Nung isang araw, bago ang tanan, umuwi si Kate sa bahay nila sa Little Manor sa bayan ng San Miguel, para sabihin sa ina ang isang magadang balita.
Ngunit ang napakagandang balita ay nauwi sa isang hindi magandang pangyayari.
Nagkataon kasing naroon din ang Daddy ni Kate na si Jaime at hindi nito nagustuhan ang ibinalita ng anak.
"Mommy! Mommy! Nagpropose na po sa akin si Melabs ko, tingnan nyo po, engage na po ako! Hihihi!"
Masayang balita ni Kate sa ina habang ipinapakita nito ang engagement ring nya.
"Ate, ikakasal ka na? Abay ako ha!"
Sabi ng bunso nyang kapatid na si Khim na excited na rin dahil makakapagsuot sya ng gown at makakapag make up pa.
Sa edad nyang 15 hindi pa sya pinapayagan ng Mommy nya na mag make up.
Kunsabagay kahit naman ang Mommy nya pulbos at lipstick na lang ang at ang Ate Kate nya ay hindi talaga nagme make up kahit lipstick.
Wala silang hilig. Minsan lang nya nakikita ang mga itong mag make up pag may malaking events gaya ng kasal.
"Syempre, naman bunso! Hihihi!"
Hindi magkamayaw ang saya ni Kate, kitang kita sa kilos niya at pananalita. Para itong lumilipad sa alapaap.
"Wow, talaga, iha? Magandang balita yan, kelan ang kasal, ha?"
Excited na tanong ni Nadine ang Mommy ni Kate.
Matagal ng inaantay ni Nadine na magsabi ang anak dahil matagal na naman din ang relasyon ng dalawa at aminado syang medyo naiinip na rin sya.
Gusto na nyang magka apo kay Kate.
'Nasa tamang edad na ang batang ito at hindi na rin sya bumabata!'
At isa pa, wala naman syang maiireklamo kay Mel dahil sobrang bait na bata nito.
'Mahal na mahal nya ang anak ko at alam kong si Mel lang ang makakapag paligaya kay Kate.'
'Sya lang ang nakakapag palabas ng tunay na ngiti ni Kate! Hehe!'
"Ehem! Anong kasal? Sinong magpapakasal?"
Nagulat ang magiina sa biglang pagdating ni Jaime.
Sundalo si Jaime, isang heneral, madalas madestino, kaya hindi ito laging nauwi ng bahay.
Hindi nga lang alam ni Nadine kung totoong nasa destino ang asawa, pero batid nyang may bahay ito sa kampo at may balibalitang may ibinabahay ito duon.
Hinahayaan na lang sya na ganito ni Nadine.
Pagod na sya sa asawa nya.
"Kate? ikaw ba? Kanino?
Huwag mong sabihing duon sa lalamya lamyang Mel na yun?
Hindi ako makakapayag?!"
Inis na sabi ni Jaime
'Juskupo naman, bakit ba ang daming araw, ngayon pa naisipang umuwi ng taong ito?'
Sabi ni Nadine sa isip nya.
Pero si Kate, naupo lang sa sopa at parang hindi narinig ang tanong ng ama.
Sanay na ito sa Daddy nya.
Simula kasi ng mag start ang relasyon nila ni Mel kinokontra na ito ng ama.
"Hindi ako makakapayag! Marami namang lalaki dyan, bakit SYA PA? Para kang mauubusan ng lalaki!"
Singhal ni Jaime kay Kate.
Pero hindi sya sinagot ni Kate, ni hindi sya nito dinapuan ng tingin kahit sulyap man lang.
Kumirot ang puso ni Jaime sa asal ng anak sa kanya.
Tumayo ito at nagpaalam sa ina.
"Mommy, akyat na po ako!"
Sabay talikod ni hindi man lang tiningnan ang ama na parang wala duon, tuloy tuloy lang sya sa pagakyat.
"Aba't .... Hoy, bastos ka ah!"
Sigaw ni Jaime.
Pero patuloy pa rin sa pagakyat si Kate.
Hindi nya gustong bastusin ang ama, hindi nya lang makontrol ang sarili nya.
Galit na galit na sya.
At ayaw nyang magalit sa harap ng Mommy nya kaya mas minabuti nyang umakyat na lang upang hindi nila makita ang mga luhang unti unting dumadaloy sa mga pisngi nya.
Ayaw nyang makita ito ng ama lalo na ng kanyang ina.
Ayaw nyang malaman nila na nasasaktan din sya.
Ngunit, makakaligtas ba kay Nadine ang ikinikilos ng anak?
Alam nyang nasasaktan ito, at kasalan yun ng bwisit na asawa nya na hindi nya maintindihan kung bakit lagi na kontrabida sa relasyon ng dalawa.
"Hoy, Jaime, umayos ka nga! Trenta anyos na yang anak mo, kaya wala na sa lugar ang pagtutol mo!"
Singhal ni Nadine sa asawa.
"Bwisit ka, ang dami mong drama sa buhay!"
Dugtong pa ni Nadine sabay alis at nagtungo sa kusina.
Sumasakit na ang ulo nya sa asawa nya.
Napatingin si Jaime sa bunso nyang si Khim na naiwan din sa sala, busy sa cellphone.
"Galit na naman sa akin ang Mommy mo! Sa tuwing uuwi ako lagi na lang galit ang Mommy mo!"
Sabi ni Jaime sa anak na nagsusumbong.
Si Khim lang ang tangi nyang masusumbungan sa pamilyang ito.
"Eh kasi naman po Daddy, totoo naman matanda na si Ate Kate! How many years na po kayong sinusuyo ni Kuya Mel para pumayag na makasal sila but until now, hindi pa rin po kayo pumapayag!
Hanggang ngayon po ba iniexpect nyo pa ring maghihiwalay yung dalawa?
Dad, may deadline po ang matres ng babae!"
Sabi ni Khim na hindi inaalis ang tingin sa cellphone nya
Hindi nakaimik si Jaime.
'Bakit ba napaka smart ng mga babae sa pamilyang 'to?'
"Saka po Daddy, hindi po galit si Mommy sa inyo, wala lang po talaga syang pakialam sa inyo!"
Dugtong pa ni Khim.
Alam nyang gusto pang makipagusap ng ama pero sya ayaw na nya.
'I'm only 15! I want to enjoy may teen age life! Ayoko ng heavy drama!'
Kaya nag focus muli ito sa cellphone.
At si Jaime, inis pa rin ito.
Naiinis sya dahil hindi na sya pinakikinggan ng pamilya nya.
Wala ng pakialam sa kanya ang asawa nya at ang anak naman nya ay hindi pinakikinggan ang gusto nya.
"Kahit na anong mangyari hindi ako makakapayag na magpakasal sya sa lalamya lamyang Mel na yun! Ni hindi nga ako sigurado kung lalaki nga iyon!
Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga ang anak ko kesa makasal sa Mel na yun!"
Galit na galit itong umakyat sa taas at nagtungo sa silid ni Kate.
BHAG! BHAG! BHAG!
Binabayo ni Jaime ang silid ng anak.
Alam nyang naka lock ito. Lagi kasing nila lock ni Kate ang silid nya pag narito ang ama.
"KATE! BUKSAN MO 'TONG PINTO, MAGUSAP TAYO!"
Kinabahan si Nadine ng marinig ang ingay sa taas.
"At talaga naman .... "