webnovel

Kaya Pala

Nang marinig ni Nadine kay Capt. Suarez na alam nya kung nasaan ang anak na si Khim, nagpintig ang mga tenga nito at gustong bigyang ng isang bigwas si Capt. Suarez.

'Lintek na, kanina pa ako natataranta dahil hindi ko alam kung saan naroon ang anak ko, tapos sasabihin nya alam nya?!'

'Bakit hindi nya sinabi agad?'

'Haaist, kagigil!'

Kaya sya nagtanong.

"Alam mo kung nasan si Khim?"

Hindi nya ito tinanong para siguraduhin kungdi para iparamdam sa kanya na naiinis sya dahil hindi nya agad sinabi.

Pero biglang dumating ang asawa nyang si Jaime bago makapagpaliwanag si Capt. Suarez, kaya sa asawa nito napunta ang inis nya.

Sinalubong ni Nadine ng suntok si Jaime pagbukas pa lang ng pinto.

PAK!

"Saan ka galing?!

Walanghiya ka, saan ka na naman nagpupunta?

Kung kelan ka kailangan saka ka nawawala!"

Gigil na gigil ito na inundayan ng suntok si Jaime na ikinagulat ng tatlong lalaking naroon.

'Grabe, ang tapang pala ng asawa ni General.'

Sabi sa isipan ni Chief Morales.

'Next time hindi ko na sya bibitinin.'

Ang sabi ng isipan ni Capt. Suarez.

''Juskupolord help!'

Dasal ni Ken ng makita kung paano magalit si Nadine. Natatakot sya kung ano kahihinatnan nya pagkatapos nito.

"Ling, sorry, sorry!"

Inakap ni Jiame si Nadine habang nagsosorry. Umiiyak.

Ikinagulat ni Nadine ang ginawa ni Jaime kaya napatigil sya sa pag hampas at pagsuntok sa kanya.

Because this time, naramdaman ni Nadine na sincere ang apology ng asawa. Ramdam nya ang takot nito.

Pero galit pa rin si Nadine, agad itong kumawala sa akap ni Jaime.

"Kasalanan mo 'to Jaime, kaya ayusin mo! Iuwi mo ang anak kong si Khim ng buo, dahil kung hindi ..... ilalayo ko na sa'yo ang mga anak ko!"

Galit na sabi ni Nadine sabay alis pero pinigilan sya ni Jaime.

"Ling, saan ka pupunta? Huwag kang umalis, delikado!"

Nagaalalang sabi ni Jaime.

"Uuwi na ako, wala akong panahong magantay! Ayoko na dito, mahirap kausap ang mga tao dito, kaya ikaw na ang makipagusap usap sa kanila!"

Singhal ni Nadine.

"Pero delikado, antayin mo ako at ihahatid na kita!"

"Pwede ba Jaime, tumatakbo ang oras! Asikasuhin mo ang paghahanap sa anak ko!"

Hahakbang na ito paalis ng tumunog ang phone.

Nakita ni Jaime kung sino ang tumawag at nagdilim ang tingin nito.

'Bakit sya tinatawagan ng bwisit na Edmund na yun? Hiningan ba nya ng tulong si Edmund sa paghahanap sa anak ko?'

"Hello, Edmund?"

Sagot ni Nadine sa phone.

Naiinis na inagaw ni Jaime ang phone at pinatay.

Nanlaki ang mga mata ni Nadine sa ginawa ng asawa.

"Anong problema mo?"

Tanong ni Nadine.

"Anak ko si Khim, ako ang hahanap sa anak ko!"

Sabi ni Jaime.

Naintindihan ni Nadine ang ibig sabihin ng asawa. Sa tuwina kasi, lagi na lang si Edmund ang andyan pag may problema si Nadine at mga anak nila.

Naiinis ito dahil hindi nya kayang pangalagaan ang pamilya nya.

"Hindi sya tumawag tungkol kay Khim, tumawag sya para sabihing nasa kritikal na kundisyon ang Papa!"

Sabi ni Nadine.

Naguguluhan si Jaime.

Ang Papa?"

Gulat si Jaime.

'Sinong tinutukoy nya, ang Papa ko o ang Papa nya?'

Pero malakas ang kutob nitong si Gene ang tinutukoy ni Nadine dahil si Edmund ang tumawag.

'Paano nangyari yun magkasama lang kami kanina?'

"Anong sabi mo, anong nangyari sa Papa?"

"Papaano ko malalaman eh inagaw mo ang phone! Bwisit ka

kahit kelan kasi!"

Napipikon sabi ni Nadine.

Gusto pa nyang magsalita at sumbatan ang asawa pero pinigilan nya, hindi ito ang tamang lugar.

Inagaw nito ang phone nya kay Jaime at umalis, iniwan si Jaime na tuliro at hindi alam ang gagawin.

Nasa panganib ang anak nyang si Khim at nasa kritikal na kundisyon naman ang ama.

Tila sasabog ang dibdib ni Jaime, hindi makapaniwala kung bakit nangyayari sa kanya ito ngayon.

*****

Sa Hacienda Isabel.

"Ready na ba kayo?"

Tanong ni Issay sa dalawa.

"a...e...."

Sabi ni Kate. Kinakabahan.

Alam nyang pag tumuntong sya sa Elite Group ibig sabihin tinatanggap na nya ang hamon ni Don Miguel.

"Saan po Lola Ganda?"

Inosenteng tanong ni Mel.

Wala syang alam sa nangyayari, basta alam lang nya ay kritikal ang lagay ni Grampy Gene.

"Sa pag alis, papuntang Sinag Island!"

Mel: "????"

"Doon ko kasi pinadala si Gene para maoperahan. Kailangan nya ng specialistang titingin sa kanya at may alam akong isang specialista na gagawa nun para kay Gene. Saka, magandang lugar iyon para hindi kayo masundan ni Jaime."

Paliwanag ni Issay.

Pagaari ni Don Miguel ang buong isla kaya hindi basta basta pwedeng makapasok dun ang sino man na walang pahintulot.

"Maganda pong balita yan, diba Kate MyLabs?"

Excited na sabi ni Mel pero kinakabahan naman si Kate.

Nginitian nito si Mel para hindi magalala.

Hindi na kasi nya makontrol ang emosyon nya lately, at napapansin na ni Mel na emotionally stress na sya.

Worried si Mel pag ganito si Kate.

Gabi na kaya hindi na hinayaan ni Issay na magpiloto si Kate kaya pinahatid na lang nya ang mga ito sa isang tauhan nila.

Pag alis ng dalawa, saka naman kinausap ni Issay ang asawa.

"Irog ko, nakaalis ang dalawa papuntang Sinag."

Sabi ni Issay sa asawang si Don Miguel.

"Magaling. Hehe!"

Ngingiti ngiti ito na parang kinikiliti.

Napataas tuloy ang kilay ni Issay.

"Tapatin mo nga ako Irog ko, may usapan ba kayo ni Gene?"

Napatingin si Don Miguel sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin, Irog ko?"

"Kasi, imposible ang nangyari kay Gene. Kahit ganun katanda na yun, malakas pa rin at mabilis kumilos, kaya paano sya nabugbog ng ganun?"

'Grabesya, nakalimutan na ba nya na mas matanda ako ng halos sampung taon kay Gene.'

"Wala kaming pinagusapan, Irog ko."

"Talaga? Bakit iba ang feeling ko? Feeling ko kasi .... sinadya ni Gene magpabugbog para si Kate ang kusang magtungo sa Sinag Island para pamahalaan ang Elite Group."

Sabi ni Issay sabay ngiti sa asawa.

'Grabe 'tong asawa ko, ang tanda na ang talas pa rin ng pakiramdam.'

Sabi ng isip ni Don Miguel.

"Eh, Irog ko, hindi naman sa ganun. Sinabi ko lang kay Gene ang plano kong ibigay kay Kate ang pamamahala ng Elite Group at nangako syang tutulong para makumbinsi ito. Hehe!"

"Ahhh, kaya pala."

"Kaya pala ano?"

"Kaya pala ganyan kang makangiti, ng sabihin kong papunta ng Sinag Island ang magasawa."

Chương tiếp theo