webnovel

NORMAL AKO!

Nakangiting umalis ng Sinag Island si Dr. Santy.

Natupad kasi ang isa sa kahilingan nitong makasabay si Dr. Gonzales palabas ng isla.

Buhat buhat ng mga security ng inilabas nila si Dr. Gonzales mula sa basement. Dadalhin na sana nila ito sa IDS Hospital pero pinigilan sila ni Dr. Santy.

"Oh, saan nyo dadalhin yan? Isabay nyo na dito at ako ng bahalang gumamot dyan. Nagiinarte lang yan kaya huwag nyo ng ibalik ng IDS Hospital, kaya ko naman yang gamutin. Baka pag ibinalik nyo pa yan, makagawa pa ng paraan para manatili dito yan sa isla."

Wala namang tumutol sa sinabi ni Dr. Santy kaya hinayaan na nila ito sa kanya. Duktor sya kaya tyak nilang alam nito ang gagawin.

"Dr. Santy, siguraduhin mo lang na buhay yan pag humarap sa NBI, kundi ikaw ang mananagot. Hindi pwedeng matuluyan yan, kailangan pa nyang pagbayaran ang mga kasalanan nya! Nagkakaintindihan ba tayo Doc?"

"Yes Sir, I will do my best! Hehe!"

Sumaludo pa si Dr. Santy sa kanila.

Nakarating naman ng buhay si Dr. Gonzales sa ospital na pinagdalhan sa kanya at si Dr. Santy ang tumayong duktor nya.

Isa itong provincial hospital kaya hindi kumpleto ang mga gamit. Ganunpaman, napagtagumpayan ni Dr. Santy ang operasyon, hindi na kailangan ilipat si Dr. Gonzales sa isang malaking ospital.

Nagulat ang lahat sa ipinamalas na husay ni Dr. Santy ng operahan nya si Dr. Gonzales.

Pero walang nagtatanong kung bakit ito inoperahan, basta ang alam lang nila, na stroke ito.

Nang magkamalay si Dr. Gonzales, nasa isang private room na sya at naroon na rin ang mga anak nya, kinakausap ni Dr. Santy.

Hiwalay sa asawa itong si Dr. Gonzales. Nilayasan sya ng asawa at isinama ang mga anak dahil hindi na nila makayanan ang pagiging control freak nito.

May tatlong anak ito at lahat ay nakatapos na ng pagaaral. Hindi sila close sa kanilang ama pero dahil sa emergency kaya sila narito.

"Mmm... mmmm..."

Umuungol na sabi ni Dr. Gonzales.

Gusto nyang magsalita pero hindi nya maigalaw ang bibig nya. Tanging mata nya lang ang gumagalaw at TAKOT ang nakarehistro dito.

"Oh, mukhang gising na ang Papa nyo!"

Masayang sabi ni Dr. Santy sa mga anak ni Dr. Gonzales.

"Sabi ko na sa inyo wala kayong dapat ipagalala. Makakaligtas ang Papa nyo! Hehe!

Saka ang masamang damo matagal mamatay, diba Dr. Gonzales?"

Mapanginis ang mga ngiti ni Dr. Santy na humarap pa sa kanya.

'Lintek na 'to, bakit andito ka Santy?'

Galit na tanong ni Dr. Gonzales pero walang nakakarinig sa kanya.

Sinubukan nyang igalaw ang mga kamay ...

tapos ang mga paa ....

pero hindi nya ito maigalaw.

Kahit ang dila nya hindi nya maigalaw.

Napuno ng takot si Dr. Gonzales sa katotohanang bedridden na sya. Daig pa nya ang patay sa itsura nya.

'Anong gagawin ko? Bakit ako nagkaganito?'

'Hindi, Hindi maari ito!'

Dinapuan nya ng tingin si Dr. Santy na nakangisi sa kanya habang sinasagot ang mga tanong ng mga anak nito.

Doc, ligtas na po ba ang Papa?"

"Oo naman, kita nyo naman nagkamalay na sya."

"Doc. may pagasa pa po bang makalakad ang Papa?"

"Let's not lose hope. Minsan nasa determinasyon ng pasyente yun kung gusto nyang maka recover pero sa edad ng Papa mo, syempre mahihirapan na sya."

Doc may malay na po ang Papa pero, normal po ba ang isip nya, hindi po ba naapektuhan ito?"

"Yan din ang inoobserbahan ko sa ngayon. May sapantaha kasi ako na baka nga naapektuhan ang isip nya. Lalo na ngayon na parang galit at parang gustong magwala. Nagaalala akong baka wala na sya sa tamang pagiisip."

Sabay tingin nilang lahat kay Dr. Gonzales.

Nagpupuyos ang mga mata ni Dr. Gonzales sa galit ng makita nila.

'Walanghiya ka Santy, kung ano anong sinasabi mo sa mga anak ko!'

'Mga bata, huwag kayong makinig sa kanya! Normal ako! Hindi ko lang maigalaw ang katawan ko pero NORMAL AKO!'

Naghuhumiyaw si Dr. Gonzales, pero kahit anong gawin nyang hiyaw, walang nakakarinig sa kanya.

"Doc totoo po ba na may ginawa daw anomalya ang Papa sa ospital na pinanggalingan nya?"

"Well tungkol dyan mas mabuting ang NBI ang kausapin nyo at sila ang mas nakakaalam nito."

"Doc sabi rin nila baka daw tanggalin ang license doctor nya, totoo po ba ito?"

"Huwag nyo ng masyadong isipin yan dahil sa kalagayan ng Papa nyo what's the use of that license."

Hindi na makayanan ni Dr. Gonzales ang nangyayari. Gusto nyang magwala.

Paulit ulit ang ungol nya kaya binigyan sya agad ng pampakalma.

'Walanghiya ka Santy, alam kong may ginawa ka sa akin kaya ako nagkaganito. Humanda ka pag naka recover ako!'

Ito ang nasa isip nya bago sya nakatulog.

"Yan ay kung makakarecover ka pa."

Bulong ni Dr. Santy sa kanya.

*****

Sinag Island.

Gaya ng ipinangako ni Kate, binayaran nya ang mga nabiktima ni Dr. Gonzales at Ms. Nancy.

Madali nyang nailipat ang perang nakurakot nila sa Elite account at ito ang ginamit nyang pambayad sa kanila.

Maging si Nitz kahit papaano ay inabutan din ni Kate ng 100K para sa bagong buhay nya.

Kung tutuusin hindi naman masyadong malupit si Kate dahil hindi naman ito talaga pera ni Dr. Gonzales at Ms. Nancy. Pero hindi ibig sabihin hindi sila pagbabayarin ni Don Miguel sa ginawa nila.

Kaso, nabalitaan nyang bedridden si Dr. Gonzales kaya tyak ang lahat ng kahihiyan ay si Ms. Nancy ang sasalo.

So far nailagay na ni Kate sa ayos ang lahat. Nakaalis na ang dapat umalis at nakabalik na ang dapat bumalik.

Maging si Dr. Santy ay hindi nya akalaing magkakaroon agad ng trabaho sa mismong ospital kung saan nya inoperahan si Dr. Gonzales.

At si Dr. Alonso naman at si Nitz ay hindi nila inaasahan na magkatuluyan.

Tadhana nga naman.

Lumipas ang araw at maayos na si Gene. Gusto na nitong umuwi sa bahay para dun na makapagpahinga pero pinigilan sya ni James.

"Grampy please huwag po muna! Gusto ko po kayong makausap pero antayin muna natin si Mommy."

Pagmamakaawa ni James.

"Tungkol ba ito saan, iho? Nangungulit na kasi ang kambal, gusto na nilang makita ang tatay nila. Pag nagtagal pa itong Lolo mo malamang lumangoy na yung mga yun papunta dito sa Sinag!"

Sabi ni Belen.

"Hindi ko po pwedeng sabihin hangga't wala pa po si Mommy. So please Granny antayin lang po natin sya!"

Mukhang natutunugan na ni Gene kung tungkol saan ito. Tahimik lang itong nakikinig.

Pero sa talas ng pakiramdam ni Kate, napansin nya ito.

'Mukhang isang malaking sikreto ang gustong sabihin ni Kuya!'

"Nasaan ba kasi si Mommy Kuya? Kelan ba sya babalik? Namimiss ko na sya!"

Malungkot na tanong ni Khim sabay akap may Mel na malapit sa kanya.

Napansin ito ni Kate at pinandilatan si Khim.

Pero nilabasan lang sya ng dila ni Khim. Nangiinis.

*****

Samantala.

Matapos nilang mag file ng kaso sa NBI laban sa mga sindikato, lumipad silang mag asawa patungong Singapore para makausap at humingi ng tawad kay Dante at sa anak nitong si Angela.

Hindi ito inaasahan ni Dante pero hupa na ang galit nito kay Jaime kaya napatawad nya na ito.

"Personal akong nagpunta dito hindi lang para humingi ng tawad, kundi gusto ko ring malaman mo na nag file na kami ng reklamo laban sa mga sindikato."

"Bakit mo sa akin sinasabi ito? Gusto mo bang tumestigo ako?"

"Hindi! Gusto ko lang na malaman mo para mapaghandaan mo. Magiging magulo ang lahat at baka mahalungkat ang tungkol kay Angela. Kaya sinabi ko sa'yo."

"Sinasabi mo ba ito dahil ayaw mong mahalungkat ang involvement mo kay Angela?"

Umiling si Jaime.

"Kung sakaling mahalungkat iyon, hindi ko pipigilan. Ang gusto ko lang ay sana mapaghandaan nyo. Ang mahalaga ngayon ay malaman ng lahat ang tungkol sa sindikato at kung sino sino ang mga nasa likod nito."

Buong sinseridad na sagot ni Jaime.

Nasa tabi ni Angela si Nadine nilalaro ito, pero nakikinig sya sa usapan ng dalawa.

At ng madinig nya ang sagot ni Jaime, hindi nya maiwasang hindi lingunin ang asawa.

'Mukhang galing sa puso ang sagot nya!'

Chương tiếp theo