"Mr. Prince, why are you here outside? You should go back inside the facility!"
Sabi ng guard na humarang sa prinsipe.
"I need to get out, I'm dying of boredom in there! I need to go ang find someone!"
"Halah, sino naman kayang someone ang hinahanap nito?"
"Sino...? What SINO?"
"Sino ... means Who!"
"Ah, who! .... A friend! I need to find a friend."
"You have a friend here? Ang tagal mong tulog nagkaroon ka pa ng friend dito?"
"What? What are you saying?"
"Nothing! What I mean is you can not go out from this gate. Bawal! You don't have permission to enter here!"
"Why?"
"Because I told you so!"
But I need to find my friend and the place there is so beautiful! Why can't I go in there?"
"Because I told you nga! Ang kulit mo naman eh, nagnonosebleed na ko here!"
Mabuti na lang at dumating na si Kate.
"Roger anong problema?"
Tanong agad ni Kate pagkababa ng sasakyan.
"Boss ang kulit po eh! Ayaw pong bumalik! Natutuyuan na po ako sa ingles!"
"Eh, bakit hindi ninyo kinaldkad pabalik?"
Inis na sabi ni Kate
'Jusko naman itong si Boss! Prinsipe yan paano ko kakaladkarin?'
"Hey wait a minute! I know you!"
Sabi ng Prinsipe kay Kate na ikinagulat ni Kate.
'Anong pinagsasabi ng palakang ito na kilala nya ako?'
'Ang sarap ng tulog nya paano nya ako makikilala?'
Tiningnan nya ng may pagdududa ang Prinsipe.
"Can you say something? Please?"
Sabi ng Prinsipe na nakangiti kay Kate.
"Some..thing..."
Tugon ni Kate.
"Hahaha! I knew it! It was you! I saw you in there ... I mean ... I heard you in there! I heard your voice!"
'Nakikilala nya ako dahil sa boses ko?'
'Ang linaw naman ng tenga ng palakang kokak na 'to!'
'Dapat pala hindi na lang ako nagsalita!'
"Are you the one who pinched my face ang poked my ribs?"
"What?"
Gulat na tanong ni Kate.
'Anong poked? Seriously HubbyLabs, ginawa mo ba talaga yun?!'
"Look, I just want to know who did that. It's very important that I know!"
"Why?"
"To thank that person. What ever that person did to me that day helps me. So is it you?"
Nalilito si Kate, hindi nya alam kung anong isasagot. Ayaw nyang magkita ulit si Mel at ang prinsipe.
'Anong gagawin ko?'
"Wow! I didn't know that my savior is so beautiful!"
Sabi ng Prinsipe kay Kate na kay ganda ng ngiti, kitang kita ang dimples nya at ang super white at super pantay na nga ipin.
'Bakit ba feeling ko nagpapacute sya sa akin? Dinidigahan ba nya ako?'
'Hindi na ako natutuwa sa style ng lokong 'to! Hindi sya cute!'
'HubbyLabs ko lang ang cute sa mga mata ko!'
"Okey Prince, we need to talk!"
"Okey, my dear savior, I'm all ears, what do you want to talk?"
Napataas ang kilay ni Kate.
'Anong my dear ang pinagsasabi nito? Sapakin ko na kaya ito ng makatulog ulit?'
"Mr. Prince, first of all I want you to know that I'm happily married, Second, now that your okey, it's time for you to go home. Your family and your country is waiting for you."
"But why? I am having fun in here!"
"Why? You already know what happened and still you don't care! You being here in this Island is not good to us!"
"Why do I feel that there's another reason why you want me out of this beautiful island?"
"Why is it so hard for you to understand that we are in danger if you're around?"
Napipikon na si Kate.
"Hey, princess, it's not that I don't understand it's just that I want to spend more time here with you."
Sabay lapit nya kay Kate.
"Don't call me princess, I'm not a princess and I'm tired talking to you! Good bye Prince!"
Tumalikod ito pero biglang hinawakan ng prinsipe ang kamay nya at hinatak si Kate papalapit sa kanya.
Nagulat si Kate, hindi nya ito inaasahan. Pero kahit gulat mabilis itong magisip. Bago lumapat sa katawan ng prinsipe ang katawan nya, agad nya itong sinipa sa binti nya kaya nabitiwan sya ng prinsipe sa sobrang sakit na naramdaman.
Pero hindi duon natapos, binigyan pa sya ng sampal ni Kate bago ito tuluyan bumagsak.
"Kate MyWifeyLabs!"
Bulalas ni Mel sabay padapang sinalo si Kate bago bumagsak sa lupa.
"HubbyLabs!"
Nakangiting ipinulupot ni Kate ang kamay nya sa leeg ni Mel ng ma realize nya ang ginawa ng asawa sa kanya.
Naupo si Mel sa lupa na may mga damo at inupo naman nya si Kate sa lap nya, na hindi tinatanggal ang pagkakaulupot ng kamay sa leeg nya.
"Wait! It was you!"
Bulalas ni Prince Tobias kay Mel.
*****
Samantala.
"Gen. Santiago, mabuti at naisipan mo ng magpakita sa akin!"
Sabi ni Gen. Pasahuay kay Jaime.
Nabalitaan nitong nasa kampo na si Jaime kaya agad syang nagtungo sa opisina nito.
"Correction Gen. Pasahuay, hindi ako ang nakipagkita sa'yo, ikaw ang nagtungo sa opisina ko kaya ikaw ang nakipagkita sa akin!"
Sagot ni Jaime.
"Aba't pinipilosopo mo ba ako Gen. Santiago?"
"Ano bang kailangan mo Gen. Pasahuay, bakit ka napadpad sa opisina ko? Pwede ba sabihin mo na agad ang pakay mo dahil paalis na ako!"
"Hoy Santiago, huwag mo akong binastos! Nasa kampo tayo kaya umayos ka dyan!"
"Maayos naman akong nakikipagusap sa'yo Gen Pasahuay, pero kanina ka pa dito wala ka pang sinasabing dahilan bakit gusto mo akong makausap. Kung wala ka rin lang sasabihin, mauuna na ako at kailangan ko pang magreport kay Gen Malvar."
Tumayo na si Jaime at iniwan si Gen Pasahuay.
'Bwisit ka Jaime! May araw ka rin sa akin! Tatandaan ko ang araw na 'to!'