webnovel

Nababahala Si Nadine

Kanina pa paikot ikot si Arik pero wala syang makitang lalabasan. Pagod na sya at nanghihina na.

Napapalibutan ng mataas na bakod ang buong paligid at hindi nya na makita kung saan sya nagmula.

Pakiramdam nya ay pumasok sya sa isang napakalaking maze at bawat tahakin nyang daan ay puro pasulong. Hindi na sya makabalik dahil biglang mawawala ang daan at mapapalitan ng bakod.

Napapansin nyang lumiliit na ang ginagalawan nya at malapit na syang masukol.

Tatlo ang tama nya, una sa kaliwang dibdib, ito yung pinaputukan nya si Kate pero hinarang ni Mel kaya sya ang tinamaan. Sabay silang nagpaputok ni Roger at tinamaan nga sya sa dibdib.

Dito nya na realize na hindi si Prince Tobias ang nabaril nya.

Pangalawa ay sa kamay.

Sabay silang bumagsak ni Mel pero pinilit nya agad makabangon para makabawi ng putok.....

Pero pinaputukan ulit sya ni Roger sa kamay para mabitiwan nya ang baril.

Pangatlo ay sa balakang.

Sa inis nya kay Roger dahil pangalawang beses na sya nitong tinamaan, kaya dinamba nya si Roger.

Ang ikaapat ay dumaplis. Tumakbo kasi agad ito.

Nagpasya na syang tumakas at ipagpaliban muna ang paghahanap sa Crown Prince.

'But now, how the hell I'm gonna find that Prince?'

'What I need now is a place to hide so I can take care of my wounds!'

Dahil isa syang professional assassin, normal na ang matamaan sa kanya at may dala na rin syang mga gamit para hindi magpatuloy ang pagdudurugo.

Nakakita ito ng isang nakapatas na kahoy at duon nagsumiksik, saka nagtalukbong ng dala nyang kumot na puno ng dahon.

Pasadya ang kumot na ito, sya mismo ang gumawa at lagi nyang dala saan man magpunta. Ilan beses na rin syang nailigtas nito.

Pwede syang magtago hanggang bago sumikat ang araw. Ang kailangan nya lang ay konting pahinga, saka na nya iisipin ang susunod na hakbang.

*****

Samantala.

"Elly, natitiyak nyo bang andyan pa yang si Arik?"

Tanong ni Gen. Malvar.

Kanina pa nya pinakikinggan ang sinasabi ni Elly pero nagdududa pa rin sya.

"Yes General, may nakakita po na tumuloy sya dyan. Saka, wala na ho syang mapupuntahan dahil naitaas na ho ang bakod dito sa pinaggalingan nya.

Pinagmasdan ni Gen. Malvar ang paligid at napahanga sya sa security sa lugar. Ang daming pader at ang lalaki ng bakal solidong solido. Kahit siguro bombahin itong pader hindi basta basta masisira isama pa ang magagaling na security force.

'Kaya paano nakapasok dito sa loob ng forest yung si Arik?'

'Paano sila nalusutan?'

"Alam nyo na ba kung paano nakapasok yung Arik?"

Hindi na mapigilang magtanong ni Gen. Malvar.

"Yes General, na review na namin ang surveillance camera sa Luntian gate, sumabit sya sa ilalim ng sasakyan ni BigBoss ng huminto ito sa gate."

Sagot ni Elly.

'Mukhang professional si Arik pero ang tanong sino ang target nya dito?'

'Bakit sya basta lumusob dito na hindi pinagaaralan ang lahat?'

'Parang suicide mission ito!'

'At sino si BigBoss?'

"Alam nyo na ba ang dahilan kung bakit nagtungo dito yung Arik? At paano nyo sya nakilala?"

"Hindi pa po Sir! Rumesponde lang po kami sa narinig naming putok at nagulat po kami ng makita namin na may tama si Chief Mel at si Roger.

Patakas na si Arik ng dumating kami, pero sabi po ni Roger tinamaan din nya si Arik, mga tatlo daw po ang tama.

Sa tingin ko po si BigBoss ang tanungin nyo, sya ata ang nag identify duon sa tao!"

Lalo namang na cu-curious si General.

'Sinong ang target nung Arik, si BigBoss ba?'

"At bakit nagtungo si Arik dito, madilim na?'

Habang papalapit ng papalapit sila sa kay Arik, palalim ng palalim ang kuryosidad ni Gen. Malvar.

Samantalang si Capt. Wesley ay napipikon na dahil wala syang magawa. Nakatanga lang sya sa isla.

Sa inis nya, ginamit na nya ang baril na dala at tinutok sa security.

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ako dito at hindi mo ako mapipigilan!"

Patakbo itong umalis at iniwan ang mga security na nagbabantay sa kanya pero....

BLAG!

Napatid ito, bumagsak sa isang malalim na hukay una ang mukha.

"Hahahaha!"

Tinawanan sya ng lahat.

"Anak ng ....

Sinong naglagay ng hukay dito?"

Sigaw ng galit na galit na si Wesley.

'Kaya pala hindi man lang ako sinundan ng mga hinayupak, alam na may hukay dito!'

'At hindi man lang ako pinigilan!'

"Kami po Sir! Utos po ni BigBoss para daw mahuli ang mga pumapasok na walang permiso!"

"Ilabas nyo ko dito! Dali!"

"Ay Sir, masakit ang katawan ko!"

"Ako din Sir, masakit ang katawan ko!"

At sunod sunod na silang biglang sumakit ang katawan.

"Sir, mabuti pong dyan na muna kayo at magpapahinga lang po kami!"

At iniwan na sya ng mga security.

"Hoy! HOY! Huwag nyo akong iwan! Alisin nyo ako dito! Mga bwisit kayo! Humanda kayo sa akin pag balik ko magpa file ako ng complaint sa ginawa nyong 'to!"

Pero wala syang narinig, tila inwan na nga sya ng tuluyan ng mga security.

"Hoy! Hoy! Asan na kayo! HOOOOY!"

Pero hindi naman talaga sya tuluyang iniwan, lumayo lang sila ng kaunti para hindi nila makita si Wesley.

"Grabe ang ingay nya!"

"Okey lang, at least hindi na natin sya nakikita. Mapapagod din yan!"

*****

Sa IDS Hospital.

Unti unti ng lumilinaw ang lahat sa mag asawang Jaime at Nadine kung bakit nagkaganito si Kate, tulala.

"Ling, mas mabuti pa siguro, ialis mo na si Kate dito at dalhin sa isang silid para makapahinga."

Puno ng pagaalalang sabi ni Jaime.

Sumangayon naman si Nadine.

"Kate, tara na. Akyat muna tayo sa taas. Duon natin antayin si Melabs mo!"

Pero hindi tumayo si Kate.

"Kate, halika na anak! Halika!"

Pilit ni Nadine.

Naitayo nya ito pero ng ilalayo na sya ni Nadine sa OR bigla ito nagwala.

"NO! NO! NO!"

Sigaw nya sabay tulak kay Nadine.

Agad namang sinalo ni Jaime ang asawa para tuluyang bumsgsak.

"KATE!"

Bumalik ito sa harapan ng pinto ng OR, nakatayo at lumuluhang nakatingin sa pinto.

Simula ng ipinasok si Mel sa loob ng OR hindi pa nito inaalis ang tingin nya sa pinto.

"Jaime ang anak natin! Huhuhu!"

Nagdurugo ang puso ni Nadine sa ikinikilos ni Kate.

Kinakabahan sya.

'Jusko, huwag nyo pong hayaang may mangyari kay Mel! Pakiusap!'

Nababahala si Nadine baka anong mangyari kay Kate kapag hindi nakaligtas si Mel.

Chương tiếp theo