webnovel

Natitiyak Kong Hindi Kayo Yun!

Sigurado po kayo, Tita?"

Tanong ni Eunice.

Binti lang kasi ang nakunan ng kamera.

"Sigurado ako, sa anak ko ang binti na yan, kabisado ko ang binti ng anak ko! Ayan ang balat nya sa bukong bukong nya!"

Pagdidiin ni Nadine.

'Balat ba yun, akala ko peklat.'

Muling bumukas ang pinto at galit na lumabas ang lalaki punung puno ng juice ang damit hangang pantalon nito.

"Mukhang nanlaban ang nasa loob!"

Sabi ni Eunice.

Nangiti ito.

Sa pagkakataong iyon, naniniwala na sya na si Khim nga ang nasa loob.

Ang tapang eh!

"Kailangan nating mairescue si Khim bago may gawing masama sa kanya ang mga sindikato na yun!"

Sabi ni Eunice.

Natuwa si Nadine at naniwala sa kanya ang pamangkin.

"Mam Nadine ako na lang po ang papasok at ililigtas si Ms. Khim!"

Presinta ni AZ ang bodyguard ni Nadine.

Sigurado syang makakapasok sya at mailalabas si Khim ng tahimik at hindi namamalayan ng dalawang bantay sa loob at tatlong bantay sa labas.

Pero hindi yun ang nasa isip ni Nadine at Eunice.

Gusto nilang magapi ang sindikatong ito at hindi nila sigurado kung lima lang talaga ang mga goons.

Samantala, nababagabag naman ang mga shadowguard ni Eunice.

Nagtataka kung bakit hindi sila sumunod sa pag alis nung mga pulis na kasama nila kanina.

And knowing their boss, tyak nyang may plano itong lumusob.

At hindi sila makakapayag. Delikado.

Isa syang mayor, hindi sya dapat ma expose.

Kaya kailangan nilang mapigilan si Mayora. Tinawagan ng pinaka head nila si Eunice.

"Mayora, mukhang may plano kayong lumusob. Nakikiusap akong huwag po, kami na lang mga shadowguard ang papasok. Just stay there please!"

Pakiusap ng Head ng Shadowguard, kahit hindi nito alam ang buong detalye.

Mukhang mas okey nga ang naisip ng shadowguard nya, parang ninja kung gumalaw ang mga ito.

Ganito sila trinain.

"Okey, I will. I'll open your communication para ma guide ko kayo sa pagpasok sa loob and rescue Khim."

Sabi ni Eunice.

Naintindihan na ngayon ng Shadowguard kung bakit nagpaiwan si Mayora.

To rescue Khim.

Sampu ang shadowguard ni Eunice lima lang ang pumasok at naiwan ang lima nagbabantay sa paligid.

Sapat na yun para talunin ang kalaban.

At sa guide ni Eunice, mabilis nilang napasok ang hideout at tama ang kutob ni Mayora, hindi lang dalawa ang bantay sa loob, may tatlo pa na nasa kabilang bahagi ng pabrika, pinag pipyestahan ang isang teenager.

Wala silang suot na pantalon at masayang masaya sa ginagawa nila.

Kinilabutan ang mga shadowguard sa ginagawa ng tatlo kaya pinagtatadyakan nila ng mga ilang beses ang nasa pagitan ng hita ng mga ito.

"Masahol pa kayo sa hayop mga lintek kayo!"

Nailigtas nila si Khim na nakatali sa bakal ang mga kamay at paa nito may busal pa ang bibig.

At sa katabing silid ay natagpuan naman nila ang isang pang teenager na babae kasing pero hindi ito nakatali kagaya ni Khim.

Nasa isang sulok lang ito, nanginginig sa takot.

"Mayora, all is clear!"

Nagpupuyos man sa galit si Eunice sa nakita nila sa screen, nagutos ito agad.

"AZ, tumawag ka sa malapit na police station at humingi ka ng assistance."

Utos ni Mayora.

Alam nyang kanina pa ito gigil na gigil at gustong lumusob kaya sya ang inutusan.

Naalala ni Mayora ang laptop na gamit ng isa sa goons.

"Shadow 1, I need that laptop."

Kinuha ni Shadow 1 ang laptop at itinago para ibigay kay Mayora bago dumating ang mga pulis.

Habang matagumpay nilang nirerescue si Khim, nabubuwang naman sa kakaisip si Jaime kung ano na ang nangyayari sa anak.

Sa tulong ni Gomez, pinuntahan nila ang naunang hideout.

Nagulat sila ng makitang may silid din dito na pareho ang set up ng sa unang hideout na pinuntahan pero wala ng mga babae. Mga goons na lang ang natira.

Kinabahan si Jaime, obvious na may nangyari hindi maganda sa silid.

"General, mukhang ginagamit muna nila ang mga biktima nila bago nila ibigay sa kliyente."

Nagimbal si Jaime.

Nanginginig ang mga tuhod sa narinig.

'Jusko, ang anak ko!'

Pero nabuhayan sya ng loob ng makita sa laptop na wala duon ang anak. Agad silang nagtungo sa ikalawang hideout.

"Anong nangyayari dito, bakit andaming pulis?"

"General, may na rescue daw na tatlong teenager na kinidnap at mukhang isa dun ang anak nyo."

Kausap nila ang mismong Chief ng Station.

Sa ospital na nya naabutan ang anak.

Galit na galit si Nadine sa kanya at hindi sya kinakausap.

*****

Kinabukasan nagulat na lang si Chief ng mabasa nya sa dyaryo ang lugar na pinuntahan nila kahapon.

"May nangyaring rescue operation? Yun kaya ang team ni General?"

"Malamang po Chief."

Sabi ng isang pulis.

Ito ang isa sa mga kasama nilang pulis kahapon na nagpakita ng pagka dismaya kay Mayora.

Naniniwala naman si Chief Morales.

"Pero Chief, kung team ni General yang nag rescue, bakit dinidikdik pa rin ni General yung lalaking nahuli ng bodyguard?"

Sabi ng isang pulis na naiwan sa station, hindi nakasama s rescue mission.

"Ha? Nandyan si General sa interogation?"

Gulat na tanong ni Chief Morales.

"Yes Chief, hindi na ata natulog, kagabi pa sila dyan. Kawawa naman yung lalaki, antok na antok na."

"Sarhento, kung sa anak mo nangyari yun, maawa ka pa rin ba dun sa lalaki?"

Tanong ni Chief Morales.

Hindi nakasagot si Sarhento, pero puzzle pa rin si Chief Morales.

'Biglang nawala sila Mayora, hindi sumunod sa amin...'

'Hindi kaya ...'

Ayaw isipin ni Chief. Hindi sya naniniwalang sila Mayora iyong lumusob.

Maya maya dumating ang utos ni galing munisipyo.

Kailangan dumaan sa matinding training ang lahat ng pulis sa station na yun. Physically ang mentally at si AZ ang bodyguard ni Nadine ang magbibigay sa kanila ng training.

Plus, kailangan ma review ni Mayora ang lahat ng kaso na hahawakan nila.

Napuno ng reklamo ang police station.

"Chief, ano ba 'to? Wala bang tiwala sa atin si Mayora?"

Pero hindi sila pinansin ni Chief Morales bagkus ay nagtanong ito.

"Sir AZ, yung rescue mission, k-kayo ba yun?"

Nagulat ang lahat sa tanong ni Chief Morales.

"Ano sa palagay nyo, Chief? Sa tingin nyo ba kasing DUWAG nyo si Mayora?"

Nakaramdam ng hiya si Chief sa sagot ni AZ.

*****

Samantala sa IDS Hospital.

Maaga pa lang papunta ng ICU sila Dr. Santy at Dr. Alonso. Kailangan nilang makabawi at plano nilang operahan ang pasyenteng pinadala ni Doña Isabel.

Binabasa nila ang chart ng pasyente pero nagulat sila ng makitang walang laman ang ICU bed.

"Nasaan ang pasyente?"

Sa darating si Mel.

Nagtungo sya duon para kunin ang mga gamit ni Kate na naiwan.

"Oh. Hello there. Excuse me po, kukunin ko lang po ang mga gamit ng WifeyLabs ko!"

At kinuha nga nito ang naiwang gamit ni Kate.

"Uhm, Mister .... "

"Mel. Mel de Guzman Jr., bakit po?"

"Matanong lang namin, nasaan ang pasyente, bakit wala sya dito?"

"Ay si Grampy General, andun sa operating room inooperahan sa heart."

"Inooperahan .... ?"

"Sa heart?"

Gulat na sabi ng dalawang duktor.

"Yes, that's correct."

"Paano ...?"

"Sino ....?"

Nagtatakang tanong ng dalawa. Sila lang ang heart doctor sa ospital na ito.

"Well, kung sino man yun natitiyak kong hindi kayo yun!"

Thank you so much dear readers!

Nababasa ko po lahat ng comments nyo, kahit medyo late.

Marami pong salamat!

Happy Holidays everyone!

trimshakecreators' thoughts
Chương tiếp theo