Anong pinagsasabi mo? Hmp makaalis na nga dito!"
Tumalikod na ito para umalis bago mabasa nila na may motibo sya.
"Teka!"
Boses yun ni Jaime
"May gusto lang akong sabihin."
"At anong karapatan mong pigilan ako? Kung gusto kong umalis aalis ako!"
Singhal ni Gen. Pasahuay kay Jaime pero hindi naman ito umalis.
"Ano yun Jaime?"
Tanong ni Gen. Argon
"Gusto kong maghain ng reklamo sa ginawa nyang panggugulpi sa akin."
Mahinahon pero may diin na sabi ni Jaime. Seryoso ang mukha nito.
"Aba't.... Wala ka sa posisyon na mag reklamo!"
Nagngingitngit na sabi ni Gen. Pasahuay pero hindi sya pinansin ni Jaime bagkus ay si Gen. Argon ang kinausap nya.
"Bakit Gen. Argon wala ba akong karapatan magreklamo sa ginawa nya?"
"Tama ka Jaime, may karapatan kang gawin iyon pero bago yan kailangan mo munang sagutin ang mga paratang sa'yo."
"Paratang? Anong paratang?"
"Bakit hindi ba sinabi ni Gen. Pasahuay kung bakit ka inimbita dito?"
Sabay tingin ni Gen. Argon kay Gen. Pasahuay, nakakunot ang noo ito at hindi makapaniwala.
"Anong pinagsasabi mo? Huwag ka ngang gumawa ng kwento! Alam mo kung bakit ka narito!"
Pero ni hindi sya tiningnan ni Jaime na parang wala itong pakialam sa presensya nya.
"Hindi ko alam kung bakit ako narito Gen. Argon, basta na lang ako kinaldkad ni Gen. Pasahuay at ng mga tauhan nya papunta dito at pagdating dito saka naman ako pinagsusuntok.
According to him may warrant of arrest daw ako. Ayan ba yung warrant, yang hawak mo?"
Tanong ni Jaime kay Gen. Argon
Muling napatingin si Gen. Argon kay Gen. Pasahuay. Dismayado ito.
"Gen. Pasahuay, pwede bang umalis ka na. You don't have any business here."
"Bakit hindi ba ako pwedeng makinig? Gusto kong mapakinggan ang kasinungalingan sasabihin nyan!"
"Gen. Pasahuay, respeto naman! Ako ang naatasan sa kasong ito, hayaan mo namang gawin ko ang trabaho ko!
Men, palabasin nyo na si Gen. Pasahuay."
"Tandaan mo Jaime, na sa'yo lang nakatingin ang dalawang mata ko!"
At lumabas na ito.
"Jaime, meron lang kaming gustong itanong sa'yo kaya ka namin inimbitahan."
"Inimbitahan? Pinosasan ako at kinaladkad papunta dito at pagkatapos ay ginulpi! Yan ba ang sinasabi mong inimbitahan?"
"Wala akong kinalalaman sa ginawang aksyon ni Gen. Pasahuay!"
"Pwes hindi ko sasagutin ang tanong mo hangga't wala ang abogado ko! I need to call my lawyer!"
"But your not under arrest!"
"That is what Gen. Pasahuay told me!"
Lalong nadadagdagan ang inis ni Gen. Argon kay Gen. Pasahuay.
'Lintek kasing Pasahuay na yun, sinisira ang diskarte ko!'
"Okey, tawagin mo ang lawyer mo, but in the meantime kailangan muna natin ipagamot yang mga sugat mo."
"Hindi na! Saka na pag dating ng lawyer ko. Gusto kong makita nya ang ginawa sa akin ni Gen. Pasahuay."
*****
"Gen. Pasahuay, ano ng development?"
Tanong ni Sen. Reyes sa kanya.
"Hindi nagsalita si Santiago at ngayon ay nasa ospital sya naka confine!"
"Bakit anong nangyari?"
"Inirereklamo ako dahil sa panggugulpi ko sa kanya!"
"Bakit naman hindi mo pinigilan ang sarili mo?"
"Nakakainis kasi! Dapat ako ang hahawak ng kaso nya bakit ibinigay kay aragon? Nagmukha tuloy akong tanga! Kung alam ko lang na irereklamo ako ni Santiago sana nilumpo ko na lang sya!"
"Sabi ko kasi sayo huwag mong isama si Vice sa plano natin, makakasira lang sya!"
"Bakit mo naman nasabi yan Eddie Boy? Kailangan natin ng mas malakas na makakasama laban kay Santiago! Alam mo namang tauhan ni Malvar si Santiago at si Malvar ay tao na ng Presidente!
Saka si Vice mismo ang lumapit sa akin!"
Hindi sinasadya na madinig ni VP Sales ang tungkol sa kaso ni Jaime. Malaking issue ito kaya agad syang lumapit at nag alok ng tulong. Walang kamalay malay si VP Sales na gawa gawa lang nila ang kasong yun pero ibinigay nya ang buong suporta nya.
"Pero ginagawa lang yan ni Vice para magpabango!
Masyadong nasira ang reputasyon nya pagkatapos isiwalat ni Wesley ang mga ilegal activities nya! Baka mamya nyan madawit pa tayo sa kanya!"
"Pasensya na Eddie Boy, hindi kasi ako updated sa mga nangyayari lately. Masyado akong nabusy sa pag gawa ng ebidensya kay Santiago. Malay ko bang may hidden agenda pala si Vice."
"Hindi lang yun. May plano yang tumakbo sa susunod na eleksyon kaya tyak pag nagtagumpay tayo, kukunin nya lahat ng credits!"
Nakaramdam ng inis sa sarili si Gen. Pasahuay. Mali ang desisyon nyang isama si VP Sales. May plano silang palakihin ang issue para magpatawag ng Senate hearing pero kung ganitong nakikisawsaw si Vice, paano pa nila gagawin ito?
"Mukhang kailangan na nating huwag gawin kontrobersyal ang issue. Tutal ang plano naman natin ay makaganti kay Jaime, I think it will be enough na mabulok na lang sya sa bilangguan.
Ayaw kong madawit ang pangalan ko kay VP Sales!"
Suhestyon ni Sen. Reyes.
"Naintindihan ko, Eddie Boy."
Nagkasundo na sila na gagawin itong mabilis para hindi na mapansin ng mga pulitiko pero ang hindi nila alam may ibang plano si VP Sales.
"Kailangan ko 'to kaya pasensyahan tayo Gen. Santiago, kailangan kong gamitin ang pangalan mo para bumango ulit ang pangalan ko! Hehehehe!"