Si Joel ang nagbalita kay Nadine na nasa ospital na ito.
Mabuti na lang at magkadugo si Jaime at si Joel, kaya nakaligtas ito.
Mabuti rin at malinaw pa ang mata ni Emong, nakarating silang lahat ng ligtas sa ospital.
Puno ng inggit na pinagmamasdan ni Edwin ang ginagawang pagaasikaso ng magina nya kay Jaime.
May dala pa si Divina na pagkain na niluto nya para lang kay Jaime.
'Ni hindi man lang maisip na alukin ako! Hmp!'
Nagmamaktol ang kalooban ni Edwin. Pakiramdam nya nanadya ang asawa at si Jaime naman ay tuwang tuwa sa ginagawa ng mag ina nya sa kanya.
Sa ganitong sitwasyon sila nadatnan ni Nadine.
Nagulat si Edwin ng madinig nyang bumukas ang pinto at paglingon nya ay si Nadine ang pumasok. Dahan dahan itong nagtungo sa pwesto ni Jaime.
"Hindi ba't ito yung asawa ni General?'
Napatingin si Edwin kay Jaime na namutla ng makita ang padating na asawa.
"L-Ling!"
Nauutal na sabi ni Jaime. Hindi nya inaasahang darating ang asawa nya.
Mabuti naman at gising ka na."
Bati ni Nadine sa asawa.
Ang sabi kasi ni Joel sa kanya, unconscious daw ito.
"Nawalan daw kasi ako ng malay dahil sa daming dugo na nawala sa akin, buti na lang andyan si Tito Joel."
Sabi ni Jaime.
Napansin ni Nadine na biglang nagtungo sa isang sulok ang dalawang babaeng nadatnan nyang kabiruan ng asawa kanina.
"And you are?"
Nakataas ang kilay na tanong ni Nadine.
"L-Ling sya nga pala si Divina at ang anak nyang si Diane."
Pagpapakilala ni Jaime
Pamilyar si Nadine sa pangalan ng dalawa pero ito ang unang beses na nakita nya ang dalawa ng personal.
"Ah, kayo pala."
Walang ganang sabi ni Nadine.
"Ma-Magandang araw po Madam Nadine!"
Natatarantang bati ni Divina.
Kinakabahan sya baka pagisipan sya ng masama ni Nadine at baka kung anong gawin nito sa kanya at sa anak nya kaya isinama nya sa isang sulok si Diane.
"M-Magandang araw po Madam! I-Ikinagagalak ko po kayong makilala!"
Nahihiyang bati ni Diane
Pinagmasdan ni Nadine ang magina mula ulo hanggang paa.
'Ito ang pamilyang kinupkop ni Jaime at ito ang batang anakanakan nya na tinutukoy ni Kate.'
"Ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa presensya nyong dalawa."
Sabi ni Nadine sa magina.
Nakaramdam ng hiya ang dalawa.
"Madam, magpapaalam na po kaming mag ina. Pasensya na po kung nakakasagabal kami sa inyong mag asawa."
Buong kababaang sabi ni Divina.
At nagsimula na itong mag impake.
"Hindi ko sinabing makakaalis na kayo. Tutal gusto nyo naman na pinagsisilbihan ang asawa ko .... hindi ko kayo pipigilan. Siguraduhin nyo lang na hindi ang katawan nyo ang isisilbi nyo sa kanya. Maliwanag?"
Mataray na sabi ni Nadine.
Natitiyak nyang hindi ito ang kabit ng asawa nya.
Hindi ito ipapakilala ng asawa kung may relasyon sila at hindi ito magpapakababa kung ito nga ang kabit ng asawa nya.
"Maraming salamat po, Madam!"
Natutuwang sabi ni Divina
Nakahinga ng maluwag si Divina.
'Mabuti pa si Madam malawak ang pang unawa hindi kami agad hinusgahan hindi tulad ng asawa ko!'
Dahil ang relasyon nila Jaime at Divina ay amo at kasambahay.
Si Divina ang kasambahay at katiwala ni Jaime sa bahay nya sa kampo.
"At bakit nga pala nasa tabi mo ang goons na 'to?"
Tanong ni Nadine kay Jaime.
"Ah, sya ba? Sya lang naman ang dumukot sa akin at bumaril sa akin."
Iritadong sagot ni Jaime.
"Bakit mo hinayaan na magkatabi kayo ng masamang nilalang na ito?"
Sarkastikong tanong ni Nadine.
"Wala akong nagawa eh, pag gising ko, andyan na yan!"
Dismayadong sabi ni Jaime.
Si Edwin na kanina pa nanahimik ay sarisari ang emosyon na nararamdaman.
Una, nag aalala sya at baka saktan ni Nadine ang mag ina nya. Ngayon naman feeling nya aping api sya.
"Grabe naman syang makapanlait! Tinawag akong 'MASAMANG NILALANG! Sa harapan pa ng magina ko!'
"Mrs. General, sobra naman kayo kung makapagsalita!"
Inis na sabi ni Edwin kay Nadine.
"Shhhh! Shut up! Hindi kita kinakausap!"
Sabi ni Nadine.
At hinila nito ang kurtina para nagse separate sa dalawa para hindi nya makita ang mukha ni Edwin.
Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
Nadine: "Hello, gumawa ka ng paraan para mailipat sa suite room ang asawa ko! Bilisan mo!"
Alam nyang may suite room ang ospital na ito dahil pagaari ito ng Perdigoñez pero para lang sa member ng family ang suite.
"Ling, okey na ako rito, ilang araw lang naman ako dito, babalik na ako ng Maynila."
Sabi ni Jaime.
Ang totoong dahilan ay ayaw nitong magkaroon ng utang na loob kay Edmund. Batid ni Jaime na si Edmund ang tinawagan ng asawa.
"Hindi ko ito ginagawa para sa'yo. Ginagawa ko ito dahil naiirita na ako dito sa katabi mong isang masamang nilalang!
Saka, natitiyak kong bibisitahin ka ng kabit mo. Baka nga papunta na yun kerengkeng na yun dito!"
Inis na paliwanag ni Nadine.
"Ling matagal na akong nakipaghiwalay kay Tess! Totoo yun!"
Sabi ni Jaime.
"Aba mainam kung ganun! Dahil malapit ko ng putulin yang pinagmamalaki mong sandata!"
Sabi ni Nadine.
Lingid sa kaalaman ni Jaime, nasa labas na ang pinaguusapan nila at nadinig niya ang huling pinaguusapan nila.
Napakagat labi si Jaime sabay takip sa parteng nasa pagitan ng hita nya.
Ang kabit nya. Si Tess.
'OMG! Paano yan? Paano ko lalapitan ang labidabs ko!'