Natahimik si Jaime dahil may katotohanan ang nadinig nya.
Oo natupad nga ang pangarap nyang maging heneral gaya ng ama subalit nagsakripisyo naman ang pamilya nya lalo na si Kate.
Anong silbi ng tagumpay kung sa likod nito nabigo naman sya sa pamilya nya lalo na sa anak nyang si Kate.
Hindi rin sya masaya.
At yun ang ikinalulungkot nya.
'Pero paano nalaman ng lalaking ito ang nangyayari sa akin at sa pamilya ko? May espiya ba sa bahay?'
Lalo syang kinabahan dahil ibig sabihin nun, nasa panganib pa rin ang pamilya nya.
"Anong ibig mong sabihin? minamanmanan mo ba ang pamilya ko?"
"Hahahaha! Ano sa palagay mo, paano ko malalaman na hindi maayos ang pakikitungo sa'yo ng anak mong si Kate?"
"Sino? Sino ang espiya nyo sa bahay ko?"
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Saka, ang pagkakaalam ko, hindi mo bahay yun kundi sa asawa mo!"
Dinikdik nya ng husto ang lalaki pero tinawanan lang sya.
At sa puntong yun, napaisip si Jaime.
Kung pwede lang ibalik ang oras at bumalik sa araw na yun, hindi nya gagalawin ang batang yun.
Sa pagkakataong ito naintindihan na ni Jaime kung gaano katindi ang ginawa nya.
Kung sa simula pa lang inamin na nyang nagkamali sya at humingi ng tawad baka sakaling hindi ganito ang kinalabasan.
Hindi na nya mababago ang nangyari kay Angela dahil tapos na ito, pero kung sana may ginawa sya, sana kung kahit papaano itinuwid nya ang pagkakamali nya.
Sana...
Tama ang Papa nya, kasalanan nga nya ang lahat kaya nahihirapan ngayon ang anak ko dahil sa pagbabalewalang ginawa nya.
"Huh, ang Papa!"
Bigla nyang naalala na nasa kritikal daw ang ama.
At saka lang ito umalis at iniwan ang lalaki.
"Haaay salamat, umalis din! Makakatulog na ako!"
'Pero malamang bumalik din yun pag nalaman nyang si Dante ang dahilan kaya nasa ospital ang matandang heneral.'
'Dante naman kasi, nagsakripisyo na nga ako dahil kailangan ka ni Angela.'
'Ngayon, paano ang anak mo pag nakulong ka sa pagbugbog mo sa matandang heneral.'
*****
Sa IDS Hospital.
Naging matagumpay ang operasyon ni Gene.
Nagulat nga si Dr. Fernan dahil sa maayos na ginawa ng magkapatid na maampat ang pagdurugo sa bandang puso ng pasyente. Naagapan nila ang matinding kumplikasyon.
Nangingitim kasi ang buong katawan ni Gene sa bugbog at may nabali pang tadyang. Buti at hindi nadamage ang vertebrae nya.
Sa ngayon, masasabing ligtas na sa critical stage si Gene at kailangan na lang gumaling ang mga pasa na mukhang matatagalan pa.
Buti na lang at dumating agad si Dr. Victoria Fernan, ang best friend ni James para matugunan ang problema nito sa puso.
"Hanep ang galing nyo! Hehehehehe!
Kapag pala nagsama ang duktor ng mga buhay at duktor ng mga patay, may milagrong nangyayari!"
Sabi ni Mel sa tatlo habang pumapalakpak pa.
"Hangkyut mo Mel!"
Sabay pisil ni Vicky ng pisngi ni Mel.
Nanalaki ang mga mata ni Mel, namutla ito at napatingin bigla sa asawa na lumalaki na ang butas ng ilong sa inis gusto ng lusubin si Vicky.
Buti na lang pinigilan sya ni James at binitbit sya palayo sa dalawa.
"Bakit? Anong nangyari kay Kate? Galit ba sya sa akin? Anong ginawa ko?"
Sunod sunod na tanong ni Vicky.
"Ha? Hindi mo alam kung bakit?
Tanong ni Mel.
"Hindi!"
"Eh kasi naman ikaw, Sister Friendship ni Kuya, bakit mo kasi pinisil ang pisngi ko, nagalit tuloy si WifeyLabs ko!"
Paliwanag ni Mel.
"Ha? Talaga, asawa ka ni Kate?"
"Yes Sister Vicky! Look!"
At pinakita nya ang wedding ring nya na may halong pagmamalaki.
"Ay totoo nga! Sorry naman, hindi ko alam eh!"
"Buti na lang napigilan sya ni Kuya Bayaw, kung hindi, naku baka na flying kick na ako ni Kate MyWifeyLabs!"
"Tara sundan natin sila para makapag sorry ako kay Kate."
Naabutan nilang pinagagalitan ni James si Kate.
"Kate, sorry hindi ko sinasadya!
Huwag ka ng magselos, hindi ko naman type yang si Mel. Kaya ko lang sya nakurot sa pisngi kasi naalala ko ang bunso kong kapatid sa kanya, ganyan din kasi kasweet at kakulit, tulad ni Mel.
Sorry na please!"
Mahabang paliwanag ni Vicky. Ayaw nyang magkasira sila ni Kate.
"Kate MyWifeyLabs, alam mo naman your my one and only love! Huwag ka ng magalit dyan."
Alo ni Mel sa asawa
"Bakit kasi pinapipisil mo yang pisngi mo? Tapos hindi ka pa umilag!"
Galit na sabi ni Kate.
"Ambilis kasi eh, promise next time iilag na ko!
Bati na tayo, Kate MyWifeyLabs sige na ....?"
"Okey sige bati na tayo, pero kiss mo muna ko!"
Sabi ni Kate.
"Sure ....!"
Pero dahil may tampo pa si Kate, hindi ito tumungo para maabot ni Mel.
"Wait sandali kukuha lang ako ng tuntungan."
At buong ngiti itong umalis at bumalik dala ang isang silya.
James: "....."
Vicky: "....."
Tuwang tuwa naman si Kate sa effort ni Mel.
"So, okey na kayo, bati na kayong tatlo?"
Tanong ni James.
Tumango naman ang tatlo.
"Good! May kailangan kasi akong puntahan kaya behave lang kayo!"
Sabi ni James na parang mga bata ang kausap.
"Huwag ka munang aalis, antayin mo ako hangang sa makabalik."
Sabi ni James kay Vicky.
"Okey, bye, Chuppe!"
Sagot ni Dr. Vicky.
"Oh, Dr. Santiago and company, mabuti at andito kayo. Gusto ko kayong makausap, duon tayo sa opisina ko."
Sabi ni Dr. Gonzales na sinadyang abangan sila.
"Pasensya na Dr. Gonzales pero may kailangan akong puntahan.
Kung may gusto kang sabihing andyan si Kate sya ang kausapin mo!"
Sabi ni James.
At tumalikod na ito, iniwan si Dr. Gonzales na napatanga.
'Anak ng ..... 'san pupunta yun?'
Pero biglang naglaho si James kaya hindi na ito nakapagsalita, nilingon na lamang nya sila Kate.
Pero nagulat sya ng makitang wala na pala syang kausap.
Napahiya na naman si Dr. Gonzales at kagagawan na naman ni Kate at ni Dr. Santiago.
Lumingon lingon sya sa paligid, tiningnan kung may nakakita na sa nangyari at ng mapansin na wala, umalis na ito.
*****
Samantala.
Pauwi na si Khim at dumating si Jaime para ihatid sila sa bahay.
"Hindi! Huwag kang lalapit! Hindi ako makakapayag na ihatid mo kami, kaya naming umuwing magisa!"
Galit na sabi ni Nadine sa asawa.
"Pero, Ling, hindi ko kayo pwedeng pabayaan ng anak mo! Hayaan mong ihatid ko kayo at simula ngayon doon na ako uuwi sa bahay! Mahirap na baka kung ano pa ulit ang mangyari sa inyo! Kaya hayaan mo na akong sumama pauwi!"
"Napapraning ka na naman Jaime! Hindi mo ba alam na mas delikado kami kung kasama ka namin! Kaya magmula ngayon layuan mo na kami!
Huwag na huwag ka ng lalapit sa akin at sa mga anak mo! Pina blocklisted na kita sa mga gwardya ng Little Manor kaya hindi ka na pwedeng makapasok pa sa bahay ko! Naintindihan mo?!"
Singhal ni Nadine sa asawa.
"Nadine, nakikiusap ako sa'yo! Hindi matatahimik ang kalooban ko kung malayo kayo sa akin!"
Pero desidido na si Nadine na hiwalayan ang asawa.
"Dad, ako na pong bahala kila Mommy at Khim. Ako na pong maghahatid sa kanila pauwi!"
Sabi ni James na kararating lang at narinig ang bangayan ng parents nya.
"James, anong ginagawa mo dito? Kamusta ang lolo mo?"
Tanong ni Nadine.
"Okey na po si Grampy Mommy, katatapos lang po namin operahan. Wala na po sa kritikal ang kundisyon nya pero, hindi pa po sya nagkakamalay."
"Bakit James, anong nangyari sa lolo mo?"
"Gusto mong malaman? Fine!
Ginulpi nung kaaway mo ang Papa mo! Nagpunta sya dun sa bahay ng kaaway mo para humingi ng tawad sa katarantaduhang ginawa mo!
Naintindihan mo ba ang sinasabi ko Jaime?! IKAW ang dahilan kaya muntik ng mamatay ang Papa mo!"
Naghihisterikal na singhal ni Nadine sa kanya.