"Papa, Papa ko! Huhuhu!"
Umiiyak na sabi ng batang si Karlos.
Mararamdaman sa boses ng bata ang pananabik sa ama.
"Shhh.... andito na ako Karlos, huwag ka ng umiyak. Pasensya ka na kung matagal tayong hindi nagkita, naging busy kasi si Papa."
Kinarga ni James ang bata at
dahan dahan nya itong hinahaplos haplos, inaalo para tumahan na sa pag iyak.
Nakalimutan na ni James na naroon din si Vicky at ang ginawa nitong pag propose sa kanya.
Puno tuloy ng tanong si Vicky habang pinagmamasdan silang dalawa.
Simula ng pumasok itong si James, kakaiba na ang ikinikilos nito. Hindi maintindihan ni Vicky kung bakit nagkakaganito ang kaibigan.
Tapos ngayon naman ng tinawag nyang anak si Karlos.
Hindi nya pinansin ng ang batang si Karlos ang tumawag ng Papa kay James. Halos lahat kasi ng kalalakihan na makita ng bata, Papa ang tawag nya.
Sabi kasi nila, matindi daw ang sinapit ng batang si Karlos, pinagkaitan daw ito ng pagmamahal.
Kaya sa tuwing may nagpapakita ng kahit na simpleng concern sa kanya, tinatawag na nya itong Papa at Mama.
'Pero ang tanong, bakit sya tinawag na anak ni James?'
'Totoo kaya yun o sinasakyan nya lang ang bata?'
'May anak na nga ba talaga si James at si Karlos yun?'
'Bakit wala syang nababanggit sa akin tungkol dito?'
Ito ang mga bagay na gumugulo sa isip ni Vicky ngayon.
Hindi ibinaba ni James ang bata hanggang sa makatulog ito.
"James ...."
Napatigil si James. Naalala nyang bigla na iniwan na naman nya sa ere ang babaeng ito.
"I'm sorry Vicky, I'm so sorry!"
Natatarantang sabi ni James.
"Pwede ba tayong magusap, naguguluhan na kasi ako."
Sabi ni Vicky.
Batid ni James na kailangan na nyang magpaliwanag. Ilang beses na nyang iniwan sa ere si Vicky, pakiramdam nya kapag hindi pa sya nagbigay ng paliwanag sa kanya baka muli na naman itong lumayo at iwan sya. Hindi na nya mamakaya.
"Halika maupo tayo."
Aya ni James.
"Alam kong naguguluhan ka pero handa kong sagutin lahat ng itatanong mo."
Sabi ni James.
"Oo James, marami akong tanong pero sa ngayon ang tungkol lang kay Karlos ang gusto kong malaman.
James, bakit mo tinawag na anak si Karlos?"
"Dahil anak ko sya."
"Totoo hindi ka nagbibiro? Ang alam ko ulilang lubos ang bata, kaya paanong ....."
"Mahabang kwento, but remember the time that you left me?"
"Yung time na binasted mo ako tapos lumayas ako at sumama sa ibang lalaki?"
"Yes that was the last time na lumayas ka at iniwan ako dahil ibinaling mo na sa iba ang puso mo. Ibig sabihin napagod ka na pala kaya ginive up mo na ang pagibig mo sa akin.
Nasaktan ako. And at that moment na realize ko na hindi ko pala kayang mawala ka, na mahal na pala kita pero hindi ko magawang sabihin sa'yo kasi, nag move on ka na."
"Anong kuneksyon nun sa pagiging tatay mo kay Karlos?"
Naglasing ako dahil hindi ko matanggap na nag move on ka na. Then ..... I end up in someone else's bed.
It was a one night stand at hindi na kami nagkita at nagkausap muli pagkatapos ng gabing yun. Hanggang sa isang araw nagpakita sya sa akin dala ang isang taong gulang na batang babae."
"Batang babae?"
Mas lalong nalilito si Vicky.
Lalaki si Karlos kaya paano sya hindi malilito?
"Well, that woman finds out kung sino ako at nalaman din nya ang background ng family ko.
Kaya ginamit nya ang batang babae para pakasalan ko sya, pero hindi ako pumayag. I mean, kaya kong kupkupin at kilalanin ang anak ko pero ang pakasalan sya, hindi ko magagawa!"
May inis sa mga mata ni James ng maalala nya ang mga panahon na iyon. Kung paano sya gipitin at iblackmail ng babaeng yun.
"Pero pagkatapos ko syang tanggihan, nawala sya at nabalitaan ko na lang na nakahanap na pala sya ng mapapangasawang foreigner at dinala sya abroad."
Pagpapatuloy ni James.
"At yung anak mong babae, anong nangyari, kasama ba nya?"
Tanong ni Vicky.
"Hindi! Dahil sa galit nya sa akin ipinaampon nya ito sa kaibigan nyang may pasugalan. Hindi naman kasi nya ito maisasama dahil hindi alam ng foreigner na napangasawa nya na may anak sya."
"Then what happen?"
"Hinanap ko sya. Humingi ako ng tulong sa lolo ko para makita sya and after 3 months, natunton namin ang bata at nabawi sa umampon dito."
"Ibig sabihin, alam ng family mo ang tungkol sa anak mo?"
"Nope! Si Grampy lang ang nakakaalam and the rest, they don't know. Even my Mom!"
"Nasaan na ngayon ang batang yun?"
"Nasa bahay ni Lolo Joel."
"Ito ba ang dahilan kaya inaantay mo ang pagdating ng Mommy mo?"
"Tama ka! Gusto ko ng ipagtapat sa Mommy ko ang tungkol kay Karla at kay Karlos."
"Teka, naguguluhan pa rin ako! Papaano mo naging anak si Karlos, kanino mo sya anak?"
Tanong muli ni Vicky.
"Kasi, si Karlos ay kakambal ni Karla! Nung makuha namin si Karla sobrang hina ng bata, malnourished ito pero sabi ng umampon sa kanya ay sadyang mahina na raw ang bata ng ipaampon sa kanya. Sakitin daw kasi. Sa ngayon malaki na ang changes ng bata at maayos na rin ang kalusugan nito."
"Paano mo nalaman na kakambal ni Karla si Karlos?"
"Wala kaming idea na may kakambal si Karla, pero isang araw may napanaginipan itong hindi maganda at sa panaginip nya hinahanap nya si Karlos. Hindi nya maalala ang tungkol kay Karlos dahil bata pa sila ng magkahiwalay pero pagkatapos ng panaginip nyang iyon, nagbago ang bata at nanamlay kahit wala naman itong sakit. Lagi nya ring hinahanap si Karlos."
"Tapos ..."
"Pinatingnan namin sa duktor si Karla para malaman ang nangyayari sa bata.
Sobra daw itong malungkot kaya nananamlay. At iminungkahi nya na alamin kung may kapatid ba ang bata o kaya kakambal? Para kasing nalulungkot sya dahil sa isang part nya na nawala sa kanya. So Grampy investigate and found out na may kakambal nga ang bata ng ipanganak ito pero hindi namin alam bakit hindi binanggit ng ina nitong si Rubina ang tungkol kay Karlos. Naisip ni Grampy na may posibilidad na patay na ang bata kaya hindi sinabi sa akin."
"Yung umampon kay Karla, wala ba syang alam?"
"Wala! Maging and location ni Rubina hindi rin nya alam."
"Pero, paano mo nalaman na buhay pa si Karlos?"
"Dahil sa IDS Foundation."
Sagot ni James.
Ang IDS Foundation ay isa sa charitable organization na binuo ni Issay. Ang layunin nito ay makatulong sa mga batang nangangailangang ng financial medical assistance.
"Hindi ba sa IDS Foundation nagmula ang mga batang pasyente na narito?"
"Yes! At isa ako sa volunteer doctor ng IDS Foundation. Then one day nangailangan sila ng dugo para sa isang batang may hydrocephalus. I volunteered kasi magkadugo kami at si Karlos ang batang yun."