webnovel

Kagaya Mo!

Hello, Dante!"

Bati ni Gene sa negosyante.

Nagulat si Dante Valden ng biglang magpakita sa kanya ang matandang heneral.

Kilala nya ito at minsan na nyang hinahangaan sa kagitingan nito.

Hindi nya nga lang akalain na magkakaroon ito ng anak na katulad ni Jaime.

Well, maging si Gene ay hindi rin akalaing magiging ganito ang anak nya, matutulad sa kapatid nyang si Anthon na may pagka praning kung magisip.

Minsan iniisip ni Gene...

'Saan ba ako nagkamali at saan ako nagkulang sa pagpapalaki kay Jaime?'

"General Gene, malaki ang respeto ko sa inyo. Wala ho tayong dapat pagusapan!"

Alam ni Dante ang rason kung bakit andito ang matandang heneral.

"Papaanong wala eh mga apo ko ang pinupuntirya mo sa kasalanan ng ama nila!"

"Gusto ko lang hong maranasan ng anak nyo ang sakit ng naranasan ko sa nangyari sa anak ko! Tingnan nyo ang nangyari sa kanya!"

Tiningnan ni Gene ang kaawa awang babae na wala na sa katinuan.

Nakatingin ito sa kawalan at walang expression ang mga mata.

Hindi na inaalis ni Dante ang anak sa paningin nya, lagi nyang kasama saan man sya magpunta.

"Pwede pa syang magamot at may kilala akong makakatulong sa kanya. Sasagutin ko rin lahat ng gastos! Kung papayag ka?"

Sabi ni Gene.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya kong ipagamot ang anak ko at gagawin ko 'to pagkatapos kong maghiganti sa anak mo!"

Singhal ni Dante na ikinagulat ng anak nito at takot na takot na sumiksik sa isang sulok at tinakpan ang mukha.

"No Princess hindi galit si Daddy... "

Pero hindi sya tiningnan man lang ng anak nya, nakasiksik pa rin ito at ayaw syang makita.

Wala syang nagawa kundi tawagan ang care giver ng anak para dalhin ito sa silid nya.

"Bakit ba ang tindi ng galit mo sa anak ko? Alam mong ang tanging kasalanan nya lang ay ang hindi pakikialam sa nangyari sa anak mo? Bakit hindi ang mga subordinates nya na nagbigay sa anak mo bilang regalo? At bakit hindi yung mga kidnappers ng anak mo na kumidnap sa kanya ang pagdiskitahan mo?"

Tanong ni Gene.

"Bakit? Dahil sa kawalang pakialam ng anak mo General!Dahil hindi ko man lang sya nakikitang nagsisi sa nangyari sa anak ko!

Hindi ginusto ng anak ko ang nangyari sa kanya, pero imbis na tulungan sya ni Jaime na mahuli ang mga kidnappers, mas ginusto nya na huwag makialam!"

Sagot ni Dante

"Gusto mong iparamdam sa anak kong si Jaime na pabaya syang ama, tama ba?

Kagaya mo, na naging pabaya din kaya naging ganyan ang anak mo!"

Nagpupuyos sa galit si Dante sa sinabi ni Gene.

Nasapol kasi nito ang totoong nararamdaman ni Dante. Nagiguilty sya sa nangyari sa anak nya.

Nagdilim ang paningin ni Dante, kinuha nito ang baseball bat na nasa mesa at inihambalos kay Gene ng buong lakas.

Pero hindi umilag si Gene, ni hindi nya sinangga ang mga susunod pang hampas ng baseball bat.

Tiniis nya ito at hinayaan lang si Dante na paulit ulit syang hambalusin.

Sa labas, narinig ng alalay ni Gene ang nangyayari sa loob.

Patakbo nitong tinungo ang sala, sinagasaan nya lahat ng humarang sa kanyang mga security ni Dante hanggang makarating ito sa sala at sinalo ang hampas ng baseball bat at sapilitang inagaw kay Dante.

Saka nilapitan si Gene na duguan at wala ng malay.

Tila natauhan naman si Dante ng makita ang wala ng malay at puro dugong si General Gene.

Natakot ito.

Lalapit na sana ni Dante si Gene ng binuhat ito ng alalay nya.

"Pasalamat ka at nangako ako kay General na hindi kita papatulan. Pero ayaw ko ng makitang lalapit ka sa kanya!

Sa susunod na lapitan mo sya, hindi na ako magdadalawang isip na saktan ka!"

At tumakbo na ito palabas, gamit ang baseball bat na pinang hawi sa mga bantay.

Sa Hacienda Isabel.

Nasa isang bench sa ilalim ng puno sila Mel at Kate. Nakaupo si Mel sa at nakahiga naman si Kate na nakaunan ang ulo sa hita ng asawa.

Masayang pinagmamasdan ni Mel ang mukha ng natutulog na si Kate ng biglang...

"Grampy!"

Nagising ito at tila takot na takot!

Hingal na naupo, hindi nya napansin na tumutulo na pala ang mga luha nya.

"Grampy!"

Impit ang boses na napaiyak si Kate.

Hindi maintindihan ni Mel kung bakit umiiyak si Kate

"Bakit, Wifey ano bang napanaginipan mo?"

"Si Grampy, may nangyari kay Grampy!"

At umiyak na ito ng umiyak.

"Shhhh... tahan na, tahan na, huwag ka ng umiyak!

Buti pa tawagan natin yung alaalay nyang si Ace!"

Bigla din kinabahan si Mel dahil alam nyang nasa byahe pa si Gene at saka ... yung huling sinabi nito na parang namamaalam na.

Pero hindi nila makontak si Ace dahil sa mga oras na iyon kausap nya si Belen at inirereport ang mga nangyayari.

"Lintek ka Ace! Isa lang ang utos ko sa'yo, huwag mong pababayaan ang asawa ko! Bakit hinayaan mong mangyari ito sa kanya!"

Nanggigil sa galit si Belen.

"Pasensya na po Madam!"

Walang nagawa si Ace kundi humingi ng tawad kay Belen dahil nagiguilty sya sa nangyari sa matandang heneral.

Nadala na ito sa ospital pero maliit na ospital lang ito at hindi kumpleto ang gamit, kailangan nilang mailipat agad.

"Kamusta ang lagay nya?"

Tanong ni Belen.

"Malubha pa rin po at wala pa ring malay! Binibigyan pa po sya ng lunas pero.... kailangan daw pong madala sa isang malaking ospital. Kulang daw po ang gamit nila dito at sa kalagayan ni General, kailangan po nya ng mga specialista dahil kung hindi .... "

Hindi matapos ni Ace ang sasabihin nya.

Jusko ang asawa ko!'

Nakaramdam ng panghihina si Belen.

Si Gene ang ikalawang asawa ni Belen, pareho silang biyudo ng mag pakasal.

Ang unang asawa nito ay si Will na humaliling mayor sa kanyang ama sa bayan ng San Roque.

Bago namatay ang una nyang asawa, may natanggap din syang tawag tulad nito.

Hindi tuloy alam ni Belen ang gagawin. Sa pangalawang pagkakataon mararanasan na naman nya ito.

Nasa kritikal na kalagayan ang asawa nya sa isang malayong lugar.

Nang mga oras na iyon na natataranta sya, ayaw nyang mangyari ulit ang nangyari nuon sa una nyang asawa. Gusto nya itong makitang buhay.

Nasa ganun pagiisip si Belen ng biglang tumawag si Kate.

Hindi nya alam kung sasagutin ba nya ang batang ito lalo na at natetensyon sya.

"Granny please answer the phone! Please!"

Chương tiếp theo